Proverbs 14 – NIVUK & TCB

New International Version – UK

Proverbs 14:1-35

1The wise woman builds her house,

but with her own hands the foolish one tears hers down.

2Whoever fears the Lord walks uprightly,

but those who despise him are devious in their ways.

3A fool’s mouth lashes out with pride,

but the lips of the wise protect them.

4Where there are no oxen, the manger is empty,

but from the strength of an ox come abundant harvests.

5An honest witness does not deceive,

but a false witness pours out lies.

6The mocker seeks wisdom and finds none,

but knowledge comes easily to the discerning.

7Stay away from a fool,

for you will not find knowledge on their lips.

8The wisdom of the prudent is to give thought to their ways,

but the folly of fools is deception.

9Fools mock at making amends for sin,

but goodwill is found among the upright.

10Each heart knows its own bitterness,

and no-one else can share its joy.

11The house of the wicked will be destroyed,

but the tent of the upright will flourish.

12There is a way that appears to be right,

but in the end it leads to death.

13Even in laughter the heart may ache,

and rejoicing may end in grief.

14The faithless will be fully repaid for their ways,

and the good rewarded for theirs.

15The simple believe anything,

but the prudent give thought to their steps.

16The wise fear the Lord and shun evil,

but a fool is hotheaded and yet feels secure.

17A quick-tempered person does foolish things,

and the one who devises evil schemes is hated.

18The simple inherit folly,

but the prudent are crowned with knowledge.

19Evildoers will bow down in the presence of the good,

and the wicked at the gates of the righteous.

20The poor are shunned even by their neighbours,

but the rich have many friends.

21It is a sin to despise one’s neighbour,

but blessed is the one who is kind to the needy.

22Do not those who plot evil go astray?

But those who plan what is good find14:22 Or show love and faithfulness.

23All hard work brings a profit,

but mere talk leads only to poverty.

24The wealth of the wise is their crown,

but the folly of fools yields folly.

25A truthful witness saves lives,

but a false witness is deceitful.

26Whoever fears the Lord has a secure fortress,

and for their children it will be a refuge.

27The fear of the Lord is a fountain of life,

turning a person from the snares of death.

28A large population is a king’s glory,

but without subjects a prince is ruined.

29Whoever is patient has great understanding,

but one who is quick-tempered displays folly.

30A heart at peace gives life to the body,

but envy rots the bones.

31Whoever oppresses the poor shows contempt for their Maker,

but whoever is kind to the needy honours God.

32When calamity comes, the wicked are brought down,

but even in death the righteous seek refuge in God.

33Wisdom reposes in the heart of the discerning

and even among fools she lets herself be known.14:33 Hebrew; Septuagint and Syriac discerning / but in the heart of fools she is not known

34Righteousness exalts a nation,

but sin condemns any people.

35A king delights in a wise servant,

but a shameful servant arouses his fury.

Tagalog Contemporary Bible

Kawikaan 14:1-35

1Ang marunong na babae ay pinatatatag ang kanyang sambahayan, ngunit ang hangal na babae ay sinisira ang kanyang sariling tahanan.

2Ang taong namumuhay sa katuwiran ay may takot sa Panginoon, ngunit ang namumuhay sa kasamaan ay humahamak sa kanya.

3Ang salita ng hangal ang magpapasama sa kanya, ngunit ang salita ng marunong ang mag-iingat sa kanya.

4Kapag wala kang hayop na pang-araro wala kang aanihin, ngunit kung may hayop ka, at malakas pa, marami ang iyong aanihin.

5Ang tapat na saksi ay hindi nagsisinungaling, ngunit pawang kasinungalingan ang sinasabi ng saksing sinungaling.

6Ang taong nangungutya ay hindi magkakaroon ng karunungan kahit ano pa ang kanyang gawin, ngunit ang taong may pang-unawa ay madaling matututo.

7Iwasan mo ang mga hangal dahil wala kang mabuting matututunan sa kanila.

8Ang karunungan ng taong marunong umunawa kung ano ang tama at mali ang nagbibigay sa kanya ng kaalaman kung ano ang kanyang gagawin, ngunit ang kahangalan ng taong hangal ang magliligaw sa kanya.

