4 Царств 19 – CARS & TCB

Священное Писание

4 Царств 19:1-37

Пророчество Исаии о спасении Иерусалима

(Ис. 37:1-8)

1Когда царь Езекия услышал это, он разорвал на себе одежду, оделся в рубище и пошёл в храм Вечного. 2Он послал распорядителя дворца Элиакима, писаря Шевну и главных священнослужителей, одетых в рубище, к пророку Исаии, сыну Амоца.

3Они сказали ему:

– Так говорит Езекия: «Сегодня день беды, наказания и бесчестия, словно дитя вот-вот должно родиться, а родить не хватает сил. 4Может быть, Вечный, твой Бог, услышит все слова главного виночерпия, которого его господин, царь Ассирии, послал глумиться над живым Богом, и накажет его за слова, которые услышал Вечный, твой Бог. Вознеси же молитву за тех, кто ещё жив!»

5Когда приближённые царя Езекии пришли к Исаии, 6тот сказал им:

– Скажите своему господину: Так говорит Вечный: «Не бойся того, что ты слышал, – тех слов, которыми оскорбляли Меня слуги царя Ассирии. 7Вот Я нашлю на него такой дух, что, получив известие, он немедленно вернётся в свою страну, где Я судил ему пасть от меча».

8Когда главный виночерпий услышал, что царь Ассирии оставил Лахиш, он вернулся и нашёл царя осаждающим Ливну.

Новая угроза Синаххериба и молитва Езекии

(Ис. 37:9-20)

9Синаххериб получил весть о том, что Тирхака, царь Эфиопии, идёт на него войной. Тогда он опять послал к Езекии послов, чтобы сказать:

10– Скажите Езекии, царю Иудеи: «Не давай Богу, на Которого ты надеешься, обманывать тебя, когда Он говорит: „Иерусалим не будет отдан царю Ассирии“. 11Ты же слышал о том, что цари Ассирии сделали со всеми странами, предав их полному уничтожению. А разве ты уцелеешь? 12Разве боги народов, которые были истреблены моими предками, боги городов Гозана, Харрана, Рецефа и народа Эдена, который был в Телассаре, спасли их? 13Где теперь царь Хамата, царь Арпада, цари Сепарваима, Ены или Иввы?»

14Езекия получил письмо через послов и прочитал его. Тогда он пошёл в храм Вечного и развернул его перед Вечным.

15Езекия молился Вечному:

– О Вечный, Бог Исраила, восседающий на херувимах19:15 Херувим – один из высших ангельских чинов. См. также пояснительный словарь., лишь Ты – Бог над всеми земными царствами. Ты создал небо и землю. 16Склони, Вечный, ухо Своё и услышь; открой, Вечный, глаза Свои и взгляни; услышь слова Синаххериба, которые он послал, чтобы глумиться над живым Богом. 17Правда, Вечный, что ассирийские цари погубили эти народы и их страны, 18бросили их богов в огонь и уничтожили их, потому что то были не боги, а только дерево и камень, обработанные руками человека. 19И теперь, Вечный, наш Бог, молю, избавь нас от его руки, чтобы все земные царства узнали, что только Ты, Вечный, – Бог!

Пророчество Исаии о падении Синаххериба

(Ис. 37:21-35)

20И Исаия, сын Амоца, послал сказать Езекии:

– Так говорит Вечный, Бог Исраила: «Я услышал твою молитву против Синаххериба, царя Ассирии».

21И вот слово, которое сказал о нём Вечный:

– Девственная дочь Сиона19:21 Девственная дочь Сиона – олицетворение Иерусалима. Так же и «дочь Иерусалима».

презирает тебя, над тобой смеётся.

Дочь Иерусалима

вслед тебе головой качает.

22Ты над кем глумился, кого оскорблял?

На кого ты повысил голос

и глаза надменные поднял?

На святого Бога Исраила!

23Через своих послов

ты глумился над Владыкой.

