Lukáš 14 – SNC & TCB

Slovo na cestu

Lukáš 14:1-35

1I stalo se, když všel Ježíš do domu jednoho knížete farizejského v sobotu, aby jedl chléb, že oni šetřili ho. 2A aj, člověk jeden vodnotelný byl před ním. 3I odpověděv Ježíš, dí zákoníkům a farizeům, řka: Sluší-li v sobotu uzdravovati? 4A oni mlčeli. Tedy on dosáh jeho, uzdravil a propustil. 5A odpověděv k nim řekl: Èí z vás osel anebo vůl upadl by do studnice, a ne ihned by ho vytáhl v den sobotní? 6I nemohli jemu na to odpovědíti. 7Pověděl také i ku pozvaným podobenství, (spatřiv to, kterak sobě přední místa vyvolovali,) řka k nim: 8Kdybys byl od někoho pozván na svadbu, nesedej na předním místě, ať by snad vzácnější nežli ty nebyl pozván od něho. 9A přijda ten, kterýž tebe i onoho pozval, řekl by tobě: Dej tomuto místo. A tehdy počal bys s hanbou na posledním místě seděti. 10Ale když bys byl pozván, jda, posaď se na posledním místě. A kdyby přišel ten, kterýž tebe pozval, aby řekl tobě: Příteli, posedni výše, tedy budeš míti chválu před spolustolícími. 11Nebo každý, kdož se povyšuje, bude ponížen; a kdož se ponižuje, bude povýšen. 12Pravil také i tomu, kterýž ho byl pozval: Když činíš oběd nebo večeři, nezov přátel svých, ani bratří svých, ani sousedů bohatých, ať by snad i oni zase nezvali tebe, a měl bys odplatu. 13Ale když činíš hody, povolej chudých, chromých, kulhavých, slepých, 14A blahoslavený budeš. Neboť nemají, odkud by odplatili tobě, ale budeť odplaceno při vzkříšení spravedlivých. 15I uslyšav to jeden z přísedících, řekl jemu: Blahoslavený jest, kdož jí chléb v království Božím. 16On pak řekl jemu: Èlověk jeden učinil večeři velikou, a pozval mnohých. 17I poslal služebníka svého v hodinu večeře, aby řekl pozvaným: Pojďte, nebo již připraveno jest všecko. 18I počali se všickni spolu vymlouvati. První řekl jemu: Ves jsem koupil, a musím vyjíti a ohledati jí; prosím tebe, vymluv mne. 19A druhý řekl: Patero spřežení volů koupil jsem, a jdu, abych jich zkusil; prosím tebe, vymluv mne. 20A jiný dí: Ženu jsem pojal, a protož nemohu přijíti. 21I navrátiv se služebník, zvěstoval tyto věci pánu svému. Tedy rozhněvav se hospodář, řekl služebníku svému: Vyjdi rychle na rynky a na ulice města, a chudé, i chromé, i kulhavé, a slepé uveď sem. 22I řekl služebník: Pane, stalo se, jakož jsi rozkázal, a ještěť místo jest. 23Tedy řekl pán služebníku: Vyjdiž na cesty a mezi ploty, a přinuť vjíti, ať se naplní dům můj. 24Nebo pravímť vám, že žádný z mužů těch, kteříž pozváni byli, neokusí večeře mé. 25Šli pak mnozí zástupové s ním. A on obrátiv se, řekl jim: 26Jde-li kdo ke mně, a nemá-li v nenávisti otce svého, i mateře, i ženy, i dětí, i bratří, i sestr, ano i té duše své, nemůž býti mým učedlníkem. 27A kdožkoli nenese kříže svého, a jde za mnou, nemůž býti mým učedlníkem. 28Nebo kdo z vás jest, chtěje stavěti věži, aby prve sedna, nepočetl nákladu, bude-li míti dosti k dokonání toho díla? 29Aby snad, když by položil grunt, a nemohl dokonati, nepřišlo na to, že všickni to vidouce, počali by se jemu posmívati, 30Řkouce: Tento člověk počal stavěti, a nemohl dokonati. 31Anebo který král bera se k boji proti jinému králi, zdaliž prve nesedne, aby se poradil, mohl-li by s desíti tisíci potkati se s tím, kterýž s dvadcíti tisíci táhne proti němu? 32Sic jinak, když ještě podál od něho jest, pošle posly k němu, žádaje toho, což by bylo ku pokoji. 33Tak zajisté každý z vás, kdož se neodřekne všech věcí, kterýmiž vládne, nemůž býti mým učedlníkem. 34Dobráť jest sůl. Pakli sůl bude zmařena, čím bude napravena? 35Ani do země, ani do hnoje se nehodí; ale vyvržena bude ven. Kdo má uši k slyšení, slyš.

