Иеремия 46 – CARS & TCB

Священное Писание

Иеремия 46:1-28

Пророчество о Египте

1Вот слово Вечного, которое было к Иеремии о судьбах других народов.

2О Египте, о войске египетского фараона Нехо46:2 Нехо II, правивший Египтом с 610 по 595 гг. до н. э., пошёл на помощь Ашшурубаллиту II, последнему царю Ассирии, воевавшему с Вавилоном., которое было разбито Навуходоносором, царём Вавилона, при Каркемише на реке Евфрат в четвёртом году правления иудейского царя Иоакима, сына Иосии (в 605 г. до н. э.).

3– Готовьте щиты, и большие, и малые,

и выступайте в бой!

4Седлайте коней и садитесь на них!

Надевайте шлемы и становитесь в строй!

Точите копья и надевайте кольчуги!

5Но что Я вижу?

Они испугались,

они отступают,

их воины побеждены.

Они бегут без оглядки,

и ужас со всех сторон, –

возвещает Вечный. –

6Быстрый не сможет убежать,

и сильный не спасётся.

На севере у реки Евфрат

они споткнутся и упадут.

7Кто там вздымается, как Нил,

как реки с бурными водами?

8Египет вздымается, как Нил,

как реки с бурными водами,

говоря: «Поднимусь и покрою землю;

погублю города и их жителей».

9Скачите, кони!

Мчитесь, колесничие!

Выступайте, сильные воины:

воины Эфиопии и Ливии46:9 Букв.: «Пута»., держащие щиты,

и воины Лидии, натягивающие луки.

10Это день Владыки Вечного, Повелителя Сил,

день возмездия для отмщения Его врагам.

Будет меч пожирать, пока не насытится,

пока не утолит жажду кровью.

Это жертва Владыке Вечному, Повелителю Сил,

в северных землях у реки Евфрат.

11– Пойди в Галаад и возьми бальзам46:11 Галаад славился своим целебным бальзамом из смолы мастикового дерева.,

девственная дочь Египта46:11 Девственная дочь Египта – олицетворение Египта. Также в ст. 24..

Напрасно ты лечишься многими снадобьями –

нет тебе исцеления.

12Народы услышали про твой позор;

твой крик наполнил землю.

Споткнулся о воина воин,

и упали оба разом.

13Вот слово, которое Вечный сказал пророку Иеремии о будущем вторжении Навуходоносора, царя Вавилона, в Египет:

14– Объявляйте в Египте,

возвещайте в Мигдоле;

возвещайте и в Мемфисе46:14 Букв.: «Нофе»; так же в ст. 19., и в Тахпанхесе:

«Становись и готовься, Египет:

меч уже пожирает тех, кто вокруг тебя».

15Почему твои воины будут повержены?

Они не смогут выстоять,

потому что Вечный повергнет их.

16Они будут спотыкаться снова и снова,

будут падать один на другого и говорить:

«Вставайте, давайте вернёмся

к своему народу, на нашу родину,

подальше от меча притеснителя».

17Они воскликнут:

«Фараон, царь Египта, – крикун,

упустивший свою возможность».

18Верно, как и то, что Я живу, – возвещает Царь,

Чьё имя Вечный, Повелитель Сил, –

придёт тот, кто велик, как гора Фавор среди гор

и как гора Кармил у моря.

19Собирайте свои пожитки

и готовьтесь к изгнанию, жители Египта,

потому что Мемфис подвергнется разорению,

станет необитаемой развалиной.

20Египет – прекрасная телица,

но с севера летит к ней слепень.

21Даже наёмники в войске Египта

как тучные быки.

Но они повернутся и вместе пустятся в бегство

и не устоят,

потому что настал день их бедствий,

время их наказания.

22Зашипит Египет, как уползающий змей,

так как близятся вражьи войска,

и пойдут они на него с топорами,

как дровосеки.

