Filipperbrevet 2 – BPH & TCB

Bibelen på hverdagsdansk

Filipperbrevet 2:1-30

Kristi tjenersind—jeres forbillede

1Betyder det noget for jer at blive mindet om, hvad Kristus har gjort for os, at blive trøstet og opmuntret, at opleve Åndens fællesskab og at mærke den indbyrdes kærlighed og omsorg? 2Hvis de ting betyder noget for jer, så gør min glæde fuldkommen ved at praktisere dem. Stå sammen i kærlighed og vær ét i sjæl og sind. 3Gør intet ud fra selviske motiver eller personlige ambitioner. Vær ydmyge og se op til hinanden, så I giver andre mere ære end jer selv. 4Sørg ikke bare for jeres egne behov, men tænk også på de andres. 5Lad Jesus Kristus være jeres forbillede og efterlign hans indstilling:

6Han var lig med Gud,

og havde ret til at fastholde den lighed.

7-8Dog gjorde han ikke krav på sin ret,

men gav afkald på sin guddomsmagt,

tog tjenerskikkelse på og blev menneske.

Som menneske ydmygede han sig

og accepterede den værste død—

døden på et kors.

9Derfor har Gud ophøjet ham

og givet ham et navn og en position

højt over alle andre.

10Alle kommer til at bøje knæ for ham

i himlen og på jorden og under jorden.

11Og alle skal erklære

til Gud Faders ære:

Jesus Kristus er Herre!

Vær forbilleder i at gøre Guds vilje med glæde

12Kære venner! Da jeg var hos jer, adlød I altid omhyggeligt mine anvisninger. Nu, hvor jeg er langt borte, skal I i endnu højere grad lade Gud få lov at fortsætte sit frelsesværk i jeres liv, idet I adlyder ham med dyb ærefrygt. 13Det er jo Gud selv, som giver jer lyst og styrke til at adlyde ham og gøre hans vilje. 14Gør det alt sammen uden beklagelser eller indvendinger, 15så I kan stå som uangribelige forbilleder, Guds uskyldsrene børn. Midt i den fordærvede og forvildede verden skal I være som strålende lys, der skinner for dem, der lever i mørket. 16Når I således lever i overensstemmelse med livets ord, kan jeg på dommens dag glæde mig over, at det ikke var forgæves, jeg kom til jer og arbejdede så hårdt for jeres skyld. 17Og skulle mit arbejde for at bringe jer til troen resultere i, at jeg må lide døden, så vil jeg alligevel glæde mig over det og glæde mig sammen med jer. 18På samme måde bør I også være glade—og glæde jer sammen med mig.

Paulus sender Epafroditus af sted med brevet og lover at sende Timoteus senere

19Jeg håber, at Herren Jesus vil gøre det muligt for mig snart at sende Timoteus til jer, så jeg kan blive opmuntret ved at høre, hvordan I har det. 20Ingen af mine andre medarbejdere har en så oprigtig omsorg for jer som Timoteus. 21De fleste mennesker synes, det er vigtigere at sørge for deres egne behov end at tjene Jesus Kristus. 22I ved, at Timoteus er som en søn for mig, og at han har stået sin prøve ved at arbejde sammen med mig, når jeg har forkyndt om Jesus. 23Jeg regner med at sende ham til jer, så snart jeg er klar over, hvad der skal ske med mig her, 24og jeg har den tillid til Herren, at jeg også selv snart kan få mulighed for at besøge jer.

25Jeg har valgt at sende Epafroditus tilbage til jer med dette brev. I sendte ham jo til mig, for at han skulle hjælpe mig med mine behov, og han har været en kær medarbejder og kampfælle for mig. 26Men han længes meget efter jer, og han er urolig, fordi I hørte, at han var syg. 27Og syg det var han, ja døden nær, men Gud forbarmede sig over ham, og dermed også over mig, så jeg ikke skulle opleve den ene sorg efter den anden. 28Derfor er jeg ekstra opsat på at sende ham af sted nu med brevet, for jeg ved, at I vil blive meget glade for at se ham. Og jeg vil have den bekymring mindre. 29Tag med glæde imod ham som en Herrens tjener. Mennesker som ham skal I vise stor respekt, 30for han satte livet på spil og var døden nær i tjenesten for Kristus. Det, som I ikke kunne gøre for mig, fordi I var langt borte, det gjorde han.

Tagalog Contemporary Bible

Filipos 2:1-30

Ang Pagpapakumbaba ni Cristo

1Hindi baʼt masigla kayo dahil nakay Cristo kayo? Hindi baʼt masaya kayo dahil alam ninyong mahal niya kayo? Hindi baʼt may mabuti kayong pagsasamahan dahil sa Banal na Espiritu? At hindi baʼt may malasakit at pang-unawa kayo sa isaʼt isa? 2Kung ganoon, nakikiusap ako na lubusin na ninyo ang kagalakan ko: Magkasundo kayoʼt magmahalan, at magkaisa sa isip at layunin. 3Huwag kayong gumawa ng anumang bagay dahil sa makasariling hangarin o sa paghahangad na maitaas ang sarili. Sa halip, magpakumbaba kayo sa isaʼt isa at ituring na mas mabuti ang iba kaysa sa inyo. 4Huwag lang ang sarili ninyong kapakanan ang isipin nʼyo kundi ang kapakanan din ng iba. 5Dapat maging katulad ng kay Cristo Jesus ang pananaw nʼyo:

6Kahit na nasa kanya ang katangian ng Dios, hindi niya itinuring ang pagiging kapantay ng Dios bilang isang bagay na dapat panghawakan.

