Juan 1 – TCB & HCB

Tagalog Contemporary Bible

Juan 1:1-51

Ang Salitang Nakapagbibigay ng Buhay na Walang Hanggan

1Nang pasimula, naroon na ang tinatawag na Salita. Ang Salita ay kasama ng Dios at ang Salita ay Dios. 2Sa simula paʼy kasama na siya ng Dios. 3Nilikha ang lahat ng bagay sa pamamagitan niya, at walang anumang nalikha nang hindi sa pamamagitan niya. 4Ang Salita ang pinagmumulan ng buhay, at ang buhay na itoʼy ilaw, dahil ito ang nagbibigay-liwanag sa mga tao. 5Ang ilaw na itoʼy nagliliwanag sa kadiliman,1:5 kadiliman: Ang ibig sabihin, kasamaan. at hindi ito nadaig ng kadiliman.1:5 hindi ito nadaig ng kadiliman: o, hindi ito naunawaan ng mga nasa kadiliman.

6Isinugo ng Dios ang isang tao na ang pangalan ay Juan. 7Isinugo siya upang magpatotoo kung sino ang ilaw, upang sa pamamagitan ng kanyang patotoo ay sumampalataya ang lahat ng tao. 8Hindi si Juan ang mismong ilaw, kundi naparito siya upang magpatotoo kung sino ang ilaw. 9Ang tunay na ilaw na nagbibigay-liwanag sa lahat ng tao ay dumating na sa mundo. 10Naparito siya sa mundo. At kahit na nilikha ang mundo sa pamamagitan niya, hindi siya kinilala ng mundo. 11Pumunta siya sa sarili niyang mga kababayan, pero tinanggihan siya ng karamihan. 12Ngunit ang lahat ng tumanggap at sumampalataya sa kanya ay binigyan niya ng karapatang maging anak ng Dios. 13Naging anak sila ng Dios hindi sa pamamagitan ng pisikal na pagkasilang o dahil sa kagustuhan ng tao kundi dahil sa kalooban ng Dios.

14Nagkatawang-tao ang Salita at namuhay na kasama natin. Nakita namin ang kadakilaan niya bilang kaisa-isang Anak ng Ama. Puspos siya ng biyaya at pawang katotohanan ang mga sinasabi niya.

15Nagpatotoo si Juan tungkol sa kanya at ito ang kanyang sinabi: “Siya ang tinutukoy ko nang sabihin kong, ‘May isang darating na kasunod ko, mas dakila siya kaysa sa akin, dahil nariyan na siya bago pa ako ipanganak.’ ”

16Sa kasaganaan ng kanyang biyaya1:16 biyaya: Sa ibang salin ng Biblia, kagandahang-loob. ay tumanggap tayong lahat ng sunud-sunod na pagpapala. 17Ibinigay sa atin ng Dios ang Kautusan sa pamamagitan ni Moises, ngunit ang biyaya at katotohanan ay napasaatin sa pamamagitan ni Jesu-Cristo. 18Wala pang nakakita sa Dios Ama kahit kailan, ngunit ipinakilala siya sa atin ng kanyang Bugtong na Anak,1:18 Bugtong na Anak: o, natatanging Anak. na Dios din nga at kapiling ng Ama.1:18 kapiling ng Ama: o, minamahal ng Ama; o, laging kasama ng Ama; sa literal, nasa dibdib ng Ama.

Ang Patotoo ni Juan tungkol kay Jesus

(Mat. 3:1-12; Mar. 1:1-8; Luc. 3:1-18)

19-20Pinapunta ng mga pinuno ng mga Judio sa Jerusalem ang ilang mga pari at Levita upang tanungin si Juan kung sino talaga siya. Tinapat sila ni Juan. Sinabi niya, “Hindi ako ang Cristo.” 21Nagtanong sila, “Kung ganoon, sino ka? Ikaw ba si Propeta Elias?” Sumagot siya, “Hindi.” Tinanong pa nila si Juan, “Ikaw ba ang Propeta na ipinangakong darating?” “Hindi rin,” sagot ni Juan. 22“Kung ganoon, sino ka talaga? Sabihin mo sa amin para may maisagot kami sa mga nagsugo sa amin. Ano ang masasabi mo tungkol sa sarili mo?” 23Sumagot si Juan, “Ako ang taong binanggit ni Propeta Isaias nang sabihin niya,

‘Maririnig ang sigaw ng isang tao sa ilang na nagsasabi,

Tuwirin ninyo ang dadaanan ng Panginoon.’ ”1:23 Isa. 40:3.

