イザヤ書 65 – JCB & TCB

Japanese Contemporary Bible

イザヤ書 65:1-25

65

さばきと救い

1主はこう告げます。

「わたしのことを聞きもしなかった民が、

今ではわたしを捜し出す。

かつてわたしを捜しもしなかった民が、

わたしを見いだす。

2ところが、イスラエルはどうだろう。

わたしが一日中手を広げて招いているのに、

今も逆らっている。

自分の思いどおりに悪の道を歩き続けている。

3多くの園で偶像を拝み、家の屋上で香をたき、

いつもわたしを怒らせている。

4夜は夜で、墓地や洞窟へ出かけて悪霊を拝み、

豚や、その他の禁じられているものを食べる。

5それでいて、人には平然と、

『そばに来るな。汚らわしい。

おれはおまえよりきよいのだ』と言う。

彼らを見ると、わたしは息苦しくなる。

昼も夜も、わたしを怒らせるからだ。

6さあ、これが、わたしの書いた声明文だ。

『わたしは黙っていない。きっと報復する。

そうだ、間違いなく報復する。』

7彼らの罪だけではない。

先祖の罪にも報復する。

先祖たちも、山々の上で香をたき、

丘の上でわたしを侮辱したからだ。

今こそ、いやと言うほど悪に報いよう。

8だが、全部を滅ぼすわけではない。

悪いぶどうの房に

良いぶどうも混ざっていることだから、

イスラエル人全部を滅ぼしはしない。

中には、心のきよい、わたしのしもべもいるのだ。

9その残りの者を取っておき、イスラエルの地を与える。

わたしの選ぶ者がその地を受け継ぎ、

そこでわたしに仕えるようになる。

10わたしを尋ね求めた者のために、

シャロンの平野は再び羊の群れで埋まり、

アコルの谷は家畜の群れを飼う所となる。

11しかし、それ以外の者たちには容赦しない。

彼らはわたしと神殿とを捨て、

『幸運』と『運命』の神々を拝んできた。

12それゆえ、剣に渡す『運命』に定めよう。

また、彼らの『幸運』は暗いものとなろう。

わたしが呼んだ時にこたえず、

わたしが語った時に聞こうとしなかったからだ。

そればかりか、わたしの目の前でわざと罪を犯し、

よりによってわたしの憎むことをしてきた。」

13それで、神である主は告げます。

「おまえたちは飢えるが、

わたしのしもべたちは十分に食べる。

おまえたちはのどが渇くが、彼らは存分に飲む。

おまえたちは悲しみに沈み、恥を見るが、彼らは喜ぶ。

14おまえたちは、悲しみと苦しみと絶望の中で

泣き叫ぶが、彼らは喜びのあまり歌いだす。

15おまえたちの名は、わたしの民の間で、

のろいの代名詞となる。」

それは、主があなたがたを殺し、

真の主のしもべをほかの名で呼ぶからです。

16「しかし、祝福を祈り求め、誓う者がみな、

まことの神の御名を使うようになる日が来る。

わたしが怒りを静め、

おまえたちのした悪事を忘れるからだ。

新しい天と地

17わたしは新しい天と地とを造る。

それは目をみはるほどすばらしいので、

もうだれも、古い天と地とを思い出さなくなる。

18わたしの造るものをいつまでも喜びなさい。

わたしはエルサレムを、幸福の都として建て直す。

そこに住む者はいつも喜びにあふれる。

19エルサレムとわたしの民は、わたしの喜びだ。

そこにはもう、泣き声や叫び声は聞かれない。

20生まれてすぐに死ぬ赤ん坊はいなくなる。

百歳まで長生きしても、まだ老人とは呼ばれない。

その若さで死ぬのは罪人だけだ。

21-22その時には、

家を建てればいつまでも住むことができる。

昔のように、外国の軍隊が侵入し、

家を壊されることはない。

わたしの民はぶどう園を作り、

取れた実を自分で食べる。

敵が横取りすることはない。

だれもが木の寿命ほども長生きし、

丹精して作った穀物を、

長い間楽しみながら食べる。

23せっかく刈り入れた物が敵の食糧になったり、

生まれた子どもが戦場で死んだりすることはない。

彼らは主に祝福され、その子らも祝福されるからだ。

24彼らが呼ぶ前から、わたしは答える。

彼らが困って相談を持ちかけるとき、

わたしは先回りして、彼らの祈りに答える。

25狼と子羊はいっしょに草を食べ、

ライオンは牛のようにわらを食べ、

蛇はちりを食べて、人にはかみつかない。

その時、わたしの聖なる山で、

傷つくものは一人もなく、壊れるものは一つもない。」

主はそう語ります。

Tagalog Contemporary Bible

Isaias 65:1-25

Parusa at Kaligtasan

1Sumagot ang Panginoon, “Nagpakilala ako sa mga taong hindi nagtatanong tungkol sa akin. Natagpuan nila ako kahit na hindi nila ako hinahanap. Ipinakilala ko ang aking sarili sa kanila kahit na hindi sila tumatawag sa akin.

