士师记 20 – CCB & TCB

Chinese Contemporary Bible (Simplified)

士师记 20:1-48

讨伐基比亚

1于是,从别示巴以及基列的全体以色列人万众一心,来到米斯巴,聚集在耶和华面前。 2以色列各支派的首领都参加了这次上帝子民的聚会,当时有四十万持刀的步兵。 3便雅悯人也听见以色列人聚集在米斯巴的消息。以色列人问那个利未人:“请告诉我们,这件邪恶的事是怎么发生的?” 4利未人,就是被害女子的丈夫说:“我和我的妾到便雅悯基比亚住宿。 5那天晚上,基比亚人包围我们住宿的房子,要杀死我。他们把我的妾蹂躏致死。 6我就把她的尸体切成块,送到以色列的各个地区,让以色列人都知道基比亚人做了邪恶、无耻的事。 7以色列人啊,你们看该怎么处理吧!”

8众人起来异口同声地说:“我们谁也不回帐篷,谁也不回家。 9现在我们要抽签去攻打基比亚10我们要从各支派中抽出十分之一的人负责运粮,等军队到达基比亚后,就可以讨伐在以色列做出这种卑鄙之事的基比亚人。” 11于是,以色列人团结一致,一起去攻打那城。

12他们派人去对便雅悯各地的人说:“你们中间怎么发生了这种邪恶的事! 13现在把那些基比亚的无赖交出来,我们要处死他们,从以色列铲除罪恶。”便雅悯人却充耳不闻, 14还从各城聚集到基比亚以色列人打仗。 15便雅悯人从各城召集了两万六千刀兵,还从基比亚召集了七百精兵。 16军中有七百精兵善用左手甩石,毫发不差。 17其他十一个以色列支派则召集了四十万善战的刀兵。

18以色列人到伯特利去求问上帝,说:“我们当中哪个支派应当先去攻打便雅悯人呢?”耶和华说:“犹大支派。”

19第二天清早,以色列人就在基比亚附近安营, 20摆开阵势,准备攻打便雅悯人。 21便雅悯人从基比亚出来,当天杀了以色列军两万二千人。 22以色列人重整士气,仍在第一天列阵的地方列阵。 23列阵之前,他们在耶和华面前一直哀哭到晚上。他们求问耶和华,说:“我们应该再去攻打我们的同胞便雅悯人吗?”耶和华说:“可以去。”

24第二天,以色列人前去攻打便雅悯人。 25便雅悯人从基比亚出来迎战,又杀了以色列军一万八千刀兵。 26以色列全军来到伯特利,坐在耶和华面前哀哭,那天他们一直禁食到晚上,又在耶和华面前献上燔祭和平安祭。 27-28那时,上帝的约柜就在那里,亚伦的孙子、以利亚撒的儿子非尼哈任祭司。以色列人求问耶和华,说:“我们应该再去攻打我们的同胞便雅悯人吗?还是退兵?”耶和华说:“去攻打吧,因为明天我必把他们交在你们手中。”

29以色列人在基比亚周围设下伏兵。 30第三天,以色列人又像前两次一样在基比亚列阵,攻打便雅悯人。 31便雅悯人前来迎战,被以色列人诱到城外。他们又像前两次一样击杀以色列人,大约三十名以色列人死在通往基比亚伯特利的两条路上。 32便雅悯人说:“我们又打败他们了。”但以色列人已经商议好,用诈败的方法诱敌离城到大路上来。 33以色列全军在巴力·他玛列阵反攻,埋伏在基比亚西面的以色列人也冲了出来。 34有一万以色列精兵从正面攻打基比亚,战事非常激烈。便雅悯人大祸临头了仍懵然不知。 35耶和华帮助以色列人战胜了便雅悯人。那天,以色列人杀了便雅悯两万五千一百刀兵。 36便雅悯人这才意识到自己战败了。

原来以色列人在便雅悯人面前诈败,因为他们已在基比亚附近设下伏兵。 37那些伏兵迅速冲进基比亚,杀了全城的人。 38以色列人和伏兵已有约定,伏兵在城内点起一股浓烟时, 39以色列人便转身杀回。便雅悯人杀了诈败的以色列军大约三十人,以为像以前一样打败了他们。 40这时基比亚城已浓烟滚滚,便雅悯人回头观望,只见全城浓烟四起。 41以色列人转身杀了回来,便雅悯人大惊失色,知道大祸临头了。 42他们从以色列人面前转身逃往旷野,却无法逃脱。以色列人从各城出来夹攻他们。 43以色列人围攻便雅悯人,一路追杀他们直到基比亚的东边。 44便雅悯人共死了一万八千名勇士。 45余下的人都逃往旷野的临门岩,沿途有五千人被杀。以色列人追杀他们,一直追到基顿,又消灭了他们两千人。 46那天,便雅悯人共死了两万五千名英勇的刀兵, 47只有六百人逃到了临门岩,在那里住了四个月。 48以色列人回师便雅悯境内,将各城的男女老少以及牲畜全部杀死,又放火烧毁所有的城邑。

