Genesis 1 – TCB & CCBT

Tagalog Contemporary Bible

Genesis 1:1-31

Ang Paglikha

1Nang pasimula, nilikha ng Dios ang langit at ang lupa. 2Ang mundo noon ay wala pang anyo at wala pang laman. Ang tubig na bumabalot sa mundo ay balot ng kadiliman. At ang Espiritu ng Dios1:2 Espiritu ng Dios: o, kapangyarihan ng Dios; o, hanging mula sa Dios; o, malakas na hangin. ay kumikilos sa ibabaw ng mga tubig. 3Sinabi ng Dios, “Magkaroon ng liwanag!” At nagkaroon nga ng liwanag. 4Nasiyahan ang Dios sa liwanag na nakita niya. Pagkatapos, inihiwalay niya ang liwanag sa kadiliman. 5Tinawag niyang “araw” ang liwanag, at “gabi” naman ang kadiliman. Lumipas ang gabi at dumating ang umaga. Iyon ang unang araw.

6Pagkatapos, sinabi ng Dios, “Magkaroon ng pagitan na maghihiwalay sa tubig sa dalawang bahagi.” 7At nagkaroon nga ng pagitan na naghihiwalay sa tubig sa itaas at sa tubig sa ibaba. 8Ang pagitang itoʼy tinawag ng Dios na “kalawakan.” Lumipas ang gabi at dumating ang umaga. Iyon ang ikalawang araw.

9Pagkatapos, sinabi ng Dios, “Magsama sa isang lugar ang tubig sa mundo para lumitaw ang tuyong bahagi.” At iyon nga ang nangyari. 10Tinawag niyang “lupa” ang tuyong lugar, at “dagat” naman ang nagsamang tubig. Nasiyahan ang Dios sa nakita niya.

11Pagkatapos, sinabi ng Dios, “Magsitubo sa lupa ang lahat ng uri ng halaman, ang mga tanim na nagbubunga ng butil, at ang mga punongkahoy na namumunga ayon sa kani-kanilang uri.” At iyon nga ang nangyari. 12Tumubo sa lupa ang lahat ng uri ng halaman, ang mga tanim na nagbubunga ng butil, at ang mga punongkahoy na namumunga ayon sa kani-kanilang uri. Nasiyahan ang Dios sa nakita niya. 13Lumipas ang gabi at dumating ang umaga. Iyon ang ikatlong araw.

14Pagkatapos, sinabi ng Dios, “Magkaroon ng mga ilaw sa kalangitan para ihiwalay ang araw sa gabi, at magsilbing palatandaan ng pagsisimula ng mga panahon,1:14 mga panahon: Ang mga panahon ng kapistahan, pagtatanim, pag-aani, at iba pang mahahalagang araw. araw at taon. 15Magningning ang mga ito sa kalangitan para magbigay-liwanag sa mundo.” At iyon nga ang nangyari. 16Nilikha ng Dios ang dalawang malaking ilaw: ang pinakamalaki ay magliliwanag kung araw, at ang mas malaki ay magliliwanag kung gabi. Nilikha rin niya ang mga bituin. 17-18Inilagay ng Dios ang mga ito sa kalangitan para magbigay-liwanag sa mundo kung araw at gabi, at para ihiwalay ang liwanag sa dilim. At nasiyahan ang Dios sa nakita niya. 19Lumipas ang gabi at dumating ang umaga. Iyon ang ikaapat na araw.

20Pagkatapos, sinabi ng Dios, “Magkaroon ng ibaʼt ibang hayop sa tubig at magsilipad ang ibaʼt ibang hayop1:20 ibaʼt ibang hayop: Ang salitang Hebreo nito ay nangangahulugang ibon, mga insektong lumilipad, at ng iba pang uri ng mga hayop na lumilipad. sa himpapawid.” 21Kaya nilikha ng Dios ang malalaking hayop sa dagat, at ang lahat ng uri ng hayop na nakatira sa tubig, at ang lahat ng uri ng hayop na lumilipad. Nasiyahan ang Dios sa nakita niya. 22At binasbasan niya ang mga ito. Sinabi niya, “Magpakarami kayo, kayong mga hayop sa tubig at mga hayop na lumilipad.” 23Lumipas ang gabi at dumating ang umaga. Iyon ang ikalimang araw.

