Pahayag 20 – TCB & LCB

Tagalog Contemporary Bible

Pahayag 20:1-15

Ang 1,000 Taon

1Pagkatapos nito, may nakita akong anghel na bumababa mula sa langit. May hawak siyang susi ng kailaliman, at may malaki siyang kadena. 2Dinakip niya ang dragon – ang ahas noong unang panahon na tinatawag na diyablo o Satanas – at saka iginapos ng kadena sa loob ng 1,000 taon. 3Inihulog siya ng anghel sa kailaliman, saka isinara at sinusian, at tinatakan pa ang pintuan nito upang walang mangahas na magbukas. Ikinulong siya upang hindi makapandaya ng mga tao sa ibaʼt ibang bansa sa loob ng 1,000 taon. Pero pagkatapos ng 1,000 taon, pakakawalan siya sa loob ng maikling panahon.

4Pagkatapos, may nakita akong mga trono, at ang mga nakaupo roon ay binigyan ng karapatang humatol. Nakita ko rin ang kaluluwa ng mga taong pinugutan ng ulo dahil sa pangangaral nila tungkol kay Jesus at dahil sa pagpapahayag nila ng salita ng Dios. Ang mga ito ay hindi sumamba sa halimaw o sa imahen nito, at hindi tumanggap ng tatak nito sa noo o kanang kamay nila. Binuhay sila at binigyan ng karapatang maghari na kasama ni Cristo sa loob ng 1,000 taon. 5Ito ang unang pagkabuhay ng mga patay. (Ang ibang mga patay ay saka lang bubuhayin pagkatapos ng 1,000 taon.) 6Mapalad at banal ang mga kabilang sa unang pagkabuhay ng mga patay. Walang kapangyarihan sa kanila ang ikalawang kamatayan. Magiging mga pari sila ng Dios at ni Cristo, at maghaharing kasama niya sa loob ng 1,000 taon.

Ang Pagkatalo ni Satanas

7Pagkatapos ng 1,000 taon, pakakawalan si Satanas mula sa kanyang bilangguan. 8Lalabas siya at dadayain ang mga bansa sa buong mundo, na tatawaging Gog at Magog. Titipunin sila ni Satanas at isasama sa pakikipagdigma sa mga mananampalataya. At ang matitipon niyang mga sundalo ay kasindami ng buhangin sa tabing-dagat na hindi kayang bilangin. 9Kakalat sila sa buong mundo, at paliligiran nila ang kampo ng mga banal at ang pinakamamahal na lungsod. Pero pauulanan sila ng Dios ng apoy mula sa langit at mamamatay silang lahat. 10At si Satanas na dumaya sa kanila ay itatapon sa lawang apoy at asupre, na siya ring pinagtapunan ng halimaw at ng huwad at sinungaling na propeta. Magkakasama silang parurusahan at pahihirapan araw-gabi, magpakailanman.

Ang Huling Paghatol

11Pagkatapos, nakita ko ang malaki at puting trono at ang nakaupo roon. Ang langit at ang lupa ay biglang naglaho at hindi na nakita. 12At nakita ko ang mga namatay, tanyag at hindi, na nakatayo sa harap ng trono. Binuksan ang mga aklat, pati na ang aklat na listahan ng mga taong binigyan ng buhay na walang hanggan. At ang bawat isa sa kanila ay hinatulan ayon sa ginawa nila na nakasulat sa mga aklat na iyon. 13Kahit sa dagat sila namatay o sa lupa, naglabasan sila mula sa lugar ng mga patay. At hinatulan ang lahat ayon sa mga ginawa nila. 14-15At ang sinumang hindi nakasulat ang pangalan sa aklat na listahan ng mga taong binigyan ng buhay na walang hanggan ay itinapon sa lawang apoy. Pagkatapos, itinapon din doon ang kamatayan at ang Hades.20:14-15 Hades: Ang ibig sabihin, lugar ng mga patay. Ang parusang ito sa lawang apoy ay ang ikalawang kamatayan.

