Exode 4 – BDS & TCB

La Bible du Semeur

Exode 4:1-31

1Moïse objecta :

Et s’ils ne me croient pas et ne m’écoutent pas, s’ils me disent : « L’Eternel ne t’est pas apparu » ?

2– Qu’as-tu dans la main ? lui demanda l’Eternel.

– Un bâton.

3– Jette-le par terre.

Moïse jeta le bâton par terre et celui-ci se transforma en serpent. Moïse s’enfuit devant lui, 4mais l’Eternel lui dit : Tends la main et attrape-le par la queue !

Moïse avança la main et saisit le serpent, qui redevint un bâton dans sa main.

5– C’est pour qu’ils croient que l’Eternel, le Dieu de leurs ancêtres, le Dieu d’Abraham, d’Isaac et de Jacob t’est réellement apparu.

6Puis l’Eternel continua : Mets ta main sur ta poitrine.

Moïse mit sa main sur sa poitrine puis la ressortit : elle était couverte d’une lèpre blanche comme la neige.

7– Remets ta main sur ta poitrine, lui dit Dieu.

Il la remit. Quand il la ressortit, elle était redevenue saine.

8– Si donc ils ne te croient pas, lui dit l’Eternel, et s’ils ne sont pas convaincus par le premier signe miraculeux, ils croiront après le deuxième. 9Si, toutefois, ils n’ont pas confiance, même après avoir vu ces deux signes et s’ils ne t’écoutent pas, alors tu puiseras de l’eau dans le Nil, tu la répandras par terre, et, dès qu’elle touchera le sol, elle se transformera en sang.

10– De grâce, Seigneur, dit Moïse, je n’ai pas la parole facile. Cela ne date ni d’hier, ni d’avant-hier, ni du moment où tu as commencé à parler à ton serviteur : j’ai la bouche et la langue embarrassées.

11L’Eternel lui répondit : Qui a doté l’homme d’une bouche ? Qui le rend muet ou sourd, voyant ou aveugle ? N’est-ce pas moi, l’Eternel ? 12Maintenant donc, vas-y ; je serai moi-même avec ta bouche et je t’indiquerai ce que tu devras dire.

13Mais Moïse rétorqua : De grâce, Seigneur ! Je t’en prie ! Envoie qui tu voudras !

14Alors l’Eternel se mit en colère contre Moïse et lui dit : Eh bien ! il y a ton frère Aaron, le lévite4.14 Signifie sans doute : le chef de la tribu de Lévi. Par droit de naissance, il était de la seconde branche des lévites.. Je sais qu’il parlera facilement. D’ailleurs, il est déjà en chemin pour venir te trouver ; il sera tout heureux de te voir. 15Tu lui parleras, tu lui mettras des paroles dans la bouche, et moi, je vous assisterai tous deux dans ce que vous direz et je vous indiquerai ce que vous aurez à faire. 16Il sera ton porte-parole devant le peuple, il te servira de bouche, et tu seras pour lui comme le dieu qui parle à son prophète. 17Tu prendras ce bâton en main, et c’est avec cela que tu accompliras les signes miraculeux.

Moïse retourne en Egypte

18Moïse s’en alla et rentra chez Jéthro son beau-père. Il lui dit : Je voudrais partir pour retourner auprès de mes frères de race en Egypte et voir s’ils sont encore en vie.

Jéthro lui répondit : Va en paix !

19L’Eternel dit à Moïse lorsqu’il était encore à Madian : Mets-toi en route, retourne en Egypte, car tous ceux qui voulaient te faire périr sont morts.

20Alors Moïse emmena sa femme et ses fils, il les installa sur un âne et prit le chemin de l’Egypte, tenant en main le bâton de Dieu.

