1 Летопись 21 – CARS & TCB

Священное Писание

1 Летопись 21:1-30

Вечный наказывает Давуда за перепись

(2 Цар. 24:1-17)

1Сатана21:1 Сатана – это имя переводится как «противник», «обвинитель». восстал на Исраил и побудил Давуда устроить перепись населения Исраила. 2Давуд сказал Иоаву и начальникам войска:

– Пойдите, произведите перепись исраильтян от Беэр-Шевы на юге до Дана на севере и доложите мне, чтобы я знал, сколько их.

3Но Иоав ответил:

– Пусть Вечный умножит количество Своего народа стократно. Разве не все они, господин мой царь, твои рабы? Зачем мой господин хочет это сделать? Зачем ему наводить грех на Исраил?

4Но царское слово оказалось сильнее слова Иоава, и Иоав ушёл, прошёл по всему Исраилу и вернулся в Иерусалим. 5Иоав представил Давуду результаты переписи. Во всём Исраиле было один миллион сто тысяч мужчин, способных владеть мечом, включая четыреста семьдесят тысяч в Иудее. 6Но Иоав не включил в общее число роды Леви и Вениамина, потому что приказ царя ему не понравился. 7Этот приказ был неугоден и Всевышнему, и Он наказал Исраил.

8Тогда Давуд сказал Всевышнему:

– Сделав это, я совершил великий грех. Теперь я молю Тебя, сними вину с Твоего раба! Я поступил крайне безрассудно.

9Вечный сказал Гаду, провидцу Давуда:

10– Иди и скажи Давуду: Так говорит Вечный: «Я предлагаю тебе три наказания. Выбери, каким из них Мне наказать тебя».

11Гад пришёл к Давуду и сказал ему:

– Так говорит Вечный: «Выбирай: 12или три года голода, или три месяца опустошения врагами, когда их меч будет неотступно преследовать тебя, или три дня меча Вечного – это дни мора в стране, когда Ангел Вечного21:12 Ангел Вечного – этот особенный ангел отождествляется с Самим Вечным. Многие толкователи видят в Нём явления Исы Масиха до Его воплощения. станет губить людей по всей земле Исраила». Итак, обдумай это и реши, что мне ответить Пославшему меня.

13И Давуд сказал Гаду:

– Мне очень тяжело. Пусть лучше я попаду в руки Вечного, ведь Его милость очень велика, но не дай мне попасть в человеческие руки!

14И Вечный послал на Исраил мор, и погибло семьдесят тысяч исраильтян. 15И Всевышний послал Ангела, чтобы Тот погубил Иерусалим. Но когда Ангел стал истреблять город, Вечный увидел это и пожалел о бедствии и сказал Ангелу-губителю:

– Довольно! Опусти Свою руку!

Ангел Вечного стоял тогда над гумном иевусея Арауны21:15 Букв.: «Орнан»; во 2 Цар. 24:16 он назван Арауной. Также в ст. 18-28.. 16Давуд поднял взгляд и увидел Ангела Вечного, Который стоял между землёй и небом с обнажённым мечом в руке, протянутым в сторону Иерусалима. И Давуд со старейшинами, одетые в знак раскаяния в рубище, пали лицом на землю. 17Давуд сказал Всевышнему:

– Разве не я велел пересчитать народ? Я согрешил и сделал зло, а эти овцы – что они сделали? Вечный, мой Бог, пусть же Твоя рука обратится на меня и на мою семью, но не дай Твоему народу погибнуть от мора.

Давуд сооружает жертвенник

(2 Цар. 24:18-25)

18Тогда Ангел Вечного повелел Гаду сказать Давуду, чтобы тот пошёл и построил жертвенник Вечному на гумне иевусея Арауны. 19И Давуд пошёл, как повелел через Гада Вечный.

20Когда Арауна молотил пшеницу, он обернулся и увидел Ангела. Четверо сыновей Арауна, которые были с ним, попрятались. 21Давуд пришёл к Арауне, и когда Арауна посмотрел и увидел Давуда, он вышел из гумна и поклонился Давуду лицом до земли. 22Давуд сказал ему:

– Отдай мне своё гумно, я построю на его месте жертвенник Вечному, чтобы прекратился мор среди народа. Продай его мне за полную цену.

