אגרת פולוס הראשונה אל-התסלוניקים 2 – HHH & TCB

Habrit Hakhadasha/Haderekh

אגרת פולוס הראשונה אל-התסלוניקים 2:1-20

1אחים יקרים, הלא יודעים אתם שביקורנו אצלכם היה מאוד פורה. 2למרות העינויים והחרפה שסבלנו בפיליפי, נתן לנו אלוהים אומץ לבוא ולבשר גם לכם את הבשורה על־אף אויבינו הרבים.

3מכאן יכולים אתם לראות שאיננו מדברים אליכם מתוך טעות, ושמניעינו טהורים וטובים. 4אנו שליחי אלוהים והוא סומך עלינו שנאמר את האמת בלבד. איננו משתדלים למצוא־חן בעיני בני־אדם, אלא בעיני אלוהים שחוקר ובוחן את לבנו. 5כידוע לכם, איש אינו יכול לומר שניסינו לקנות את לבכם בדברי חלקות במטרה לסחוט מכם כסף, ואלוהים יכול להעיד על כך. 6מעולם לא ביקשנו כבוד מבני־אדם – לא מכם ולא ממישהו אחר, אף כי בתוקף סמכותנו כשליחי המשיח זכאים אנו למעט כבוד מכם! 7התנהגנו אתכם בעדינות וברכות, כמו אם שדואגת לילדיה. 8באהבתנו הרבה אליכם היינו מוכנים לתת לכם לא רק את בשורת אלוהים, אלא אף את חיינו.

9אחים יקרים, אתם ודאי זוכרים כמה קשה עבדנו בעת שבישרנו לכם את בשורת אלוהים. יומם ולילה עמלנו והזענו כדי להרוויח את לחמנו, כי לא רצינו שמישהו מכם ייאלץ לשאת בעול פרנסתנו. 10גם אלוהים וגם אתם עדים לכך שנהגנו עם כל אחד מכם ביושר, קדושה ואהבה. 11הזהרנו אתכם כאב שמזהיר את ילדיו – הזוכרים אתם? – התחננו לפניכם, עודדנו אתכם, ואף דרשנו מכם 12לחיות את חייכם בצורה ראויה בעיני אלוהים שמזמין אתכם לחלק עמו את כבודו ומלכותו.

13אנו ממשיכים להודות לאלוהים על שלא התייחסתם לבשורה שהבאנו לכם כאילו המצאנו אותה בעצמנו, אלא האמנתם שאלה הם באמת דברי אלוהים חיים, ועל כן הם שינו את חייכם.

14ואז, אחים יקרים, החלו בני עמכם להציק לכם ולרדוף אתכם, כפי שקהילות האלוהים ביהודה נרדפו על־ידי בני־עמם היהודים. 15לאחר שהרגו את נביאיהם הרגו גם את האדון ישוע, ואף גירשו ורדפו אותנו. הם עושים את הרע בעיני האדם ובעיני אלוהים, 16ואינם מניחים לנו לבשר לגויים, מחשש שאחדים מהם ייוושעו. כך מתרבים חטאיהם עד שלבסוף ישפוך עליהם אלוהים את זעמו.

17אחים יקרים, זמן קצר לאחר שנפרדנו מכם (בגופנו אך לא בנפשנו!) תקפו אותנו געגועים עזים אליכם, 18ונכספנו לשוב ולראותכם. אני, פולוס, ניסיתי לשוב אליכם פעמים רבות, אך השטן מנע זאת מאיתנו. 19ככלות הכול אתם תקוותנו, שמחתנו וגאוותנו לנוכח אדוננו ישוע בבואו. 20שכן הינכם כבודנו ושמחתנו.