Tagalog Contemporary Bible

Lucas 14:1-35

Pinagaling ni Jesus ang Lalaking Minamanas

1Isang Araw ng Pamamahinga, inanyayahan si Jesus na kumain sa bahay ng isang pinuno ng mga Pariseo. Minamanmanan siyang mabuti ng mga taong kumokontra sa kanya. 2Doon ay may isang lalaking minamanas. 3Tinanong ni Jesus ang mga tagapagturo ng Kautusan at mga Pariseo, “Ipinapahintulot ba ng Kautusan ang magpagaling ng may sakit sa Araw ng Pamamahinga o hindi?” 4Pero hindi sila sumagot. Kaya hinawakan ni Jesus ang may sakit, pinagaling at saka pinauwi. 5Pagkatapos, sinabi niya sa kanila, “Kung mahulog ang anak o baka ninyo sa isang balon sa Araw ng Pamamahinga, pababayaan nʼyo na lang ba ito? Siyempre, iaahon nʼyo agad, hindi ba?” 6Hindi sila nakasagot sa tanong niya.

Matutong Magpakababa

7Napansin ni Jesus na ang mga bisita sa handaan ay nag-uunahan sa mga upuang pandangal, kaya pinangaralan niya ang mga ito, 8“Kapag inimbita ka sa isang kasalan, huwag mong pipiliin ang upuang pandangal, dahil baka may inimbitang mas marangal pa kaysa sa iyo. 9At lalapitan ka ng nag-imbita sa iyo at sasabihin niya, ‘Ibigay mo sa taong ito ang upuan mo.’ Kaya mapapahiya ka at uupo na lang sa upuan ng mga karaniwang tao. 10Ang dapat mong gawin kapag naimbitahan ka ay piliin ang upuan para sa mga karaniwang tao, para pagdating ng nag-imbita sa iyo, sasabihin niya, ‘Kaibigan, doon ka maupo sa upuang pandangal.’ Sa ganoon ay mapaparangalan ka sa harap ng lahat ng panauhin. 11Sapagkat ang nagpapakataas ng kanyang sarili ay ibababa, at ang nagpapakababa ay itataas.” 12Pagkatapos, sinabi ni Jesus sa nag-imbita sa kanya, “Kung maghahanda ka, huwag lang ang mga kaibigan, kapatid, kamag-anak, at mayayamang kapitbahay ang imbitahin mo, dahil baka imbitahin ka rin nila, at sa ganooʼy nasuklian ka na sa ginawa mo. 13Kaya kung maghahanda ka, imbitahin mo rin ang mga mahihirap, mga lumpo, mga pilay at mga bulag. 14Sa ganoon ay pagpapalain ka, dahil kahit hindi ka nila masusuklian, ang Dios ang magsusukli sa iyo sa araw ng muling pagkabuhay ng mga matuwid.”

