创世记 32 – CCB & TCB

Chinese Contemporary Bible (Simplified)

创世记 32:1-32

雅各预备见以扫

1雅各继续前行,遇见了上帝的天使。 2雅各看见他们,就说:“这是上帝的军队!”于是称那地方为玛哈念32:2 玛哈念”意思是“两营军队”。

3雅各先派人到西珥,就是以东,去见他哥哥以扫4并吩咐他们:“你们要这样对我主以扫说,‘你仆人雅各一直寄居在拉班家里, 5现在他带了牛羊、驴和仆婢回来见你,派我们来报信,希望得到你的恩待。’”

6报信的人回到雅各那里,说:“我们到了你哥哥以扫那里,他正带着四百人前来见你。” 7雅各听了非常害怕,便把随从、牛群、羊群和骆驼分成两队, 8心想:“如果以扫来攻击一队,另一队还可以逃生。”

9他祷告说:“耶和华,我祖父亚伯拉罕和我父亲以撒的上帝啊!你吩咐我回到家乡和亲族那里,答应厚待我。 10我不配蒙你以慈爱和信实相待,我先前过约旦河的时候,手上只有一根杖,现在却有两队人丁家畜。 11求你救我脱离我哥哥以扫的手,我怕他会来杀我和我的妻儿。 12然而,你曾说,‘我必厚待你,使你的后代多如海沙,不可胜数。’”

13那天晚上,雅各就在那里过夜,又挑选牲畜送给哥哥以扫作礼物: 14母山羊二百只、公山羊二十只、母绵羊二百只、公绵羊二十只、 15哺乳的骆驼三十头及其小骆驼、母牛四十头、公牛十头、母驴二十头、驴驹十头。 16雅各把牲畜每类分成一群,交给仆人看管,对他们说:“你们走在前头,每群牲畜之间要保持一段距离!” 17又吩咐走在最前面的仆人说:“我哥哥以扫遇到你的时候,如果问你是谁家的人?要到哪里去?前头这些牲畜是谁的? 18你就说,‘是仆人雅各要送给他主人以扫的礼物,他自己就跟在后面。’” 19雅各又吩咐看管第二群、第三群及其余牲畜的仆人遇见以扫时也要这样回答, 20并且一定要说:“你仆人雅各就在后面。”雅各想先用礼物去化解以扫的怨恨,或许见面时以扫会善待他。 21于是,他派人先把礼物送过去,自己则留在营里过夜。

雅各遇见上帝

22那天晚上,雅各起来带着两个妻子、两个婢女和十一个儿子渡过雅博渡口。 23雅各把他们连同一切所有都送过河以后, 24自己独自留下。这时,有一个人来和他摔跤,直到黎明。 25那人见胜不过雅各,就在他的大腿窝摸了一下,他大腿的关节就脱了臼。 26那人说:“天亮了,让我走吧!”但雅各说:“你不祝福我,我就不让你走。” 27那人问道:“你叫什么名字?”他说:“我叫雅各。” 28那人说:“你以后不要再叫雅各了,你要叫以色列,因为你跟上帝和人角力都得胜了。”

29雅各说:“请你告诉我你的名字。”那人说:“你为什么问我的名字?”他就在那里给雅各祝福。 30雅各称那地方为毗努伊勒,因为他说:“我当面见过上帝,竟能活命。” 31雅各经过毗努伊勒的时候,太阳出来了,那时他的大腿瘸了。 32以色列人至今都不吃大腿窝的筋,因为那人摸过雅各大腿窝的筋。

Tagalog Contemporary Bible

Genesis 32:1-32

Naghanda si Jacob sa Pakikipagkita kay Esau

1Habang naglalakbay sina Jacob, sinalubong siya ng mga anghel ng Dios. 2Pagkakita ni Jacob sa kanila, sinabi niya, “Mga sundalo ito ng Dios.” Kaya pinangalanan niya ang lugar na iyon na Mahanaim.32:2 Mahanaim: Ang ibig sabihin, dalawang grupo ng mga sundalo.

3May mga inutusan si Jacob na mauna sa kanya para makipagkita sa kapatid niyang si Esau roon sa lupain ng Seir, ang lugar na tinatawag ding Edom. 4Tinuruan niya sila kung ano ang sasabihin nila kay Esau. Sinabi ni Jacob, “Sabihin ninyo kay Esau na matagal akong nanirahan kay Laban at hindi pa ako nakakauwi hanggang ngayon. 5At sabihin ninyo sa kanya na may mga baka ako, asno, tupa, kambing at mga aliping lalaki at babae. Sabihin ninyo sa kanya na inutusan ko kayo para hilingin sa kanya na maging mabuti na sana ang pakikitungo niya sa akin.”

6Pagbalik ng mga inutusan ni Jacob, sinabi nila, “Napuntahan na po namin si Esau, at papunta na po siya rito para salubungin kayo. May kasama siyang 400 lalaki.”

