Esther 6 – NIVUK & TCB

New International Version – UK

Esther 6:1-14

Mordecai honoured

1That night the king could not sleep; so he ordered the book of the chronicles, the record of his reign, to be brought in and read to him. 2It was found recorded there that Mordecai had exposed Bigthana and Teresh, two of the king’s officers who guarded the doorway, who had conspired to assassinate King Xerxes.

3‘What honour and recognition has Mordecai received for this?’ the king asked.

‘Nothing has been done for him,’ his attendants answered.

4The king said, ‘Who is in the court?’ Now Haman had just entered the outer court of the palace to speak to the king about impaling Mordecai on the pole he had set up for him.

5His attendants answered, ‘Haman is standing in the court.’

‘Bring him in,’ the king ordered.

6When Haman entered, the king asked him, ‘What should be done for the man the king delights to honour?’

Now Haman thought to himself, ‘Who is there that the king would rather honour than me?’ 7So he answered the king, ‘For the man the king delights to honour, 8let them bring a royal robe the king has worn and a horse the king has ridden, one with a royal crest placed on its head. 9Then let the robe and horse be entrusted to one of the king’s most noble princes. Let them robe the man the king delights to honour, and lead him on the horse through the city streets, proclaiming before him, “This is what is done for the man the king delights to honour!” ’

10‘Go at once,’ the king commanded Haman. ‘Get the robe and the horse and do just as you have suggested for Mordecai the Jew, who sits at the king’s gate. Do not neglect anything you have recommended.’

11So Haman got the robe and the horse. He robed Mordecai, and led him on horseback through the city streets, proclaiming before him, ‘This is what is done for the man the king delights to honour!’

12Afterwards Mordecai returned to the king’s gate. But Haman rushed home, with his head covered in grief, 13and told Zeresh his wife and all his friends everything that had happened to him.

His advisors and his wife Zeresh said to him, ‘Since Mordecai, before whom your downfall has started, is of Jewish origin, you cannot stand against him – you will surely come to ruin!’ 14While they were still talking with him, the king’s eunuchs arrived and hurried Haman away to the banquet Esther had prepared.

Tagalog Contemporary Bible

Ester 6:1-14

Pinarangalan si Mordecai

1Kinagabihan, hindi makatulog si Haring Ahasuerus, kaya ipinakuha niya ang aklat tungkol sa kasaysayan ng kaharian niya at ipinabasa habang nakikinig siya. 2Nabasa ang bahagi ng kasaysayan tungkol sa pagkakatuklas ni Mordecai sa plano nina Bigtan at Teres na patayin si Haring Ahasuerus. Sina Bigtana at Teres ay mga lingkod ng hari. Sila ang guwardya ng pintuan ng kwarto ng hari.

3Sa nabasang iyon, nagtanong ang hari, “Anong gantimpala o parangal ang ginawa o ibinigay kay Mordecai dahil sa mabuting ginawa niya sa akin?” Sinabi ng lingkod ng hari, “Wala po, Mahal na Hari.”

4Tamang-tama naman na nang oras ding iyon, papasok si Haman sa bulwagan ng palasyo para hilingin sa hari na ituhog si Mordecai sa matulis na kahoy na ipinagawa niya para dito. Nagtanong ang hari, “Sino ang nasa bulwagan?” 5Sumagot ang mga lingkod ng hari, “Si Haman po.” Kaya sinabi ng hari, “Papasukin ninyo siya rito.”

6Nang naroon na si Haman, tinanong siya ng hari, “Ano ang mabuting gawin sa taong nais parangalan ng hari?” Ang akala ni Haman ay siya ang tinutukoy ng hari na pararangalan. 7Kaya sinabi niya, “Ito po ang gawin nʼyo, Mahal na Hari: 8Ipakuha nʼyo ang isa sa inyong mga damit na panghari na nasuot na, at ang isa sa mga sinasakyan nʼyong kabayo, na may sagisag ng hari na nakasuot sa ulo nito. 9Pagkatapos, utusan po ninyo ang isa sa mga pinuno ninyo na isuot sa taong pararangalan ang damit ng hari at pasakayin siya sa kabayo ng hari, at ilibot sa buong bayan habang isinisigaw ng mga kasama niya, ‘Ganito ang ginagawa sa taong pinararangalan ng hari.’ ”

10Sinabi ng hari kay Haman, “Sige, ipakuha mo ang isa sa mga damit at kabayo ko, at gawin mo ang lahat ng sinabi mo kay Mordecai, ang Judiong nakaupo sa pintuan ng aking palasyo. Tiyakin mo na matutupad ang lahat ng sinabi mo.”

11Kaya kinuha ni Haman ang damit ng hari at isinuot kay Mordecai, at isinakay sa kabayo ng hari at inilibot sa lungsod habang sumisigaw siya, “Ganito ang ginagawa sa taong pinararangalan ng hari.”

12Pagkatapos, bumalik si Mordecai sa pintuan ng palasyo. Si Haman naman ay dali-daling umuwi na nakatalukbong dahil sa hiya at sama ng loob. 13Pagdating niya sa bahay, isinalaysay niya sa asawa niyang si Zeres at sa mga kaibigan niya ang lahat ng nangyari. Sinabi sa kanya ng asawa niya at mga kaibigan na mga tagapayo niya, “Unti-unti ka nang nadadaig ni Mordecai. Hindi mo siya madadaig dahil isa siyang Judio. Tiyak na ikaw ang matatalo.” 14Habang nag-uusap pa sila, dumating ang ilang lingkod ng hari at dali-daling isinama si Haman sa inihandang hapunan ni Ester.