Inapi ang mga Israelita sa Egipto
1Ito ang mga anak na lalaki ni Jacob1:1 Jacob: sa Hebreo, Israel. na sumama sa kanya sa Egipto, kasama ang kanilang mga pamilya: 2sina Reuben, Simeon, Levi, Juda, 3Isacar, Zebulun, Benjamin, 4Dan, Naftali, Gad, at Asher. 5Si Jose ay matagal nang nasa Egipto. Ang bilang ng lahat ng lahi ni Jacob na sumama sa kanya sa Egipto ay 70.
6Dumating ang panahon na namatay si Jose at ang lahat ng kanyang kapatid, at lumipas na ang kanilang henerasyon 7pero mabilis na dumami ang lahi nila. Sa sobrang dami nila, nangalat sila sa buong lupain ng Egipto.
8Ngayon, nagkaroon ng bagong hari ang Egipto, na walang alam tungkol kay Jose. 9Sinabi niya sa kanyang mga mamamayan, “Tingnan ninyo. Masyado nang marami ang mga Israelita at nanganganib tayo. 10Dahil baka magkaroon ng digmaan at kumampi sila sa mga kaaway natin, at lumaban sa atin para makaalis sa ating bansa. Kaya maghanap tayo ng paraan para hindi na sila dumami pa.”
11Kaya naglagay sila ng mahihigpit na tao na mamamahala sa mga Israelita para pahirapan sila at pagtrabahuhin nang mabigat. Ipinagawa sa mga Israelita ang mga lungsod ng Pitom at Rameses para magkaroon dito ng mga bodega ang Faraon.1:11 Faraon: Ang ibig sabihin, hari ng Egipto. 12Pero habang patuloy silang pinahihirapan, lalo naman silang dumarami at nangangalat sa Egipto. Kaya lalong natakot ang mga taga-Egipto sa kanila. 13Dahil dito, lalo pa nilang pinagmalupitan ang mga Israelita. 14Wala silang awa sa mga ito. Pinahirapan nila ang mga Israelita sa paggawa ng mga tisa at pangsemento nito, at pinagtrabaho nang matindi sa bukid.
15Pagkatapos, sinabi ng hari ng Egipto sa mga Hebreong kumadrona na sina Shifra at Pua, 16“Kung magpapaanak kayo ng mga babaeng Hebreo, patayin ninyo kung lalaki ang anak, pero kung babae, huwag nʼyo nang patayin.” 17Pero dahil may takot sa Dios ang mga kumadrona, hindi nila sinunod ang iniutos ng hari. Sa halip, hinahayaan nilang mabuhay ang mga sanggol na lalaki.
18Kaya ipinatawag ng hari ng Egipto ang mga kumadrona at tinanong, “Bakit ninyo ito ginawa? Bakit hinahayaan ninyong mabuhay ang mga sanggol na lalaki?” 19Sumagot sila, “Ang mga babaeng Hebreo ay hindi tulad ng mga babaeng Egipcio; madali silang manganak at bago pa po kami dumating, nakapanganak na sila.”
20Kaya pinagpala ng Dios ang mga kumadrona at dumami pa nang dumami ang mga Israelita. 21At dahil sa iginagalang ng mga kumadrona ang Dios, binigyan sila ng Dios ng sarili nilang pamilya.
22Nang bandang huli, nag-utos ang Faraon sa lahat ng mamamayan niya, “Itapon ninyo sa Ilog ng Nilo ang lahat ng bagong panganak na sanggol na lalaki ng mga Israelita, pero pabayaan ninyong mabuhay ang mga batang babae.”
以色列人受欺壓
1以色列的眾子帶著家眷跟雅各1·1 「雅各」就是「以色列」,上帝為雅各改名以色列,故事參考創世記32·28。一起去了埃及,以下是他們的名字: 2呂便、西緬、利未、猶大、 3以薩迦、西布倫、便雅憫、 4但、拿弗他利、迦得、亞設。 5雅各的子孫總共有七十人。那時,約瑟已經住在埃及。 6後來,約瑟和他的弟兄以及同輩的人都相繼去世。 7以色列人生養眾多,人口大增,很快就遍佈埃及,成為一個強大的民族。 8後來,埃及有一位不認識約瑟的新王登基, 9對他的百姓說:「你們看,以色列人比我們多,又比我們強。 10來吧!我們要設法阻止他們人口增多,否則一遇到戰爭,他們便會加入我們敵人的陣營來攻打我們,然後一走了之。」
11於是,埃及人派監工強迫以色列人服勞役,在比東和蘭塞兩地為法老興建儲貨城。 12以色列人越受奴役,人口增長得越快,散居的範圍也越廣,令埃及人感到恐懼。 13於是,埃及人殘酷地奴役他們, 14強迫他們和泥造磚,並做田間一切的苦工,使他們痛苦不堪。埃及人殘酷地奴役他們做苦工。 15埃及王又命令兩個希伯來的接生婆施弗拉和普阿: 16「你們在替希伯來婦女接生的時候,如果看到生下的是男嬰,就把他殺掉;如果是女嬰,就讓她活下來。」 17但這兩個接生婆敬畏上帝,沒有執行埃及王的命令,而是保留了男嬰的性命。 18埃及王召見那兩個接生婆,質問她們:「你們為什麼這樣做?為什麼讓男嬰活著?」 19她們回答說:「因為希伯來婦女跟埃及婦女不同。她們身體強壯,我們還沒有趕到,嬰兒就生下來了。」 20-21因此,以色列人口繼續增加,更加繁盛。因為這兩個接生婆敬畏上帝,上帝便賜福給她們,使她們生兒育女。 22後來,法老命令全埃及的人把以色列人生的所有男嬰都拋進尼羅河裡,只讓女嬰活著。