24Ang mga nagsugo sa mga taong pumunta kay Juan ay mga Pariseo.1:24 o, Ang ilan sa mga inutusang pumunta kay Juan ay mga Pariseo. 25Tinanong nila ulit si Juan, “Bakit ka nagbabautismo kung hindi naman pala ikaw ang Cristo, o si Elias, o ang Propeta?” 26Sumagot si Juan, “Nagbabautismo ako sa tubig, ngunit may nakatayong kasama ninyo na hindi ninyo nakikilala. 27Siya ang sinasabi kong darating na kasunod ko, at ni hindi man lang ako karapat-dapat na maging alipin niya.”1:27 Hindi … alipin niya: sa literal, Hindi man lang ako karapat-dapat na magkalag ng tali ng kanyang sandalyas.

28Nangyari ito sa Betania, sa kabila ng Ilog ng Jordan, kung saan nagbabautismo si Juan.

Si Jesus ang Tupa ng Dios

29Kinabukasan, nakita ni Juan si Jesus na papalapit sa kanya. Sinabi niya sa mga tao, “Narito na ang Tupa ng Dios na ihahandog upang mag-alis ng kasalanan ng mga tao sa mundo! 30Siya ang tinutukoy ko nang sabihin ko, ‘May isang darating na kasunod ko, mas dakila siya kaysa sa akin, dahil nariyan na siya bago pa ako ipanganak.’ 31Noong unaʼy hindi ko rin kilala kung sino siya. Ngunit naparito akong nagbabautismo sa tubig upang ipakilala siya sa Israel.”

32Pagkatapos, nagpatotoo si Juan, “Nakita ko ang Banal na Espiritu na bumaba mula sa langit tulad ng isang kalapati at nanatili sa kanya. 33Noong unaʼy hindi ko rin kilala kung sino siya, ngunit ang Dios na nag-utos sa akin na magbautismo sa tubig ang nagsabi sa akin, ‘Kapag nakita mong bumaba ang Banal na Espiritu at nanatili sa isang tao, ang taong iyon ang magbabautismo sa Banal na Espiritu.’ 34Nakita ko ito at nagpapatotoo ako na siya ang Anak ng Dios.”

Ang mga Unang Tagasunod ni Jesus

35Kinabukasan, naroon ulit si Juan kasama ang dalawa sa mga tagasunod niya. 36Nang makita niya si Jesus na dumaraan, sinabi niya, “Narito na ang Tupa ng Dios!” 37Nang marinig iyon ng dalawang tagasunod ni Juan, sinundan nila si Jesus. 38Lumingon si Jesus at nakita silang sumusunod. Kaya tinanong niya sila, “Ano ang kailangan ninyo?” Sumagot sila, “Rabbi, saan po kayo nakatira?” (Ang ibig sabihin ng Rabbi ay “Guro.”) 39Sinabi sa kanila ni Jesus, “Halikayo at makikita ninyo.” Kaya sumama ang dalawa at nakita nila ang tinutuluyan niya. Bandang alas kwatro na noon ng hapon, kaya doon na sila nagpalipas ng gabi. 40Ang isa sa dalawang nakarinig ng sinabi ni Juan at sumunod kay Jesus ay si Andres na kapatid ni Simon Pedro. 41Kinaumagahan, hinanap kaagad ni Andres ang kapatid niyang si Simon at sinabi sa kanya, “Natagpuan na namin ang Mesias.” (Ang ibig sabihin ng Mesias ay “Cristo”.) 42Isinama niya si Simon kay Jesus. At nang makarating sila kay Jesus, tiningnan ni Jesus si Simon at sinabi, “Ikaw si Simon na anak ni Juan, mula ngayon ay tatawagin ka nang Cefas.” (Ang Cefas ay pareho rin ng pangalang Pedro.)1:42 Ang ibig sabihin ng Cefas o Pedro ay “Bato.”

Ang Pagtawag ni Jesus kina Felipe at Natanael

43Kinabukasan, nagpasya si Jesus na pumunta sa Galilea. Pagdating niya roon, nakita niya si Felipe at sinabi niya rito, “Sumunod ka sa akin.” 44(Si Felipe ay taga-Betsaida, tulad nina Andres at Pedro.) 45Hinanap ni Felipe si Natanael at sinabi niya rito, “Natagpuan na namin ang taong tinutukoy ni Moises sa Kautusan, at maging sa mga isinulat ng mga propeta. Siya si Jesus na taga-Nazaret na anak ni Jose.” 46Tinanong siya ni Natanael, “May mabuti bang nanggagaling sa Nazaret?” Sumagot si Felipe, “Halika at tingnan mo.”

