民數記 14 – CCBT & TCB

Chinese Contemporary Bible (Traditional)

民數記 14:1-45

以色列人發怨言

1當晚,全體會眾放聲大哭,整夜哀號。 2他們埋怨摩西亞倫說:「我們還不如死在埃及或曠野! 3耶和華為什麼把我們領到這裡來,讓我們死於刀下?我們的妻兒必被擄去。我們還不如返回埃及。」 4他們彼此議論說:「我們選一位首領帶我們回埃及吧!」

5摩西亞倫俯伏在以色列全體會眾面前。 6打探迦南的人中,的兒子約書亞耶孚尼的兒子迦勒撕裂衣服, 7以色列全體會眾說:「我們去打探的地方是佳美之地。 8如果耶和華喜悅我們,祂必把我們帶到那片土地,將那奶蜜之鄉賜給我們。 9你們不要背叛耶和華,也不要害怕那裡的人,他們不過是我們的獵物,他們已失去庇護。耶和華與我們同在,不要怕他們。」 10但全體會眾威脅要用石頭打死他們二人。這時耶和華的榮光在會幕中向以色列人顯現。

11耶和華對摩西說:「這些人藐視我要到何時呢?我在他們中間行了這麼多神蹟,他們仍然不相信我。 12我要用瘟疫毀滅他們,不讓他們承受那片土地。但我要使你成為大國,比他們更強盛。」 13摩西對耶和華說:「你曾經用大能把以色列人從埃及領出來,埃及人聽說這事後, 14一定會告訴迦南的居民。那裡的居民早已聽說你耶和華與以色列人同在,你面對面向他們顯現,你的雲彩停留在他們上面,你白天用雲柱、黑夜用火柱引導他們。 15如果你把他們全部消滅,那些聽過你威名的列國就會議論說, 16『耶和華無法把以色列人領到祂起誓要賜給他們的地方,所以在曠野把他們殺了。』 17因此,求主彰顯偉大的權能,正如你所宣告的, 18『耶和華不輕易發怒,充滿慈愛;祂赦免罪惡和過犯,但決不免除罪責,必向子孫追討父輩的罪債,直到三四代。』 19從他們離開埃及直到現在,你一直在饒恕他們,求你以偉大的慈愛再次赦免這些人的罪。」

20耶和華說:「我聽你的祈求,赦免他們。 21但我憑我的永恆起誓,正如大地充滿我的榮耀一樣確實, 22-23他們絕對看不到我起誓要賜給他們祖先的土地,藐視我的人都看不到那片土地。這些人見過我的榮耀,見過我在埃及和曠野所行的神蹟,卻仍然不聽我的話,試探我十次之多。 24但我的僕人迦勒並非如此,他全心跟從我,所以我必帶他進入那片他去過的土地,讓他的子孫擁有那片產業。 25由於亞瑪力人和迦南人住在山谷中,明天你們要轉回,沿紅海的路前往曠野。」

26耶和華對摩西亞倫說: 27「這邪惡的會眾向我發怨言要到何時呢?我已聽見以色列人對我的埋怨。 28你們去把我的話告訴他們,『以色列人啊,我憑我的永恆起誓,我必照你們所說的對待你們。 29你們當中凡登記在冊、二十歲以上向我發怨言的人,必倒斃在這曠野中, 30耶孚尼的兒子迦勒的兒子約書亞之外,你們無人能進入我起誓應許的那片土地。 31你們說你們的兒女會被擄去,但我要把他們帶到那裡,讓他們享有那片你們厭棄的土地。 32而你們必死在這曠野。 33你們的兒女要在曠野飄泊四十年,為你們的不忠而受苦,直到你們都死在曠野。 34你們打探了那地方四十天,你們要為自己的罪受苦四十年,一年頂一天。那時,你們就知道與我為敵的後果。』 35我耶和華已經說過。我必使你們這群與我為敵的惡人死在曠野,無一倖免。」

36摩西派去打探迦南的人回來以後危言聳聽,以致會眾向摩西發怨言。 37打探的人因而染上瘟疫,死在耶和華面前, 38只有的兒子約書亞耶孚尼的兒子迦勒得以倖免。

39摩西傳達完耶和華的話後,以色列人非常悲傷。 40他們次日清早起來到山頂去,說:「我們知罪了,現在我們要去耶和華應許的地方。」 41摩西說:「你們為什麼要違背耶和華的命令?你們不會成功的。 42不要去!耶和華已經不在你們中間,你們會被敵人打敗。 43你們會遇見亞瑪力人和迦南人,並喪身在他們刀下,因為你們離棄耶和華,祂不再與你們同在。」 44儘管耶和華的約櫃和摩西都沒有出營,他們卻擅自上山頂去。 45住在山區的亞瑪力人和迦南人下來擊潰了他們,一路追殺他們到何珥瑪