23Они вырубят его лес, –

возвещает Вечный, –

как бы ни был он густ,

ведь они многочисленнее саранчи,

нет им числа.

24Дочь Египта будет опозорена,

отдана в руки северного народа.

25Вечный, Повелитель Сил, Бог Исраила говорит:

– Я накажу Амона, бога города Фивы46:25 Букв.: «города Но»., и фараона, и Египет, и всех его богов и царей, и тех, кто полагается на фараона. 26Я отдам их в руки тех, кто ищет их смерти, – Навуходоносору, царю Вавилона, и его слугам. Потом Египет будет снова населён людьми, как и в прежние времена, – возвещает Вечный.

27– А ты не бойся, раб Мой Якуб;

не пугайся, Исраил.

Я вызволю тебя из далёкого края,

твоё потомство – из земли его пленения.

Якуб вернётся к спокойной и мирной жизни,

и никто не будет его устрашать.

28Не бойся же, раб Мой Якуб,

потому что Я с тобой, –

возвещает Вечный. –

Я истреблю все народы,

среди которых рассеял тебя,

а тебя не истреблю.

Я накажу тебя по справедливости,

но безнаказанным не оставлю тебя.

Tagalog Contemporary Bible

Jeremias 46:1-28

Ang Mensahe tungkol sa mga Bansa

1Ito ang sinabi ng Panginoon kay Jeremias tungkol sa mga bansa:

2Ito ang mensahe laban sa mga sundalo ni Faraon Neco na hari ng Egipto:

Tinalo sila ni Haring Nebucadnezar ng Babilonia roon sa Carkemish malapit sa Ilog ng Eufrates, noong ikaapat na taon ng paghahari ni Jehoyakim na anak ni Haring Josia ng Juda:

3“Ihanda ninyo ang inyong mga kalasag at pumunta kayo sa digmaan! 4Ihanda rin ninyo ang inyong mga kabayong pandigma. Isuot ang inyong mga helmet, hasain ang inyong mga sibat, at isukbit ang inyong mga sandata. 5Pero ano itong nakita ko? Natatakot kayo at umuurong. Natalo kayo at mabilis na tumakas na hindi man lang lumilingon dahil sa takot. 6Malakas kayo at mabilis tumakbo pero hindi pa rin kayo makakatakas. Mabubuwal kayo at mamamatay malapit sa Ilog ng Eufrates.

7“Ano itong bansang naging makapangyarihan, na katulad ng Ilog ng Nilo na tumataas ang tubig at umaapaw hanggang sa pampang? 8Ito ay ang bansang Egipto, na naging makapangyarihan katulad ng Ilog ng Nilo na tumataas ang tubig at umaapaw hanggang sa pampang. Sinabi ng Egipto, ‘Naging makapangyarihan ako gaya ng baha na umapaw sa buong mundo. Wawasakin ko ang mga lungsod at ang mga mamamayan nito.’

9“Sige, mga taga-Egipto, patakbuhin na ninyo ang mga kabayo at karwahe ninyo! Sumalakay na kayo pati ang lahat ng kakampi ninyo na mula sa Etiopia, Put, at Lydia na bihasa sa paggamit ng mga kalasag at pana. 10Pero mananalo ang Panginoong Dios na Makapangyarihan sa digmaang ito. Maghihiganti siya sa mga kaaway niya sa araw na ito. Ang espada niyaʼy parang gutom na hayop na lalamon sa kanila at iinom ng dugo nila hanggang sa mabusog. Ang mga bangkay nilaʼy parang mga handog sa Panginoong Dios na Makapangyarihan doon sa lupain sa hilaga malapit sa Ilog ng Eufrates.

11“O mga taga-Egipto, kahit na pumunta pa kayo sa Gilead para maghanap ng panlunas na gamot, ang lahat ng gamot ay wala nang bisa at hindi na makapagpapagaling sa inyo. 12Mababalitaan ng mga bansa sa buong daigdig ang kahihiyan at pagtangis ninyo. Mabubuwal ang inyong mga sundalo nang patung-patong.”

