Ecclesiastes 5 – NIVUK & TCB

New International Version – UK

Ecclesiastes 5:1-20

Fulfil your vow to God

In Hebrew texts 5:1 is numbered 4:17, and 5:2-20 is numbered 5:1-19. 1Guard your steps when you go to the house of God. Go near to listen rather than to offer the sacrifice of fools, who do not know that they do wrong.

2Do not be quick with your mouth,

do not be hasty in your heart

to utter anything before God.

God is in heaven

and you are on earth,

so let your words be few.

3A dream comes when there are many cares,

and many words mark the speech of a fool.

4When you make a vow to God, do not delay to fulfil it. He has no pleasure in fools; fulfil your vow. 5It is better not to make a vow than to make one and not fulfil it. 6Do not let your mouth lead you into sin. And do not protest to the temple messenger, ‘My vow was a mistake.’ Why should God be angry at what you say and destroy the work of your hands? 7Much dreaming and many words are meaningless. Therefore fear God.

Riches are meaningless

8If you see the poor oppressed in a district, and justice and rights denied, do not be surprised at such things; for one official is eyed by a higher one, and over them both are others higher still. 9The increase from the land is taken by all; the king himself profits from the fields.

10Whoever loves money never has enough;

whoever loves wealth is never satisfied with their income.

This too is meaningless.

11As goods increase,

so do those who consume them.

And what benefit are they to the owners

except to feast their eyes on them?

12The sleep of a labourer is sweet,

whether they eat little or much,

but as for the rich, their abundance

permits them no sleep.

13I have seen a grievous evil under the sun:

wealth hoarded to the harm of its owners,

14or wealth lost through some misfortune,

so that when they have children

there is nothing left for them to inherit.

15Everyone comes naked from their mother’s womb,

and as everyone comes, so they depart.

They take nothing from their toil

that they can carry in their hands.

16This too is a grievous evil:

as everyone comes, so they depart,

and what do they gain,

since they toil for the wind?

17All their days they eat in darkness,

with great frustration, affliction and anger.

18This is what I have observed to be good: that it is appropriate for a person to eat, to drink and to find satisfaction in their toilsome labour under the sun during the few days of life God has given them – for this is their lot. 19Moreover, when God gives someone wealth and possessions, and the ability to enjoy them, to accept their lot and be happy in their toil – this is a gift of God. 20They seldom reflect on the days of their life, because God keeps them occupied with gladness of heart.

Tagalog Contemporary Bible

Mangangaral 5:1-20

Huwag Pabigla-bigla sa Pangako

1Mag-ingat ka sa ikikilos mo kung pupunta ka sa templo ng Dios. Mas mabuting pumunta ka roon na handang sumunod5:1 sumunod: o, makinig. sa Dios, kaysa sa maghandog na gaya ng paghahandog ng isang mangmang na hindi alam kung ano ang mabuti at masama. 2Huwag kang pabigla-bigla sa pagsasalita. Mag-isip ka muna nang mabuti bago ka mangako sa Dios. Tandaan mo na ang Dios ay nasa langit at ikaw ay nandito sa lupa. Kaya mag-ingat ka sa pagsasalita. 3Kung papaanong madaling managinip kapag maraming alalahanin, madali ring makapagsalita ng kamangmangan kung padalos-dalos ka sa iyong pagsasalita. 4Kapag nangako ka sa Dios, tuparin mo agad ito. Tuparin mo ang ipinangako mo sa kanya dahil hindi siya natutuwa sa mga hangal na hindi tumutupad sa mga pangako. 5Mas mabuti pang huwag ka na lang mangako kaysa mangako ka at hindi mo naman tutuparin. 6Huwag kang magkasala sa iyong pagsasalita. At huwag mong sabihin sa pari5:6 pari: sa literal, mensahero; o, anghel. Sa tekstong Septuagint at Syriac, Dios. na nasa templo na hindi mo sinasadya ang iyong pangako sa Dios. Dahil magagalit ang Dios kung gagawin mo ito at sisirain niya ang lahat ng pinaghirapan mo. 7Ang sobrang pananaginip at pagsasalita ay walang kabuluhan. Sa halip, matakot ka sa Dios.

Walang Kabuluhan ang Kayamanan

8Huwag kang magtaka kung makita mo sa inyong lugar na ang mga mahihirap ay inaapi at pinagkakaitan ng katarungan at karapatan. Dahil ang mga pinunong gumigipit sa kanila ay inaalagaan ng mas nakatataas na pinuno, at ang dalawang ito ay inaalagaan ng mas mataas pang pinuno. 9Pero mas lamang pa rin ang nakukuha ng hari sa kita ng lupain ng mahihirap, kaysa sa lahat ng mga pinuno.

10Ang taong maibigin sa pera at iba pang kayamanan, kailanman ay hindi masisiyahan. Wala rin itong kabuluhan. 11Kung dumarami ang kayamanan mo, dumarami rin ang nakikinabang nito, kaya wala kang mapapala sa kayamanan mo kundi pagmasdan lang ito. 12Mahimbing ang tulog ng isang manggagawa, marami man o kaunti ang pagkain niya; pero ang mayaman, hindi makatulog nang mahimbing dahil sa kanyang kayamanan.

13May nakita akong hindi maganda rito sa mundo: Ang kayamanang iniipon ng tao ay nakapagpapahamak sa kanya. 14Nauubos ito dahil sa hindi mabuting negosyo at wala ng matitira para sa mga anak niya. 15Kung paanong hubad tayong ipinanganak mula sa sinapupunan ng ating ina, hubad din tayong mamamatay. Hindi natin madadala ang ating mga pinaghirapan. 16Napakalungkot isipin! Ipinanganak tayong walang dala, mamamatay tayong walang dala. Kaya ano pa ang saysay ng mga pagpapakahirap natin? Para lang tayong humahabol sa hangin na walang napapala. 17Ang buhay natin ay puno ng kahirapan, kaguluhan, sakit at galit.

18Kaya naisip ko na ang pinakamabuting gawin ng tao sa maiksing buhay na ibinigay sa kanya ng Dios ay kumain, uminom at magpakasaya sa kanyang pinaghirapan habang siyaʼy nabubuhay, dahil para naman talaga sa kanya ang mga iyon. 19Binibigyan ng Dios ang bawat tao ng mga pag-aari at kayamanan. Hinahayaan niyang pakinabangan nila ang mga ito para matanggap nila ang para sa kanila at magpakasaya sa mga pinaghirapan nila. Ito ang regalo ng Dios sa kanila. 20At dahil ginagawa ng Dios na abala ang tao sa mga bagay na nakapagpapasaya sa kanila, hindi sila nag-aalala na maiksi ang buhay nila.