7Kinabahan si Jacob at hindi siya mapalagay, kaya hinati niya sa dalawang grupo ang mga kasamahan niya pati ang kanyang mga tupa, baka, kambing at kamelyo. 8Dahil naisip niya na kung sakaling dumating si Esau at lusubin ang isang grupo, makakatakas pa ang isang grupo.

9Nanalangin si Jacob, “Dios ng aking lolo na si Abraham at Dios ng aking ama na si Isaac, kayo po ang Panginoon na nagsabi sa akin na bumalik ako sa mga kamag-anak ko, doon po sa lupain kung saan ako isinilang, at pagpapalain ninyo ako. 10Hindi po ako karapat-dapat tumanggap ng lahat ng kabutihan at katapatan na ipinakita ninyo sa akin na inyong lingkod. Sapagkat nang tumawid ako noon sa Jordan, wala po akong ibang dala kundi tungkod lang, pero ngayon ay may dalawa na po akong grupo. 11Hinihiling ko po sa inyo na iligtas nʼyo ako sa kapatid kong si Esau. Natatakot po ako na baka pumunta siya rito at patayin kaming lahat pati na ang mga asawa koʼt mga anak nila. 12Pero nangako po kayo sa akin na pagpapalain nʼyo ako at pararamihin nʼyo ang aking mga lahi katulad ng buhangin sa tabing-dagat na hindi mabilang.”

13Kinagabihan, doon natulog sina Jacob. Kinabukasan, pumili si Jacob ng mga hayop na ireregalo kay Esau: 14200 babaeng kambing at 20 lalaking kambing, 200 babaeng tupa at 20 lalaking tupa, 1530 inahing kamelyo kasama pa ang kanilang mga bisiro, 40 babaeng baka at sampung toro, 20 babaeng asno at sampung lalaking asno. 16Ginawang dalawang grupo ni Jacob ang mga hayop, at ang bawat grupo ay may aliping nagbabantay. Sinabihan niya ang kanyang mga alipin, “Mauna kayo sa akin, at lumakad kayo na may pagitan ang bawat grupo.”

17Sinabihan niya ang mga aliping nagbabantay sa naunang grupo, “Kung makasalubong nʼyo si Esau at magtanong siya kung kanino kayong alipin at kung saan kayo pupunta, at kung kanino ang mga hayop na dala ninyo, 18sagutin ninyo siya na akin ang mga hayop na ito at regalo ko ito sa kanya. Sabihin din ninyo sa kanya na nakasunod ako sa inyo.”

19Ganoon din ang sinabi niya sa ikalawa, sa ikatlo at sa lahat ng aliping kasabay ng mga hayop. 20At pinaalalahanan niya ang mga ito na huwag kalimutang sabihin kay Esau na nakasunod siya sa hulihan. Sapagkat sinabi ni Jacob sa kanyang sarili, “Aalukin ko si Esau ng mga regalong ito na pinauna ko. At kung magkikita kami, baka sakaling patawarin niya ako.” 21Kaya pinauna niya ang mga regalo niya, pero nagpaiwan siya noong gabing iyon doon sa tinutuluyan nila.

May Nakipagbuno kay Jacob sa Peniel

22Nang gabing iyon, bumangon si Jacob at isinama ang dalawa niyang asawa, ang dalawang alipin niyang babae at ang 11 anak niya, at pinatawid sila sa Ilog ng Jabok. 23Ipinatawid din ni Jacob ang lahat ng ari-arian niya. 24Nang nag-iisa na siya, may dumating na isang lalaki at nakipagbuno sa kanya. Nagbunuan sila hanggang mag-uumaga. 25Nang mapansin niya na hindi niya matatalo si Jacob, pinisil niya ang balakang ni Jacob at nalinsad ang magkatapat na buto nito. 26At sinabi ng tao, “Bitawan mo na ako dahil mag-uumaga na.”

Pero sumagot si Jacob, “Hindi kita bibitawan hanggaʼt hindi mo ako babasbasan.”

27Nagtanong ang tao sa kanya, “Anong pangalan mo?”

Sumagot siya, “Jacob.”

28Sinabi ng tao, “Simula ngayon hindi na Jacob ang pangalan mo kundi Israel32:28 Israel: Ang ibig sabihin, nakipagbuno sa Dios. na dahil nakipagbuno ka sa Dios at sa mga tao, at ikaw ay nagtagumpay.”

29Nagtanong din si Jacob sa kanya, “Sabihin mo rin sa akin ang pangalan mo.”

Pero sumagot ang tao, “Huwag mo nang itanong ang pangalan ko.” Pagkatapos, binasbasan niya si Jacob doon.

30Pinangalanan ni Jacob ang lugar na iyon na Peniel,32:30 Peniel: Ang ibig sabihin, mukha ng Dios. dahil sinabi niya, “Nakita ko ang mukha ng Dios pero buhay pa rin ako.”

31Sumisikat na ang araw nang umalis si Jacob sa Peniel. Pipilay-pilay siya dahil nalinsad ang buto niya sa balakang. 32Ito ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ang mga Israelita ay hindi kumakain ng litid sa magkatapat na buto sa balakang ng hayop. Sapagkat sa bahaging iyon pinisil ng Dios si Jacob.