Tagalog Contemporary Bible

Bilang 14:1-45

Nagrebelde ang mga Israelita

1Nang gabing iyon, humagulgol ang lahat ng mamamayan. 2Nagreklamo sila kina Moises at Aaron. Sinabi nila, “Mabuti pang namatay na lang tayo sa Egipto o rito sa disyerto. 3Bakit pa ba tayo dadalhin ng Panginoon sa lupaing iyon? Para lang ba mamatay tayo sa labanan at bihagin ang ating mga asawaʼt anak? Mabuti pa sigurong bumalik na lang tayo sa Egipto.” 4At nag-usap-usap sila, “Pumili tayo ng pinuno at bumalik sa Egipto!”

5Pagkatapos, nagpatirapa sina Moises at Aaron sa harapan ng lahat ng mamamayan ng Israel na nagkakatipon doon. 6Pinunit ni Josue na anak ni Nun at ni Caleb na anak ni Jefune ang kanilang mga damit sa kalungkutan. Ang dalawang ito ay kasama sa pag-espiya sa lupain. 7Sinabi nila sa mga mamamayan ng Israel, “Napakabuti ng lupaing aming pinuntahan. 8Kung nalulugod ang Panginoon sa atin, gagabayan niya tayo papunta sa lupang iyon – ang maganda at masaganang lupain,14:8 maganda at masaganang lupain: sa literal, lupain na dumadaloy ang gatas at pulot. at ibibigay niya ito sa atin. 9Huwag lang kayong magrerebelde sa Panginoon. At huwag kayong matatakot sa mga tao roon dahil matatalo natin sila. Walang tutulong sa kanila, pero ang Panginoon ang tutulong sa atin. Kaya huwag kayong matakot sa kanila.”

10Babatuhin sana sila ng buong kapulungan, pero biglang nagpakita sa kanila ang makapangyarihang presensya ng Panginoon sa ibabaw ng Toldang Tipanan. 11Sinabi ng Panginoon kay Moises, “Hanggang kailan pa ba ako itatakwil ng mga taong ito? Hanggang kailan pa ba sila hindi maniniwala sa akin sa kabila ng lahat ng mga himalang ginawa ko sa kanila? 12Padadalhan ko sila ng salot at papatayin ko sila, pero gagawin kitang isang bansa na mas makapangyarihan at matatag kaysa sa kanila.” 13Sinabi ni Moises sa Panginoon, “Ano na lang po ang sasabihin ng mga Egipcio kung mababalitaan nila ito? Hindi baʼt nalalaman nila na kinuha ninyo ang mga Israelita sa kanila sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan? 14Kapag pinatay po ninyo ang inyong mamamayan, sasabihin nila ito sa mga naninirahan sa Canaan. Narinig ng mga Cananeo na kayo, Panginoon ay sumasama sa mga Israelita, at nagpapakita sa kanila sa pamamagitan ng ulap na gumagabay sa kanila. Pinangungunahan nʼyo sila kapag gabi sa pamamagitan ng apoy na parang haligi, at kapag araw sa pamamagitan ng ulap na parang haligi rin. 15Ngayon, kapag pinatay po ninyong lahat ang inyong mamamayan, sasabihin ng mga bansang nakarinig ng inyong katanyagan, 16‘Hindi kayang dalhin ng Panginoon ang mga Israelita sa lupaing ipinangako niya sa kanila, kaya pinatay na lang niya sila sa disyerto.’

17“Kaya ngayon, O Panginoon, sana po ay ipakita ninyo ang inyong kapangyarihan ayon sa inyong sinabi na mapagmahal kayo 18at hindi madaling magalit, at mapagpatawad sa mga kasalanan ng tao. Pero pinarurusahan po ninyo ang mga nagkakasala, hanggang sa ikatlo at ikaapat na henerasyon. 19Ayon sa inyong dakilang pagmamahal, patawarin po ninyo ang mga kasalanan ng mga taong ito, gaya ng pagpapatawad ninyo sa kanila mula nang lumabas sila sa Egipto.”

