Bíbélì Mímọ́ Yorùbá Òde Òn

Mika 1:1-16

1Ọ̀rọ̀ Olúwa tí ó tọ Mika ará Moreṣeti wá ní àkókò ìjọba Jotamu, Ahasi, àti Hesekiah, àwọn ọba Juda nìwọ̀nyí, ìran tí ó rí nípa Samaria àti Jerusalẹmu.

2Ẹ gbọ́, gbogbo ẹ̀yin ènìyàn,

fetísílẹ̀, ìwọ ayé àti gbogbo ohun tó wà níbẹ̀,

Olúwa Olódùmarè lè ṣe ẹlẹ́rìí sí yín,

1.2: 1Ọb 22.28.Olúwa láti inú tẹmpili mímọ́ rẹ̀ wá.

Ìdájọ́ tí o lòdì sí Samaria àti Jerusalẹmu

3Wò ó! Olúwa ń bọ̀ wá láti ibùgbé rẹ̀;

yóò sọ̀kalẹ̀, yóò sì tẹ ibi gíga ayé mọ́lẹ̀.

4Àwọn òkè ńlá yóò sí yọ́ lábẹ́ rẹ̀,

àwọn Àfonífojì yóò sì pínyà,

bí idà níwájú iná,

bí omi tí ó ń sàn lọ ni ibi gẹ̀rẹ́gẹ̀rẹ́.

5Nítorí ìré-òfin-kọjá Jakọbu ni gbogbo èyí,

àti nítorí ẹ̀ṣẹ̀ ilé Israẹli.

Kí ni ìré-òfin-kọjá Jakọbu?

Ǹjẹ́ Samaria ha kọ?

Kí ni àwọn ibi gíga Juda?

Ǹjẹ́ Jerusalẹmu ha kọ?

6“Nítorí náà, èmi yóò ṣe Samaria bí òkìtì lórí pápá,

bí ibi ti à ń lò fún gbígbin ọgbà àjàrà.

Èmi yóò gbá àwọn òkúta rẹ̀ dànù sínú àfonífojì.

Èmi yóò sí tú ìpilẹ̀ṣẹ̀ rẹ̀ palẹ̀.

7Gbogbo àwọn ère fínfín rẹ̀ ni a ó fọ́ sí wẹ́wẹ́

gbogbo àwọn ẹ̀bùn tẹmpili rẹ̀ ni a ó fi iná sun:

Èmi yóò sì pa gbogbo àwọn òrìṣà rẹ̀ run.

Nítorí tí ó ti kó àwọn ẹ̀bùn rẹ̀ jọ láti inú owó èrè panṣágà,

gẹ́gẹ́ bí owó èrè panṣágà, wọn yóò sì tún padà sí owó iṣẹ́ panṣágà.”

Ẹkún òun ọfọ̀

8Nítorí èyí, èmi yóò sì sọkún,

èmi yóò sì pohùnréré ẹkún:

èmi yóò máa lọ ní ẹsẹ̀ lásán àti ní ìhòhò

Èmi yóò ké bí akátá,

èmi yóò sì máa dárò bí àwọn ọmọ ògòǹgò.

9Nítorí tí ọgbẹ́ rẹ̀ jẹ́ aláìlèwòtán;

ó sì ti wá sí Juda.

Ó sì ti dé ẹnu-bodè àwọn ènìyàn mi,

àní sí Jerusalẹmu.

10Ẹ má ṣe sọ ní Gati

ẹ má ṣe sọkún rárá.

Ní ilẹ̀ Beti-Ofra

mo yí ara mi nínú eruku.

11Ẹ kọjá lọ ni ìhòhò àti ni ìtìjú,

ìwọ tí ó ń gbé ni Ṣafiri.

Àwọn tí ó ń gbé ni Ṣaanani

kì yóò sì jáde wá.

Beti-Eseli wà nínú ọ̀fọ̀;

A ó sì gba ààbò rẹ̀ kúrò lọ́wọ́ yin.

