申命记 2 – CCB & TCB

Chinese Contemporary Bible (Simplified)

申命记 2:1-37

旷野漂流

1“之后,我们遵照耶和华的吩咐掉转头,沿红海的路前往旷野,在西珥山区绕行了很久。 2后来,耶和华对我说, 3‘你们在这山区绕行的日子够了,现在转向北方吧。 4你告诉众人,你们将经过西珥,那里住着你们的亲属以扫的子孙。他们惧怕你们,所以要格外谨慎, 5不要惹他们,因为我已把西珥山赐给以扫作产业,他们的土地,我一寸也不会赐给你们。 6你们吃的、喝的,都要花钱向他们买。 7你们的上帝耶和华使你们凡事蒙福,看顾着你们走过这辽阔的旷野,四十年来与你们同在,使你们一无所缺。’

8“于是,我们绕过我们亲属以扫的子孙所住的西珥,沿亚拉巴的路,经过以拉他以旬·迦别,向摩押旷野走去。 9耶和华对我说,‘不可骚扰摩押人,不可与他们争战,因为我不会把他们的土地赐给你,我已把亚珥赐给罗得的子孙为业。’

10“从前以米人住在亚珥,他们人数众多,像亚衲人一样身材高大。 11以米人同亚衲人一样也被称为利乏音人,但摩押人称他们为以米人。 12以前,何利人也住在西珥,但以扫的子孙消灭了他们,占领了他们的土地,住在那里,正如后来以色列人占领了耶和华赐给他们的土地。 13耶和华又说,‘现在,你们要动身过撒烈溪。’于是,我们过了撒烈溪。 14我们从离开加低斯·巴尼亚到穿过撒烈溪用了三十八年。期间,那一代战士都死光了,正如耶和华的誓言。 15其实是耶和华的手攻击他们,直到把他们从营中全部消灭。

16“所有的战士都死后, 17耶和华对我说, 18‘今天你要从亚珥绕过摩押边境。 19亚扪人之地后,不可骚扰他们,不可与他们争战,因为我不会把他们的土地赐给你们,我已把那里赐给罗得的子孙作产业。’ 20那里以前也是利乏音人住的地方,亚扪人称利乏音人为散送冥21利乏音族人数众多,像亚衲人一样身材高大。耶和华消灭了他们,让亚扪人占领他们的土地,住在那里。 22耶和华也曾为以扫的子孙消灭住在西珥何利人,让他们占据何利人的土地,住在那里,直到今日。 23同样,来自克里特迦斐托人消灭了迦萨附近的亚卫人,住在那里。 24耶和华说,‘起来穿过亚嫩谷,我已将亚摩利希实本西宏和他的土地交在你手中,你要攻打他,占领他的土地。 25从今天起,我要使天下万民在你面前惊恐万状,一听到你的名字就吓得发抖。’

击败希实本王

26“于是,我从基底莫旷野派使者去见希实本西宏,提出和平的建议,说, 27‘请允许我们从贵国经过,我们只走大路,不会偏离。 28我们吃的喝的,都会按价向你买,只求让我们借道经过, 29就像西珥以东人和亚珥摩押人那样对待我们。我们只想过约旦河,去我们的上帝耶和华所赐之地。’ 30希实本西宏却拒绝我们的请求,因为我们的上帝耶和华使他顽固不化,好让我们击败他,正如今日的情形。 31耶和华对我说,‘看啊,我已把西宏和他的土地交给你了,去占领那里,夺取他的土地吧。’ 32西宏率领全军在雅杂与我们交战。 33我们的上帝耶和华使西宏父子及其军队败在我们手下,全军覆没。 34我们攻占了西宏的所有城邑,将其夷为平地,杀光城中的男女老幼,一个不留, 35只留下牲畜和财物作战利品。 36亚嫩谷边的亚罗珥和谷中的城,直到基列的所有城邑全被我们攻克,我们的上帝耶和华把这一切都交给了我们。 37我们遵照我们的上帝耶和华的吩咐,没有侵犯亚扪人的土地,即雅博河一带和山区的城邑。

