希伯來書 4 – CCBT & TCB

Chinese Contemporary Bible (Traditional)

希伯來書 4:1-16

信的人得享安息

1因此,上帝既然仍舊應許讓人進入祂的安息,我們就該戰戰兢兢,免得有人失去這福分。 2因為我們和他們一樣聽到了福音,只是他們聽了道後沒有憑信心領受,結果沒有得到益處。 3正如上帝曾說:

「我在憤怒中起誓說,

『他們絕不可進入我的安息。』」

但我們這些已經信的人能夠進入祂的安息。其實造物之工自創世以來就已經完成了, 4因為聖經論到第七日時說:「第七日,上帝歇了一切的工。」 5又說:「他們絕不可進入我的安息。」 6既然最終會有人進入安息,而那些從前聽過福音的人因為不信沒能進去, 7上帝就另定了一個日子,稱之為「今日」。正如多年後,祂藉著大衛說:

「你們今日若聽見祂的聲音,

不可心裡頑固。」

8如果當初約書亞已經讓他們得到了安息,上帝就不必另定一個日子了。 9這樣說來,必定另有一個安息日為上帝的子民存留,使他們可以真正安歇。 10因為人進入上帝的安息,就是歇了自己的工作,好像上帝歇了祂的工作一樣。 11因此,我們要竭力進入那安息,免得重蹈他們的覆轍,因不順服而倒斃。

12上帝的話有生命、有功效,鋒利無比,勝過一切兩刃的利劍,甚至能夠剌入並分開魂與靈、關節與骨髓,辨明人一切的思想和動機。 13受造物在上帝面前都無法隱藏,因為萬物都是赤裸裸地暴露在上帝眼前,我們必須向祂交帳。

大祭司耶穌

14我們既然有一位已經升上高天的尊貴大祭司——上帝的兒子耶穌,就應當持守我們所認定的信仰。 15因為我們這位大祭司並非不能體恤我們的軟弱,祂與我們一樣曾經面對各樣的試探,卻從來沒有犯罪。 16所以,讓我們坦然無懼地到祂賜恩的寶座前,好領受憐憫和恩典,作隨時的幫助。

Tagalog Contemporary Bible

Hebreo 4:1-16

1Ngunit kahit na ganoon ang nangyari sa kanila, nanatili pa rin ang pangako ng Dios na makakamtan natin ang kapahingahang mula sa kanya. Kaya mag-ingat tayo at baka mayroon sa atin na hindi magkakamit ng pangakong ito. 2Sapagkat nakarinig din tayo ng Magandang Balita katulad nila, pero naging walang saysay ang narinig nila dahil hindi sila sumampalataya. 3Tayong mga sumasampalataya ang magkakamit ng kapahingahang mula sa Dios. Ngunit hindi ito makakamit ng hindi sumasampalataya, dahil sinabi ng Dios,

“Sa galit ko, isinumpa kong hindi nila makakamtan ang kapahingahang galing sa akin.”4:3 Salmo 95:11.

Hindi ibig sabihin na wala pa ang kapahingahan. Ang totoo, nariyan na ito mula pa nang likhain ang mundo. 4Sapagkat sinasabi ng Kasulatan tungkol sa ikapitong araw,

“Sa ikapitong araw, nagpahinga ang Dios sa kanyang paglikha.”4:4 Gen. 2:2.

5At sinabi rin sa Kasulatan, “Hinding-hindi nila makakamtan ang kapahingahang galing sa akin.” 6Malinaw na niloob ng Dios na may magkakamit ng kapahingahang ito, pero ang mga nakarinig noon ng Magandang Balita ay hindi ito nakamtan dahil sa pagsuway nila sa kanya. 7Kaya muling nagtakda ang Dios ng isa pang pagkakataon, na walang iba kundi ngayon. Dahil pagkalipas ng matagal na panahon sinabi ng Dios sa pamamagitan ni David,

“Kung marinig nʼyo ngayon ang tinig ng Dios, huwag ninyong patigasin ang puso ninyo.”4:7 Salmo 95:7-8.

8Dahil kung tunay na nadala ni Josue sa kapahingahan ang mga tao noong una, hindi na sana nagsalita ang Dios tungkol sa isa pang kapahingahan. 9Kaya may kapahingahan pang nakalaan sa mga taong sakop ng Dios. At ang kapahingahang itoʼy katulad ng pagpapahinga ng Dios sa ikapitong araw. 10Sapagkat ang sinumang magkakamit ng kapahingahang mula sa Dios ay makapagpapahinga rin sa mga gawain niya, tulad ng pamamahinga ng Dios matapos niyang likhain ang lahat. 11Kaya sikapin nating makamit ang kapahingahang ito. Huwag nating tularan ang mga tao noong una na sumuway sa Dios, at baka hindi natin ito makamtan. 12Sapagkat buhay at mabisa ang salita ng Dios, at higit na matalas kaysa sa alinmang espadang magkabila ang talim. Tumatagos ito hanggang kaluluwaʼt espiritu, at hanggang sa kasu-kasuan at kaloob-looban ng buto. Nalalaman nito ang pinakamalalim na iniisip at hinahangad ng tao. 13Walang makapagtatago sa Dios. Nakikita niya at lantad sa paningin niya ang lahat, at sa kanya tayo mananagot.

Si Cristo ang Ating Punong Pari

14Kaya panghawakan nating mabuti ang pinaniniwalaan natin dahil mayroon tayong dakilang punong pari na pumasok sa kalangitan, na walang iba kundi si Jesus na Anak ng Dios. 15Nadarama rin ng ating punong pari ang lahat ng kahinaan natin, dahil naranasan din niya ang lahat ng pagsubok na dumarating sa atin, pero hindi siya nagkasala. 16Kaya huwag tayong mag-atubiling lumapit sa trono ng maawaing Dios para matanggap natin ang awa at biyayang makakatulong sa atin sa panahon ng pangangailangan.