12Nítorí àwọn tí ó ń gbé ni Marati ń retí ìre,

Ṣùgbọ́n ibi sọ̀kalẹ̀ ti ọ̀dọ̀ Olúwa wá sí ẹnu-bodè Jerusalẹmu.

13Ìwọ olùgbé Lakiṣi,

dì kẹ̀kẹ́ mọ́ ẹranko tí ó yára.

Òun sì ni ìbẹ̀rẹ̀ ẹ̀ṣẹ̀

sí àwọn ọmọbìnrin Sioni,

nítorí a rí àìṣedéédéé Israẹli nínú rẹ̀.

14Nítorí náà ni ìwọ ó ṣe fi ìwé ìkọ̀sílẹ̀

fún Moreṣeti Gati.

Àwọn ilé Aksibu yóò jẹ́ ẹlẹ́tàn sí àwọn ọba Israẹli.

15Èmi yóò sì mú àrólé kan wá sórí rẹ ìwọ olùgbé Meraṣa.

Ẹni tí ó jẹ́ ògo Israẹli

yóò sì wá sí Adullamu.

16Fá irun orí rẹ nínú ọ̀fọ̀

nítorí àwọn ọmọ rẹ aláìlágbára,

sọ ra rẹ̀ di apárí bí ẹyẹ igún,

nítorí wọn yóò kúrò lọ́dọ̀ rẹ lọ sí ìgbèkùn.

Tagalog Contemporary Bible

Micas 1:1-16

1Ito ang mensahe ng Panginoon tungkol sa Samaria at Jerusalem.1:1 sa Samaria at Jerusalem: Ang Samaria ay kabisera ng Israel at kumakatawan sa buong kaharian ng Israel. Ang Jerusalem ay kabisera ng Juda at kumakatawan sa buong kaharian ng Juda. Ipinahayag niya ito kay Micas na taga-Moreshet noong magkakasunod na naghari sa Juda sina Jotam, Ahaz at Hezekia.

Sinabi ni Micas: 2Makinig kayong mabuti, lahat kayong mga mamamayan sa buong mundo.1:2 mga mamamayan sa buong mundo: o, mga Israelita na nasa Israel. Sapagkat sasaksi ang Panginoong Dios laban sa inyo mula sa kanyang banal na templo.1:2 banal na templo: Maaaring ang kanyang templo sa Jerusalem o ang kanyang tahanan sa langit.

Parurusahan ang Israel at Juda

3Makinig kayo! Lalabas ang Panginoon mula sa kanyang tahanan. Bababa siya at lalakad sa matataas na bahagi ng mundo. 4Ang mga bundok na kanyang malalakaran ay matutunaw na parang mga kandila na nadikit sa apoy, at magiging lubak-lubak ang mga patag na kanyang malalakaran na parang dinaanan ng tubig na umagos mula sa matarik na lugar. 5Mangyayari ang lahat ng ito dahil sa mga kasalanan ng mga mamamayan ng Israel at Juda.1:5 Israel at Juda: sa Hebreo, Jacob at Israel. Ang mga taga-Samaria ang nag-udyok sa ibang mga mamamayan ng Israel para magkasala. At ang mga taga-Jerusalem naman ang nag-udyok sa ibang mga mamamayan ng Juda para sumamba sa mga dios-diosan. 6Kaya sinabi ng Panginoon, “Gigibain ko ang Samaria at tataniman na lang ito ng mga ubas. Pagugulungin ko ang mga bato nito papunta sa kapatagan hanggang sa makita ang mga pundasyon nito. 7Madudurog ang lahat ng imahen ng dios-diosan ng Samaria, at masusunog ang lahat ng ibinayad ng mga lalaki sa kanilang pakikipagtalik sa mga babaeng bayaran sa templo.1:7 ibinayad … templo: Sa templong ito, nakikipagtalik ang mga lalaki sa mga babaeng bayaran bilang bahagi ng kanilang pagsamba sa mga dios-diosan. Ang bayad sa mga babae ay ginagamit sa mga gawain sa templo. Nakapagtipon ng mga imahen ang Samaria sa pamamagitan ng mga ibinayad sa mga babaeng bayaran sa templo, kaya kukunin ng kanyang mga kalaban ang mga pilak at ginto na binalot sa mga imahen para gamitin din ng kanyang mga kalaban na pambayad sa mga babaeng bayaran sa kanilang templo.”