9Balewala sa mga hangal ang makagawa ng kasalanan, ngunit ang taong matuwid ay gustong maging kalugod-lugod sa Dios.

10Ikaw lamang ang nakakaalam ng iyong kabiguan at kagalakan.

11Mawawasak ang tahanan ng taong masama, ngunit uunlad ang tahanan ng taong matuwid.

12Maaaring sa tingin mo ang daang tinatahak mo ay matuwid, ngunit kamatayan pala ang dulo nito.

13Maaaring maitago ang kalungkutan sa pamamagitan ng pagtawa, ngunit pagkatapos ng kasiyahan nariyan pa rin ang kalungkutan.

14Ang tao ay tatanggap ng nararapat sa kanya kung ano ang ginawa niya, mabuti man o masama.

15Pinaniniwalaan ng mangmang ang lahat ng kanyang napapakinggan, ngunit ang taong marunong umunawa ay pinag-iisipan ang kanyang napakinggan.

16Ang taong marunong ay iniingatan ang kanyang sarili at umiiwas sa gulo, ngunit ang taong hangal ay walang pag-iingat at padalos-dalos.

17Ang taong madaling magalit ay nakagagawa ng kamangmangan. Ang taong mapanlinlang ay kinapopootan.

18Makikita ang kamangmangan sa taong walang alam, ngunit makikita ang karunungan sa taong nakakaunawa kung ano ang mabuti at masama.

19Ang taong masama ay yuyuko sa taong matuwid at magsusumamo na siya ay kahabagan.

20Ang mga mahirap kadalasan ay hindi kinakaibigan kahit ng kanyang kapitbahay, ngunit ang mga mayaman ay maraming kaibigan.

21Ang humahamak sa kapwa ay nagkakasala, ngunit ang tumutulong sa dukha ay pinagpapala.

22Ang nagbabalak ng masama sa kapwa ay nagkakasala, ngunit ang nagpaplano nang mabuti ay dadamayan at mamahalin ng kapwa.

23Ang masikap sa trabaho ay may pakinabang, ngunit magiging mahirap ang puro salita lang.

24Ang karangalan ng taong marunong ay ang kanyang kayamanan, ngunit ang hangal ay lalo pang madadagdagan ang kahangalan.

25Ang tapat na saksi ay nagliligtas ng buhay, ngunit taksil ang saksing sinungaling.

26Ang taong may takot sa Panginoon ay may kasiguraduhan at siya ang kanlungan ng kanyang sambahayan.

27Ang pagkatakot sa Panginoon ay magpapabuti at magpapahaba ng iyong buhay14:27 magpapabuti … buhay: sa literal, bukal na nagbibigay-buhay. at maglalayo sa iyo sa kamatayan.

28Ang kapangyarihan ng isang hari ay nasa dami ng kanyang nasasakupan, ngunit kung walang tauhan tiyak ang kanyang kapahamakan.

29Ang mapagpasensya ay mas higit ang karunungan, ngunit ang madaling magalit ay nagpapakita ng kahangalan.

30Ang payapang isipan ay nagpapalusog ng katawan, ngunit ang pagkainggit ay tulad ng kanser sa buto.

31Ang nang-aapi ng mahihirap ay hinahamak ang Dios na lumikha sa kanila, ngunit ang nahahabag sa mahihirap ay pinararangalan ang Dios.

32Mapapahamak ang masama dahil sa kanyang masamang gawain, ngunit ang mga matuwid ay iingatan dahil sa kanilang pagkamakadios.14:32 dahil sa kanilang pagkamakadios: Ito ang nasa Septuagint at sa Syriac. Sa Hebreo, sa kanilang kamatayan.

33Ang karunungan ay nasa isip ng taong may pang-unawa, ngunit ang mangmang ay walang14:33 wala: Wala ito sa Hebreo, pero makikita sa Septuagint at sa Syriac. nalalamang kahit ano tungkol sa karunungan.

34Ang matuwid na pamumuhay ng mamamayan ay nagpapaunlad ng kanilang bansa, ngunit kung sila ay magkasala, mapapahiya ang kanilang bansa.

35Sa matalinong lingkod ang hari ay nalulugod, ngunit sa hangal na lingkod siya ay napopoot.