Luganda Contemporary Bible

Okubikkulirwa 20:1-15

Emyaka Olukumi

120:1 a Kub 10:1 b Kub 1:18Awo ne ndaba malayika ng’akka okuva mu ggulu ng’alina ekisumuluzo eky’obunnya obutakoma era ng’alina olujegere oluzito mu mukono gwe. 220:2 a Kub 12:9 b 2Pe 2:4N’akwata ogusota guli ogw’edda, ye Setaani, n’agusiba mu lujegere gumale emyaka lukumi, 320:3 a Dan 6:17 b Kub 12:9n’agusuula mu bunnya obutakoma era n’agusibiramu n’ateekako n’envumbo guleme kulimbalimba mawanga nate okutuusa ng’emyaka olukumi giweddeko. Bwe giriggwaako, Setaani ng’asumululwa okumala akaseera katono.

420:4 a Dan 7:9 b Kub 6:9 c Kub 13:12 d Kub 13:16Awo ne ndaba entebe ez’obwakabaka nga zituuliddwako abaaweebwa obuyinza okusala emisango. Ne ndaba emyoyo gy’abo abaatemebwako emitwe olw’okunywerera ku Yesu ne ku kigambo kya Katonda, era abataasinza kisolo ekikambwe wadde ekifaananyi kyakyo era abatakkiriza kabonero kaakyo mu byenyi byabwe oba ku mikono gyabwe. Abantu abo ne balamuka era ne bafugira wamu ne Kristo okumala emyaka lukumi. 520:5 Luk 14:14Naye abafu abalala tebaazuukira okutuusa ng’emyaka olukumi giweddeko. Kuno kwe kuzuukira okusooka. 620:6 a Kub 14:13 b Kub 2:11 c Kub 1:6 d nny 4Balina omukisa era batukuvu abalizuukirira mu kuzuukira okusooka. Kubanga okufa okwokubiri tekuliba na maanyi ku bo, balibeera bakabona ba Katonda ne Kristo era balifugira wamu ne Kristo okumala emyaka egyo olukumi.

Setaani Azikirizibwa

720:7 nny 2Awo emyaka olukumi bwe giriggwaako, Setaani aliteebwa okuva mu kkomera lye. 820:8 a nny 3, 10 b Ez 38:2; 39:1 c Kub 16:14 d Beb 11:12Alifuluma okulimbalimba Googi ne Magoogi, ge mawanga ag’omu nsonda ennya ez’ensi, era alikuŋŋaanya abantu ne baba eggye ery’okulwana eritasoboka na kubalika nga liri ng’omusenyu ogw’oku lubalama lw’ennyanja. 920:9 a Ez 38:9, 16 b Ez 38:22; 39:6Ne bambuka basale olusenyi olunene olw’ensi balyoke bazingize abatukuvu okuva ku buli luuyi lw’ekibuga ekyagalwa. Kyokka omuliro ne guva mu ggulu ne gubookya era ne gubamalawo. 1020:10 a Kub 19:20 b Kub 14:10, 11Awo Setaani eyabalimbalimba n’asuulibwa mu nnyanja ey’omuliro eyaka ne salufa, omuli ekisolo ne nnabbi ow’obulimba era banaabonyaabonyezebwanga emisana n’ekiro emirembe n’emirembe.

Abafu Balamulwa

1120:11 Kub 4:2Awo ne ndaba entebe ey’obwakabaka enjeru n’Oyo eyali agituddeko. Ensi n’ebbanga ne bidduka okuva mu maaso ge, naye nga tewali we biyinza kwekweka. 1220:12 a Dan 7:10 b Kub 3:5 c Yer 17:10; Mat 16:27; Kub 2:23Ne ndaba abafu abeekitiibwa n’abatali baakitiibwa nga bayimiridde mu maaso g’entebe ey’obwakabaka. Ebitabo ne bibikkulwa, n’ekitabo ekirala ky’ekitabo eky’obulamu ne kibikkulwa. Abafu ne basalirwa omusango okusinziira ku ebyo ebyali biwandiikiddwa mu bitabo ebyo, buli omu ng’ebikolwa bye bwe byali. 1320:13 a Kub 6:8 b Is 26:19Ennyanja zonna ne ziwaayo abafu abaali mu zo, n’okufa n’Amagombe nabyo ne biwaayo abafu abaabirimu. Buli omu n’asalirwa omusango, ng’ebikolwa bye bwe byali. 1420:14 1Ko 15:26Okufa n’Amagombe ne bisuulibwa mu nnyanja ey’omuliro, kuno kwe kufa okwokubiri. 1520:15 nny 12Era buli eyasangibwa ng’erinnya lye teriwandiikiddwa mu kitabo eky’obulamu, n’asuulibwa mu nnyanja ey’omuliro.