2“Patuloy akong naghintay sa mga mamamayan kong matitigas ang ulo at hindi sumusunod sa mabuting pag-uugali. Ang sinusunod nila ay ang sarili nilang isipan. 3Ginagalit nila ako. Ipinapakita nila sa akin ang patuloy nilang pagsamba sa kanilang mga dios-diosan sa pamamagitan ng paghahandog sa mga halamanan at pagsusunog ng mga insenso sa bubong ng kanilang mga bahay. 4Umuupo sila kung gabi sa mga libingan at sa mga lihim na lugar para makipag-usap sa kaluluwa ng mga patay. Kumakain sila ng karne ng baboy at ng iba pang pagkain na ipinagbabawal na kainin. 5Sinasabi nila sa iba, ‘Huwag kang lumapit sa akin baka akoʼy madungisan. Mas banal ako kaysa sa iyo!’ Naiinis ako sa ganitong mga tao. At ang galit ko sa kanila ay parang apoy na nagniningas sa buong maghapon.”

6-7Sinabi pa ng Panginoon, “Makinig kayo, nakasulat na ang hatol para sa aking mga mamamayan. Hindi maaaring manahimik na lamang ako; maghihiganti ako. Gagantihan ko sila ng nararapat sa kanilang mga kasalanan pati ang mga kasalanan ng kanilang mga ninuno. Sapagkat nagsunog sila ng mga insenso at nilapastangan ako sa mga bundok at mga burol. Kaya gagantihan ko sila ng nararapat sa kanilang mga ginawa.” 8Sinabi pa ng Panginoon, “Hindi sinisira ang kumpol ng ubas na may mga sirang bunga, dahil ang magandang bunga ay mapapakinabangan pa. Ganyan din ang gagawin ko sa aking mga mamamayan, hindi ko sila lilipulin lahat. Ililigtas ko ang mga naglilingkod sa akin. 9May ititira akong mga buhay sa mga lahi ni Jacob pati sa lahi ni Juda at sila ang magmamana ng aking lupain na may maraming bundok. Sila na aking mga pinili at mga lingkod ang siyang maninirahan sa lupaing ito. 10Pagpalain ko silang mga lumalapit sa akin. Ang mga Lambak ng Sharon at Acor ay magiging pastulan ng kanilang mga hayop. 11Pero paparusahan ko kayong mga nagtakwil sa akin at nagbalewala sa banal kong bundok. Sa halip ay naghandog kayo sa mga dios-diosang pinaniniwalaan ninyong nagbibigay sa inyo ng suwerte at magandang kapalaran. 12Kaya inilaan ko sa inyong lahat ang kapalarang mamamatay. Sapagkat nang tumawag ako, hindi kayo sumagot; nang nagsalita ako, hindi kayo nakinig. Gumawa kayo ng masama sa harapan ko; kung ano ang ayaw ko, iyon ang ginagawa ninyo. 13Kaya ako, ang Panginoong Dios ay nagsasabing, ang aking mga lingkod ay kakain at iinom, pero kayoʼy magugutom at mauuhaw. Matutuwa sila, pero kayoʼy mapapahiya. 14Aawit sila sa tuwa, pero kayoʼy iiyak sa lungkot at sama ng loob. 15Ang inyong mga pangalan ay susumpain ng aking mga pinili, at ako, ang Panginoong Dios, ang papatay sa inyo. Pero ang aking mga lingkod ay bibigyan ko ng bagong pangalan. 16Ang sinumang magsasabi ng pagpapala o manunumpa sa lupain ng Israel, gagawin niya ito sa pangalan ko – ang Dios na tapat.65:16 Dios na tapat: o, Dios na nagsasabi ng totoo. Sapagkat kakalimutan ko na ang mga nagdaang hirap, at itoʼy papawiin ko na sa aking paningin.

17“Makinig kayo! Gagawa ako ng bagong langit at bagong lupa. Ang dating langit at lupa ay kakalimutan na. 18Kaya magalak kayo at magdiwang ng walang hanggan sa aking gagawin. Sapagkat ang Jerusalem ay gagawin kong kagalakan ng mga tao, at ang kanyang mga mamamayan ay magbibigay din ng kagalakan. 19Magagalak ako sa Jerusalem at sa kanyang mga mamamayan. Hindi na maririnig doon ang iyakan at paghingi ng tulong o mga pagdaing. 20Doon ay walang mamamatay na sanggol o bata pa. Ang sinumang mamamatay sa gulang na 100 taon ay bata pa, at ang mamamatay nang hindi pa umaabot sa 100 taon ay ituturing na pinarusahan ko. 21Sa mga panahong iyon, magtatayo ang aking mga mamamayan ng mga bahay at titirhan nila ito. Magtatanim sila ng mga ubas at sila rin ang aani ng mga bunga nito. 22Hindi na ang mga kaaway nila ang makikinabang sa kanilang mga bahay at mga tanim. Sapagkat kung papaanong ang punongkahoy ay nabubuhay nang matagal, ganoon din ang aking mga mamamayan at lubos nilang pakikinabangan ang kanilang pinaghirapan. 23Hindi sila magtatrabaho nang walang pakinabang at ang kanilang mga anak ay hindi daranas ng kamalasan. Sapagkat silaʼy mga taong pinagpapala ng Panginoon. At ang kanilang mga anak ay kasama nilang pinagpala. 24Bago pa sila manalangin o habang silaʼy nananalangin pa lang, sasagutin ko na sila. 25Sa mga araw na iyon magkasamang kakain ang asong lobo at mga tupa, pati mga leon at mga baka ay kakain ng damo. At ang mga ahas ay hindi na manunuklaw. Wala nang mamiminsala o gigiba sa aking banal na bundok ng Zion. Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito.”