那鸿书 2 – CCB & TCB

Chinese Contemporary Bible (Simplified)

那鸿书 2:1-13

尼尼微的覆灭

1尼尼微啊,

攻击者已经向你扑来。

你要进驻堡垒,

把守道路,

集中全力,

准备上阵!

2虽然掳掠者曾掳掠雅各

掳掠以色列

毁坏他们的葡萄树枝,

但耶和华必恢复雅各的荣耀,

恢复以色列的荣耀。

3他的勇士手持红色盾牌,

他的士兵身穿朱红战衣。

整装待发之日,

战车铁光闪闪,

松木矛枪在空中挥舞。

4战车在街道上狂奔,

在广场上横冲直撞,

亮如火炬,疾似闪电。

5亚述王召集将领,

他们一路跌跌撞撞,

奔上城墙,架起防御盾牌。

6河闸大开,王宫坍塌。

7王后赤身被掳;

宫女捶胸悲泣,

像鸽子一样哀鸣。

8尼尼微城自古以来就像聚水的池子,

如今居民却像泄漏的池水四散奔逃。

虽有人喊:“站住!站住!”

却无人回头。

9抢银子吧!抢金子吧!

城里有无尽的财富和数不清的宝物。

10尼尼微被洗劫一空!

被洗劫一空!

一片荒凉!

人们胆战心惊,双膝哆嗦,

浑身发抖,面色苍白。

11如今那狮子的洞穴,

那喂养壮狮的地方在哪里呢?

从前,雄狮、母狮和幼狮曾在那里出入,

无人惊扰。

12雄狮为幼狮撕碎充足的食物,

为母狮掐死猎物,

洞穴里堆满猎物,

堆满撕碎的肉。

13万军之耶和华说:

“我要与你为敌,

烧毁你的战车,

使刀剑吞噬你的壮狮;

我要使你无法再掳掠他国,

你使者的声音将从此消逝。”

Tagalog Contemporary Bible

Nahum 2:1-13

Ang Pagkawasak ng Nineve

1Mga taga-Nineve, sinasalakay na kayo ng inyong mga kalaban na magpapangalat sa inyo. Kaya guwardyahan ninyo ang pader ng inyong lungsod at bantayan ang mga daan. Tipunin ninyo ang inyong mga sundalo at humanda kayo sa digmaan. 2Kahit na nilipol ninyo ang Israel at Juda2:2 Israel at Juda: sa Hebreo, Jacob at Israel. na parang mga tanim na ubas2:2 na parang … ubas: o, at nawala ang kanilang mga awit. na pinatay, ibabalik ng Panginoon ang kanilang kapangyarihan.

3Pula ang kalasag at damit ng mga sundalo ng inyong kalaban. At sa oras ng kanilang pagsalakay kumikislap ang metal ng kanilang mga karwahe at nagtatatakbo ang kanilang mga kabayo.2:3 nagtatatakbo ang kanilang mga kabayo: Ito ang nasa Septuagint at sa Syriac. Sa Hebreo, iwinawagayway nila ang kanilang mga (sibat na gawa sa) kahoy na sipres. 4Humahagibis ang kanilang mga karwahe sa mga lansangan, parooʼt parito na sumusugod sa mga plasa. Nagliliwanag ang mga ito na parang sulo, at kumikislap na parang kidlat. 5Inuutusan ng hari ang mga opisyal ng mga kawal. Nagkakandarapa sila papunta sa mga pader para maglagay ng mga pananggalang para sa mga sundalong wawasak ng pader. 6Mabubuksan ang mga pintuan ng inyong lungsod sa bandang ilog at magigiba ang palasyo. 7Naipahayag na, na bibihagin kayo2:7 bibihagin kayo: sa literal, huhubaran kayo. at dadalhin sa ibang bayan. Uungol ang inyong mga utusang babae na parang kalapati habang dinadagukan nila ang kanilang dibdib dahil sa kalungkutan. 8Ang mga taong tumatakas mula sa Nineve ay parang tubig na umagos mula sa nawasak na imbakan ng tubig. Ang mga tumatakas ay pinapabalik ng kanilang mga kasama pero wala ni isa mang bumalik.

9Kayong mga sumasalakay sa Nineve, kunin ninyo ang mga pilak at ginto ng lungsod na ito dahil puno ito ng kayamanan. 10Malilipol, mawawasak at magiging mapanglaw na ang Nineve! Kaya natatakot ang mga mamamayan nito, nanghihina ang buong katawan nila, nanginginig ang kanilang mga tuhod, at namumutla silang lahat. 11-12Ang Nineve ay parang yungib na tinitirhan ng mag-asawang leon at ng mga anak nito. Walang pwedeng manakit sa kanila sa yungib. Pinapatay at nilalapa ng lalaking leon ang kanyang biktima at ibinibigay sa kanyang asawa at mga anak. Pinupuno niya ang kanyang yungib ng karne ng kanyang mga biktima.2:11-12 Ang ibig sabihin nito ay nag-iisip ang mga taga-Nineve na walang gagalaw sa kanila. Sinasalakay nila ang ibang mga bansa, sinasamsam ang mga ari-arian nito at dinadala sa kanilang lugar para ang kanilang mga mamamayan ay makinabang. Pero ngayon, ang Nineve ay wawasakin na. 13Sapagkat sinasabi ng Panginoong Makapangyarihan, “Makinig kayong mga taga-Nineve! Kalaban ko kayo! Kaya susunugin ko ang inyong mga karwahe at mamamatay sa digmaan ang inyong mga kawal.2:13 mga kawal: sa literal, mga batang leon. Wawakasan ko na ang inyong pambibiktima sa lupain. Hindi na kayo makapagpapadala ng mga mensahero sa ibang bansa.”