Matej 23 – CRO & TCB

Knijga O Kristu

Matej 23:1-39

Isus opominje vjerske poglavare

(Mk 12:38-39; Lk 11:39-52; 20:45-46)

1Tada Isus reče mnoštvu i svojim učenicima: 2“Pismoznanci i farizeji službeni su tumači Svetoga pisma.23:2 U grčkome: su zasjeli na Mojsijevu stolicu. 3Zato činite i slušajte sve što vam kažu, ali nemojte slijediti njihov primjer jer oni sami ne čine ono što druge poučavaju. 4Tlače vas teškim teretom vjerskih zahtjeva, a ni prstom ne žele maknuti da vam taj teret pomognu nositi.

5Sve što čine, čine zato da ih ljudi vide. Trude se da ono što na sebi nose u znak pobožnosti—kutijice sa stihovima iz Svetoga pisma na čelu ili oko ruke te rese na odjeći—bude što veće i što duže. 6Na gozbama vole sjediti na pročelju stola, a u sinagogama na počasnome mjestu. 7Godi im kad ih ljudi pozdravljaju na javnim mjestima i kad ih zovu ‘Učitelju’.23:7 U grčkome: Rabbi.

8Vi nikome nemojte dopustiti da vas zove učiteljem jer imate samo jednoga učitelja, a svi ste vi ravnopravna braća i sestre.23:8 U grčkome: svi ste vi braća. 9I ne zovite nikoga ovdje na zemlji Ocem jer imate samo jednoga Oca—onoga na nebesima. 10I ne dajte da vas tko naziva vođom jer imate samo jednoga vođu: Krista. 11Tko je najveći među vama, neka vam bude sluga! 12Tko sebe uzvisuje, bit će ponižen, a ponizni će biti uzvišeni.

13Teško vama, pismoznanci i farizeji! Licemjeri! Zatvarate pred ljudima vrata u nebesko kraljevstvo. Sami ne ulazite u njega, a ne dopuštate da uđu ni oni koji bi htjeli.23:13 U nekim je rukopisima dodan i 14. stih: Teško vama, pismoznanci i farizeji! Bestidno lišavate udovice njihovih dobara, a prikrivate se dugim molitvama u javnosti. Zato ćete vam kazna biti veća.

15Teško vama, pismoznanci i farizeji! Licemjeri! Obilazite morem i kopnom da biste pridobili jednog sljedbenika, a kad vam postane sljedbenikom, učinite od njega sina paklenoga dvostruko gorega nego što ste i sami!

16Teško vama! Slijepi vođe! Tvrdite: ‘Zakune li se tko Hramom, to ne vrijedi. Ali zakune li se hramskim zlatom, onda ga zakletva obvezuje.’ 17Slijepe budale! Pa što je veće—zlato ili Hram koji posvećuje zlato? 18I još kažete: ‘Zakune li se tko žrtvenikom, to ne vrijedi. Ali zakune li se darom koji je na njemu, zakletva ga obvezuje.’ 19Slijepci! Što je veće? Žrtveni dar ili žrtvenik koji ga posvećuje? 20Tko se zakune žrtvenikom, kune se njime i svime što je na njemu. 21A tko se zakune Hramom, kune se njime i Onime koji u njemu prebiva. 22Tko se zakune nebom, kune se Božjim prijestoljem i Bogom koji na njemu sjedi.

23Teško vama, pismoznanci i farizeji! Licemjeri! Jer revno namirujete čak i desetinu metvice, i kopra, i kima, a zanemarujete ono najvažnije u Zakonu: pravednost, milosrđe i vjernost. Treba davati desetinu, ali ne smijete zanemarivati važnije stvari.23:23 U grčkome: Ovo je trebalo činiti, a ono ne propuštati. 24Slijepi vođe! Procjeđujete vodu da ne biste s njom popili i komarca, a kadri ste, ne opazivši, progutati i cijelu devu!

25Teško vama, pismoznanci i farizeji! Licemjeri! Toliko se trudite očistiti svoju čašu i zdjelu izvana, a napunili ste ih svojim grabežom i pohlepom. 26Slijepi farizeju! Očisti najprije ono što je u čaši, pa će i izvana biti čista.

27Teško vama, pismoznanci i farizeji! Vi ste poput obijeljenih grobova. Izvana izgledaju lijepo, a iznutra su prepuni mrtvačkih kostiju i svakojake prljavštine! 28Tako i vi ljudima izvana izgledate pravednima, a iznutra ste prepuni licemjerja i bezakonja.

29Teško vama, pismoznanci i farizeji! Licemjeri! Vi prorocima gradite grobnice i pravednicima kitite spomenike 30pa kažete: ‘Da smo živjeli u doba svojih otaca, ne bismo sudjelovali u prolijevanju proročke krvi.’ 31Tako sami protiv sebe svjedočite da ste sinovi onih koji su ubijali proroke. 32Dovršite, dakle, to što su oni započeli!23:32 U grčkome: Dopunite mjeru svojih otaca!

