Psalm 40 – HOF & TCB

Hoffnung für Alle

Psalm 40:1-18

Echter Gottesdienst

1Ein Lied von David.

2Voll Zuversicht hoffte ich auf den Herrn,

und er wandte sich mir zu und hörte meinen Hilfeschrei.

3Ich war in eine verzweifelte Lage geraten –

wie jemand, der bis zum Hals

in einer Grube voll Schlamm und Kot steckt!

Aber er hat mich herausgezogen und auf festen Boden gestellt.

Jetzt haben meine Füße wieder sicheren Halt.

4Er gab mir ein neues Lied in meinen Mund,

einen Lobgesang für unseren Gott.

Das werden viele Leute hören, sie werden den Herrn wieder achten

und ihm ganz neu vertrauen.

5Glücklich ist, wer sein Vertrauen auf den Herrn setzt

und sich nicht mit den Überheblichen und den Lügnern einlässt!

6Herr, mein Gott, du bist einzigartig!

Du hast so viele Wunder getan, alles hast du sorgfältig geplant!

Wollte ich das schildern und beschreiben –

niemals käme ich zum Ende!

7Dir geht es nicht um Schlachtopfer und andere Gaben;

du verlangst keine Brandopfer und Sündopfer von mir.

Sondern offene Ohren hast du mir gegeben,

um auf dich zu hören und dir zu gehorchen.

8Deshalb antworte ich: »Herr, hier bin ich!

Was im Buch des Gesetzes steht, das gilt mir.40,8 Oder: Im Buch des Gesetzes ist von mir geschrieben.

9Ich will gerne deinen Willen tun, mein Gott,

dein Gesetz ist mir ins Herz geschrieben.«

10Vor der ganzen Gemeinde erzähle ich voll Freude,

wie gerecht du bist und handelst.

Herr, du weißt: Nichts kann mich abhalten, davon zu reden!

11Nie will ich verschweigen, dass du für Recht sorgst.

Vor der ganzen Gemeinde rede ich von deiner Treue und Hilfe;

ich erzähle, wie ich deine große Liebe erfahren habe.

12Herr, du wirst mir niemals dein Erbarmen versagen,

deine Liebe und Treue werden mich stets bewahren.

13Unlösbare Schwierigkeiten türmen sich vor mir auf.

Meine Verfehlungen haben mich eingeholt,

und die Folgen sind nicht mehr zu überblicken.

Jeder Mut hat mich verlassen.

14Herr, ich bitte dich: Rette mich,

komm mir schnell zu Hilfe!

15Wer mir nach dem Leben trachtet,

der soll scheitern und öffentlich bloßgestellt werden.

Wer sich über mein Unglück hämisch freut,

den jage mit Schimpf und Schande davon!

16Alle, die schadenfroh lästern: »Haha, das geschieht dir recht!«,

sollen vor Schreck erstarren über ihre selbst verschuldete Schande!

17Aber alle, die nach dir fragen,

sollen vor Freude jubeln!

Wer dich als Retter kennt und liebt,

soll immer wieder rufen: »Groß ist der Herr

18Ich bin hilflos und ganz auf dich angewiesen;

Herr, sorge für mich, denn du bist mein Helfer und Befreier!

Mein Gott, zögere nicht länger!

Tagalog Contemporary Bible

Salmo 40:1-17

Salmo 4040 Salmo 40 Ang unang mga salita sa Hebreo: Ang awit na isinulat ni David para sa direktor ng mga mang-aawit.

Awit ng Pagpupuri sa Panginoon

1Akoʼy matiyagang naghintay sa Panginoon,

at dininig niya ang aking mga daing.

2Para akong nasa malalim at lubhang maputik na balon,

ako ay kanyang iniahon at itinatayo sa malaking bato, upang hindi

mapahamak.

3Tinuruan niya ako ng bagong awit,

ang awit ng pagpupuri sa ating Dios.

Marami ang makakasaksi at matatakot sa Dios,

at silaʼy magtitiwala sa kanya.

4Mapalad ang taong sa Panginoon nagtitiwala,

at hindi lumalapit sa mga mapagmataas,

o sumasamba sa mga dios-diosan.

5Panginoon kong Dios, wala kayong katulad.

Napakarami ng kahanga-hangang bagay na inyong ginawa para sa amin,

at ang inyong mga plano para sa amin ay marami rin.

Sa dami ng mga itoʼy hindi ko na kayang banggitin.

6Hindi kayo nalulugod sa ibaʼt ibang klaseng handog.

Hindi kayo humihingi ng handog na sinusunog at handog para sa kasalanan.

Sa halip, ginawa nʼyo akong masunurin sa inyo.

7Kaya sinabi ko,

“Narito ako. Sa inyong Kasulatan ay nakasulat ang tungkol sa akin.

8O Dios, nais kong sundin ang kalooban ninyo.

Ang inyong mga kautusan ay iniingatan ko sa aking puso.”

9Sa malaking pagtitipon ng inyong mga mamamayan, inihayag ko ang inyong pagliligtas sa akin.

At alam nʼyo, Panginoon, na hindi ako titigil sa paghahayag nito.

10Hindi ko sinasarili ang pagliligtas nʼyo sa akin.

Ibinabalita ko na kayo ay nagliligtas at maaasahan.

Hindi ako tumatahimik kapag nagtitipon ang inyong mga mamamayan.

Sinasabi ko sa kanila ang inyong pag-ibig at katotohanan.

11Panginoon, huwag nʼyong pigilin ang awa nʼyo sa akin.

Ang inyong pag-ibig at katapatan ang laging mag-iingat sa akin.

12Hindi ko na kayang bilangin ang napakarami kong suliranin.

Para na akong natabunan ng marami kong kasalanan,

kaya hindi na ako makakita.

Ang bilang ng aking mga kasalanan ay mas marami pa kaysa sa aking buhok.

Dahil dito, halos mawalan na ako ng pag-asa.

13Panginoon, pakiusap!

Iligtas nʼyo ako at kaagad na tulungan.

14Mapahiya sana at malito ang lahat ng nagnanais na mamatay ako.

Magsitakas sana sa kahihiyan ang lahat ng mga nagnanais na akoʼy mapahamak.

15Pahiyain nʼyo nang lubos ang mga nagsasabi sa akin, “Aha! Napasaamin ka rin!”

16Ngunit ang mga lumalapit sa inyo ay magalak sana at magsaya.

Ang mga nagpapahalaga sa inyong pagliligtas ay lagi sanang magsabi,

“Dakilain ang Panginoon!”

17Ako naman na dukha at nangangailangan,

alalahanin nʼyo ako, Panginoon.

Kayo ang tumutulong sa akin.

Kayo ang aking Tagapagligtas.

Aking Dios, agad nʼyo akong tulungan.