7Sa halip, ibinaba niya nang lubusan ang sarili niya sa pamamagitan ng pag-aanyong alipin.

Naging tao siyang tulad natin. 8At sa pagiging tao niya, nagpakumbaba siya at naging masunurin sa Dios hanggang sa kamatayan, maging sa kamatayan sa krus.

9Kaya naman itinaas siyang lubos ng Dios at binigyan ng titulong higit sa lahat ng titulo,

10upang ang lahat ng nasa langit at lupa, at nasa ilalim ng lupa ay luluhod sa pagsamba sa kanya.

11At kikilalanin ng lahat na si Jesu-Cristo ang Panginoon, sa ikapupuri ng Dios Ama.

Magsilbi Kayong Ilaw na Nagliliwanag

12Mga minamahal, kung paanong lagi ninyo akong sinusunod noong magkakasama pa tayo, lalo sana kayong maging masunurin kahit ngayong malayo na ako sa inyo. Sikapin ninyong ipamuhay2:12 ipamuhay: o, maging lubos. ang kaligtasang tinanggap nʼyo, at gawin nʼyo ito nang may takot at paggalang sa Dios. 13Sapagkat ang Dios ang siyang nagbibigay sa inyo ng pagnanais at kakayahang masunod nʼyo ang kalooban niya.

14Gawin nʼyo ang lahat nang walang reklamo o pagtatalo, 15para maging malinis kayo at walang kapintasang mga anak ng Dios sa gitna ng mga mapanlinlang at masasamang tao sa panahong ito. Kailangang magsilbi kayong ilaw na nagliliwanag sa kanila 16habang pinaninindigan nʼyo2:16 habang pinaninindigan nʼyo: o, dahil ibinibigay nʼyo sa kanila. ang salita na nagbibigay ng buhay na walang hanggan. At kung gagawin nʼyo ito, may maipagmamalaki ako sa pagbabalik ni Cristo, dahil alam kong hindi nasayang ang pagsisikap ko sa inyo. 17Ang paglilingkod ninyo na bunga ng inyong pananampalataya ay tulad sa isang handog. At kung kinakailangang ibuhos ko ang aking dugo2:17 ibuhos ko ang aking dugo: Ang ibig sabihin, ialay ko ang aking buhay. sa handog na ito, maligaya pa rin ako at makikigalak sa inyo. 18At dapat maligaya rin kayo at makigalak sa akin.

Si Timoteo at si Epafroditus

19Umaasa ako sa Panginoong Jesus na mapapapunta ko riyan si Timoteo sa lalong madaling panahon, para masiyahan naman ako kapag naibalita niya ang tungkol sa inyo. 20Siya lang ang kilala ko na katulad kong nagmamalasakit sa inyo nang totoo. 21Ang ibaʼy walang ibang iniisip kundi ang sarili nilang kapakanan at hindi ang kay Jesu-Cristo. 22Ngunit alam nʼyo kung paano pinatunayan ni Timoteo ang kanyang sarili. Para ko siyang tunay na anak sa pagtulong niya sa akin sa pangangaral ng Magandang Balita. 23Binabalak kong papuntahin siya sa inyo kapag nalaman ko na ang magiging hatol sa akin dito. 24At umaasa ako sa Panginoon na ako mismo ay makakapunta sa inyo sa lalong madaling panahon.

25Sa ngayon, naisip kong kailangan nang pabalikin ang kapatid nating si Epafroditus na pinapunta nʼyo rito para tulungan ako. Tulad ko rin siyang manggagawa at tagapagtanggol ng Magandang Balita. 26Pababalikin ko na siya sa inyo dahil sabik na sabik na siyang makita kayo, at hindi siya mapalagay dahil nabalitaan ninyong nagkasakit siya. 27Totoo ngang nagkasakit siya, at muntik nang mamatay. Ngunit naawa ang Dios sa kanya at maging sa akin, dahil pinagaling siya at naligtas naman ako sa matinding kalungkutan. 28Kaya gusto ko na siyang pabalikin para matuwa kayo kapag nakita nʼyo na siya ulit, at hindi na rin ako mag-aalala para sa inyo. 29Kaya tanggapin nʼyo siya nang buong galak bilang kapatid sa Panginoon. Igalang nʼyo ang mga taong tulad niya, 30dahil nalagay sa panganib ang buhay niya para sa gawain ni Cristo. Itinaya niya ang buhay niya para matulungan ako bilang kinatawan ninyo.