Otkrivenje 10 – CRO & TCB

Knijga O Kristu

Otkrivenje 10:1-11

Anđeo i mali svitak

1Ugledam zatim još jednoga jakog anđela kako silazi s neba okružen oblacima, s dugom iznad glave. Lice mu je sjalo poput sunca, a noge poput ognjenih stupova. 2U ruci je imao maleni razvijeni svitak. Desnom nogom stane na more, a lijevom na zemlju 3pa poviče glasno kao da lav riče. Kad vikne, zatutnji sedam gromova.

4Kad je progovorilo sedam gromova htio sam to zapisati, ali začujem glas s neba: “Sačuvaj tajnim što je reklo sedam gromova. To ne zapisuj.”

5Zatim snažni anđeo što je stajao na moru i na zemlji podigne desnu ruku prema nebu. 6Zakune se u ime onoga koji živi u vijeke vjekova, koji je stvorio nebo i sve u njemu, zemlju i sve na njoj, more i sve u njemu te reče: “Bog više neće čekati. 7Kad se oglasi trublja sedmoga anđela, Božji će se tajni naum ispuniti, kao što je svojim slugama navijestio po prorocima.”

8Evo glasa s neba: “Idi i uzmi razvijen svitak od anđela koji stoji na moru i na zemlji.”

9Pristupim mu zato i zamolim ga da mi dade svitak. “Uzmi ga i pojedi”, reče mi. “U ustima će ti biti sladak kao med, ali kad ga progutaš, zagorčit će ti utrobu.” 10Uzmem ga iz njegove ruke i pojedem. U ustima mi je bio sladak, ali mi je zagorčio utrobu. 11Zatim mi reče: “Moraš opet prorokovati narodima, pucima i kraljevima.”

Tagalog Contemporary Bible

Pahayag 10:1-11

Ang Anghel at ang Maliit na Kasulatan

1Pagkatapos nito, isa na namang makapangyarihang anghel ang nakita ko, bumababa siya mula sa langit. Nababalot siya ng mga ulap at may bahaghari sa kanyang ulo. Ang mukha niya ay nagliliwanag tulad ng araw at ang mga paa niya ay parang nagliliyab na apoy. 2May hawak siyang maliit na kasulatang nakabukas. Itinuntong niya sa dagat ang kanang paa niya at sa lupa naman ang kaliwa. 3Sumigaw siya nang malakas na parang atungal ng leon, at tinugon naman siya ng dagundong ng pitong kulog. 4Isusulat ko na sana ang sinabi ng pitong kulog, ngunit may nagsalita sa akin mula sa langit, “Ilihim mo ang sinabi ng pitong kulog. Huwag mong isulat.”

5Itinaas ng anghel na nakatayo sa dagat at sa lupa, ang kanang kamay niya sa langit 6at nanumpa sa Dios na nabubuhay magpakailanman, na siyang lumikha ng langit, lupa at dagat, at ng lahat ng naroon. Sinabi ng anghel, “Hindi na magtatagal ang panahon. 7Kapag pinatunog na ng ikapitong anghel ang kanyang trumpeta, matutupad na ang lihim na plano ng Dios ayon sa sinabi ng mga propeta na kanyang lingkod.”

8Muling nagsalita sa akin ang tinig na mula sa langit. Sinabi niya, “Pumunta ka sa anghel na nakatayo sa dagat at sa lupa, at kunin mo sa kamay niya ang nakabukas na kasulatan.” 9Kaya lumapit ako sa anghel at hiningi ko ang kasulatang iyon. Sinabi niya sa akin, “Narito, kunin mo at kainin. Matamis ito na parang pulot sa bibig mo, ngunit magiging mapait sa tiyan mo.” 10Kinuha ko ang kasulatan sa kamay niya at kinain. Kasintamis nga ito ng pulot sa aking bibig, ngunit nang malunok ko na ay naging mapait sa aking tiyan.

11Pagkatapos, may nagsabi sa akin, “Kailangang ipahayag mong muli ang mensahe ng Dios tungkol sa ibaʼt ibang tao, bansa, wika at hari.”