耶利米书 29 – CCB & TCB

Chinese Contemporary Bible (Simplified)

耶利米书 29:1-32

致信给被掳的人

1-2耶哥尼雅王、太后、宫廷侍臣、犹大耶路撒冷的官员、技工和工匠被尼布甲尼撒王掳到巴比伦后,耶利米先知从耶路撒冷寄信给被掳之人中幸存的长老、先知和众民。 3犹大西底迦沙番的儿子以利亚萨希勒迦的儿子基玛利把这封信送给巴比伦尼布甲尼撒。以下是信的内容:

4以色列的上帝——万军之耶和华对所有从耶路撒冷被掳到巴比伦的人说: 5“你们要建造房子住下来,要耕种田园,吃田中的出产。 6你们要娶妻生子,也要给你们的儿女娶妻选夫,使他们生儿育女,你们好在那里人丁兴旺,不致人口减少。 7你们要为所住的城市谋求福祉,向耶和华祷告,因为你们的福祉有赖于那城的福祉。” 8以色列的上帝——万军之耶和华说:“不要被你们中间的先知和占卜者欺骗,不要听信他们做的梦。 9他们以我的名义对你们说假预言,其实我并没有差遣他们。这是耶和华说的。”

10耶和华说:“你们被掳到巴比伦七十年期满后,我就要眷顾你们,成就我充满恩典的应许,把你们带回这地方。 11因为我知道我为你们安排的计划。我的计划不是要降祸给你们,而是要赐福给你们,使你们的未来充满希望。这是耶和华说的。 12那时,你们必呼求我,向我祷告,我也必垂听。 13你们寻求我,就必寻见。只要你们全心寻求我, 14我必让你们寻见。这是耶和华说的。我必把你们从流放之地招聚起来,使你们回到故土。这是耶和华说的。

15“你们说耶和华在巴比伦为你们选立了先知, 16但论到坐在大卫宝座上的君王和这城里的百姓,就是没有与你们一同被掳的同胞, 17万军之耶和华这样说,‘看啊,我必使战争、饥荒和瘟疫临到他们,使他们像烂得不能吃的无花果。 18我要使他们饱受战争、饥荒和瘟疫之灾,使他们的遭遇令天下万国惊惧。在我流放他们去的地方,他们必受凌辱、嘲笑、讥讽和咒诅。 19这都是因为他们不听我的话。这是耶和华说的。我曾屡次差遣我的仆人——众先知去警告他们,他们却不肯听。’这是耶和华说的。 20因此,你们这些从耶路撒冷被掳到巴比伦的人啊!要听耶和华的话。 21以色列的上帝——万军之耶和华说,‘哥赖雅的儿子亚哈玛西雅的儿子西底迦以我的名义说假预言,我要把他们交在巴比伦尼布甲尼撒的手中,让他当着你们的面处死他们。 22被掳到巴比伦犹大人咒诅人的时候会说,“愿耶和华使你的下场像被巴比伦王烧死的西底迦亚哈一样!” 23因为他们二人在以色列做了恶事,与他人的妻子通奸。我没有差派他们,他们却奉我的名说假预言。我知道他们的所作所为,我对这一切了如指掌。’这是耶和华说的。”

24耶和华吩咐我对尼希兰示玛雅说: 25以色列的上帝——万军之耶和华说,你曾以自己的名义写信给住在耶路撒冷的众民、玛西雅的儿子西番雅祭司及其他祭司。你在信中对西番雅说, 26‘耶和华已立你为祭司代替耶何耶大,管理耶和华的殿,负责拘捕妄自发预言的狂人,给他们戴上铁链枷锁。 27现在,亚拿突耶利米在你们当中自称为先知,你为什么不斥责他呢? 28他甚至寄信给我们这些在巴比伦的人,说被掳的日子还很长久,要我们建房子住下来,耕种田园,吃田中的出产。’”

29西番雅祭司就把示玛雅的信读给耶利米先知听。 30耶和华对耶利米说: 31“你派人送信给所有被掳的人,说,‘耶和华说祂没有差遣尼希兰示玛雅,他却说预言,诱使你们听信谎言, 32所以耶和华必惩罚他和他的后代,使他断子绝孙,看不到耶和华赐给祂子民的福祉,因为他说了悖逆耶和华的话。这是耶和华说的。’”

Tagalog Contemporary Bible

Jeremias 29:1-32

Ang Sulat ni Jeremias para sa mga Bihag

1Mula sa Jerusalem, sumulat si Jeremias sa mga tagapamahala, mga pari, mga propeta, at sa iba pang mga bihag na dinala ni Nebucadnezar sa Babilonia. 2Isinulat niya ito pagkatapos na mabihag si Haring Jehoyakin, ang kanyang ina, ang mga namamahala sa palasyo, mga pinuno ng Juda at Jerusalem, at ang mahuhusay na panday at manggagawa. 3At ibinigay ni Jeremias ang sulat kina Elasa na anak ni Shafan at Gemaria na anak ni Hilkia. Sila ang sinugo ni Haring Zedekia kay Nebucadnezar sa Babilonia. Ito ang nakasaad sa sulat:

4Ito ang sinasabi ng Panginoong Makapangyarihan, ang Dios ng Israel, sa lahat ng taga-Jerusalem na ipinabihag niya sa Babilonia. 5“Magtayo kayo ng mga bahay at doon kayo tumira. Magtanim kayo at kumain ng inyong ani. 6Mag-asawa kayo at nang magkaanak kayo. Hayaan din ninyong mag-asawa ang mga anak nʼyo at nang magkaanak din sila para dumami kayo nang dumami. 7Tumulong kayo para sa kabutihan at kaunlaran ng lungsod na pinagdalhan sa inyo. Ipanalangin nʼyo ito dahil kapag umunlad ito, uunlad din kayo.”

