尼希米记 13 – CCB & TCB

Chinese Contemporary Bible (Simplified)

尼希米记 13:1-31

与外族人隔离

1那天,有人给民众宣读摩西律法书时,发现书上说亚扪人和摩押人永不可加入上帝的会众。 2因为他们没有用食物和水接待以色列人,还雇巴兰咒诅他们,但我们的上帝将咒诅变为祝福。 3以色列人听到律法书上的话,便逐出所有外族人。

尼希米的改革

4这事之前,被委派负责上帝殿库房的以利亚实祭司因与多比雅是亲戚, 5就为多比雅预备了一个大房间,这房间从前用来存放素祭、乳香、器皿,按律法给利未人、歌乐手、殿门守卫的十分之一五谷、新酒和新油,以及给祭司的举祭。 6这一切发生的时候,我不在耶路撒冷,因为我已在巴比伦亚达薛西三十二年回到王那里。过了一段日子,我向王请求离开。 7我返回耶路撒冷后,才得知以利亚实在上帝殿的院内为多比雅预备房间的恶事。 8我非常愤怒,把多比雅所有的物品从房间里扔出去, 9下令洁净那些房间,然后搬回上帝殿内的器皿、素祭和乳香。

10我发现利未人没有得到应得之份,以致当值的利未人和歌乐手都跑回自己的田地。 11我斥责众首领说:“为何忽略上帝的殿?”然后,我招聚利未人,叫他们各归各职。 12犹大人都把他们的五谷、新酒和新油的十分之一送进库房。 13我派示利米雅祭司、律法教师撒督利未毗大雅管理库房,并派撒刻的儿子、玛他尼的孙子哈难做他们的助手。这些人忠诚可靠,他们负责把物品分配给他们的弟兄。 14我的上帝啊,求你因这事而记念我,不要涂抹我为上帝的殿和其中的敬拜礼仪所做的善事。

15那些天,我在犹大看见有人在安息日榨酒,搬运禾捆驮在驴背上,又在安息日把酒、葡萄、无花果和各样的出产带进耶路撒冷。我就在他们卖食物的那天警告他们。 16一些住在耶路撒冷泰尔人运来鱼和各样货物,在安息日卖给耶路撒冷犹大人。 17我斥责犹大的贵族说:“你们为何做这恶事干犯安息日? 18你们的祖先难道不是犯了这样的罪,以致我们的上帝使一切灾祸临到我们和这城吗?如今你们干犯安息日,使上帝的愤怒更多地临到以色列。”

19我下令在安息日之前夜幕来临时关上耶路撒冷城门,一直到安息日完毕才打开。我又派我的一些仆人把守城门,不准在安息日带货物进城。 20有一两次,商人和贩卖各样货物的曾在耶路撒冷城外住宿。 21我警告他们说:“你们为什么在城墙外面住宿呢?若再这样,我必拘捕你们。”从此,他们就不再在安息日来了。 22我吩咐利未人洁净自己,然后来看守城门,尊安息日为圣日。我的上帝啊,求你因此而记念我,按你丰盛的慈爱怜悯我。

23那些天,我见犹大人娶了亚实突亚扪摩押的女子为妻。 24他们半数的子女说亚实突话或其他外族人的话,不懂得犹大话。 25我就斥责他们,咒诅他们,打了他们其中一些人,又扯他们的头发,要他们奉上帝的名起誓不再让自己的子女与外族人通婚,自己也不娶外族女子。 26我说:“这岂不是以色列所罗门所犯的罪吗?众国中没有王可与他相比,他的上帝爱他,立他做全以色列的王。然而,连他也被外族女子引入罪中。 27我怎能听凭你们行这大恶,因娶外族女子而背叛我们的上帝呢?” 28以利亚实大祭司的孙子、耶何耶大的一个儿子娶了和伦参巴拉的女儿,我就把他赶了出去。 29我的上帝啊,求你记住他们,因为他们玷污了祭司的职分,违背了你与祭司和利未人所立的约。

