约翰福音 5 – CCB & TCB

Chinese Contemporary Bible (Simplified)

约翰福音 5:1-47

耶稣在毕士大池边治病

1这事以后,犹太人的一个节期到了,耶稣便上耶路撒冷2耶路撒冷靠近羊门的地方有一个水池,希伯来话叫毕士大,池边有五条走廊, 3里面躺着瞎眼的、瘸腿的、瘫痪的等许多病人。 4他们都在等候天使来搅动池水。水动时,第一个下去的,无论患什么病都会痊愈。5:4 有些经卷无“他们都在等候天使来搅动池水。水动时,第一个下去的,无论患了什么病都会痊愈。”

5那里有一个人病了三十八年。 6耶稣看他躺着,知道他病了很久,就问他:“你想痊愈吗?”

7那人回答说:“先生,水动的时候,没有人把我放进池子里,我要下去的时候,别人总是先我一步。”

8耶稣对他说:“起来,拿起你的垫子走吧!”

9那人立刻痊愈了,拿起垫子开始行走。那天正好是安息日, 10犹太人便对那人说:“今天是安息日,你不可拿着垫子走路。”

11他说:“那位医好我的叫我拿起垫子走。”

12他们问他:“叫你拿起垫子走的人是谁?”

13那人不知道是谁,因为那里人多,耶稣已经躲开了。

14后来,耶稣在圣殿里遇见他,对他说:“现在你已经完全好了,别再犯罪了,免得你遭遇更不幸的事。”

15那人便去告诉犹太人医好他的是耶稣。 16因为耶稣在安息日给人治病,犹太人开始迫害祂。 17耶稣对他们说:“我父一直在工作,我也一直在工作。”

18犹太人听了,更想杀祂,因祂不但违犯了安息日的规矩,还称上帝为父,把自己看作与上帝平等。

圣子的权柄

19耶稣说:“我实实在在地告诉你们,子凭自己什么都不能做,唯有看见父做什么,子才做什么。无论父做什么,子也照样做。 20父因为爱子,便把自己的一切作为给祂看,而且还要把比这些更大的作为给祂看,叫你们惊奇。 21父如何使死人复活、赐生命给他们,子也照样想赐生命给谁,就赐给谁。 22父不审判人,祂将审判的事全交给子, 23叫人尊敬子如同尊敬父。不尊敬子的,就是不尊敬差子来的父。

24“我实实在在地告诉你们,谁听从我的话,又信差我来的那位,谁就有永生,不被定罪,已经出死入生了。 25我实实在在地告诉你们,时候快到了,现在就是,死人将听见上帝儿子的声音,听见的将存活。 26因为正如父自己是生命的源头,祂也同样让子作生命的源头, 27又把审判的权柄交给祂,因为祂是人子。 28你们不要因此而惊奇,时候一到,一切在坟墓里的死人都要听见上帝儿子的声音, 29他们都要从坟墓里出来。行善的人复活后得永生,作恶的人复活后被定罪。”

见证耶稣

30耶稣继续说:“我凭自己不能做什么,我按父上帝的旨意审判,我的审判是公平的;因为我不是按自己的旨意行,而是按差我来者的旨意行。

31“如果我为自己做见证,我的见证是无效的。 32然而,有别的人给我做见证,我知道他为我做的见证是真实的。 33你们曾派人到约翰那里,他为真理做过见证。 34其实我并不需要人的见证,我之所以提起这些事是为了使你们得救。 35约翰是一盏点亮的明灯,你们情愿暂时享受他的光。 36但是我有比约翰更大的见证,因为父交待我去完成的工作,就是我现在所做的工作,证明我是父差来的。 37差我来的父曾亲自为我做过见证。你们从未听过祂的声音,从未见过祂, 38心里也没有祂的道,因为你们不信祂所差来的那位。 39你们研读圣经,以为从圣经中可以得到永生。其实为我做见证的正是这圣经, 40但你们却不肯到我这里来得生命。

41“我不接受人所给予的荣耀, 42我知道你们没有爱上帝的心。 43我奉我父的名来,你们不接受我;若有人奉自己的名来,你们却接受他。 44你们喜欢互相恭维,却不追求从独一上帝来的荣耀,怎能信我呢? 45不要以为我会在父面前控告你们,其实控告你们的是你们一直信赖的摩西46你们若信摩西,就应该信我,因为他的书里也提到我。 47如果你们连他写的都不信,又怎能信我的话呢?”