Tagalog Contemporary Bible

1 Tesalonica 2:1-20

1Mga kapatid, kayo na rin ang nakakaalam na hindi nasayang ang pagpunta namin diyan sa inyo. 2Alam nʼyo ang mga paghihirap at pag-aalipusta na dinanas namin sa Filipos bago pa man kami dumating diyan sa inyo. Pero sa kabila nito, binigyan kami ng Dios ng lakas ng loob na ipangaral ang Magandang Balita sa inyo, kahit na maraming hadlang. 3Ang pangangaral namin ay hindi batay sa kamalian, masamang hangarin o sa balak na manlinlang. 4Sa halip, nangangaral kami bilang mga karapat-dapat na katiwala ng Dios ng kanyang Magandang Balita. Ginagawa namin ito hindi para kalugdan kami ng mga tao kundi ng Dios na siyang sumisiyasat sa mga puso namin. 5Alam nʼyo rin na hindi namin kayo dinaan sa matatamis na pananalita sa pangangaral namin at hindi rin kami nangaral para samantalahin kayo. Ang Dios mismo ang saksi namin. 6Hindi namin hinangad ang papuri ninyo o ng sinuman, 7kahit may karapatan kaming tumanggap nito bilang mga apostol ni Cristo. Sa halip, naging maaruga kami sa inyo tulad ng isang mapagkalingang ina sa mga anak niya. 8At dahil mahal namin kayo, hindi lang ang Magandang Balita ang malugod naming ibinigay sa inyo kundi pati na rin ang buhay namin, dahil napamahal na kayo sa amin. 9Tiyak na natatandaan nʼyo pa, mga kapatid, ang pagsisikap namin noong nasa inyo pa kami. Habang ipinangangaral namin ang Magandang Balita ng Dios, araw-gabi kaming nagtatrabaho para hindi kami maging pabigat sa inyo. 10Saksi namin kayo at ang Dios na ang pakikitungo namin sa inyong mga mananampalataya ay tapat, matuwid at walang kapintasan. 11Alam ninyong katulad ng isang ama sa kanyang mga anak ang turing namin sa bawat isa sa inyo. 12Pinalakas namin ang loob nʼyo, pinayuhan at hinikayat na mamuhay nang karapat-dapat sa Dios na humirang sa inyo para sa kanyang kaharian at kadakilaan.

13Lagi rin kaming nagpapasalamat sa Dios dahil nang tanggapin nʼyo ang pangangaral namin, tinanggap nʼyo ito hindi bilang salita ng tao, kundi bilang salita ng Dios na kumikilos sa buhay ninyong mga sumasampalataya. 14Mga kapatid, ang mga nangyayari sa inyo ay tulad din ng nangyayari sa mga iglesya ng Dios sa Judea na nakay Cristo Jesus. Kung anong paghihirap ang dinaranas nʼyo sa kamay ng mga kababayan nʼyo, ito rin ang paghihirap na dinaranas nila sa kamay ng kapwa nila Judio. 15Silang mga Judio ang pumatay sa Panginoong Jesus at sa mga propeta noon. Sila rin ang mga taong umuusig sa amin. Hindi nalulugod ang Dios sa ginagawa nila, at maging ang lahat ng taoʼy kinakalaban nila. 16Hinahadlangan nila ang pangangaral namin ng salita ng Dios sa mga hindi Judio na siyang ikaliligtas ng mga ito. Dahil dito, umabot na sa sukdulan ang mga kasalanan nila at hahatulan na sila ng Dios.

Ang Hangarin ni Pablo na Makadalaw Muli sa Tesalonica

17Mga kapatid, nananabik na kaming makita kayong muli, kahit sandali pa lang kaming nawalay sa inyo. Nawalay nga kami sa katawan, pero hindi sa isipan. 18Gusto naming bumalik diyan sa inyo, lalung-lalo na ako, si Pablo. Maraming beses naming binalak na dalawin kayo pero hinadlangan kami ni Satanas. 19Gusto naming bumalik, dahil walang ibang nagbibigay sa amin ng pag-asa at kagalakan kundi kayo. Hindi baʼt kayo rin ang maipagmamalaki namin sa harap ng Panginoong Jesu-Cristo sa pagbabalik niya? 20Tunay nga na kayo ang karangalan at kagalakan namin.