33Zmije! Leglo zmijsko! Kako ćete izbjeći osudi pakla? 34Šaljem vam, evo, proroke, mudrace i pismoznance. Neke ćete od njih ubiti i raspeti, druge bičevati po sinagogama i progoniti od grada do grada 35tako da na vas padne sva pravedna krv prolivena na zemlji, od krvi pravednog Abela pa do krvi Zaharije, sina Barahijina, kojega ste ubili između Hrama i žrtvenika. 36Zaista vam kažem, sva će ta krv pasti na ovaj naraštaj!”

Isus tuži nad Jeruzalemom

(Lk 13:34-35)

37“Jeruzaleme, Jeruzaleme, koji ubijaš proroke i kamenuješ Božje poslanike! Koliko sam puta htio okupiti tvoju djecu kao što kvočka skuplja piliće pod krila, ali niste htjeli! 38A sada će ti, eto, kuća biti napuštena. 39I kažem vam, nećete me više vidjeti sve dok ne uzviknete: ‘Blagoslovljen koji dolazi u ime Gospodnje!’”23:39 Vidjetii Psalam 118:26.

Tagalog Contemporary Bible

Mateo 23:1-39

Babala Laban sa mga Tagapagturo ng Kautusan at sa mga Pariseo

(Mar. 12:38-39; Luc. 11:43, 46; 20:45-46)

1Pagkatapos, nagsalita si Jesus sa mga tao at sa mga tagasunod niya. 2Sinabi niya, “Ang mga tagapagturo ng Kautusan at ang mga Pariseo ang kinikilalang tagapagpaliwanag ng Kautusan ni Moises. 3Kaya dapat ninyong pakinggan at sundin ang lahat ng itinuturo nila sa inyo. Pero huwag ninyong gayahin ang mga ginagawa nila dahil hindi nila ginagawa ang mga itinuturo nila. 4Ipinapatupad nila sa inyo ang mahihirap nilang kautusan, pero sila mismo ay hindi sumusunod sa mga ito. 5Ang lahat ng ginagawa nila ay pakitang-tao lang. At upang ipakita na napakarelihiyoso nila, nilalakihan nila ang kanilang mga pilakterya23:5 pilakterya: Maliit na kahon na nakabigkis sa kanilang mga noo at braso, na naglalaman ng mga talata mula sa Kasulatan. at hinahabaan ang laylayan23:5 laylayan: sa Ingles, “tassel.” Tingnan sa Bil. 15:37-39 at Deu. 22:12. ng kanilang mga damit. 6Mahilig silang umupo sa mga upuang pandangal sa mga handaan at mga sambahan. 7At gustong-gusto nilang batiin silaʼt igalang sa mga mataong lugar at tawaging ‘Guro.’ 8Ngunit huwag kayong magpatawag na ‘Guro,’ dahil lahat kayoʼy magkakapatid at iisa lang ang inyong Guro. 9At huwag ninyong tawaging ‘Ama’ ang sinuman dito sa lupa, dahil iisa lang ang inyong Ama, ang Amang nasa langit. 10Huwag din kayong magpatawag na ‘Amo,’ dahil iisa lang ang inyong amo, walang iba kundi ang Cristo. 11Ang pinakadakila sa inyo ay dapat maging lingkod ninyo. 12Ang nagpapakataas ng kanyang sarili ay ibababa ng Dios, at ang nagpapakababa ay itataas ng Dios.”

Tinuligsa ni Jesus ang mga Tagapagturo ng Kautusan at mga Pariseo

(Mar. 12:40; Luc. 11:39-42, 44, 52; 20:47)

13“Nakakaawa kayong mga tagapagturo ng Kautusan at mga Pariseo, kayong mga mapagkunwari! Hinahadlangan ninyo ang mga tao na mapabilang sa kaharian ng Dios. Kayo mismo ay ayaw mapabilang at pinipigilan pa ninyo ang mga gustong mapabilang! 14[Nakakaawa kayong mga tagapagturo ng Kautusan at mga Pariseo, kayong mga mapagkunwari. Dinadaya ninyo ang mga biyuda para makuha ang kanilang mga ari-arian, at pinagtatakpan ninyo ang inyong mga ginagawa sa pamamagitan ng mahabang pagdarasal. Dahil dito, tatanggap kayo ng mas mabigat na parusa!] 15Nakakaawa kayong mga tagapagturo ng Kautusan at mga Pariseo, kayong mga mapagkunwari! Nilalakbay ninyo ang dagat at lupa, mahikayat lang ang isang tao sa inyong pananampalataya. At kapag may nahikayat na kayo, ginagawa ninyo siyang mas masahol pa sa inyo at mas karapat-dapat pang parusahan sa impyerno! 16Kaawa-awa kayong mga bulag na tagaakay! Itinuturo ninyo na kung manunumpa ang isang tao sa templo, hindi niya ito kailangang tuparin. Ngunit kung manunumpa siya sa gintong nasa templo, dapat niya itong tuparin. 17Mga bulag! Mga hangal! Alin ba ang mas mahalaga, ang ginto o ang templo na nagpapabanal sa ginto? 18Itinuturo rin ninyo na kung manunumpa ang isang tao sa altar, hindi niya ito kailangang tuparin. Ngunit kung manunumpa siya sa handog na nasa altar, dapat niya itong tuparin. 19Mga bulag! Alin ba ang mas mahalaga, ang handog o ang altar na nagpapabanal sa handog? 20Kaya nga, kapag nanumpa ang isang tao sa altar, nanunumpa rin siya pati sa handog na nasa altar. 21Kapag nanumpa siya sa templo, nanunumpa rin siya pati sa Dios na naninirahan doon. 22At kapag nanumpa siya sa langit, nanunumpa rin siya pati sa trono ng Dios at sa Dios mismo na nakaupo roon.

