利未记 20 – CCB & TCB

Chinese Contemporary Bible (Simplified)

利未记 20:1-27

各种罪的惩处条例

1耶和华对摩西说: 2“你把以下条例告诉以色列人。

“在你们或寄居在你们中间的外族人中,如果有人把子女献给假神摩洛,必须处死他,当地的人要用石头打死他。 3我也必严惩那人,将他从民中铲除。因为他把子女献给摩洛,玷污我的圣所,亵渎我的圣名。 4如果那地方的人对此置之不理,没有处死那人, 5我必严惩那人一家,从民中铲除他和那些追随他与摩洛苟合的人。 6如果有人求问灵媒或巫师,与他们苟合,我必严惩,将他从民中铲除。 7你们要洁净自己,做圣洁的人,因为我是你们的上帝耶和华。 8你们要遵行我的律例。我是使你们圣洁的耶和华。

9“咒骂父母的,必被处死。他咒骂父母,必须承担自己的罪。 10如果有人与别人的妻子通奸,奸夫淫妇必须被处死。 11如果有人与父亲的妻妾同寝,就是羞辱他的父亲。要把二人处死,他们要承担自己的罪。 12如果有人与儿媳同寝,二人都必须被处死。他们乱伦,要承担自己的罪。 13如果男人与男人同寝,好像男人与女人同寝一样,他们的行为可憎,必须被处死。他们要承担自己的罪。 14如果有人娶妻,又娶岳母,便是大恶。要把他们三人烧死,使你们杜绝这种败坏之事。 15如果有男人与兽类交合,他和兽都要被处死。 16如果有女人与兽类交合,女人和兽都要被处死。他们罪有应得,必须被处死。

17“如果有人娶了同父异母或同母异父的姊妹,这是可耻之事,必须公开铲除他们。他与自己的姊妹乱伦,要承担自己的罪。 18如果有人与经期的女人同寝,他就暴露了女人的血泉,女人也自露血泉。要将他们二人从民中铲除。 19不可与姨母或姑母乱伦,因为这是羞辱自己的亲人。二人要承担自己的罪。 20如果有人与伯母或婶母同寝,就是羞辱他的伯父或叔父。二人要承担自己的罪恶,必无子女而死。 21如果有人娶兄嫂或弟媳,这是污秽行为,羞辱了自己的兄弟。二人必无儿无女。

22“你们要遵行我的一切律例和典章,免得我要带你们去的那片土地把你们吐出去。 23我要在你们面前赶走那片土地上的各族,你们不要随从他们的习俗。他们做了以上那些事,所以我厌恶他们。 24我曾说你们必占据他们的土地,我要把那片奶蜜之乡赐给你们作产业。我是你们的上帝耶和华,我已经把你们跟万族分开。 25所以,你们要区分洁净和不洁净的兽类与鸟类。不可吃那些我视为不洁净的飞禽、走兽和爬虫,以免玷污自己。 26你们要圣洁,因为我耶和华是圣洁的。我把你们跟万族分开,使你们做我的子民。 27如果有人做灵媒或巫师,不论男女,都必须被处死。你们要用石头打死他们,使他们承担自己的罪。”

Tagalog Contemporary Bible

Leviticus 20:1-27

Mga Parusa sa mga Kasalanan

1Inutusan ng Panginoon si Moises, 2na sabihin ito sa mga taga-Israel:

Ang sinuman sa inyo at sa mga dayuhang naninirahang kasama ninyo na maghahandog ng kanyang anak sa dios-diosang si Molec ay dapat batuhin ng taong bayan hanggang sa mamatay. 3-4Kasusuklaman ko ang taong iyon at huwag na ninyong ituring na kababayan. Sapagkat dahil sa paghahandog niya ng kanyang anak kay Molec, dinungisan niya ang lugar na pinagsasambahan sa akin at nilapastangan niya ang aking pangalan. Kapag ang taong iyon ay hinahayaan ninyo sa kanyang ginagawang iyon, 5ako mismo ang uusig sa kanya, at sa sambahayan niya, at sa lahat ng sumusunod sa kanya sa paghahandog kay Molec. Hindi ko sila ituturing na kababayan ninyo.

