Књига пророка Авакума 1 NSP – Habakuk 1 TCB

Књига пророка Авакума
Select chapter 1

New Serbian Translation

Књига пророка Авакума 1:1-17

1Пророштво које је видео пророк Авакум:

Авакумова жалопојка

2О, Господе, докле да вапим за помоћ,

а ти ме не чујеш!

Вичем о насиљу,

а ти не спасаваш!

3Зашто дајеш да гледам поквареност,

да видим невољу?

Разарање и насиље су пред очима мојим.

Ено, и насиље и неслога се дижу.

4Зато Закон губи снагу,

зато правди никада нема места.

Злотвор опкољава праведника

и зато има места за правду искварену.

Господњи одговор

5„У народе погледајте,

чудите се и дивите,

јер, ево, учинићу нешто у ваше дане,

у шта не бисте веровали

да вам ко исприча.

6Јер, ево подижем Халдејце,

суров и нагао народ

да широм земље

осваја туђа насеља.

7Страховит је и ужасан;

он одлучује шта је правда,

а шта достојанство.

8Коњи су им хитрији од рисова

и свирепији од вукова у сумрак.

Коњаници им галопирају,

долазе издалека њихови коњаници;

лете, обрушавају се као лешинар

што би да ждере.

9Сви долазе због насиља,

хорде су им окренуте истоку,

а заробљенике сакупљају

као да су песак.

10Он се руга и царевима

и са владарима се шегачи.

Сваком се утврђењу смеје

док земљане насипе прави и осваја их.

11Као ветар тада завиори и мине,

али крив је тај коме је божанство његова снага.“

Авакумова друга жалопојка

12О, Господе, зар ти ниси од давнина, мој Боже свети?

Нећемо ми умрети!

О, Господе, за суд си их одредио.

О, Стено, за прекор си их учврстио.

13Пречисте су очи твоје да би зло проматрале,

ти пакост не можеш да гледаш.

Зашто онда трпиш невернике,

ћутиш док зликовац прождире праведнијег од себе?

14Створио си људе као рибе у мору

и као гмизавце што владара немају међу собом.

15И он их све удицом вади,

вуче их својом мрежом

и у мрежу их скупља.

Зато се и радује и ликује.

16Зато својој мрежи жртвује,

пали тамјан мрежи својој,

јер му она даје мастан оброк

и обиље хране.

17И хоће ли због тога да празни мрежу своју,

да истрајно сатирате народе без задршке?

Tagalog Contemporary Bible

Habakuk 1:1-17

1Ito ang mensahe ni Propeta Habakuk na ipinahayag sa kanya ng Panginoon.

Ang Unang Hinaing ni Habakuk

2Sinabi ni Habakuk,Panginoon, hanggang kailan po ako hihingi ng tulong sa inyo bago nʼyo ako dinggin? Kailan nʼyo po ba kami ililigtas sa mga karahasang ito? 3Bakit nʼyo po ipinapakita sa akin ang mga kasamaan at kaguluhan? Kahit saan ay nakikita ko ang pagpapatayan, karahasan, hidwaan at pagtatalo. 4Kaya naging walang kabuluhan ang kautusan. At wala ring katarungan dahil ang mga taong may kasalanan ang siyang nananalo sa korte, at hindi ang mga taong walang kasalanan. Kaya nababaluktot ang katarungan.”

Ang Sagot ng Dios kay Habakuk

5Sumagot ang Dios, “Tingnan ninyong mabuti ang mga nangyayari sa mga bansa at talagang magtataka kayo sa inyong makikita. Sapagkat may gagawin ako sa inyong kapanahunan na hindi ninyo paniniwalaan kahit may magbalita pa nito sa inyo. 6Sapagkat pamamahalain ko ang mga taga-Babilonia,1:6 taga-Babilonia: sa literal, taga-Caldeo. Ito ang tawag kung minsan sa mga taga-Babilonia. na kilala sa kalupitan at karahasan. Mabilis nilang sinasalakay ang mga bansa sa buong mundo upang agawin ang mga lugar na hindi kanila. 7Kinatatakutan sila ng mga tao. Ginagawa nila ang gusto nila at walang makakapigil sa kanila. 8Ang mga kabayo nilaʼy mas mabilis kaysa sa mga leopardo at mas mabangis kaysa sa mga lobo na gumagala sa gabi. Tumatakbo ito mula sa malalayong lugar, parang agilang mabilis na lumilipad para dagitin ang kanyang biktima. 9Paparating ang kanilang mga sundalo na handang gumawa ng kalupitan. Para silang malakas na hangin mula sa silangan. Ang kanilang mga bihag ay kasindami ng buhangin. 10Hinahamak nila ang mga hari at mga pinuno. Tinatawanan lamang nila ang mga napapaderang lungsod, dahil kaya nila itong akyatin sa pamamagitan ng pagtambak ng lupa sa tabi nito. Sa ganitong paraan, nakakapasok sila at nasasakop nila ang lungsod. 11Pagkatapos, aalis sila na parang hangin lang na dumaan. Nagkasala sila, dahil wala silang kinikilalang dios kundi ang sariling kakayahan.”

Ang Pangalawang Hinaing ni Habakuk

12Sinabi ni Habakuk, “O Panginoon, kayo ay Dios mula pa noon. Kayo ang aking Dios, ang banal na Dios na walang kamatayan. O Panginoon, ang Bato na kanlungan, pinili nʼyo ang mga taga-Babilonia para magparusa sa amin. 13Dahil banal kayo, hindi nʼyo matitiis na tingnan ang kasamaan at kaguluhan. Pero bakit nʼyo hinahayaan ang mga traydor na taga-Babilonia na gawin ito sa amin? Bakit nʼyo hinahayaang pagmalupitan ang mga taong hindi gaanong masama kung ihahambing sa kanila? 14Ang kanilang mga kalaban ay ginawa nʼyong parang mga isda na walang pinuno na magtatanggol sa kanila. 15Masayang nagdiriwang ang mga taga-Babilonia dahil sa pagbihag nila sa kanilang mga kalaban na parang mga isdang nahuli sa bingwit o lambat. 16At dahil marami silang nabihag, ipinagmamalaki nila ang kanilang kakayahan katulad ng mangingisdang sinasamba ang kanyang bingwit o lambat sa pamamagitan ng paghahandog ng insenso bilang handog sa mga bagay na ito. Dahil sa pamamagitan ng bingwit o lambat ay yumaman siya at nagkaroon ng masaganang pagkain. 17Kaya Panginoon, magpapatuloy na lang po ba ang kanilang walang awang pagbihag at pagwasak sa mga bansa?”