47Nang makita ni Jesus na papalapit sa kanya si Natanael, sinabi niya, “Narito ang isang tunay na Israelita na hindi nandaraya.”1:47 hindi nandaraya: o, hindi nagsisinungaling. 48Tinanong siya ni Natanael, “Paano ninyo ako nakilala?” Sumagot si Jesus, “Bago ka pa man tawagin ni Felipe, nakita na kita habang nasa ilalim ka ng puno ng igos.” 49Sinabi ni Natanael, “Guro, kayo nga ang Anak ng Dios! Kayo ang hari ng Israel!” 50Sinabi sa kanya ni Jesus, “Sumampalataya ka ba sa akin dahil sinabi kong nakita kita sa ilalim ng puno ng igos? Higit pa rito ang masasaksihan mo.” 51Sinabi pa sa kanya ni Jesus, “Sinasabi ko sa inyo ang totoo, makikita ninyo na bubukas ang langit, at makikita rin ninyo ang mga anghel ng Dios na umaakyat at bumababa sa akin na Anak ng Tao.”

Hausa Contemporary Bible

Yohanna 1:1-51

Kalman ya zama mutum

1Tun farar farawa akwai Kalma, Kalman kuwa yana nan tare da Allah, Kalman kuwa Allah ne. 2Yana nan tare da Allah tun farar farawa. 3Ta wurin Kalman ne aka halicci dukan abubuwa. In ba tare da shi ba, babu abin da aka yi wanda aka yi. 4A cikinsa rai ya kasance, wannan rai kuwa shi ne hasken mutane. 5Hasken yana haskakawa cikin duhu, amma duhun bai rinjaye shi ba.

6Akwai wani mutumin da aka aiko daga Allah; mai suna Yohanna. 7Ya zo a matsayin mai shaida domin yă ba da shaida game da wannan haske, don ta wurinsa dukan mutane su ba da gaskiya. 8Shi kansa ba shi ne hasken ba; sai dai ya zo a matsayin shaida ne kaɗai ga hasken.

9Haske na gaskiya da yake ba da haske ga kowane mutum mai shigowa duniya.1.9 Ko kuwa Wannan ne haske na gaskiya da yake ba da haske ga kowane mutumin da yake shigowa duniya 10Yana a duniya, kuma ko da yake an yi duniya ta wurinsa ne, duniya ba tă gane shi ba. 11Ya zo wurin abin da yake nasa, amma nasa ɗin ba su karɓe shi ba. 12Duk da haka dukan waɗanda suka karɓe shi, ga waɗanda suka gaskata a sunansa, ya ba su iko su zama ’ya’yan Allah 13’ya’yan da aka haifa ba bisa hanyar ’yan adam,1.13 Girik na jini ko shawarar mutum ko nufin namiji ba, sai dai haifaffu bisa ga nufin Allah.

14Kalman ya zama mutum, ya kuwa zauna a cikinmu. Muka ga ɗaukakarsa, ɗaukaka ta wanda yake Ɗaya kuma Makaɗaici, wanda ya zo daga wurin Uba, cike da alheri da gaskiya.

15(Yohanna ya ba da shaida game da shi. Ya ɗaga murya yana cewa, “Wannan shi ne wanda na ce, ‘Mai zuwa bayana ya fi ni girma domin yana nan kafin ni.’ ”) 16Daga yalwar alherinsa dukanmu muka sami albarka bisa albarka. 17Gama an ba da doka ta wurin Musa; alheri da gaskiya kuwa sun zo ne ta wurin Yesu Kiristi. 18Ba wanda ya taɓa ganin Allah, sai dai Allah da yake Ɗaya da kuma Makaɗaici wanda yake a gefen Uba, shi ne ya bayyana shi.

Yohanna Mai Baftisma ya ce ba shi ne Kiristi ba

19To, ga shaidar Yohanna sa’ad da Yahudawan Urushalima suka aiki firistoci da Lawiyawa su tambaye shi ko shi wane ne. 20Bai yi mūsu ba, amma ya shaida a fili cewa, “Ba ni ne Kiristi ba.”

21Sai suka tambaye shi suka ce, “To, wane ne kai? Kai ne Iliya?”

Ya ce, “A’a, ni ba shi ba ne.”

“Kai ne Annabin nan?”

Ya amsa ya ce, “A’a.”

22A ƙarshe suka ce, “Wane ne kai? Ka ba mu amsa don mu mayar wa waɗanda suka aike mu. Me kake ce da kanka?”

23Yohanna ya amsa da kalmomin annabi Ishaya, “Ni murya ne mai kira a hamada, ‘Ku miƙe hanya domin Ubangiji.’ ”1.23 Ish 40.3

24To, waɗansu Farisiyawan da aka aika 25suka tambaye shi suka ce, “Don me kake yin baftisma in kai ba Kiristi ba ne, ba kuwa Iliya ba, ba kuma annabin nan ba?”