Tagalog Contemporary Bible

Hukom 20:1-48

Naghanda ang Israel sa Pakikipaglaban

1Ang lahat ng Israelita mula Dan hanggang sa Beersheba at mula sa Gilead ay nagtipon sa Mizpa, sa presensya ng Panginoon. 2Naroon din ang pinuno ng bawat lahi ng Israel nang magtipon ang mga mamamayan ng Dios. May 400,000 silang lahat na sundalong armado ng espada. 3Nabalitaan ng mga taga-Benjamin na ang ibang mga lahi ng Israel ay nagtipon sa Mizpa.

At ngayon nagtatanong ang mga Israelita, “Paano nangyari ang kasamaang ito?” 4Sinabi ng Levita na asawa ng babaeng pinatay, “Dumaan kami ng asawa ko sa Gibea na sakop ng Benjamin para doon magpalipas ng gabi. 5Kinagabihan, pinaligiran ng ilang lalaking taga-Gibea ang bahay na tinutuluyan namin. Papatayin sana nila ako, pero ginahasa nila ang asawa ko hanggang sa namatay ito. 6Kaya dinala ko pauwi ang bangkay niya at pinagputol-putol at ipinadala sa 12 lahi ng Israel, dahil napakasama at kahiya-hiya ang ginawa ng mga taong ito sa Israel. 7Lahat tayong mga Israelita, ano ngayon ang gagawin natin?” 8Nagkaisa ang mga tao na nagsabi, “Wala ni isa man sa atin ang uuwi. 9Ito ang gagawin natin. Magpalabunutan tayo kung sino sa atin ang lulusob sa Gibea. 10Ang ikasampung bahagi ng lahat ng lalaki sa bawat lahi ang mag-aasikaso sa pagkain ng mga sundalo. Ang natitira ang maghihiganti sa mga taga-Gibea dahil sa napakasamang ginawa nila sa Israel.” 11Kaya nagkaisa ang mga lalaki ng Israel sa paglusob sa Gibea.

12Nagsugo ang Israel ng mga mensahero sa mga lahi ni Benjamin at sinabi, “Ano itong kasamaang nangyari sa inyo? 13Ngayon, isuko nʼyo sa amin ang masasamang taga-Gibea na gumawa nito, at papatayin namin sila, at nang mawala ang kasamaang ito sa Israel.” Pero hindi pinansin ng mga taga-Benjamin ang mga kapwa nila Israelita. 14Sa halip, lumabas sila sa mga bayan nila at nagtipon sa Gibea para makipaglaban sa mga kapwa nila Israelita. 15Nang araw na iyon, nakapagtipon ang mga taga-Benjamin ng 26,000 na sundalo hindi pa kasama rito ang 700 piling sundalo na taga-Gibea. 16Kabilang sa mga piling sundalo na taga-Gibea ang 700 tao na ito na puro kaliwete at kayang-kayang patamaan ng tirador kahit hibla ng buhok. 17Ang mga Israelita naman, maliban sa angkan ni Benjamin, ay nakapagtipon ng 400,000 sundalong mahuhusay sa pakikipaglaban.

18Bago makipaglaban, pumunta muna ang mga Israelita sa Betel at nagtanong sa Dios kung aling lahi ang unang lulusob sa mga taga-Benjamin. At ayon sa Panginoon, ang lahi ni Juda. 19Kaya nang sumunod na araw, maagang nagkampo ang mga Israelita malapit sa Gibea. 20At pumunta sila sa Gibea. Pagdating doon, pumwesto na ang mga Israelita para makipaglaban sa lahi ni Benjamin. 21Naglabasan ang mga taga-Benjamin sa Gibea para lusubin sila. At sa araw na iyon, 22,000 Israelita ang napatay ng mga taga-Benjamin.

22-23Umahon muli ang mga Israelita sa Betel at umiyak doon hanggang gabi. Tinanong nila ang Panginoon, “Muli po ba kaming makikipaglaban sa mga kadugo naming taga-Benjamin?” Sumagot ang Panginoon, “Oo, muli kayong makipaglaban.”