23Арауна сказал Давуду:

– Бери его! Пусть господин мой царь делает то, что ему угодно. Вот я отдаю волов для всесожжения, молотильную доску на дрова и пшеницу для хлебного приношения. Я отдаю всё это.

24Но царь Давуд ответил Арауне:

– Нет, я заплачу тебе полную цену. Я не возьму для Вечного того, что принадлежит тебе, и не стану приносить жертву, которая мне ничего не стоила.

25И Давуд заплатил Арауне более семи килограммов21:25 Букв.: «шестьсот шекелей». золота за это место. 26Давуд построил там жертвенник Вечному и принёс всесожжения и жертвы примирения. Он призвал Вечного, и Вечный ответил ему, послав огонь с небес на жертвенник для всесожжений. 27После этого Вечный сказал Ангелу, и тот вложил Свой меч в ножны.

28В то время Давуд, увидев, что Вечный ответил ему на гумне иевусея Арауны, стал приносить Ему там жертвы. 29Священный шатёр Вечного, который сделал в пустыне Муса, и жертвенник для всесожжений находились в то время в Гаваоне. 30Но Давуд не мог пойти туда, чтобы говорить с Вечным, потому что боялся меча Ангела Вечного.

Tagalog Contemporary Bible

1 Cronica 21:1-30

Ipinasensus ni David ang Kanyang mga Sundalo

(2 Sam. 24:1-25)

1Inatake ni Satanas21:1 ni Satanas o, ng kaaway. ang Israel, kaya inudyukan niya si David na ipasensus ang mga Israelita. 2Kaya sinabi ni David kay Joab at sa mga kumander ng mga sundalo, “Lumakad kayo at isensus ang mga Israelita mula sa Beersheba hanggang sa Dan.21:2 mula … Dan: Ibig sabihin, sa buong bansa ng Israel. Pagkatapos, bumalik kayo rito para malaman ko kung ilan silang lahat.”

3Pero sumagot si Joab, “Paramihin sana ng Panginoon ng 100 ulit ang inyong mga mamamayan. Ngunit, Mahal na Hari, bakit gusto nʼyong gawin ang bagay na ito? Hindi po ba mga sakop nʼyo naman sila? Bakit idadamay nʼyo sila sa gagawin ninyong kasalanan?”

4Pero nagpumilit si David, kaya nilibot ni Joab ang buong Israel at bumalik agad sa Jerusalem. 5Sinabi niya kay David ang bilang ng mga lalaki na may kakayahang makipaglaban: 1,100,000 sa Israel at 470,000 sa Juda. 6Pero hindi isinama ni Joab sa pagbilang ang mga lahi nina Levi at Benjamin dahil nainis siya sa utos ng hari. 7Hindi rin natuwa ang Dios sa utos na ito ni David, kaya pinarusahan niya ang Israel. 8Pagkatapos, sinabi ni David sa Dios, “Napakalaking kasalanan po itong nagawa ko. Kaya nakikiusap ako sa inyo, Panginoon, na patawarin nʼyo ako na inyong lingkod sa aking kasalanan, dahil isa pong kamangmangan ang ginawa ko.”

9Sinabi ng Panginoon kay Gad na propeta ni David, 10“Pumunta ka kay David at papiliin mo siya kung alin sa tatlong parusa ang gusto niyang gawin ko sa kanya.” 11Kaya pumunta si Gad kay David at sinabi sa kanya, “Alin sa tatlong ito ang gusto mo: 12tatlong taong taggutom, tatlong buwang paglipol sa inyo ng mga kalaban ninyo o tatlong araw na salot mula sa Panginoon sa pamamagitan ng pagwasak ng anghel ng Panginoon sa buong lupain ng Israel. Magpasya ka at sabihin mo sa akin kung ano ang isasagot ko sa Panginoon na nagpadala sa akin.”