Ang Talinghaga tungkol sa Malaking Handaan

(Mat. 22:1-10)

15Nang marinig iyon ng isa sa mga nakaupo sa may mesa, sinabi niya kay Jesus, “Mapalad ang taong makakasalo sa handaan sa kaharian ng Dios!” 16Kinuwentuhan siya ni Jesus ng ganito, “May isang taong naghanda ng isang malaking pagdiriwang, at marami ang inimbita niya. 17Nang handa na ang lahat, inutusan niya ang mga alipin niya na sunduin ang mga inimbita at sabihin sa kanila, ‘Tayo na, handa na ang lahat.’ 18Pero nagdahilan ang bawat naimbitahan. Sinabi ng isa, ‘Pasensya na. Nakabili ako ng lupa at kailangang puntahan ko at tingnan.’ 19Sabi naman ng isa, ‘Nakabili ako ng sampung baka, at susubukan ko kung mabuting ipang-araro. Pasensya na.’ 20At sinabi naman ng isa pa, ‘Bagong kasal ako, kaya hindi ako makakadalo.’ 21Kaya umuwi ang alipin, at ibinalita ang lahat sa amo niya. Nagalit ang amo at nag-utos ulit sa alipin niya, ‘Sige, pumunta ka sa mga kalsada at mga eskinita ng bayan at dalhin mo rito ang mga mahihirap, mga lumpo, mga bulag at mga pilay.’ 22Nang natupad iyon ng alipin, bumalik siya sa amo niya at sinabi, ‘Nagawa ko na po ang iniutos ninyo, pero maluwag pa.’ 23Kaya sinabi ng amo niya, ‘Pumunta ka sa mga kalsada at mga daan sa labas ng bayan at pilitin mong pumarito ang mga tao para mapuno ng panauhin ang bahay ko. 24Tinitiyak ko sa inyo, ni isa man sa mga una kong inimbita ay hindi makakatikim ng handa ko.’ ”

Ang Pagsunod sa Panginoon

(Mat. 10:37-38)

25Maraming tao ang sumunod kay Jesus sa paglalakbay niya papuntang Jerusalem. Lumingon siya at sinabi sa kanila, 26“Ang sinumang nais sumunod sa akin, pero mas mahalaga sa kanya ang kanyang ama at ina, asawa at mga anak, mga kapatid at maging ang kanyang sarili ay hindi maaaring maging tagasunod ko. 27Ang sinumang ayaw sumunod sa akin dahil natatakot siyang mamatay para sa akin14:27 natatakot siyang mamatay para sa akin: sa literal, ayaw niyang pasanin ang kanyang krus. ay hindi maaaring maging tagasunod ko. 28Ang sinumang gustong sumunod sa akin ay katulad ng isang tao na nagbabalak magtayo ng isang tore. Una, iisipin muna niya kung magkano ang magagastos niya sa pagpapatayo at kung may sapat siyang perang gagastusin hanggang sa matapos ito. 29Sapagkat kung hindi niya ito gagawin, baka hanggang pundasyon lang ang maipagawa niya at hindi na maipatapos. Kaya pagtatawanan siya ng makakakita nito. 30Sasabihin nila, ‘Nagpatayo ng bahay ang taong ito pero hindi nakayang ipatapos.’ 31Katulad din ng isang hari na gustong makipagdigma sa kanyang kapwa hari. Dapat isipin muna niya kung makakayanan ng 10,000 sundalo niya ang 20,000 sundalo ng kanyang kaaway. 32At kung sa palagay niyaʼy hindi niya kaya, magpapadala na lang siya ng mga sugo para makipagkasundo bago dumating ang kanyang kaaway. 33Ganyan din ang gawin ninyo. Isipin muna ninyong mabuti ang pagsunod sa akin, dahil kung hindi ninyo magagawang talikuran ang lahat ng nasa inyo ay hindi kayo maaaring maging tagasunod ko.”

Ang Aral Mula sa Asin

(Mat. 5:13; Mar. 9:50)

34“Mabuti ang asin, pero kung mag-iba ang lasa,14:34 mag-iba ang lasa: o, mawalan ng lasa. wala nang magagawa para maibalik ang lasa nito. 35Wala na itong pakinabang kahit ihalo sa dumi para maging pataba sa lupa, kaya itinatapon na lang ito ng mga tao. Kayong mga nakikinig, dapat ninyo itong unawain!”