8Sinabi pa ng Panginoong Makapangyarihan, ang Dios ng Israel, “Huwag kayong palilinlang sa mga propeta ninyo o sa mga kasama ninyong manghuhula. Huwag kayong maniniwala sa mga panaginip nila. 9Sapagkat nagsasalita sila ng kasinungalingan sa pangalan ko. Hindi ko sila sinugo. 10Ako, ang Panginoon, ay nagsasabing pagkatapos ng 70 taon na pagsakop ng Babilonia, babalikan ko kayo at tutuparin ko ang pangako ko na ibabalik ko kayo sa lupain ninyo. 11Alam ko kung paano ko tutuparin ang mga plano ko para sa kabutihan nʼyo at hindi sa kasamaan nʼyo, at plano para bigyan kayo ng pag-asa na magkaroon kayo ng mabuting kinabukasan. 12Kung magkagayon, tatawag at mananalangin kayo sa akin, at diringgin ko kayo. 13Kung lalapit kayo sa akin nang buong puso, tutulungan ko kayo. 14Oo, tutulungan ko kayo at ibabalik mula sa pagkakabihag.29:14 ibabalik … pagkakabihag: o, ibabalik ko ang kayamanan ninyo. Titipunin ko kayo mula sa ibaʼt ibang bansa na pinangalatan ko sa inyo, at ibabalik ko kayo sa sarili ninyong lupain.

15“Baka sabihin nʼyong nagsugo ako sa inyo ng mga propeta riyan sa Babilonia, 16pero ito ang sinabi ko tungkol sa haring nagmula sa angkan ni David at sa lahat ng kababayan nʼyo na naiwan sa lungsod ng Jerusalem na hindi nabihag kasama nʼyo: 17Padadalhan ko sila ng digmaan, taggutom at sakit. Matutulad sila sa bulok na igos na hindi na makakain. 18Talagang hahabulin sila ng digmaan, taggutom at sakit, at kasusuklaman sila ng lahat ng kaharian. Itataboy ko sila sa kung saan-saang bansa, at susumpain, kasusuklaman at kukutyain sila roon ng mga tao. 19Sapagkat hindi nila pinakinggan ang mga salita ko na palaging sinasabi sa kanila ng mga lingkod kong propeta. At pati kayong mga binihag ay hindi rin naniwala.”

20Kaya makinig kayo sa sinasabi ng Panginoon, kayong mga ipinabihag niya mula sa Jerusalem papunta sa Babilonia. 21Ito ang sinasabi ng Panginoong Makapangyarihan, ang Dios ng Israel, tungkol kina Ahab na anak ni Kolaya at Zedekia na anak ni Maaseya, “Nagsalita sa inyo ng kasinungalingan ang mga taong ito sa pangalan ko. Kaya ibibigay ko sila kay Haring Nebucadnezar ng Babilonia at sila ay ipapapatay niya sa harap mismo ninyo. 22Dahil sa kanila, ang lahat ng bihag sa Babilonia na mga taga-Juda ay susumpa ng ganito sa kapwa nila, ‘Nawaʼy patayin ka ng Panginoon katulad nina Zedekia at Ahab na sinunog ng hari ng Babilonia.’ 23Mangyayari ito sa kanila dahil gumawa sila ng mga kasuklam-suklam na bagay sa Israel. Nangalunya sila sa asawa ng kapwa nila at nagsalita ng kasinungalingan sa pangalan ko na hindi ko iniutos na gawin nila. Nalalaman ko ang mga ginawa nila at makapagpapatunay ako laban sa kanila. Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito.”

Ang Mensahe para kay Shemaya

24-25Ang Panginoong Makapangyarihan, ang Dios ng Israel ay nagbigay sa akin ng mensahe para kay Shemaya na taga-Nehelam. “Ito ang sinabi niya: Shemaya, sa pamamagitan ng pangalan mo lang ay nagpadala ka ng sulat kay Zefanias na anak ni Maaseya na pari, at pinadalhan mo rin ng kopya ang iba pang mga pari, at ang lahat ng taga-Jerusalem. Ayon sa sulat mo kay Zefanias, sinabi mo, 26‘Hinirang ka ng Panginoon na papalit kay Jehoyada bilang tagapamahala ng templo. Katungkulan mo ang pagdakip at paglalagay ng kadena sa leeg ng sinumang hangal na nagsasabing propeta siya. 27Bakit hindi mo pinigilan si Jeremias na taga-Anatot na nagsasabing propeta siya riyan sa inyo? 28Sumulat pa siya rito sa amin sa Babilonia na kami raw ay magtatagal pa rito. Kaya ayon sa kanya, magtayo raw kami ng mga bahay at dito na kami manirahan, magtanim at kumain ng ani namin.’ ”

29Nang matanggap ni Zefanias ang sulat ni Shemaya, binasa niya ito kay Propeta Jeremias. 30Pagkatapos, sinabi ng Panginoon kay Jeremias, 31“Ipadala mo ang mensaheng ito sa lahat ng bihag. Sabihin mo sa kanilang ito ang sinabi ko tungkol kay Shemaya na taga-Nehelam: Hindi ko sinugo si Shemaya para magsalita sa inyo. Pinapaniwala niya kayo sa kasinungalingan niya. 32Kaya ako, ang Panginoon, ay nagsasabing parurusahan ko siya pati ang mga angkan niya. Wala ni isa man sa mga angkan niya ang makakakita ng mga mabubuting bagay na gagawin ko sa inyo, dahil tinuruan niya kayong magrebelde sa akin. Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito.”