13Sumagot si David kay Gad, “Nahihirapan akong pumili. Mabuti pang ang Panginoon na lang ang magparusa sa akin kaysa sa mga kamay ng tao, dahil napakamaawain ng Panginoon.” 14Kaya nagpadala ang Panginoon ng salot sa Israel, at 70,000 Israelita ang namatay. 15At habang winawasak ng anghel ang Jerusalem, naawa21:15 naawa: o, nagbago ng isip. ang Panginoon sa mga tao. Kaya sinabi niya sa anghel na lumilipol sa mga tao, “Tama na! Huwag mo na silang parusahan.” Nang oras na iyon, nakatayo ang anghel ng Panginoon sa may giikan ni Arauna21:15 Arauna: o, Ornan. na Jebuseo.

16Tumingala si David at nakita niya ang anghel ng Panginoon na nakatayo sa himpapawid, sa kalagitnaan ng langit at lupa. May hawak itong espada na nakaturo sa Jerusalem. Pagkatapos, nagpatirapa si David at ang mga tagapamahala ng Israel, na nakasuot ng sako bilang pagpapakita ng kanilang pagdadalamhati. 17Sinabi ni David sa Dios, “Ako po ang nag-utos na bilangin ang mga lalaki na may kakayahang makipaglaban. Ako lang po ang nagkasala. Ang mga taong ito ay inosente gaya ng mga tupa. Wala silang nagawang kasalanan. O Panginoon na aking Dios, ako na lang po at ang aking pamilya ang parusahan ninyo. Huwag nʼyo pong pahirapan ang inyong mga mamamayan sa salot na ito.”

18Pagkatapos, inutusan ng anghel ng Panginoon si Gad na sabihin kay David na pumunta siya sa giikan ni Arauna na Jebuseo, at gumawa roon ng altar para sa Panginoon. 19Kaya pumunta si David ayon sa utos ng Panginoon sa pamamagitan ni Gad.

20Nang panahong iyon, gumigiik ng trigo si Arauna at ang apat niyang anak na lalaki. Nang makita nila ang anghel ng Panginoon, tumakbo ang apat na anak ni Arauna at nagtago. 21Pagkatapos, nakita ni Arauna na paparating si David. Kaya umalis siya sa giikan at lumuhod sa harapan ni David bilang paggalang sa kanya. 22Sinabi ni David sa kanya, “Ipagbili mo sa akin ang giikan mo para makapagpatayo ako ng altar para sa Panginoon, para huminto na ang salot sa mga tao. Babayaran kita kung magkano ang halaga nito.”

23Sinabi ni Arauna kay David, “Sige po Mahal na Hari, kunin ninyo. Gawin nʼyo kung ano ang gusto ninyo. Bibigyan ko pa po kayo ng baka para ialay bilang handog na sinusunog, mga tabla na ginagamit sa paggiik para ipanggatong at trigo para ihandog bilang pagpaparangal sa Panginoon. Ibibigay ko po itong lahat sa inyo.”

24Pero sumagot si Haring David kay Arauna, “Hindi ko ito tatanggapin ng libre. Babayaran kita kung magkano ang halaga nito. Hindi ko magagawang kunin ito sa iyo at ihandog sa Panginoon. Hindi ako mag-aalay ng handog na sinusunog na walang halaga sa akin.” 25Kaya binayaran ni David si Arauna ng 600 pirasong21:25 600 piraso: o, mga pitong kilo. ginto para sa lupain na iyon. 26Pagkatapos, gumawa siya roon ng altar para sa Panginoon at nag-alay ng mga handog na sinusunog at ng mga handog para sa mabuting relasyon.21:26 handog para sa mabuting relasyon: Tingnan sa Talaan ng mga Salita sa likod. At sinagot siya ng Panginoon sa pamamagitan ng pagpapadala ng apoy mula sa langit para sunugin ang mga handog sa altar. 27Pagkatapos, sinabi ng Panginoon sa anghel na ibalik na ang espada niya sa lalagyan nito.

28Nang makita ni David na sinagot ng Panginoon ang kanyang dalangin, nag-alay pa siya ng handog doon sa giikan ni Arauna na Jebuseo. 29Nang panahong iyon, ang Tolda ng Panginoon at ang altar para sa mga handog na sinusunog na ipinagawa ni Moises sa ilang ay nasa mataas na lugar sa Gibeon. 30Pero hindi pumunta roon si David para magtanong sa Dios, dahil natatakot siya sa espada ng anghel ng Panginoon.