26Yohanna ya amsa ya ce, “Ni dai ina baftisma da ruwa ne, amma a cikinku akwai wani tsaye da ba ku sani ba. 27Shi ne mai zuwa bayana, wanda ko igiyar takalmansa ma ban isa in kunce ba.”

28Wannan duk ya faru ne a Betani a ƙetaren Urdun, inda Yohanna yake yin baftisma.

Yesu Ɗan Rago na Allah

29Kashegari Yohanna ya ga Yesu yana zuwa wajensa sai ya ce, “Ku ga, ga Ɗan Rago na Allah mai ɗauke zunubin duniya! 30Wannan shi ne wanda nake nufi sa’ad da na ce, ‘Mutum mai zuwa bayana ya fi ni girma, domin yana nan kafin ni.’ 31Ko ni ma dā ban san shi ba, sai dai abin da ya sa na zo ina baftisma da ruwa shi ne domin a bayyana shi ga Isra’ila.”

32Sai Yohanna ya ba da wannan shaida, “Na ga Ruhu ya sauko kamar kurciya daga sama ya zauna a kansa. 33Dā ban san shi ba, sai dai wanda ya aiko ni in yi baftisma da ruwa ya gaya mini cewa, ‘Mutumin da ka ga Ruhu ya sauko ya kuma zauna a kansa shi ne wanda zai yi baftisma da Ruhu Mai Tsarki.’ 34Na gani na kuma shaida cewa wannan Ɗan Allah ne.”

Almajiran Yesu na farko

35Kashegari kuma Yohanna yana can tare da biyu daga cikin almajiransa. 36Da ya ga Yesu yana wucewa, sai ya ce, “Ku ga, ga Ɗan Rago na Allah!”

37Da almajiran nan biyu suka ji ya faɗi haka, sai suka bi Yesu. 38Da juyewa, sai Yesu ya ga suna bin sa, sai ya tambaye, su ya ce, “Me kuke nema?”

Suka ce, “Rabbi” (wato, “Malam”), “ina kake da zama?”

39Ya amsa musu ya ce, “Ku zo, za ku kuma gani.”

Saboda haka suka je suka ga inda yake da zama, suka kuma zauna a can tare da shi. Wajen sa’a ta goma ce kuwa.

40Andarawus ɗan’uwan Siman Bitrus, yana ɗaya daga cikin biyun nan da suka bi Yesu bayan da suka ji maganar Yohanna a kan Yesu. 41Abu na fari da Andarawus ya yi shi ne ya sami ɗan’uwansa Siman ya gaya masa cewa, “Mun sami Almasihu” (wato, Kiristi). 42Ya kuma kawo shi wurin Yesu.

Yesu ya dube shi ya ce, “Kai ne Siman ɗan Yohanna. Za a ce da kai Kefas” (in an fassara, Bitrus ke nan1.42 Da Kefas (Arameyik) da kuma Bitrus (Girik) na nufin dutse.).

Yesu ya kira Filibus da Natanayel

43Kashegari Yesu ya yanke shawara yă tafi Galili. Da ya sami Filibus sai ya ce masa, “Bi ni.”

44Filibus, kamar Andarawus da Bitrus shi ma daga garin Betsaida ne. 45Filibus ya sami Natanayel ya kuma gaya masa, “Mun sami wanda Musa ya rubuta game da shi a cikin Doka, kuma wanda annabawa suka rubuta a kansa, Yesu Banazare, ɗan Yusuf.”

46Natanayel ya ce, “A Nazaret! Wani abin kirki zai iya fito daga can?”

Filibus ya ce, “Zo ka gani.”

47Da Yesu ya ga Natanayel yana zuwa, sai ya yi magana game da shi cewa, “Ga mutumin Isra’ila na gaske wanda ba shi da ha’inci.”

48Natanayel ya yi tambaya ya ce, “A ina ka san ni?”

Yesu ya amsa ya ce, “Na gan ka yayinda kake a gindin itacen ɓaure, kafin Filibus yă kira ka.”

49Sai Natanayel ya ce, “Rabbi, kai Ɗan Allah ne. Kai ne Sarkin Isra’ila.”

50Yesu ya ce, “Ka gaskata domin na ce maka na gan ka a gindin itacen ɓaure. Za ka ga abubuwan da suka fi haka.” 51Sai ya ƙara da cewa, “Gaskiya nake gaya muku, za ku ga sama a buɗe, mala’ikun Allah kuma suna hawa suna kuma sauka a kan Ɗan Mutum.”