30这样,我清除了他们当中的一切外族之物,并指定祭司和利未人的职分,使他们各尽其职, 31又让民众定期供应木柴和初熟的物产。

我的上帝啊,求你记念我,施恩于我。

Tagalog Contemporary Bible

Nehemias 13:1-31

Ang mga Pagbabago na Ginawa ni Nehemias

1Nang araw na iyon binasa ang Kautusan ni Moises sa mga tao, nalaman nilang ipinagbabawal ang mga Ammonita at mga Moabita na makihalubilo sa mga mamamayan ng Dios. 2Dahil hindi nila binigyan ng pagkain at inumin ang mga Israelita nang lumabas sila sa Egipto. Sa halip, inupahan nila si Balaam na isumpa ang mga Israelita. Ngunit sa halip na sumpa, ginawa ito ng Dios na pagpapala. 3Nang marinig ng mga tao ang kautusang iyon, hindi na nila isinama ang mga hindi tunay na Israelita.

4Bago ito nangyari, si Eliashib na pari, na namamahala ng mga bodega sa templo ng aming Dios at kamag-anak ni Tobia, 5ay nagpahintulot kay Tobia na gamitin ang malaking kwarto sa templo. Ang kwartong ito ay ginagamit noon na bodega para sa mga handog na pagkain, insenso, mga kagamitan sa templo, mga handog sa mga pari, mga ikapu ng mga trigo, bagong katas ng ubas, at langis, na ayon sa Kautusan ay para sa mga Levita, sa mga mang-aawit, at sa mga guwardya ng mga pintuan ng templo. 6Wala pa ako sa Jerusalem nang mangyari ito, dahil noong ika-32 taon ng paghahari ni Artaserses sa Babilonia, pumunta ako sa kanya. Kinalaunan, pinayagan din niya ako 7na makabalik sa Jerusalem. At pagdating ko, nalaman ko ang masamang ginawa ni Eliashib na nagpatira kay Tobia sa kwarto na nasa harapan ng templo ng Dios. 8Sa tindi ng galit ko, pinagtatapon ko ang lahat ng kagamitan ni Tobia palabas ng kwarto. 9Agad kong iniutos na linisin ang kwarto. At pagkatapos, pinabalik ko roon ang mga kagamitan ng templo pati ang mga handog na pagkain at ang insenso.

10Nalaman ko rin na ang mga Levita ay hindi na nabigyan ng bahagi na para sa kanila, kaya sila at ang mga mang-aawit na pinagkatiwalaan ng mga gawain sa templo ay nagsiuwi para magsaka. 11Kaya pinagsabihan ko ang mga opisyal, “Bakit pinapabayaan nʼyo ang templo ng Dios?” Ipinatawag ko agad ang mga Levita at ang mga mang-aawit at pinabalik sa mga gawain nila sa templo. 12At muli ang lahat ng mamamayan ng Juda ay nagdala ng ikapu ng kanilang mga trigo, bagong katas ng ubas, at langis doon sa mga bodega. 13Ang pinamahala ko sa mga bodega ay si Shelemia na pari, si Zadok na tagapagturo ng kautusan, at ang Levitang si Pedaya. Pinatulong ko rin sa kanila si Hanan na anak ni Zacur at apo ni Matania. Sila ang pinili ko dahil maaasahan sila. Ipinagkatiwala ko rin sa kanila ang pamamahagi ng mga pangangailangan ng kapwa nila manggagawa sa templo.

14Pagkatapos ay nanalangin ako, “O aking Dios, alalahanin po ninyo ako at huwag kalimutan ang tapat kong paglilingkod para sa inyong templo at sa mga gawain dito.”