8Sinabi pa ni Micas: Dahil sa pagkawasak ng Samaria, iiyak ako at magdadalamhati. Maglalakad ako nang nakapaa at nakahubad para ipakita ang aking kalungkutan. Iiyak ako nang malakas na parang asong-gubat1:8 asong-gubat: sa Ingles, “jackal.” at tulad ng paghuni ng kuwago. 9Sapagkat ang pagkagiba ng Samaria ay parang sugat na hindi na gagaling, at mangyayari rin ito sa Juda hanggang sa Jerusalem na siyang kabisera na lungsod1:9 kabisera na lungsod: sa literal, pintuan. ng aking mga kababayan.

10Mga taga-Juda, huwag ninyong ibalita sa ating mga kalaban na mga taga-Gat ang tungkol sa darating na kapahamakan sa atin. Huwag ninyong ipapakita na umiiyak kayo. Doon ninyo ipakita sa bayan ng Bet Leafra1:10 Bet Leafra: Ang lugar na ito at ang iba pang lugar na nabanggit sa talatang 11-15 ay maaaring sakop ng Juda. ang inyong kalungkutan sa pamamagitan ng paggulong sa lupa.

11Mga mamamayan ng Shafir, bibihagin kayo at dadalhing nakahubad, kaya mapapahiya kayo. Ang mga mamamayan ng Zaanan ay matatakot lumabas sa kanilang bayan para tulungan kayo. Ang mga taga-Bet Ezel ay hindi rin makakatulong sa inyo dahil sila rin ay umiiyak sa kapahamakang dumating sa kanila. 12Ang totoo, ang mga taga-Marot ay matiyagang naghihintay sa pagtigil ng digmaan. Pero mabibigo sila dahil niloob ng Panginoon na makarating ang mga kalaban sa pintuan ng Jerusalem.

13Mga mamamayan ng Lakish, isingkaw ninyo ang mga kabayo sa karwahe at tumakas kayo. Ginaya ninyo ang kasalanang ginawa ng mga taga-Israel, at dahil sa inyoʼy nagkasala rin ang mga taga-Zion.

14Kayong mga taga-Juda, magpaalam na kayo1:14 magpaalam na kayo: sa literal, magbigay kayo ng regalo bilang pamamaalam. sa bayan ng Moreshet Gat dahil sasakupin na rin iyan ng mga kalaban. Sasakupin din ang bayan1:14 bayan: sa literal, bahay. ng Aczib, kaya wala nang maaasahang tulong ang inyong mga hari mula sa bayang iyon.

15Kayong mga mamamayan ng Maresha, padadalhan kayo ng Panginoon1:15 Panginoon: sa Hebreo, ko. ng kalaban na sasakop sa inyo.

Mga taga-Juda,1:15 Juda: sa Hebreo, Israel. Maaaring ang ibig sabihin nito ay ang bansa ng Juda. ang inyong mga pinuno ay magtatago sa kweba ng Adulam. 16Kukunin sa inyo ang pinakamamahal ninyong mga anak1:16 mga anak: Maaari ring ang tinutukoy nito ay ang mga bayan ng Juda na nabanggit sa talatang 11-15. at dadalhin sa ibang bayan, kaya magluluksa kayo para sa kanila at ipapakita ninyo ang inyong kalungkutan sa pamamagitan ng pagpapakalbo na parang ulo ng agila.1:16 agila: o, buwitre.