24Pagkatapos, sinabi ng Dios, “Magkaroon ng ibaʼt ibang uri ng hayop sa lupa: mga hayop na maamo at mailap, malalaki at maliliit.” At iyon nga ang nangyari. 25Nilikha ng Dios ang lahat ng ito at nasiyahan siya sa nakita niya.

26Pagkatapos, sinabi ng Dios, “Likhain natin ang tao ayon sa ating wangis. Sila ang mamamahala sa lahat ng uri ng hayop: mga lumalangoy, lumilipad, lumalakad at gumagapang.” 27Kaya nilikha ng Dios ang tao, lalaki at babae ayon sa wangis niya. 28Binasbasan niya sila at sinabi, “Magpakarami kayo para mangalat ang mga lahi ninyo at mamahala sa buong mundo. At pamahalaan ninyo ang lahat ng hayop.”

29Pagkatapos, sinabi ng Dios, “Ibinibigay ko sa inyo ang mga tanim na namumunga ng butil pati ang mga punongkahoy na namumunga para inyong kainin. 30At ibinibigay ko sa lahat ng hayop ang lahat ng luntiang halaman bilang pagkain nila.” At iyon nga ang nangyari. 31Pinagmasdan ng Dios ang lahat niyang nilikha at lubos siyang nasiyahan. Lumipas ang gabi at dumating ang umaga. Iyon ang ikaanim na araw.

Chinese Contemporary Bible 2023 (Traditional)

創世記 1:1-31

上帝創造天地

1太初,上帝創造了天地。 2那時,大地空虛混沌,黑暗籠罩著深淵,上帝的靈運行在水面上。 3上帝說:「要有光!」就有了光。 4上帝看光是好的,就把光和黑暗分開。 5上帝稱光為晝,稱黑暗為夜。晚上過去,早晨到來,這是第一日1·5 「這是第一日」或譯「這是一日」。6上帝說:「水與水之間要有穹蒼,把水分開。」 7果然如此。上帝造了穹蒼,將穹蒼之下的水和穹蒼之上的水分開。 8上帝稱穹蒼為天空。晚上過去,早晨到來,這是第二日。

9上帝說:「天空下面的水要聚在一處,使乾地露出來。」果然如此。 10上帝稱乾地為陸地,稱匯聚的水為海洋。上帝看了,覺得美好。 11上帝說:「陸地要長出植物——各類結種子的菜蔬和結果子的樹木,果子內都有籽。」果然如此, 12陸地長出了植物——各類結種子的菜蔬和結果子的樹木,果子內都有籽。上帝看了,覺得美好。 13晚上過去,早晨到來,這是第三日。

14上帝說:「天空要有光體,以區分晝夜,作記號,定節令,計算年日, 15在天空發光,普照大地。」果然如此。 16上帝造了兩個大光體,大的管晝,小的管夜,又造了星辰。 17上帝把這些光體擺列在天空,讓它們發光普照大地, 18管理晝夜,分開光和黑暗。上帝看了,覺得美好。 19晚上過去,早晨到來,這是第四日。

20上帝說:「水中要充滿各種動物,空中要有禽鳥飛翔。」 21上帝就創造了海中的大魚等各類水族和各類禽鳥。上帝看了,覺得美好。 22上帝賜福給這一切生物,說:「水族要多多地生養繁衍,充滿海洋,禽鳥也要在地上多多地繁衍。」 23晚上過去,早晨到來,這是第五日。 24上帝說:「大地要繁衍各類動物——各類的牲畜、爬蟲和野獸。」果然如此。 25上帝造了地上的各類野獸、牲畜和爬蟲。上帝看了,覺得美好。

上帝照自己的形像造人

26上帝說:「我們要照著我們的形像,按著我們的樣式造人,讓他們管理海裡的魚、空中的鳥和地上的牲畜及一切爬蟲。」 27上帝就照著自己的形像造了人,祂照著自己的形像造了男人和女人。 28上帝賜福給他們,對他們說:「你們要生養眾多,遍滿地面,治理大地,管理海裡的魚、空中的鳥以及地上的各種動物。」 29上帝說:「看啊,我把地上所有結種子的穀蔬和所有樹上有籽的果子,都賜給你們作食物。 30我把綠色植物賜給所有地上的走獸、空中的飛鳥,及地上的爬蟲等有氣息的動物作食物。」果然如此。 31上帝看了祂所造的一切,覺得非常美好。晚上過去,早晨到來,這是第六日。