20Sumagot ang Panginoon, “Patatawarin ko sila ayon sa iyong hiniling. 21Ngunit sumusumpa ako, ang Panginoong nabubuhay, habang ang buong mundo ay napupuno ng aking dakilang presensya, 22-23walang sinuman sa kanila ang makakapasok sa lupaing ipinangako ko sa kanilang mga ninuno. Dahil kahit nakita nila ang aking makapangyarihang presensya at ang mga himala na ginawa ko sa Egipto at sa disyerto, palagi pa rin nila akong sinusubok at hindi sila sumusunod sa akin. Kaya hindi makakapasok sa lupaing iyon ang mga nagtatakwil sa akin. 24Ngunit papapasukin ko sa lupain na kanyang tiningnan si Caleb na aking lingkod, dahil iba ang kanyang pag-uugali sa iba at sumusunod siya sa akin nang buong puso niya. Maninirahan ang kanyang mga angkan sa lupaing iyon. 25Huwag muna kayong dumiretso dahil may mga Cananeo at mga Amalekita na naninirahan sa mga lambak, kundi magbalik kayo bukas sa disyerto, sa daang papunta sa Dagat na Pula.” 26Sinabi ng Panginoon kina Moises at Aaron, 27“Hanggang kailan pa ba ang pagrereklamo sa akin ng masasamang mamamayang ito? Narinig ko ang mga reklamo ng mga Israelita. 28Kaya sabihin mo ito sa kanila: Ako, ang Panginoon na buhay, ay sumusumpa na gagawin ko sa inyo ang inyong hinihiling. 29Mamamatay kayo rito sa disyerto. Dahil nagreklamo kayo sa akin, walang kahit isa sa inyo na may edad na 20 taong gulang pataas 30ang makakapasok sa lupaing ipinangako ko na ibibigay sa inyo na inyong titirhan, maliban lang kay Caleb na anak ni Jefune at kay Josue na anak ni Nun. 31Tungkol naman sa inyong mga anak na sinabi ninyong bibihagin, dadalhin ko sila sa lupain na inyong itinakwil at magiging kanila ito. 32Ngunit mamamatay kayo sa disyerto. 33Ang inyong mga anak ay magiging tulad ng mga tagapagbantay ng tupa na palibot-libot sa disyerto sa loob ng 40 taon. Sa pamamagitan nito, magdurusa sila dahil sa inyong pagtataksil sa akin hanggang sa mamatay kayong lahat. 34Dahil ang mga espiya sa lupain ay tumira roon ng 40 araw, magdurusa rin kayo ng 40 taon dahil sa inyong kasalanan, para malaman ninyo kung paano ako magalit sa mga kumakalaban sa akin. 35Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito at siguradong gagawin ko ang mga bagay na ito sa masasamang mamamayang ito na nagkaisang kumalaban sa akin. Mamamatay silang lahat sa disyerto.”

36-37Ang mga taong inutusan ni Moises para sa pag-espiya, na nagbalita ng masama tungkol sa lupain na siyang naging dahilan ng pagrereklamo ng mga Israelita ay namatay sa karamdaman sa presensya ng Panginoon. 38Sa 12 espiya, si Josue na anak ni Nun at si Caleb na anak ni Jefune lang ang hindi namatay.

Natalo ang mga Israelita sa Kanilang Pagsalakay sa Canaan

(Deu. 1:41-46)

39Nang sinabi ito ni Moises sa lahat ng mga Israelita, nagluksa sila. 40At kinabukasan, maaga silang bumangon para umakyat sa kabundukan ng Canaan. Sinabi nila, “Napag-isip-isip namin na nagkasala kami, at ngayoʼy handa na kami sa pagpunta sa lugar na ipinangako ng Panginoon.”

41Pero sinabi ni Moises, “Bakit sinuway ninyo ang utos ng Panginoon na magbalik kayo sa disyerto? Hindi kayo magtatagumpay! 42Huwag kayong lalakad, dahil hindi kayo sasamahan ng Panginoon, at matatalo lang kayo ng inyong mga kaaway. 43Sa oras na makipaglaban sa inyo ang mga Cananeo at mga Amalekita, mamamatay kayo; hindi sasama ang Panginoon dahil siyaʼy itinakwil ninyo.” 44Pero naglakbay sila sa kabundukan ng Canaan kahit hindi sumama sa kanila si Moises at ang Kahon ng Kasunduan. 45Pagkatapos, sinalakay sila ng mga Amalekita at ng mga Cananeo na naninirahan doon sa kabundukan, at natalo sila, at hinabol pa sila hanggang sa Horma.