Езекиил 5 – CARS & TCB

Священное Писание

Езекиил 5:1-17

1Теперь, смертный, возьми острый меч и обрей им, как бритвой цирюльника, себе голову и бороду. Возьми весы и раздели волосы на части. 2Когда дни твоей осады закончатся, сожги треть волос посреди нарисованного города. Другую треть возьми и изруби вокруг города мечом. Оставшуюся треть развей по ветру, и Я обнажу Свой меч и буду преследовать их. 3Но несколько волосков возьми и завяжи в край одежды. 4А из них возьми ещё, брось в огонь и дай сгореть. Огонь полыхнёт оттуда на весь народ Исраила.

5Так говорит Владыка Вечный:

– Это Иерусалим; Я поставил его посреди народов, и вокруг него – страны. 6Но он восстал против Моих законов и установлений, сделавшись нечестивее народов и стран, которые вокруг него; он отверг Мои законы и не соблюдал Моих установлений.

7Поэтому так говорит Владыка Вечный:

– Вы были непокорнее народов, которые вокруг вас, не соблюдали Моих установлений и не исполняли Моих законов, и даже не поступали5:7 Или: «даже поступали». по обычаям народов, которые вокруг вас.

8Поэтому так говорит Владыка Вечный:

– Смотри, Я Сам стал твоим противником; Я исполню над тобой приговор на глазах у народов. 9Из-за твоих омерзительных идолов Я сделаю с тобой то, чего не делал прежде и не сделаю впредь. 10За это ваши отцы будут есть своих детей, а дети будут есть своих отцов. Я исполню над тобой приговор и развею уцелевших по всем ветрам.

11Верно, как и то, что Я живу, – возвещает Владыка Вечный, – за то, что ты осквернил Моё святилище своими гнусными истуканами и омерзительными обычаями, Я сражу тебя: не взгляну на тебя с жалостью и не пощажу. 12Треть твоего народа умрёт от мора или погибнет от голода; треть падёт от меча за твоими стенами; а треть Я развею по ветру, обнажу Свой меч и буду преследовать их.

13Тогда Мой гнев угаснет, ярость против них уляжется, и Я буду удовлетворён. Когда Я изолью на них ярость, они узнают, что это Я, Вечный, говорил, объятый ревностью.

14Я сделаю тебя пустырём и позорищем у народов, которые вокруг тебя, в глазах всех, кто будет проходить мимо. 15Ты станешь позорищем и насмешкой, уроком и ужасом для всех народов, которые вокруг тебя, когда Я исполню над тобой приговор в гневе и в ярости, в неистовых казнях. Я, Вечный, сказал это. 16Я буду пускать в тебя злые стрелы голода, чтобы погубить тебя. Я усилю у тебя голод и уничтожу запасы пищи. 17Я нашлю на тебя голод и диких зверей, и они лишат тебя детей. Мор и кровопролитие пройдут по тебе, и Я наведу на тебя меч. Я, Вечный, сказал это.

Tagalog Contemporary Bible

Ezekiel 5:1-17

Ang Pagkagiba ng Jerusalem

1Sinabi ng Panginoon sa akin, “Anak ng tao, kumuha ka ng matalim na espada at gamitin mong pang-ahit ng iyong buhok at balbas. Pagkatapos, timbangin mo ang buhok moʼt balbas at hatiin ito sa tatlong bahagi. 2Ang unang bahagi ay ilagay mo sa tisa na ginuhitan mo ng lungsod ng Jerusalem. Sunugin mo ito sa gitna ng lungsod matapos mong maipakita ang pagkubkob nito. Ang ikalawang bahagi ay ilagay mo sa palibot ng lungsod at pagputol-putulin sa pamamagitan ng espada mo. At ang natirang bahagi ay isaboy mo sa hangin dahil ikakalat ko ang mga mamamayan ko sa pamamagitan ng espada. 3Pero magtira ka ng kaunting buhok at balutin mo ito ng iyong damit. 4Kumuha ka ng iilan at sunugin mo sa apoy. Mula rito, kakalat ang apoy at masusunog ang buong Israel.

5Ako, ang Panginoong Dios, ay nagsasabi na ito ang kahihinatnan ng Jerusalem, ang lungsod na ginawa kong pinakasentro sa buong daigdig. 6Nilabag niya ang mga utos ko at naging mas masama pa kaysa sa ibang mga bansang nasa palibot nito. Itinakwil niya ang mga utos at mga tuntunin ko. 7Ako, ang Panginoong Dios, ay nagsasabi: Kayong mga taga-Jerusalem, mas masama pa kayo kaysa sa mga bansang nasa palibot ninyo. Hindi ninyo sinunod ang mga utos at mga tuntunin ko, o sinunod5:7 Hindi … sinunod: Ganito sa karamihan sa tekstong Hebreo. Pero sa ibang mga tekstong Syriac, sinunod mo. Tingnan din sa 11:12. man ang mga tuntunin ng mga bansang nasa palibot ninyo. 8Kaya ako, ang Panginoong Dios, ay laban sa inyo. Parurusahan ko kayo sa harap ng mga bansa. 9Sapagkat kasuklam-suklam ang mga ginagawa ninyo, gagawin ko sa inyo ang hindi ko pa nagagawa at hindi ko na ito gagawin pa pagkatapos. 10Kakainin ng mga magulang ang mga anak nila at kakainin naman ng mga anak ang mga magulang nila. Parurusahan ko kayo at ang natitira pa sa inyo ay pangangalatin ko sa buong daigdig. 11Ako, ang buhay na Panginoong Dios, ay sumusumpang lilipulin ko kayo. Hindi ko kayo kahahabagan dahil dinungisan ninyo ang aking templo sa pamamagitan ng pagsamba sa mga dios-diosan at paggawa ng kasuklam-suklam na mga bagay. 12Hahatiin ko kayo sa tatlo. Ang unang bahagi ay mamamatay sa gutom at sakit sa lungsod. Ang ikalawang bahagi ay mamamatay sa labas ng lungsod sa pamamagitan ng espada. At ang ikatlong bahagi ay pangangalatin ko sa buong daigdig at patuloy kong uusigin.5:12 patuloy kong uusigin: sa literal, hahabulin ko sila ng espada.

13“Kapag nangyari na ito, huhupa na ang matindi kong galit, at makakaganti na ako sa inyo. Kapag naipadama ko na ito sa inyo, malalaman ninyo na ako ang Panginoong nakipag-usap sa inyo dahil sa labis kong pagkapoot. 14Wawasakin ko ang inyong lungsod at kukutyain kayo ng mga bansang nakapalibot sa inyo at ng mga taong dumadaan sa lugar ninyo. 15Hihiyain, kukutyain, at pandidirian kayo ng mga bansa sa paligid ninyo dahil sa nangyari sa inyo. Magiging babala kayo sa kanila sa panahon ng aking pagpaparusa sa inyo dahil sa matindi kong galit. Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito. 16Padadalhan ko kayo ng taggutom na parang pana na pupuksa sa inyo. Titindi nang titindi ang taggutom hanggang sa wala na kayong makain. 17Maliban sa taggutom, padadalhan ko rin kayo ng malulupit na hayop at lalapain nila ang mga anak ninyo. Mamamatay din kayo sa sakit at mga digmaan. Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito.”