אגרת פולוס השנייה אל-הקורנתים 13 – HHH & TCB

Habrit Hakhadasha/Haderekh

אגרת פולוס השנייה אל-הקורנתים 13:1-14

1זוהי הפעם השלישית שאבוא אליכם. הכתובים אומרים שעל־פי שניים או שלושה עדים יקום כל דבר. 2כבר הזהרתי אתכם פעם אחת בביקורי הקודם, ועתה בהעדרי אני חוזר על האזהרה: בשובי אליכם הפעם לא אחוס על אלה שחטאו מקודם ועל כל הראויים לעונש.

3אוכיח לכם מעל כל ספק שהמשיח אכן מדבר באמצעותי. המשיח שבו אתם מאמינים אינו חלש לפניכם, אלא חזק בתוככם! 4המשיח אמנם נצלב בחולשה, אך עתה הוא חי בגבורת אלוהים. כך גם אנחנו חלשים, כשם שהמשיח היה חלש, אך אנו נחיה עמו למענכם בגבורת אלוהים.

5בחנו את עצמכם וראו אם אתם עומדים במבחן: האם אתם באמת מאמינים במשיח? האם אתם מרגישים בקרבכם את נוכחותו וגבורתו? או האם אמונתכם במשיח אינה אלא העמדת פנים? 6אני מקווה שאתם מסכימים אתי שעברתי מבחן זה בהצלחה.

7אני מתפלל לאלוהים שלא תעשו רע – לא כדי להוכיח את הצלחתנו, אלא כדי שתעשו את הטוב גם אם כלפי חוץ ייראה שנכשלנו. 8תפקידנו לעודד את הטוב בכל עת, ולא לקוות לרע.13‏.8 יג 8 או: כי איננו יכולים לעשות דבר נגד האמת אלא רק בעד האמת.

9אנו תמיד מוכנים להיות חלשים, אם פרוש הדבר שאתם חזקים. משאלתנו ותפילתנו היא שתתבגרו באמונתכם.

10אני כותב לכם עתה מכתב זה בתקווה שלא אצטרך לנזוף בכם או להעניש אתכם בבואי, כי ברצוני להשתמש בסמכות שנתן לי האדון לחזק אתכם ולא להענישכם.

11אני מסיים מכתבי במילים הבאות: שמחו, התבגרו באמונתכם, שימו לב לדברים שאמרתי, חיו באהבה ובשלום. מי ייתן שאלוהי האהבה והשלום יהיה עמכם.

12‏-13ברכו איש את רעהו לשלום בנשיקה קדושה. כל המאמינים המשיחיים מוסרים לכם דרישת שלום.

14מי ייתן שחסד אדוננו ישוע המשיח, אהבת האלוהים וחברת רוח־הקודש יהיו עם כולכם.

Tagalog Contemporary Bible

2 Corinto 13:1-13

Pangwakas na mga Bilin at mga Pangangamusta

1Ito na ang pangatlong pagdalaw ko sa inyo. Sinasabi sa Kasulatan, “Ang anumang kaso ng isa laban sa kapwa ay dapat patotohanan ng dalawa o tatlong saksi.”13:1 Deu. 19:15. 2Ngayon, binabalaan ko ang mga nagkasala noon, pati na rin ang lahat, na walang sinumang makakaligtas sa aking pagdidisiplina. Sinabi ko na ito noong pangalawang pagbisita ko riyan, at inuulit ko ngayon habang hindi pa ako nakakarating. 3Gagawin ko ito para patunayan sa inyo na si Cristo ay nagsasalita sa pamamagitan ko, dahil ito rin ang hinahanap ninyo sa akin. Hindi siya mahina sa pakikitungo sa inyo, kundi makapangyarihan. 4Kahit na nagpakababa siya13:4 nagpakababa siya: o, mahina siya. nang ipako sa krus, nabubuhay siya ngayon sa kapangyarihan ng Dios. Ganoon din naman, nagpapakababa rin kami13:4 nagpapakababa rin kami: o, mahina rin kami. bilang mga mananampalataya ni Cristo. Pero nabubuhay kami sa kapangyarihan ng Dios para makapaglingkod sa inyo.

5Suriin ninyo ang inyong sarili kung talagang may pananampalataya kayo kay Cristo. Tingnan ninyong mabuti ang inyong sarili. Hindi nʼyo ba alam na si Cristo ay nasa inyo? – maliban na lang kung hindi kayo tunay na mananampalataya. 6Umaasa akong makikita ninyo na tunay kaming mga apostol ni Cristo. 7Ipinapanalangin namin sa Dios na hindi kayo gagawa ng kahit anumang masama. Ginagawa namin ito hindi para ipakita sa mga tao na sinusunod ninyo ang aming mga itinuturo, kundi para patuloy kayong gumawa ng tama, kahit sabihin man nilang hindi kami tunay na mga apostol. 8Kailanman ay hindi kami gagawa ng labag sa katotohanan, kundi ang naaayon lamang sa katotohanan. 9Nagagalak kami dahil sa aming pagpapakumbaba ay naging matatag kayo sa inyong pananampalataya. At ipinapanalangin namin na walang makitang kapintasan sa inyo. 10Kaya nga isinusulat ko ito ngayon habang wala pa ako riyan, para pagdating ko, hindi ko na kailangang maging marahas sa paggamit ng kapangyarihang ibinigay ng Panginoon sa akin. Sapagkat nais kong gamitin ang kapangyarihang ito para sa inyong ikabubuti at hindi sa inyong ikapapahamak.

11Hanggang dito na lamang, mga kapatid, at paalam na sa inyo.13:11 paalam na sa inyo: o, magalak kayo. Sikapin ninyo na walang makitang kapintasan sa inyo, at sundin ninyo ang mga payo ko. Magkaisa kayo at mamuhay nang payapa. Nang sa ganoon, ang Dios na pinanggagalingan ng pag-ibig at kapayapaan ay sasainyo.

12Magbatian kayo bilang mga magkakapatid kay Cristo.13:12 bilang mga magkakapatid kay Cristo: sa literal, sa pamamagitan ng banal na halik.

Kinukumusta kayong lahat ng mga mananampalataya13:12 mga mananampalataya: Tingnan ang “footnote” sa 8:4. rito.

13Nawaʼy sumainyong lahat ang biyaya ng ating Panginoong Jesu-Cristo, ang pag-ibig ng Dios, at ang pakikipag-isa ng Banal na Espiritu.13:13 Makikita sa ibang salin na ang talata 12 ay ginawang dalawang talata kaya ang talata 13 ay naging 14. Sa saling ito, ang sinunod ay ang pamamaraan ng pagtatalata na makikita sa kopyang Griego.