Kaya pinalakas nila ang kanilang loob at muli silang pumwesto sa dating lugar noong unang araw silang lumusob. 24At nang sumunod na araw, nilusob nila ang mga taga-Benjamin. 25Pero lumabas muli ang mga taga-Benjamin sa Gibea at sinalubong ang mga kapwa nila Israelita. At sa pagkakataong iyon, napatay na naman nila ang 18,000 Israelita na armado lahat ng espada.

26Kaya umahon muli ang lahat ng Israelita sa Betel at umiyak sa presensya ng Panginoon. Nag-ayuno sila hanggang gabi at nag-alay ng mga handog na sinusunog at mga handog para sa mabuting relasyon. 27-28Nang panahong iyon, ang Kahon ng Kasunduan ng Dios ay nasa Betel, at ang namamahala rito ay si Finehas na anak ni Eleazar at apo ni Aaron. Nagtanong muli ang mga Israelita sa Panginoon, “Muli po ba kaming makikipaglaban sa mga kadugo naming taga-Benjamin o hindi na po?” Sumagot ang Panginoon, “Muli kayong makipaglaban, dahil bukas ay pagtatagumpayin ko kayo laban sa kanila.”

29Kaya pinaligiran ng mga Israelita ang Gibea. 30Pumwesto muli sila sa lugar ding iyon. Ikatlong araw ito ng kanilang paglusob. 31Muli silang sinalubong ng mga taga-Benjamin na lumalabas mula sa lungsod. At katulad ng nangyari sa mga nakaraang araw, may napatay silang mga Israelita. May 30 Israelita ang namatay sa bukirin at sa mga daan papunta sa Betel at sa Gibea. 32Dahil tumakas ang mga Israelita, akala ng mga taga-Benjamin ay magtatagumpay silang muli laban sa mga Israelita. Hindi nila alam na nagpapahabol lang pala ang mga Israelita para dalhin sila papalayo ng lungsod.

33Nang nakarating ang mga Israelita sa Baal Tamar, pumwesto sila roon habang ang mga nag-aabang sa paligid20:33 paligid: o, kanluran. ng Gibea ay nagsisilabasan. 3410,000 silang lahat na puro piling sundalo ng Israel. Nilusob nila ang Gibea, at matindi ang labanan. Hindi alam ng mga taga-Benjamin na malapit na ang katapusan nila. 35Pinagtagumpay ng Panginoon ang mga Israelita. At sa araw na iyon, nakapatay sila ng 25,100 taga-Benjamin na armadong lahat ng espada. 36At napansin ng mga taga-Benjamin na natatalo na sila.

Ang Detalye nang Pagtatagumpay ng mga Israelita

Tumakas ang malaking grupo ng mga sundalo ng Israel para makalusob ang mga taong itinalaga nilang pumaligid sa bayan ng Gibea. 37Habang humahabol ang mga taga-Benjamin, biglang nilusob ng mga taong ito ang Gibea at pinagpapatay ang lahat ng tao roon. 38Bago sila lumusob, nag-usap muna sila na kapag nakita ng mga tumatakas na mga Israelita ang makapal na usok sa Gibea, 39babalik sila sa pakikipaglaban. Ang mga taga-Benjamin noon ay nakapatay ng 30 Israelita, kaya inaakala nilang nagtagumpay na naman sila sa mga Israelita. 40At nang pumaitaas na ang makapal na usok sa Gibea, lumingon ang mga taga-Benjamin, at nakita nila ang makapal na usok mula sa lungsod. 41Kaya bumalik ang mga Israelita at nilusob nila ang mga taga-Benjamin. Natakot ang mga taga-Benjamin dahil napansin nilang malapit na ang katapusan nila. 42Tumakas sila sa ilang, pero hinabol sila ng mga Israelitang lumalabas sa bayan. 43Pinaligiran sila ng mga Israelita at hindi tumigil ang mga ito sa paghabol sa kanila hanggang sa silangan ng Gibea. 44May 18,000 matatapang na sundalo ng Benjamin ang namatay. 45Tumakas ang iba papunta sa ilang sa Bato ng Rimon, pero 5,000 ang namatay sa kanila sa daan. Patuloy silang hinabol ng mga Israelita hanggang sa Gidom at nakapatay pa ang mga Israelita ng 2,000. 46Sa kabuuan, 25,000 matatapang na taga-Benjamin ang namatay nang araw na iyon. Mga magagaling sila na sundalo at armado ng espada. 47Pero may 600 pa na taga-Benjamin ang nakatakas sa Bato ng Rimon, at doon sila nanatili sa loob ng apat na buwan 48Pagkatapos, bumalik ang mga Israelita sa mga bayan ng Benjamin at pinatay nila ang mga natitirang buhay pa, pati ang mga hayop. At sinunog nila ang lahat ng bayan ng mga taga-Benjamin na madaanan nila.