21L’Eternel dit à Moïse : Maintenant que tu es en route pour retourner en Egypte, considère tous les miracles que je t’ai donné le pouvoir d’accomplir. Tu les feras devant le pharaon. Moi, je lui donnerai un cœur obstiné, de sorte qu’il ne permettra pas au peuple de s’en aller. 22Tu diras au pharaon : « Voici ce que dit l’Eternel : Israël est mon fils aîné. 23Je te l’ordonne : Laisse aller mon fils pour qu’il me rende un culte. Puisque tu refuses, je ferai périr ton fils aîné. »

24Pendant le voyage, au campement où ils passaient la nuit, l’Eternel attaqua Moïse, cherchant à le faire mourir. 25Alors Séphora saisit une pierre tranchante, coupa le prépuce de son fils et en toucha les pieds de Moïse en disant : Tu es pour moi un époux de sang.

26Alors l’Eternel laissa Moïse. C’est à cette occasion que Séphora dit à Moïse à cause de la circoncision : Tu es un époux de sang !

27Entre-temps, l’Eternel avait ordonné à Aaron d’aller à la rencontre de Moïse dans le désert et Aaron partit. Il rencontra son frère à la montagne de Dieu et l’embrassa. 28Moïse l’informa de toutes les paroles que l’Eternel l’avait chargé de dire et des signes miraculeux qu’il lui avait ordonné d’accomplir. 29Ils partirent donc. Une fois arrivés, ils convoquèrent tous les responsables du peuple d’Israël. 30Aaron leur répéta tout ce que l’Eternel avait dit à Moïse et il accomplit les signes miraculeux aux yeux du peuple. 31Le peuple fut convaincu. En apprenant que l’Eternel intervenait en faveur des Israélites et qu’il avait pris leur détresse en considération, ils se prosternèrent et l’adorèrent.

Tagalog Contemporary Bible

Exodus 4:1-31

Ang mga Himalang Nagpapakita ng Kapangyarihan ng Dios

1Nagtanong si Moises, “Paano po kung hindi maniwala sa akin ang mga Israelita o makinig sa sasabihin ko? Baka sabihin nila na hindi kayo nagpakita sa akin.”

2Sinabi sa kanya ng Panginoon, “Ano iyang hawak mo?”

Sumagot si Moises, “Baston4:2 Baston: Ang tinutukoy ay ang ginagamit sa pagpapastol ng tupa. po.”

3Sinabi ng Panginoon, “Ihagis mo sa lupa.”

Kaya inihagis ni Moises ang baston at naging ahas ito. Natakot si Moises, kaya napatakbo siya. 4Sinabi sa kanya ng Panginoon, “Hulihin mo ito sa buntot.” Kaya hinuli ito ni Moises at muling naging baston. 5Sinabi ng Panginoon, “Gawin mo ang himalang ito para maniwala sila na ako ang Panginoon, ang Dios ng mga ninuno nilang sina Abraham, Isaac, at Jacob ay nagpakita sa iyo.”

6Sinabi pa ng Panginoon, “Ilagay mo ang kamay mo sa loob ng damit mo.” Sinunod ito ni Moises, at nang ilabas niya ang kanyang kamay, namuti ito dahil tinubuan ng isang malubhang sakit sa balat.4:6 malubhang sakit sa balat: sa ibang salin, ketong. Ang salitang Hebreo nito ay ginamit sa ibaʼt ibang uri ng sakit sa balat na itinuturing na marumi ayon sa Lev. 13.

7Sinabi ng Panginoon, “Muli mong ilagay ang kamay mo sa loob ng iyong damit.” Sinunod ito ni Moises, at nang ilabas niya ito, maayos na muli ito katulad ng ibang bahagi ng kanyang katawan.

8Pagkatapos, sinabi ng Panginoon, “Kung hindi sila maniwala sa unang himala, sa ikalawaʼy maniniwala na sila. 9Pero kung hindi pa rin sila maniwala sa iyo pagkatapos ng dalawang himala, kumuha ka ng tubig sa Ilog ng Nilo at ibuhos mo ito sa tuyong lupa, at magiging dugo ito.”

10Sinabi ni Moises, “Panginoon, hindi po ako magaling magsalita. Mula pa man noon, hirap na ako sa pagsasalita, kahit na ngayong nakikipag-usap kayo sa akin. Pautal-utal ako kapag nagsasalita.”

