Hiob 41 – HOF & TCB

Hoffnung für Alle

Hiob 41:1-26

1Trügerisch ist jede Hoffnung, ihn zu fangen;

sein bloßer Anblick wirft dich schon zu Boden!

2Wenn es niemand wagen kann,

ihn auch nur zu reizen,

wer will dann mir erst gegenübertreten?

3Wer hat mir jemals etwas gegeben,

das er nun von mir zurückfordern könnte?

Mir gehört die ganze weite Welt.

4Ich will dir den Leviatan41,4 Vgl. die Anmerkung zu Kapitel 40,25. beschreiben,

seine Stärke und die Schönheit seiner Gestalt:

5Wer ist in der Lage, ihm den Panzer auszuziehen,

wer wagt es, ihm zwischen die Zähne zu greifen?

6Wer kann das Tor seines Mauls aufbrechen,

das von den fürchterlichen Zähnen verteidigt wird?

7Und schau dir seinen Schuppenpanzer an:

wie eine Reihe von Schilden, fest miteinander verbunden!

8Eine Schuppenplatte sitzt neben der anderen,

kein Lufthauch geht zwischen ihnen hindurch!

9Sie hängen fest aneinander

und sind so eng verbunden,

dass niemand sie auseinanderreißen kann.

10Licht blitzt auf, wenn er schnaubt,

und seine Augen funkeln wie die ersten Sonnenstrahlen.

11Aus seinem Rachen schießen Feuerflammen,

und die Funken sprühen.

12Aus seinen Nüstern quillt der Rauch

wie aus einem Kessel über dem Feuer.

13Sein Atemstoß setzt Kohlen in Brand,

eine Flamme schießt aus seinem Rachen hervor.

14Sein Nacken strotzt vor Kraft;

wo dieses Ungeheuer hinkommt, da geht die Angst voraus.

15Die Hautfalten am Bauch sind fest und straff,

als wären sie gegossen.

16Seine Brust ist hart wie Stein,

ja, so fest wie ein Mühlstein.

17Wenn sich der Leviatan erhebt,

geraten selbst Helden in Angst und Schrecken

und wissen nicht mehr aus noch ein.

18Jeder Schwerthieb gegen ihn bleibt ohne Wirkung;

Speer, Pfeil und Lanze prallen ab.

19Waffen aus Eisen fürchtet er nicht mehr als einen Strohhalm,

und Bronze ist für ihn wie morsches Holz.

20Mit Pfeilen lässt er sich nicht in die Flucht jagen,

Schleudersteine hält er bloß für Grashälmchen

21und eine Keule für dürres Stroh.

Er kann nur lachen, wenn die Speere auf ihn sausen.

22Unter seinem Bauch ragen Zacken hervor;

sie lassen Spuren im Schlamm zurück,

als wäre ein Dreschschlitten darübergefahren.

23Er lässt die Tiefe brodeln wie kochendes Wasser,

das Meer wallt auf wie Salbe im Kochtopf.

24Er hinterlässt eine glitzernde Spur;

man denkt, das Meer hätte silbernes Haar.

25Keiner auf der Erde reicht an ihn heran –

er ist ein Geschöpf, das Furcht nicht kennt.

26Selbst auf die Größten sieht er herab,

er, der König aller stolzen Tiere!«

Tagalog Contemporary Bible

Job 41:1-34

1Job, mabibingwit mo kaya ang dragon na Leviatan? Matatalian mo kaya ang nguso niya ng lubid? 2Matatalian mo ba ng lubid ang ilong niya o mailalagay mo kaya ang kawil sa kanyang panga? 3Kapag nagawa mo iyon, makikiusap kaya siyang lagi sa iyo na pakawalan mo siya, o di kayaʼy magmakaawa siya sa iyo? 4Makikipagkasundo kaya siya sa iyo na magpapaalipin habang buhay? 5Magagawa mo kaya siyang parang alagang ibon o maibibigay mo ba siya sa iyong mga anak41:5 mga anak: o, mga alipin. na babae para kanilang laruin? 6May negosyante kayang bibili sa kanya at hihiwa-hiwain siya para ipagbili? 7Tatalaban kaya ng matulis na sibat ang kanyang ulo o balat? 8Kapag hinawakan mo siya, maaalala mo kung gaano ito kahirap hulihin at masasabi mong hinding-hindi ka na uulit. 9Walang saysay ang mga pagsisikap na hulihin siya, dahil makita mo pa lang siyaʼy maduduwag ka na. 10Kung sa kanya ngaʼy walang mangangahas gumambala, sino pa kayang mangangahas na lumaban sa akin? 11Sino ang makapagsasabing may utang na loob ako sa kanya? Ang lahat dito sa mundo ay akin.

12“Sasabihin ko pa sa iyo ang tungkol sa katawan ng Leviatan at kung gaano siya kalakas at kamakapangyarihan. 13Sinong makakatuklap ng kanyang balat o makakatusok nito? 14Sino ang makakapagpabuka ng kanyang bunganga? Ang mga ngipin niyaʼy nakakatakot. 15Ang likod niyaʼy may makakapal na kaliskis na parang panangga na nakasalansan. 16-17Sobrang dikit-dikit na ito na kahit ang hangin ay hindi makakalusot at walang makakatuklap nito. 18Kapag sumisinga siya, may lumalabas na parang kidlat at ang kanyang mga mata ay mapula na parang bukang-liwayway. 19Bumubuga siya ng apoy, 20at umuusok ang ilong na ang usok ay parang nagmumula sa kumukulong palayok na may nagliliyab na panggatong. 21Ang hininga niyaʼy makapagpapabaga ng uling dahil sa apoy na lumalabas sa kanyang bunganga. 22Nasa leeg ang kanyang lakas, at ang makakita sa kanya ay kinikilabutan. 23Kahit ang kanyang mga laman ay siksik at matitigas. 24Matigas din ang puso niya, kasintigas ng gilingang bato. 25Kapag siyaʼy tumayo, takot na takot pati ang mga makapangyarihang tao. 26Walang espada, sibat, pana, o palasong makakapanakit sa kanya. 27Para sa kanya ang bakal ay kasinlambot lang ng dayami at ang tanso ay para lang bulok na kahoy. 28Hindi niya iniilagan ang mga pana. Ang mga batong tumatama sa kanyaʼy nagiging parang mga ipa lang. 29Ang mga kahoy na ipinapalo ay parang mga dayami lang sa kanya. At pinagtatawanan lang niya ang mga humahagibis na sibat na isinisibat sa kanya. 30Ang tiyan niyaʼy may mga kaliskis na matalim, na parang mga basag na bote. Kaya kapag gumagapang siya sa putik, nag-iiwan siya ng mga bakas. 31Kinakalawkaw niya ang dagat hanggang bumula na parang kumukulong tubig sa palayok o kumukulong langis sa kaldero. 32Ang tubig na kanyang dinadaanan ay bumubula, parang puting buhok kung tingnan. 33Wala siyang katulad dito sa mundo. Isa siyang nilalang na walang kinatatakutan. 34Minamaliit niya ang lahat ng mayayabang na hayop. Siya ang hari ng lahat ng mababangis na hayop sa gubat.”