23“Nakakaawa kayong mga tagapagturo ng Kautusan at mga Pariseo, kayong mga mapagkunwari! Ibinibigay nga ninyo kahit ang ikapu23:23 ikapu: sa Ingles, tenth o tithe. ng inyong mga pampalasa,23:23 pampalasa: Ang tatlong salitang ginamit sa Griego ay tumutukoy sa tatlong uri ng tanim na pampalasa sa pagkain. ngunit hindi naman ninyo sinusunod ang mga mas mahalagang utos tungkol sa pagiging makatarungan, mahabagin, at pagiging tapat. Dapat ngang magbigay kayo ng inyong mga ikapu, pero huwag naman ninyong kaligtaang gawin ang mga mas mahalagang utos. 24Mga bulag na tagaakay! Sinasala ninyo ang maliliit na insekto sa inyong inumin, pero lumululon naman kayo ng kamelyo!

25“Nakakaawa kayong mga tagapagturo ng Kautusan at mga Pariseo, kayong mga mapagkunwari! Nililinis ninyo ang labas ng tasa at pinggan ayon sa inyong seremonya, ngunit ang loob ng puso ninyoʼy puno naman ng kasakiman at katakawan.23:25 ngunit … katakawan: o, ngunit ang laman ng mga ito ay galing naman sa inyong kasakiman at katakawan. 26Mga bulag na Pariseo! Linisin muna ninyo ang loob ng tasa at baso, at magiging malinis din ang labas nito.23:26 Linisin … labas nito: Ang ibig sabihin, Dapat maging malinis ang kalooban ninyo, at magiging malinis din ang inyong mga iniisip at ginagawa. 27Nakakaawa kayong mga tagapagturo ng Kautusan at mga Pariseo, kayong mga mapagkunwari! Katulad kayo ng mga libingang pininturahan ng puti at magandang tingnan sa labas, pero ang nasa loob ay puro kalansay at iba pang maruruming bagay. 28Ganyang-ganyan kayo, dahil kung masdan kayo ng mga taoʼy parang tama ang ginagawa ninyo, pero sa loob ninyoʼy puno kayo ng pagkukunwari at kasalanan.”

Sinabi ni Jesus ang Kanilang Kaparusahan

(Luc. 11:47-51)

29“Nakakaawa kayong mga tagapagturo ng Kautusan at mga Pariseo, kayong mga mapagkunwari! Ipinapaayos ninyo ang mga libingan ng mga propeta at ng mga taong matuwid, at pinagaganda ninyo ang mga ito. 30At sinasabi ninyo na kung buhay sana kayo sa panahon ng inyong mga ninuno, hindi ninyo papatayin ang mga propeta tulad ng ginawa nila. 31Kung ganoon, inaamin nga ninyo na lahi kayo ng mga taong pumatay sa mga propeta! 32Sige, tapusin nʼyo ang sinimulan ng inyong mga ninuno! 33Mga ahas! Lahi kayo ng mga ulupong! Hindi nʼyo matatakasan ang kaparusahan sa impyerno! 34Kaya makinig kayo! Magpapadala ako sa inyo ng mga propeta, marurunong na tao at mga guro. Papatayin ninyo ang ilan sa kanila, at ang ibaʼy ipapako sa krus. Ang ibaʼy hahagupitin ninyo sa inyong sambahan, at uusigin ninyo sila saang lugar man sila pumunta. 35Dahil dito, mananagot kayo sa pagpatay sa lahat ng taong matuwid mula kay Abel hanggang kay Zacarias na anak ni Berekia, na pinatay ninyo sa pagitan ng templo at ng altar. 36Talagang kayong mga nabubuhay sa panahong ito ang mananagot sa lahat ng mga kasalanang ito.”

37“Kayong mga taga-Jerusalem, binabato ninyo at pinapatay ang mga propeta na sinugo ng Dios sa inyo. Maraming beses ko na kayong gustong tipunin at alagaan gaya ng isang inahing manok na nagtitipon at nagkakanlong ng kanyang mga sisiw sa ilalim ng kanyang mga pakpak, pero ayaw ninyo. 38Kaya bahala na kayo sa sarili ninyo. 39Sapagkat hindi nʼyo na ako makikita hanggang sa dumating ang panahon na sabihin ninyo, ‘Pagpalain ang dumarating sa pangalan ng Panginoon.’ ”23:39 Salmo 118:26.