Ты сказал:

«Со множеством моих колесниц

я поднялся на горные вершины,

на дальние склоны Ливана.

Я срубил его высочайшие кедры,

его лучшие кипарисы.

Я достиг его самых отдалённых мест,

его наилучших лесов.

24Я копал колодцы

и пил воду чужих земель.

Ступнями своих ног

я иссушил все реки Египта».

25Разве ты не слышал?

Я давно это определил,

задумал в древние дни.

Теперь Я это исполнил,

дав тебе превратить укреплённые города

в груды развалин.

26Их жители обессилены,

испуганы и опозорены.

Они недолговечны, как растения в поле,

как нежные зелёные побеги,

как трава, пробившаяся на крыше,

опалённая, прежде чем вырасти.

27Но Я знаю, когда ты встаёшь или садишься,

когда выходишь или входишь

и как ты яришься на Меня.

28За твою ярость против Меня

и за твою надменность, что достигла Моих ушей,

Я продену в твой нос Моё кольцо,

и вложу в твой рот Мои удила,

и верну тебя назад той дорогой,

которой ты пришёл.

29Это будет тебе знамением, Езекия:

В этом году вы будете есть то, что вырастет само собой,

а в следующем году то, что вырастет из этого.

Но в третий год сейте и жните,

сажайте виноградники и ешьте их плоды.

30Уцелевшие жители Иудеи опять пустят корни

и принесут плоды.

31Ведь из Иерусалима выйдет остаток,

и с горы Сион – уцелевшие.

Это сделает ревность Вечного, Повелителя Сил.

32Поэтому Вечный говорит о царе Ассирии так:

– Он не войдёт в этот город

и не пустит сюда стрелы.

Он не приступит к нему со щитом

и не насыплет против него осадного вала.

33Он вернётся той же дорогой, какой пришёл,

он не войдёт в этот город, –

возвещает Вечный. –

34Я защищу этот город и спасу его,

ради Себя и ради Моего раба Давуда.

Поражение ассирийской армии

(2 Лет. 32:21; Ис. 37:36-38)

35В ту же ночь Ангел Вечного вышел и предал смерти в лагере ассирийцев сто восемьдесят пять тысяч человек. Когда на следующее утро люди проснулись, то увидели повсюду мёртвые тела. 36Тогда Синаххериб, царь Ассирии, снял лагерь и ушёл. Он возвратился домой и жил в Ниневии.

37Однажды, когда он поклонялся в храме своего бога Нисроха, его сыновья Адрам-Малик и Сарецер поразили его мечом и бежали в араратскую землю. И царём вместо него стал его сын Асархаддон.

Tagalog Contemporary Bible

2 Hari 19:1-37

Humingi ng Payo si Haring Hezekia kay Isaias

(Isa. 37:1-7)

1Nang marinig ni Haring Hezekia ang balita, pinunit niya ang kanyang damit, nagdamit siya ng sako para ipakita ang kalungkutan niya at pumunta siya sa templo ng Panginoon para manalangin. 2Pinapunta niya kay Propeta Isaias na anak ni Amoz sina Eliakim na tagapamahala ng palasyo, Shebna na kalihim at ang mga punong pari na nakadamit ng sako.

3Pagdating nila kay Isaias, sinabi nila sa kanya, “Ito ang sinabi ni Haring Hezekia: Ito ang panahon ng paghihirap, pagtutuwid at kahihiyan. Katulad tayo ng isang babae na malapit nang manganak na wala ng lakas para iluwal ang sanggol. 4Ipinadala ng hari ng Asiria ang kumander ng kanyang mga sundalo para kutyain ang Dios na buhay. Baka sakaling narinig ng Panginoon na iyong Dios ang lahat na sinabi ng kumander at parusahan ito sa sinabi niya. Kaya ipanalangin mo ang mga natira sa atin.”