Tagalog Contemporary Bible

Juan 5:1-47

Pinagaling ni Jesus ang Isang Lalaki sa Betesda

1Pagkatapos nito, pumunta si Jesus sa Jerusalem upang dumalo sa isang pista ng mga Judio. 2Sa isang pintuan ng lungsod ng Jerusalem, kung saan idinadaan ang mga tupa ay may paliguan na ang tawag sa wikang Hebreo ay Betesda.5:2 Betesda: Sa ibang tekstong Griego, Betsata o, Betsaida. Sa paligid nito ay may limang silungan, 3kung saan nakahiga ang maraming may sakit – mga bulag, pilay at mga paralitiko. [4Hinihintay nilang gumalaw ang tubig, dahil paminsan-minsan, may isang anghel ng Dios na bumababa at kinakalawkaw ang tubig. Ang unang makalusong sa tubig pagkatapos makalawkaw ng anghel ay gumagaling, kahit ano pa ang kanyang sakit.]5:4 Ang talatang ito ay hindi makikita sa ibang lumang teksto ng Griego. 5May isang lalaki roon na 38 taon nang may sakit. 6Nakita ni Jesus ang lalaki na nakahiga roon at nalaman niyang matagal na itong may sakit. Kaya tinanong siya ni Jesus, “Gusto mo bang gumaling?” 7Sumagot ang may sakit, “Gusto ko po sana, pero walang tumutulong sa aking lumusong sa tubig kapag kinakalawkaw na ito. Sa tuwing papunta pa lang ako, nauunahan na ako ng iba.” 8Sinabi ni Jesus sa kanya, “Tumayo ka, buhatin mo ang higaan mo at lumakad!” 9Agad na gumaling ang lalaki. Binuhat niya ang higaan niya at lumakad.

Nangyari ito sa Araw ng Pamamahinga. 10Kaya sinabi ng mga pinuno ng mga Judio sa taong pinagaling, “Hindi baʼt Araw ng Pamamahinga ngayon? Labag sa Kautusan ang pagbubuhat mo ng higaan!” 11Pero sumagot siya, “Ang taong nagpagaling sa akin ang nag-utos na buhatin ko ito at lumakad.” 12Tinanong nila siya, “Sino ang nag-utos sa iyong buhatin ang higaan mo at lumakad?” 13Pero hindi nakilala ng lalaki kung sino ang nagpagaling sa kanya, dahil nawala na si Jesus sa dami ng tao.

14Hindi nagtagal, nakita ni Jesus sa templo ang taong pinagaling niya, at sinabihan, “O, magaling ka na ngayon. Huwag ka nang magkasala pa, at baka mas masama pa ang mangyari sa iyo.” 15Umalis ang lalaki at pumunta sa mga pinuno ng mga Judio. Sinabi niya sa kanila na si Jesus ang nagpagaling sa kanya. 16Kaya mula noon, sinimulang usigin ng mga pinuno ng mga Judio si Jesus, dahil nagpagaling siya sa Araw ng Pamamahinga.

17Pero sinabihan sila ni Jesus, “Patuloy na gumagawa ang aking Ama, kaya patuloy din ako sa paggawa.” 18Dahil sa sinabing ito ni Jesus, lalong sinikap ng mga pinuno ng mga Judio na patayin siya. Sapagkat hindi lang niya nilabag ang batas tungkol sa Araw ng Pamamahinga, kundi tinawag pa niyang sariling Ama ang Dios, at sa gayoʼy ipinapantay ang sarili sa Dios.

Ang Kapangyarihan ng Anak ng Dios

19Kaya sinabi ni Jesus sa kanila, “Sinasabi ko sa inyo ang totoo, ako na Anak ng Dios ay walang magagawa kung sa sarili ko lang, kundi ginagawa ko lang ang nakikita ko na ginagawa ng aking Ama. Kaya kung ano ang ginagawa ng Ama ay siya ring ginagawa ko bilang Anak. 20Minamahal ng Ama ang Anak, kaya ipinapakita niya sa Anak ang lahat ng ginagawa niya. At higit pa sa mga bagay na ito ang mga gawaing ipapakita niya sa akin na gagawin ko para mamangha kayo. 21Kung paanong ibinabangon ng Ama ang mga patay at binibigyang-buhay ang mga ito, ganoon din naman, binibigyang-buhay ng Anak ang sinumang gusto niyang bigyan nito. 22Hindi ang Ama ang hahatol sa mga tao kundi ako na kanyang Anak, dahil ibinigay niya sa akin ang lahat ng kapangyarihang humatol, 23upang parangalan ng lahat ang Anak tulad ng pagpaparangal nila sa Ama. Kaya, ang hindi nagpaparangal sa Anak ay hindi rin nagpaparangal sa Ama na nagsugo sa kanya.