6Kasusuklaman ko ang mga sumasangguni at sumusunod sa mga espiritistang nakikipag-usap sa mga kaluluwa ng patay. Hindi ko sila ituturing na kababayan ninyo.

7Italaga ninyo ang inyong sarili para sa akin at magpakabanal kayo dahil ako ang Panginoon na inyong Dios. 8Sundin ninyo ang aking mga tuntunin dahil ako ang Panginoon na nagtalaga sa inyo para maging bayan ko.

9Ang sinumang lumapastangan sa kanyang ama at ina ay kailangang patayin.

10Kung ang isang lalaki ay sumiping sa asawa ng iba, siya at ang babae ay dapat patayin.

11Kung ang isang lalaki ay sumiping sa asawa ng kanyang ama, nilalapastangan niya ang kanyang ama. Kaya siya at ang babae ay dapat patayin. Sila ang responsable sa sinapit nilang kamatayan.

12Kung ang isang amaʼy sumiping sa kanyang manugang na babae, siya at ang babae ay dapat patayin, dahil masama ang kanilang ginawa. Sila ang responsable sa sinapit nilang kamatayan.

13Kung ang isang lalaki ay sumiping sa kapwa lalaki, pareho silang dapat patayin dahil pareho silang gumawa ng kasuklam-suklam na gawain. Sila ang responsable sa sinapit nilang kamatayan.

14Kung ang isang lalaki ay sumiping sa mag-ina, silang tatlo ay dapat sunugin dahil masama ang kanilang ginawa. Ang kasamaang ito ay dapat mawala sa inyo.

15-16Kung ang isang lalaki o babae ay sumiping sa hayop, dapat siyang patayin pati na ang hayop. Sila ang responsable sa kanilang kamatayan.

17Kung ang isang lalaki ay magpakasal sa kapatid niyang babae at sumiping dito, maging itoʼy kapatid niya sa ama o sa ina, inilalagay niya ang kanyang kapatid sa kahihiyan kaya dapat siyang managot. At dahil masama ang ginawa nila, huwag na silang ituring na kababayan ninyo.

18Kung ang lalaki ay sumiping sa babaeng may buwanang dalaw dahil gusto rin ng babae, silang dalawa ay huwag na ninyong ituring na kababayan.

19Kung ang isang lalaki ay sumiping sa kanyang tiyahin, inilalagay niya sa kahihiyan ang kanyang tiyahin. Silang dalawa ay dapat managot sa kanilang ginawa.

20Kung ang isang lalaki ay sumiping sa asawa ng kanyang tiyuhin, inilalagay niya ang kanyang tiyuhin sa kahihiyan. Silang dalawa ay dapat managot at mamatay na walang anak.

21Kung ang isang lalaki ay sumiping sa asawa ng kanyang kapatid, inilalagay niya ang kanyang kapatid sa kahihiyan. At dahil masama ang ginawa nila, mamamatay silang dalawa na walang anak.

22Sundin ninyo ang lahat ng tuntunin at utos upang hindi kayo paalisin sa lupaing pagdadalhan ko sa inyo para roon kayo manirahan. 23Ang mga taong paaalisin ko sa lupaing iyon ay gumagawa ng mga kasamaang ito, at dahil dooʼy itinatakwil ko sila. Kaya huwag ninyong gagayahin ang ginagawa nila. 24At ayon na rin sa aking sinabi sa inyo, magiging inyo ang kanilang lupain. Ibibigay ko sa inyo ang lupaing iyon na maganda at sagana20:24 maganda at sagana: sa literal, dumadaloy ang gatas at pulot. sa ani para maging pag-aari ninyo. Ako ang Panginoon na inyong Dios na humirang sa inyo mula sa mga tao.

25Dapat ninyong malaman kung aling mga hayop at mga ibon ang malinis o marumi. Huwag ninyong dudungisan ang inyong sarili sa pamamagitan ng pagkain ng mga maruming hayop na ipinagbawal ko. 26Kayoʼy magpakabanal dahil ako, ang Panginoon ay banal. At kayoʼy hinirang ko mula sa ibang mga bansa para maging akin.

27Kung mayroong espiritista sa inyo na nakikipag-usap sa mga kaluluwa ng patay, kailangang batuhin ninyo siya hanggang sa mamatay. Siya ang responsable sa kanyang kamatayan.