以斯帖记 7 – CCB & TCB

Chinese Contemporary Bible (Simplified)

以斯帖记 7:1-10

哈曼被处死

1王带着哈曼去赴以斯帖王后的宴席。 2在这第二次宴会中,王在席间又问以斯帖:“以斯帖王后啊,你要什么?我必赐给你。你有何要求?就是半壁江山,也必为你成就。” 3以斯帖回答说:“我若得到王的恩宠,王若愿意,就请王把我的性命和我本族人的性命赐给我——这是我所求的。 4因为我和我本族的人都被卖了,我们将被铲除、杀光、灭尽。如果只是卖我们为奴为婢,我会闭口不语,因为那样的痛苦不值得来打扰王7:4 因为那样的痛苦不值得来打扰王”或译“但王的损失,敌人无法补偿”。。” 5亚哈随鲁王问以斯帖王后:“谁敢这样做?他在哪里?” 6以斯帖回答说:“敌人和仇家就是这恶人哈曼!”哈曼在王和王后面前十分惊恐。

7王大怒,离席去了御花园。哈曼见王定意要惩罚他,便留下来求以斯帖王后饶命。 8王从御花园回到席上,见哈曼伏在以斯帖所靠的榻上,便说:“他竟敢在宫中当着我的面侮辱王后吗?”王这话一出口,便有人蒙了哈曼的脸。 9服侍王的太监哈波拿说:“哈曼为那救驾有功的末底改做了一个二十三米高的木架,如今正立在哈曼家里。”王说:“把哈曼吊在上面!” 10于是,哈曼被吊在他为末底改预备的木架上,王的怒气这才平息。

Tagalog Contemporary Bible

Ester 7:1-10

Binitay si Haman

1Dumalo sina Haring Ahasuerus at Haman sa inihandang hapunan ni Reyna Ester. 2At habang nag-iinuman sila, tinanong muli ng hari si Reyna Ester, “Ano ba talaga ang kahilingan mo? Sabihin mo na at ibibigay ko sa iyo kahit kalahati ng kaharian ko.” 3“Mahal na Hari, kung kalugod-lugod po ako sa inyo, iligtas po ninyo ako at ang mga kalahi kong Judio. Iyan ang kahilingan ko sa inyo. 4Dahil may gantimpalang ipinangako sa mga taong papatay sa amin. Kung ipinagbili po kami para maging alipin lang, magsasawalang-kibo na lang ako, dahil hindi iyon gaanong mahalaga para gambalain ko pa kayo.”

5Sinabi ni Haring Ahasuerus, “Sino ang nangahas na gumawa ng bagay na iyon at nasaan siya ngayon?” 6Sumagot si Ester, “Ang kumakalaban po sa amin at ang kaaway namin ay ang masamang si Haman.”

Takot na takot si Haman habang nasa harap ng hari at ng reyna. 7Galit na galit na tumayo ang hari. Iniwan niya ang kanyang iniinom at pumunta sa hardin ng palasyo. Naiwan si Haman na nagmamakaawa kay Reyna Ester dahil natitiyak niyang parurusahan siya ng hari.

8Pagbalik ng hari mula sa hardin, nakita niyang nakadapa si Haman na nagmamakaawa sa harap ng hinihigaan ni Ester. Kaya sinabi ng hari, “At gusto mo pang pagsamantalahan ang reyna rito sa loob ng palasyo ko!” Nang masabi iyon ng hari, dinakip ng mga naroon si Haman at tinalukbungan ang ulo7:8 tinalukbungan ang ulo: Maaaring palatandaan ito na papatayin siya. nito. 9Sinabi ni Harbona, isa sa mga lingkod ng hari, “Nagpagawa po si Haman ng matulis na kahoy para tuhugin si Mordecai, na nagligtas sa inyong buhay. Ang taas po ng kahoy ay 75 talampakan at malapit ito sa bahay ni Haman.” 10Kaya nag-utos ang hari, “Doon ninyo siya tuhugin!” At tinuhog nga nila si Haman doon sa ipinagawa niyang matulis na kahoy para kay Mordecai. At nawala ang galit ng hari.