Tagalog Contemporary Bible

Deuteronomio 2:1-37

Ang Paglalakbay sa Ilang

1“At nagsibalik tayo at pumunta sa ilang papunta sa Dagat na Pula, ayon sa iniutos ng Panginoon sa akin. At sa matagal na panahon, nagpaikot-ikot tayo sa kaburulan ng Seir. 2Pagkatapos, sinabi sa akin ng Panginoon, 3‘Matagal na kayong nagpapaikot-ikot sa kaburulang ito. Ngayon, dumiretso kayo sa hilaga. 4Sabihin mo sa mga tao: Dadaan kayo sa teritoryo ng inyong kamag-anak na mga lahi ni Esau, na naninirahan sa Seir. Matatakot sila sa inyo, pero mag-ingat kayo sa kanila. 5Huwag nʼyo silang pakikialaman, dahil ibinigay ko na sa kanila ang mga kaburulan ng Seir bilang kanilang lupain, at ni kapiraso man ng lupain nila ay hindi ko ibibigay sa inyo. 6Babayaran ninyo ng pilak ang pagkain at inuming manggagaling sa kanila.’ 7Alalahanin ninyo kung paano ko kayo pinagpala sa lahat ng ginawa ninyo. Ako ang Panginoon na inyong Dios ay nagbabantay sa inyo sa paglalakbay sa malawak na ilang na ito. Sa loob ng 40 taon, sinamahan ko kayo, at hindi kayo kinulang ng mga bagay na kailangan ninyo.

8“Kaya dumaan tayo sa mga kadugo na lahi ni Esau, na naninirahan sa Seir. Hindi tayo dumaan sa daan ng Araba,2:8 Araba: Jordan. na nanggagaling sa mga bayan ng Elat at Ezion Geber. Nang naglalakbay na tayo sa daan sa ilang ng Moab, 9sinabi sa akin ng Panginoon, ‘Huwag ninyong guguluhin o lulusubin ang mga Moabita na lahi ni Lot, dahil ibinigay ko sa kanila ang Ar bilang lupain nila, at ni kapiraso man ng lupain nila ay hindi ko ibibigay sa inyo.’ ”

10(Noong una, naninirahan sa Ar ang marami at malalakas na tao na tinatawag na Emita. Silaʼy matatangkad katulad ng mga angkan ni Anak. 11Tinatawag din silang Refaimeo, katulad ng mga angkan ni Anak, pero tinatawag silang Emita ng mga Moabita. 12Sa Seir dati nakatira ang mga Horeo, pero pinalayas sila ng mga lahi ni Esau, at sila na ang nanirahan doon, katulad ng ginawa ng mga Israelita sa mga Cananeo sa lupain na ibinigay ng Panginoon sa kanila.)

13Sinabi pa ni Moises, “Pagkatapos, inutos ng Panginoon na tumawid tayo sa Lambak ng Zered, kaya tumawid tayo. 14Itoʼy pagkalipas ng 38 taon mula noong umalis tayo sa Kadesh Barnea. Nang mga panahong iyon, nangamatay ang mga sundalong Israelita sa henerasyong iyon, ayon sa isinumpa ng Panginoon sa kanila. 15Pinarusahan sila ng Panginoon hanggang sa mamatay silang lahat sa kampo.

16“Nang patay na ang lahat ng sundalo, 17sinabi sa akin ng Panginoon, 18‘Sa araw na ito, tumawid kayo sa hangganan ng Moab sa Ar. 19Kapag nakarating na kayo sa mga Ammonita, na mga lahi ni Lot, huwag ninyo silang guguluhin o lulusubin dahil ibinigay ko sa kanila ang lupaing iyon, at hindi ko kayo bibigyan kahit na maliit na bahagi nito.’