24“Sinasabi ko sa inyo ang totoo, ang sumusunod sa aking mga salita at sumasampalataya sa nagsugo sa akin ay may buhay na walang hanggan. Hindi na siya hahatulan sapagkat inilipat na nga siya sa buhay mula sa kamatayan. 25Sinasabi ko sa inyo ang totoo, darating ang panahon, at dumating na nga, na maririnig ng mga patay ang salita5:25 salita: sa literal, tinig. ng Anak ng Dios, at ang makinig sa kanya ay mabubuhay. 26May kapangyarihan ang Ama na magbigay ng buhay. Ganoon din naman, may kapangyarihan ako na kanyang Anak na magbigay ng buhay, dahil binigyan niya ako ng kapangyarihang ito. 27Ibinigay din niya sa akin ang kapangyarihang humatol dahil ako ang Anak ng Tao. 28Huwag kayong magtaka tungkol dito, dahil darating ang panahon na maririnig ng lahat ng patay ang aking salita, 29at babangon sila mula sa kanilang libingan. Ang mga gumawa ng mabuti ay bibigyan ng buhay na walang hanggan, at ang mga gumawa ng masama ay parurusahan.”

Ang mga Nagpapatotoo kay Jesus

30Sinabi pa ni Jesus, “Wala akong magagawa kung sa sarili ko lang. Humahatol nga ako, ngunit ang aking paghatol ay ayon lamang sa sinasabi ng aking Ama. Kaya makatarungan ang hatol ko dahil hindi ang sarili kong kalooban ang aking sinusunod kundi ang kalooban ng nagsugo sa akin. 31Ngayon, kung ako lang ang nagpapatotoo tungkol sa aking sarili, magduda kayo sa sinasabi ko. 32Ngunit may isang nagpapatotoo tungkol sa akin, at alam kong totoo ang kanyang sinasabi. 33Maging si Juan na tagapagbautismo ay nagpatotoo tungkol sa akin, at sinabi niya sa inyo ang katotohanan nang magsugo kayo ng ilang tao upang tanungin siya. 34Binanggit ko ang tungkol kay Juan, hindi dahil sa kailangan ko ang patotoo ng isang tao, kundi upang sumampalataya kayo sa akin at maligtas. 35Si Juan ay tulad ng isang ilaw na nagliliwanag, at lubos kayong nasiyahan sa liwanag niya sa inyo kahit saglit lang. 36Ngunit may nagpapatotoo pa tungkol sa akin na higit pa kay Juan. Itoʼy walang iba kundi ang mga ipinapagawa sa akin ng Ama. Ito ang nagpapatunay na ang Ama ang nagsugo sa akin. 37At ang Amang nagsugo sa akin ay nagpapatotoo rin tungkol sa akin. Kailanman ay hindi nʼyo narinig ang tinig niya o nakita ang anyo niya. 38At hindi nʼyo tinanggap ang kanyang salita dahil hindi kayo sumasampalataya sa akin na kanyang sugo. 39Sinasaliksik nʼyo ang Kasulatan sa pag-aakala na sa pamamagitan nitoʼy magkakaroon kayo ng buhay na walang hanggan. Ang Kasulatan mismo ang nagpapatotoo tungkol sa akin, 40pero ayaw ninyong lumapit sa akin upang magkaroon ng buhay na walang hanggan.

41“Hindi ko hinahangad ang papuri ng mga tao. 42Kilala ko talaga kayo at alam kong wala sa mga puso ninyo ang pagmamahal sa Dios. 43Naparito ako sa pangalan5:43 pangalan: o, kapangyarihan. ng aking Ama, ngunit ayaw ninyo akong tanggapin. Pero kung may dumating sa sarili niyang pangalan ay tinatanggap ninyo siya. 44Paano kayo sasampalataya sa akin kung ang papuri lang ng kapwa ang hangad ninyo, at hindi ang papuri ng nag-iisang Dios? 45Huwag ninyong isipin na ako ang mag-aakusa sa inyo sa harap ng Ama. Si Moises na inaasahan ninyo ang siyang mag-aakusa sa inyo. 46Dahil kung totoong naniniwala kayo kay Moises, maniniwala rin kayo sa akin, dahil si Moises mismo ay sumulat tungkol sa akin. 47Ngunit kung hindi kayo naniniwala sa mga isinulat niya, paano kayo maniniwala sa mga sinasabi ko?”