约翰福音 2 – CCB & TCB

Chinese Contemporary Bible (Simplified)

约翰福音 2:1-25

变水为酒

1第三天,在加利利迦拿有人举办婚宴,耶稣的母亲在那里。 2耶稣和门徒也被邀请去赴宴。 3酒喝完了,耶稣的母亲就对祂说:“他们没有酒了。” 4耶稣说:“妇人,这跟你我有什么相干2:4 这跟你我有什么相干”或译“我与你有什么相干”。?我的时候还没有到。” 5祂母亲对仆人说:“祂叫你们做什么,你们就做什么。” 6那里有六口犹太人用来行洁净礼仪的石缸,每口可以盛约一百升水。

7耶稣对仆人说:“把缸倒满水!”他们就往缸里倒水,一直满到缸口。 8耶稣又说:“现在可以舀些出来,送给宴席总管。”他们就送了去。 9那些仆人知道这酒是怎样来的,宴席总管却不知道。他尝过那水变的酒后,便把新郎叫来, 10对他说:“人们都是先拿好酒款待客人,等客人喝够了,才把次等的拿出来,你却把好酒留到现在!” 11这是耶稣第一次行神迹,是在加利利迦拿行的,彰显了祂的荣耀,门徒都信了祂。

12这事以后,耶稣和祂的母亲、弟弟并门徒一起去迦百农住了几天。

洁净圣殿

13犹太人的逾越节快到了,耶稣便上耶路撒冷去。 14祂看见圣殿区有人在卖牛羊和鸽子,还有人在兑换银币, 15就用绳索做成鞭子把牛羊赶出去,倒掉钱商的银币,推翻他们的桌子, 16又对卖鸽子的说:“把这些东西拿出去!不要把我父的殿当作市场。” 17祂的门徒想起圣经上说:“我对你的殿充满炙热的爱。”

18当时,犹太人质问祂:“你给我们显什么神迹来证明你有权这样做?”

19耶稣回答说:“你们拆毁这座殿,我三天之内会把它重建起来。”

20他们说:“这座殿用了四十六年才建成,你三天之内就要把它重建起来吗?” 21其实耶稣说的殿是指自己的身体, 22所以等到祂从死里复活以后,祂的门徒想起这句话,就相信了圣经和耶稣所传的道。

23耶稣在耶路撒冷过逾越节期间,许多人看见祂行的神迹,就信了祂。 24耶稣却不信任他们,因为祂洞悉万人。 25不用别人告诉祂,祂也深知人的内心。

Tagalog Contemporary Bible

Juan 2:1-25

Ang Kasalan sa Cana

1Pagkalipas ng dalawang araw, may ginanap na kasalan sa bayan ng Cana na sakop ng Galilea. Naroon ang ina ni Jesus. 2Inimbita rin si Jesus at ang mga tagasunod niya. 3Nang maubos ang alak sa handaan, sinabi ng ina ni Jesus sa kanya, “Naubusan sila ng alak.” 4Sumagot si Jesus, “Babae,2:4 Babae: Hindi malinaw kung bakit tinawag ni Jesus na “babae” ang kanyang ina ngunit hindi ito nagpapahiwatig na wala siyang paggalang dito. huwag po ninyo akong pangunahan. Hindi pa po dumarating ang panahon ko.” 5Sinabi ng ina ni Jesus sa mga katulong, “Sundin ninyo ang anumang iutos niya.”

6May anim na tapayan doon na ginagamit ng mga Judio sa ritwal nilang paghuhugas.2:6 ritwal nilang paghuhugas: Maaaring ginagamit sa paghuhugas ng kamay at mga sisidlan. Ang bawat tapayan ay naglalaman ng 20 hanggang 30 galon ng tubig. 7Sinabi ni Jesus sa mga katulong, “Punuin ninyo ng tubig ang mga tapayan.” At pinuno nga nila ang mga ito. 8Pagkatapos, sinabi ni Jesus sa kanila, “Sumalok kayo at dalhin sa namamahala ng handaan.” Sumalok nga sila at dinala sa namamahala. 9Tinikman ng namamahala ang tubig na naging alak. Hindi niya alam kung saan nanggaling ang alak. (Pero alam ito ng mga katulong na sumalok ng tubig.) Kaya ipinatawag niya ang lalaking ikinasal 10at sinabi, “Karaniwan, ang pinakamainam na alak muna ang inihahanda, at kapag marami nang nainom ang mga tao, saka naman inilalabas ang ordinaryong alak. Pero iba ka, dahil ngayon mo lang inilabas ang espesyal na alak.”

11Ang nangyaring ito sa Cana, Galilea ay ang unang himala na ginawa ni Jesus. Sa ginawa niyang ito, ipinakita niya ang kanyang kapangyarihan, at sumampalataya sa kanya ang mga tagasunod niya.

12Pagkatapos ng kasalan, pumunta si Jesus sa Capernaum, kasama ang kanyang ina, mga kapatid, at mga tagasunod. Nanatili sila roon ng ilang araw.

Ang Pagmamalasakit ni Jesus sa Templo

(Mat. 21:12-13; Mar. 11:15-17; Luc. 19:45-46)

13Malapit na noon ang pista ng mga Judio na tinatawag na Pista ng Paglampas ng Anghel,2:13 Pista ng Paglampas ng Anghel: sa Ingles, “Passover.” Tingnan sa Exo. 12:1-30 kung paano nagsimula ang pistang ito. kaya pumunta si Jesus sa Jerusalem. 14Nakita niya roon sa templo ang mga nagtitinda ng mga baka, tupa at mga kalapati. Nakita rin niya ang mga nagpapalit ng pera ng mga dayuhan sa kanilang mga mesa. 15Kaya gumawa siya ng panghagupit na lubid, at itinaboy niya palabas ng templo ang mga baka at tupa. Ikinalat niya ang mga pera ng mga nagpapalit at itinaob ang mga mesa nila. 16Sinabi ni Jesus sa mga nagtitinda ng mga kalapati, “Alisin ninyo ang mga iyan! Huwag ninyong gawing palengke ang bahay ng aking Ama!” 17Naalala ng mga tagasunod niya ang nakasulat sa Kasulatan: “Mapapahamak ako dahil sa pagmamalasakit ko sa bahay ninyo.”2:17 Salmo 69:9.

18Dahil sa ginawa niyang ito, tinanong siya ng mga pinuno ng mga Judio, “Anong himala ang maipapakita mo sa amin upang mapatunayan mong may karapatan kang gawin ito?” 19Sinagot sila ni Jesus, “Gibain ninyo ang templong ito, at sa loob ng tatlong araw ay itatayo kong muli.” 20Sinabi naman nila, “Ginawa ang templong ito ng 46 na taon at itatayo mo sa loob lang ng tatlong araw?” 21Pero hindi nila naintindihan na ang templong tinutukoy ni Jesus ay ang kanyang katawan. 22Kaya nang nabuhay siyang muli, naalala ng mga tagasunod niya ang sinabi niyang ito. At naniwala sila sa pahayag ng Kasulatan at sa mga sinabi ni Jesus tungkol sa kanyang muling pagkabuhay.

Alam ni Jesus ang Kalooban ng Tao

23Habang si Jesus ay nasa Jerusalem, nang Pista ng Paglampas ng Anghel, marami ang sumampalataya sa kanya nang makita nila ang mga himalang ginawa niya. 24Pero hindi nagtiwala si Jesus sa pananampalataya nila, dahil kilala niya ang lahat ng tao. 25At hindi na kailangang may magsabi pa sa kanya tungkol sa mga tao, dahil alam niya kung ano ang nasa mga puso nila.