11Sinabi sa kanya ng Panginoon, “Sino ba ang gumawa ng bibig ng tao? Sino ba ang may kakayahang gawing bingi o pipi? Sino ba ang nagdedesisyon na makakita o mabulag siya? Hindi ba ako, ang Panginoon? 12Kaya lumakad ka, dahil tutulungan kita sa pagsasalita at ituturo ko sa iyo ang mga sasabihin mo.”

13Pero sinabi ni Moises, “O Panginoon, kung maaari po magpadala na lang kayo ng iba.”

14Nagalit nang matindi ang Panginoon kay Moises. Kaya sinabi niya, “O sige, si Aaron na lang na kapatid mo, na isang Levita ang siyang magsasalita para sa iyo. Alam kong mahusay siyang magsalita. Papunta na siya rito para makipagkita sa iyo. Matutuwa siyang makita ka. 15Kausapin mo siya at turuan kung ano ang kanyang sasabihin. Tutulungan ko kayong dalawa sa pagsasalita, at tuturuan ko rin kayo kung ano ang gagawin ninyo. 16Si Aaron ang magsasalita sa mga tao para sa iyo. Turuan mo siya ng mga sasabihin niya na parang ikaw ang Dios. 17Dalhin mo ang baston mo para sa pamamagitan nito ay makagawa ka ng mga himala.”

Bumalik si Moises sa Egipto

18Bumalik si Moises sa biyenan niyang si Jetro at sinabi sa kanya, “Payagan po ninyo akong bumalik sa mga kababayan ko sa Egipto para tingnan kung buhay pa sila.”

Sinabi ni Jetro, “Sige, maging maayos sana ang paglalakbay mo.”

19Bago umalis si Moises sa Midian, sinabi sa kanya ng Panginoon, “Bumalik ka na sa Egipto. Patay na ang mga gustong pumatay sa iyo.” 20Kaya kinuha ni Moises ang asawa niya at mga anak na lalaki, at pinasakay sa asno at bumalik sa Egipto. Dinala rin niya ang baston na ipinapadala sa kanya ng Panginoon.

21Sinabi ng Panginoon kay Moises, “Pagdating mo sa Egipto, gawin mo sa harapan ng Faraon ang lahat ng himalang ipinapagawa ko sa iyo. Binigyan kita ng kapangyarihang gawin iyan. Pero patitigasin ko ang puso ng hari para hindi niya payagang umalis ang mga Israelita. 22Pagkatapos, sabihin mo sa kanya, ‘Sinabi ng Panginoon na: Itinuturing ko ang Israel na panganay kong anak na lalaki, 23kaya iniuutos ko sa iyo na payagan mo silang umalis para makasamba sa akin, pero hindi ka pumayag. Kaya papatayin ko ang panganay mong na anak na lalaki!’ ”

24Nang naglalakbay na sina Moises at ang kanyang pamilya, nagpahinga sila sa isang bahay-pahingahan. Pinuntahan ng Panginoon si Moises at pinagtangkaang patayin. 25-26Pero kumuha si Zipora ng matalim na bato at tinuli ang kanyang anak, at ang nakuha niyang balat ay idinikit niya sa paa ni Moises. At sinabi ni Zipora, “Ikaw ang duguang asawa ko.” (Ang ibig sabihin ni Zipora ay may kaugnayan sa pagtutuli.) Kaya hindi pinatay ng Panginoon si Moises.

27Samantala, sinabi ng Panginoon kay Aaron, “Lumakad ka at salubungin si Moises sa disyerto.” Kaya sinalubong niya si Moises sa Bundok ng Dios at hinagkan bilang pagbati. 28Sinabi ni Moises kay Aaron ang lahat ng iniutos ng Panginoon na sabihin niya, at ang lahat ng himalang iniutos ng Panginoon na gawin niya.

29Kaya lumakad ang dalawa, at tinipon ang lahat ng tagapamahala ng Israel. 30Sinabi sa kanila ni Aaron ang lahat ng sinabi ng Panginoon kay Moises. At ginawa ni Moises ang mga himala sa harap ng mga tao, 31at naniwala sila. Nang malaman nilang nagmamalasakit ang Panginoon sa kanila at nakikita niya ang mga paghihirap nila, lumuhod sila at sumamba sa Panginoon.