20“Ang lupaing iyon ay kilala rin noong una na lupain ng mga Refaimeo, pero tinawag silang Zamzumeo ng mga Ammonita. 21Napakarami nila at napakalalakas, at matatangkad katulad ng mga angkan ni Anak. 22Ito rin ang ginawa ng Panginoon sa mga lahi ni Esau na nakatira sa Seir; pinagpapatay niya ang mga Horeo para makapanirahan ang mga lahi ni Esau sa kanilang lupain. Hanggang ngayon, naninirahan pa rin sila sa lupaing iyon. 23Ito rin ang nangyari nang sinalakay ng taga-Caftor2:23 taga-Caftor: o, Crete. ang mga taga-Avim na naninirahan sa mga baryo ng Gaza. Nilipol nila ang mga taga-Avim at tinirhan ang lupain ng mga ito.

24Pagkatapos, sinabi ng Panginoon, ‘Ngayon, tumawid na kayo sa Lambak ng Arnon. Ibinibigay ko sa inyo ang Amoreong si Haring Sihon ng Heshbon, at ang kanyang lupain. Salakayin ninyo siya at angkinin ang kanyang lupain. 25Mula ngayon, loloobin kong matakot sa inyo ang lahat ng bansa sa buong mundo. Manginginig sa takot ang makakarinig ng tungkol sa inyo.’

Natalo ang Hari ng Heshbon na si Sihon

(Bil. 21:21-30)

26“Kaya noong naroon tayo sa ilang ng Kedemot, nagsugo ako ng mga mensahero kay Haring Sihon ng Heshbon upang sabihin sa kanya ang mensahe para sa ikabubuti ng aming relasyon. Sinabi ko, 27‘Kung maaari, payagan nʼyo kaming dumaan sa inyong lupain. Sa pangunahing daan lang kami dadaan, hindi kami lilihis ng daan. 28Babayaran namin ang aming makakain at maiinom. Ang pakiusap lang namin sa inyo, payagan nʼyo kaming dumaan sa inyong lupain 29katulad ng ginawa ng mga lahi ni Esau na naninirahan sa Seir at ng mga Moabita na naninirahan sa Ar. Payagan nʼyo kaming dumaan hanggang sa makatawid kami sa Ilog ng Jordan papunta sa lupaing ibinibigay sa amin ng Panginoon naming Dios.’ 30Pero hindi pumayag si Haring Sihon ng Heshbon na padaanin tayo dahil pinatigas ng Panginoon na inyong Dios ang kanyang puso para ibigay niya siya sa ating mga kamay, kagaya ng ginawa niya ngayon.

31“Pagkatapos, sinabi ng Panginoon sa akin, ‘Sinimulan ko nang ibigay sa inyo si Sihon at ang kanyang lupain; kaya simulan na ninyo ang pagsalakay at pagsakop sa kanyang lupain.’

32“Nang nakikipaglaban si Sihon at ang kanyang mga sundalo2:32 mga sundalo: o, mga tao. Ganito rin sa talatang 33. sa atin doon sa Jahaz, 33ibinigay siya ng Panginoon na ating Dios sa atin at pinatay natin siya, pati ang mga anak niya at ang lahat ng sundalo niya. 34Nang panahong iyon, sinakop natin ang lahat ng kanyang bayan at nilipol sila ng lubusan2:34 nilipol sila ng lubusan: o, nilipol sila ng lubusan bilang handog sa Panginoon. – mga lalaki, babae at mga bata. Wala tayong itinirang buhay. 35Dinala natin ang kanilang mga hayop at mga ari-arian na ating nasamsam mula sa kanilang mga bayan.

36“Tinulungan tayo ng Panginoon na ating Dios sa pag-agaw ng Aroer ang lugar sa tabi ng Lambak ng Arnon at sa mga bayan sa paligid ng lambak na ito, at ng mga lugar hanggang sa Gilead. Walang bayan na matibay ang mga pader na hindi natin kayang pasukin. 37Pero ayon sa iniutos sa atin ng Panginoon na ating Dios, hindi tayo lumapit sa kahit aling lupain ng mga Ammonita, kahit sa Lambak ng Jabok o sa mga bayan sa palibot ng mga kaburulan.”