5Nang naipaalam na ng mga opisyal ni Haring Hezekia ang mensahe kay Isaias, 6sinabi ni Isaias sa kanila, “Sabihin ninyo sa inyong amo na ito ang sinasabi ng Panginoon: ‘Huwag kang matakot sa narinig mong paglapastangan sa akin ng mga tauhan ng hari ng Asiria. 7Pakinggan mo! Pupuspusin ko ng espiritu ang hari ng Asiria. Makakarinig siya ng balita na magpapabalik sa kanya sa sarili niyang bansa. At doon ko siya ipapapatay sa pamamagitan ng espada.’ ”

Muling Nagbanta ang Asiria

(Isa. 37:8-20)

8Nang marinig ng kumander na umalis na sa Lakish ang hari ng Asiria at kasalukuyang nakikipaglaban sa Libna, pumunta siya roon. 9Nang makatanggap ng balita si Haring Senakerib ng Asiria na lulusubin sila ni Haring Tirhaka ng Etiopia,19:9 Etiopia: sa Hebreo, Cush. nagsugo siya ng mga mensahero kay Hezekia para sabihin ito: 10“Huwag kang magpaloko sa inaasahan mong Dios kapag sinabi niya, ‘Hindi ipapaubaya ang Jerusalem sa kamay ng hari ng Asiria.’ 11Makinig ka! Narinig mo kung ano ang ginawa ng mga hari ng Asiria sa halos lahat ng bansa. Nilipol sila nang lubusan. Sa palagay mo ba makakaligtas ka? 12Nailigtas ba ang mga bansang ito ng dios nila? Ang mga lungsod ng Gozan, Haran, Reshef at ang mga mamamayan ng Eden na nasa Tel Asar ay nilipol ng mga ninuno ko. 13May nagawa ba ang hari ng Hamat, Arpad, Sefarvaim, Hena at Iva?”

Ang Panalangin ni Haring Hezekia

14Nang makuha ni Hezekia ang sulat mula sa mensahero, binasa niya ito. Pumunta siya sa templo ng Panginoon at inilapag ang sulat sa presensya ng Panginoon. 15Pagkatapos, nanalangin siya, “Panginoon, Dios ng Israel na nakaupo sa trono sa pagitan ng mga kerubin, kayo lang po ang Dios na namamahala sa lahat ng kaharian dito sa mundo. Nilikha ninyo ang kalangitan at ang mundo. 16Panginoon, pakinggan nʼyo po at tingnan ang mga nangyayari. O Dios na buhay, narinig nʼyo ang mga sinabi ni Senakerib na lumapastangan sa inyo. 17Panginoon, totoo po na nilipol ng mga hari ng Asiria ang maraming bansa. 18Winasak nila ang mga dios-diosan nila sa pamamagitan ng pagtapon ng mga ito sa apoy. Dahil hindi po ito mga totoong dios kundi mga bato at kahoy lang na ginawa ng tao. 19Kaya, Panginoon naming Dios, iligtas po ninyo kami sa kamay ng Asiria, para malaman ng lahat ng kaharian dito sa mundo na kayo lang, Panginoon, ang Dios.”

Ang Paglipol kay Senakerib

(Isa. 37:21-38)

20Pagkatapos, nagpadala si Isaias na anak ni Amoz ng mensahe kay Hezekia ng ganito, “Ito ang sinasabi ng Panginoon, ang Dios ng Israel: Narinig ko ang panalangin mo tungkol kay Haring Senakerib ng Asiria. 21Ito ang sinabi ko laban sa kanya:

‘Pinagtatawanan at iniinsulto ka ng mga naninirahan sa Zion,19:21 Zion: sa Hebreo, birhen na anak na babae ng Zion … anak na babae ng Jerusalem. ang lungsod ng Jerusalem.

Umiiling-iling sila sa paghamak sa iyo habang nakatalikod ka.

22Sino ba ang hinahamak at nilalapastangan mo?

Sino ang pinagtataasan mo ng boses at pinagyayabangan mo?

