2 Krönikeboken 17 – NUB & TCB

Swedish Contemporary Bible

2 Krönikeboken 17:1-19

Joshafat regerar i Juda

(17:1—21:1)

1Hans son Joshafat blev kung efter honom, och han stärkte sin ställning mot Israel. 2Han placerade trupper i alla Judas befästa städer och förlade garnisoner i Juda och i de av Efraims städer som hans far Asa hade intagit.

3Herren var med Joshafat, därför att han under sin första tid följde sin far Davids föredöme och inte sökte baalsgudarna, 4utan tillbad sin fars Gud och följde hans befallningar och gjorde inte som Israel. 5Herren befäste hans kungamakt, och hela Juda kom med gåvor till honom, så han blev både rik och ärad. 6Han vandrade med stolthet på Herrens väg och avskaffade offerplatserna och asherapålarna i Juda.

7Under tredje året av sin regering sände han ut sina ämbetsmän Ben-Hajil, Obadja, Sakarja, Netanel och Mika, för att undervisa i Judas städer. 8Med dem fanns leviterna Shemaja, Netanja, Sevadja, Asael, Shemiramot, Jonatan, Adonia, Tobia och Tob-Adonia och med dem prästerna Elishama och Joram. 9De undervisade i Juda och förde med sig Herrens lagbok; de for runt till alla städer i Juda för att undervisa folket.

10Då kom fruktan för Herren över folken i Judas grannländer, så att de inte gav sig i krig mot Joshafat. 11Några filistéer kom med gåvor och silver som skatt till Joshafat. Araberna kom till honom med småboskap: 7 700 baggar och 7 700 bockar. 12Joshafat blev allt mäktigare, och han byggde befästningar och förrådsstäder över hela Juda. 13Han hade stora förråd i Judas städer, och krigsfolk, tappra kämpar i Jerusalem. 14Dessa var indelade i avdelningar familjevis:

De högsta befälhavarna från Juda:

300 000 tappra kämpar under Adnas befäl,

15vid hans sida befälhavaren Jochanan, med 280 000 man,

16och vid hans sida Amasja, Sikris son, som frivilligt ställt sig i Herrens tjänst, med 200 000 man.

17Från Benjamin:

Eljada, den tappre kämpen, som hade 200 000 man beväpnade med bågar och sköldar,

18och vid hans sida Josavad med 180 000 krigsrustade män.

19Dessa tjänade kungen, utöver dem som kungen förlagt ute i de befästa städerna över hela Juda.

Tagalog Contemporary Bible

2 Cronica 17:1-19

Si Haring Jehoshafat ng Juda

1Ang pumalit kay Asa bilang hari ay ang anak niyang si Jehoshafat. Pinatibay ni Jehoshafat ang kaharian niya para makalaban siya sa Israel. 2Nagtalaga siya ng mga sundalo sa lahat ng napapaderang lungsod, at naglagay din siya ng mga kampo ng sundalo sa Juda at sa mga bayan ng Efraim na sinakop ni Asa na kanyang ama. 3Sinamahan ng Panginoon si Jehoshafat dahil sa unang mga taon ng paghahari niya sinunod niya ang pamumuhay ng kanyang ninuno na si David. Hindi siya dumulog kay Baal,17:3 Baal: o, sa mga imahen ni Baal. 4kundi dumulog siya sa Dios ng kanyang ama, at sumunod sa kanyang kautusan sa halip na sumunod sa pamumuhay ng mga taga-Israel. 5Pinatibay ng Panginoon ang kaharian sa ilalim ng kanyang pamumuno. Nagdala ng mga regalo ang lahat ng taga-Juda sa kanya, kaya yumaman siya at naging tanyag. 6Matapat siya sa pagsunod sa mga pamamaraan ng Panginoon. Ipinagiba niya ang mga sambahan sa matataas na lugar17:6 sambahan sa matataas na lugar: Tingnan sa Talaan ng mga Salita sa likod. at ang posteng simbolo ng diosang si Ashera sa Juda.

7Nang ikatlong taon ng paghahari niya, dinala niya ang kanyang mga opisyal na sila Ben Hail, Obadias, Zacarias, Netanel at Micaya para magturo sa mga bayan ng Juda. 8Kasama nila ang ibang mga Levita na sina Shemaya, Netania, Zebadia, Asahel, Shemiramot, Jehonatan, Adonia, Tobia, Tob Adonia, at ang mga pari na sina Elishama at Jehoram. 9Dinala nila ang Aklat ng Kautusan ng Panginoon at umikot sila sa lahat ng bayan ng Juda at nagturo sa mga tao.

10Niloob ng Panginoon na matakot sa kanya ang lahat ng kaharian sa paligid ng Juda, kaya wala sa kanila na nakipaglaban kay Jehoshafat. 11Ang ibang mga Filisteo ay nagdala kay Jehoshafat ng mga regalo at pilak bilang buwis, at ang mga taga-Arabia ay nagdala sa kanya ng 7,700 tupa at 7,700 kambing. 12Kaya naging makapangyarihan pa si Jehoshafat. Nagpatayo siya sa Juda ng mga depensa at ng mga lungsod na ginawang mga bodega. 13Maraming pantustos ang tinipon niya sa mga bayan ng Juda. Naglagay din siya ng mahuhusay at matatapang na sundalo sa Jerusalem. 14Ang kanyang mga sundaloʼy inilista ayon sa kanilang mga pamilya. Mula sa lahi ni Juda: si Adna ang kumander ng 300,000 sundalo, na binukod-bukod sa tig-1,000. 15Ang sumunod sa kanya ay si Jehohanan na kumander ng 280,000 sundalo. 16Sumunod ay si Amasia na anak ni Zicri, na kumander ng 200,000 sundalo. Nagkusang-loob siya para sa gawain ng Panginoon.

17Mula sa lahi ni Benjamin: si Eliada, na isang matapang na tao, ang kumander ng 200,000 sundalo. Ang mga sundalong itoʼy may mga pananggalang at mga pana. 18Ang sumunod sa kanya ay si Jehozabad na kumander ng 180,000 armadong sundalo.

19Sila ang mga naglilingkod kay Haring Jehoshafat bukod pa sa mga sundalo na kanyang inilagay sa lahat ng napapaderang lungsod sa Juda.