13Ito ang sinabi ng Panginoon kay Propeta Jeremias tungkol sa pagsalakay ni Haring Nebucadnezar ng Babilonia sa Egipto:

14“Jeremias ipahayag ito sa Egipto, Migdol, Memfis at Tapanhes: Humanda na kayo dahil nakahanda na ang espada para lipulin kayo. 15Bakit tumakas ang matatapang nʼyong kawal?46:15 matatapang nʼyong kawal: o, makapangyarihang dios na si Apis. Tumakas sila dahil itinaboy sila ng Panginoon. 16Patung-patong na mabubuwal ang inyong mga sundalo. Sasabihin nila, ‘Bumangon tayo at umuwi sa lupaing sinilangan natin, sa mga kababayan natin, para makaiwas tayo sa espada ng mga kaaway natin.’ 17Sasabihin din nila, ‘Ang Faraon na hari ng Egipto ay magaling lang sa salita, at sinasayang lang niya ang mga pagkakataon.’

18“Ako, ang buhay na Hari, ang Panginoong Makapangyarihan, isinusumpa kong mayroong sasalakay sa Egipto na nakahihigit sa kanya, katulad ng Bundok ng Tabor sa gitna ng mga kabundukan o ng Bundok ng Carmel sa tabi ng dagat. 19Kayong mga mamamayan ng Egipto, ihanda na ninyo ang inyong mga dala-dalahan dahil bibihagin kayo. Mawawasak ang Memfis, magiging mapanglaw ito at wala ng maninirahan dito. 20Ang Egipto ay parang dumalagang baka, pero may insektong mula sa hilaga na sasalakay sa kanya. 21Pati ang mga upahang sundalo niya ay uurong at tatakas. Para silang mga guyang pinataba para katayin. Mangyayari ito dahil panahon na para parusahan at wasakin ang mga taga-Egipto. 22Tatakas ang mga taga-Egipto na parang ahas na mabilis na tumatalilis habang sumasalakay ang mga kaaway. Sasalakay ang mga kaaway na may dalang mga palakol na katulad ng taong namumutol ng punongkahoy. 23Papatayin nila ang mga taga-Egipto na parang pumuputol lang ng mayayabong na mga punongkahoy. Ang mga kaaway na itoʼy mas marami kaysa sa balang na hindi mabilang. 24Mapapahiya ang mga taga-Egipto. Ibibigay sila sa mga taga-hilaga.”

25Patuloy pang sinabi ng Panginoong Makapangyarihan, ang Dios ng Israel, “Parurusahan ko na si Ammon, ang dios-diosan ng Tebes, at ang iba pang mga dios-diosan ng Egipto. Parurusahan ko rin ang Faraon pati ang mga tagapamahala niya, at ang mga nagtitiwala sa kanya. 26Ibibigay ko sila sa kamay ng mga gustong pumatay sa kanila – kay Haring Nebucadnezar ng Babilonia at sa mga pinuno nito. Pero darating din ang araw na ang Egipto ay tatahanan ng mga tao katulad noong una. Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito.

27“Pero kayong mga taga-Israel na lahi ng lingkod ko na si Jacob, huwag kayong manlulupaypay o matatakot. Sapagkat ililigtas ko kayo mula sa malayong lugar kung saan kayo binihag. Muli kayong mamumuhay nang payapa at walang anumang panganib, at walang sinumang mananakot pa sa inyo. 28Kaya huwag kayong matakot, kayong mga lahi ng lingkod kong si Jacob, dahil kasama ninyo ako. Wawasakin ko nang lubusan ang mga bansang pinangalatan ko sa inyo, pero hindi ko kayo wawasakin nang lubusan. Parurusahan ko kayo nang nararapat. Hindi maaaring hindi ko kayo parusahan. Ako, ang Panginoon, ang nagsabi nito.”