Hindi baʼt ako, ang Banal na Dios ng Israel?

23Kinutya mo ako sa pamamagitan ng iyong mga sugo.

Sinabi mo pa, “Sa pamamagitan ng aking maraming karwahe naakyat ko ang matataas na bundok pati na ang tuktok ng bundok ng Lebanon.

Pinutol ko ang pinakamataas na mga puno ng sedro at natatanging sipres nito.

Nakarating ako sa tuktok nito na may makapal na kagubatan.

24Naghukay ako ng balon sa ibang mga lugar at uminom ng tubig mula rito.

Sa pagdaan ko, natuyo ang mga sapa sa Egipto.”

25“ ‘Totoo ngang winasak mo ang mga napapaderang lungsod.

Pero hindi mo ba alam na matagal ko nang itinakda iyon?

Mula pa noon, naplano ko na ito at ngayon, ginagawa ko na ito.

26Ang mga mamamayan ng mga lungsod na iyong nilipol ay nawalan ng lakas. Natakot sila at napahiya.

Para silang mga damo sa parang na madaling malanta,

o mga damong tumutubo sa bubungan ng bahay na pagkatapos tumubo ay nalanta rin agad.

27Pero alam ko ang lahat tungkol sa iyo,

kung saan ka nananatili, kung saan ka galing, kung saan ka pupunta, at kung gaano katindi ang galit mo sa akin.

28Dahil narinig ko ang galit mo at ang pagmamayabang sa akin,

lalagyan ko ng kawit ang ilong mo, at bubusalan ko ang bibig mo,

at hihilahin ka pabalik sa iyong pinagmulan, sa daan na iyong tinahak.’ ”

29Sinabi pa ni Isaias kay Hezekia, “Ito ang tanda na iingatan ng Panginoon ang Jerusalem sa mga taga-Asiria: Sa taon na ito, ang mga bunga ng mga tanim na kusang tumutubo lang ang kakainin ninyo, at sa susunod na taon ang mga bunga naman ng mga tanim na tumubo mula sa dating tanim. Pero sa ikatlong taon, makakapagtanim na kayo ng trigo at makakaani. Makakapagtanim na rin kayo ng mga ubas at makakakain ng mga bunga nito. 30At ang mga natirang buhay sa Juda ay muling uunlad, katulad ng tanim na nagkakaugat nang malalim at namumunga. 31Sapagkat may mga matitirang buhay na mangangalat mula sa Jerusalem, sa Bundok ng Zion. Titiyakin ng Panginoong Makapangyarihan na itoʼy magaganap.

32“Ito ang sinasabi ng Panginoon tungkol sa hari ng Asiria: Hindi siya makakapasok sa lungsod ng Jerusalem, ni hindi makakapana kahit isang palaso rito. Hindi siya makakalapit na may pananggalang o kayaʼy mapapaligiran ang lungsod para lusubin ito. 33Babalik siya sa pinanggalingan niya, sa daan na kanyang tinahak. Ako, ang Panginoon, ay nagsasabing hindi siya makakapasok sa lungsod na ito. 34Iingatan at ililigtas ko ang lungsod na ito para sa karangalan ko at dahil sa pangako ko kay David na aking lingkod.”

35Kinagabihan, pumunta ang anghel ng Panginoon sa kampo ng Asiria at pinatay niya ang 185,000 kawal. Kinaumagahan, paggising ng mga natitirang buhay, nakita nila ang napakaraming bangkay. 36Dahil dito, umuwi si Senakerib sa Nineve at doon na tumira.

37Isang araw, habang sumasamba si Senakerib sa templo ng dios niyang si Nisroc, pinatay siya ng kanyang dalawang anak na lalaki na sina Adramelec at Sharezer sa pamamagitan ng espada at tumakas ang mga ito papunta sa Ararat. At ang anak niyang si Esarhadon ang pumalit sa kanya bilang hari.