15Nang oras na iyon, may nakita akong mga taga-Juda na pumipisa ng mga ubas sa Araw ng Pamamahinga. Ang iba sa kanila ay nagkakarga ng mga trigo, alak, ubas, igos, at iba pang mga bagay sa mga asno para dalhin sa Jerusalem at ipagbili. Kaya pinagsabihan ko sila na huwag ipagbili ang mga produkto nila sa Araw ng Pamamahinga. 16Mayroon ding mga taga-Tyre na nakatira sa Jerusalem na nagdala ng mga isda at iba pang mga kalakal. Ipinagbili nila ito sa mga taga-Juda na nasa Jerusalem sa araw ding iyon ng Araw ng Pamamahinga. 17Kaya sinaway ko ang mga pinuno ng Juda at sinabihan, “Ano ba itong ginagawa ninyong kasamaan? Hindi ba ninyo itinuturing na banal ang Araw ng Pamamahinga? 18Hindi ba ganito rin ang ginawa ng inyong mga ninuno, kaya tayo at ang lungsod na ito ay pinarusahan ng ating Dios? Ngayon, ginalit pa ninyo nang lubos ang Dios dahil sa ginagawa ninyo, dahil hindi ninyo itinuturing na banal ang Araw ng Pamamahinga.”

19Kaya nag-utos ako na isara ang pintuan ng lungsod tuwing Biyernes13:19 Biyernes: sa Hebreo, bago ang Araw ng Pamamahinga. habang papalubog ang araw, at huwag itong bubuksan hanggaʼt hindi pa natatapos ang Araw ng Pamamahinga. Pinabantayan ko sa mga tauhan ko ang mga pintuan para walang makapasok na kahit anong tinda sa lungsod sa Araw ng Pamamahinga. 20Kung minsan, ang mga mangangalakal ay natutulog sa labas ng Jerusalem kapag Biyernes ng gabi. 21Pero binalaan ko sila. Sinabi ko, “Bakit dito kayo natutulog sa pader ng lungsod? Kapag inulit nʼyo pa ito, parurusahan ko kayo.” Kaya mula noon, hindi na sila bumalik sa Araw ng Pamamahinga. 22Pagkatapos, inutusan ko ang mga Levita na maging malinis at magbantay sa mga pintuan upang ituring na banal ng mga tao ang Araw ng Pamamahinga.

At saka ako nanalangin, “O aking Dios, alalahanin po ninyo ang mga ginawa kong ito, at kaawaan nʼyo ako ayon sa dakila nʼyong pag-ibig.” 23Nang mga panahon ding iyon, nakita ko na may mga taga-Juda na nakapag-asawa ng mga babaeng taga-Ashdod, taga-Ammon, at taga-Moab. 24Kalahati sa mga anak nila ay nagsasalita ng wikang Ashdod o sa wika ng ibang tao, at hindi sila makapagsalita ng wika ng Juda. 25Kaya sinaway ko at sinumpa ang mga taga-Juda. Pinalo ko ang iba sa kanila at hinila ang mga buhok nila. Ipinasumpa ko sila at ang mga anak nila sa pangalan ng Dios na hinding-hindi na sila mag-aasawa ng mga dayuhan. 26At sinabi ko sa kanila, “Hindi ba ito ang dahilan ng pagkakasala ni Haring Solomon ng Israel? Walang haring katulad niya, saan mang bansa. Minamahal siya ng kanyang Dios, at ginawa siya ng Dios na hari sa buong Israel. Pero sa kabila ng lahat, nagkasala siya dahil sa udyok ng mga asawa niyang dayuhan. 27At ano, pababayaan na lang ba namin ang kasamaang ito na ginawa nʼyo – ang pagiging di-tapat sa ating Dios sa pamamagitan ng pag-aasawa ng dayuhan?”

28Si Joyada na anak ng punong pari na si Eliashib ay may anak na nakipag-asawa sa anak ni Sanbalat na taga-Horon, kaya pinaalis ko siya.

29Pagkatapos ay nanalangin ako, “O aking Dios, huwag nʼyo pong kalilimutan na binalewala nila ang kanilang pagkapari at ang sinumpaan nila bilang mga pari at mga Levita.”

30Kaya tiniyak ko na ang mga mamamayan ng Israel ay malaya na sa kahit anong impluwensya ng mga dayuhan. At binigyan ko ng trabaho ang mga pari at ang mga Levita ayon sa bawat gawain nila. 31Tiniyak ko rin na ang mga panggatong na gagamitin sa paghahandog ay madadala sa tamang panahon, pati ang mga unang ani.

At nanalangin ako, “O aking Dios, alalahanin po ninyo ako at pagpalain.”