Psalms 60 – NIV & TCB

New International Version

Psalms 60:1-12

Psalm 60In Hebrew texts 60:1-12 is numbered 60:3-14.

For the director of music. To the tune of “The Lily of the Covenant.” A miktamTitle: Probably a literary or musical term of David. For teaching. When he fought Aram NaharaimTitle: That is, Arameans of Northwest Mesopotamia and Aram Zobah,Title: That is, Arameans of central Syria and when Joab returned and struck down twelve thousand Edomites in the Valley of Salt.

1You have rejected us, God, and burst upon us;

you have been angry—now restore us!

2You have shaken the land and torn it open;

mend its fractures, for it is quaking.

3You have shown your people desperate times;

you have given us wine that makes us stagger.

4But for those who fear you, you have raised a banner

to be unfurled against the bow.60:4 The Hebrew has Selah (a word of uncertain meaning) here.

5Save us and help us with your right hand,

that those you love may be delivered.

6God has spoken from his sanctuary:

“In triumph I will parcel out Shechem

and measure off the Valley of Sukkoth.

7Gilead is mine, and Manasseh is mine;

Ephraim is my helmet,

Judah is my scepter.

8Moab is my washbasin,

on Edom I toss my sandal;

over Philistia I shout in triumph.”

9Who will bring me to the fortified city?

Who will lead me to Edom?

10Is it not you, God, you who have now rejected us

and no longer go out with our armies?

11Give us aid against the enemy,

for human help is worthless.

12With God we will gain the victory,

and he will trample down our enemies.

Tagalog Contemporary Bible

Salmo 60:1-12

Salmo 6060 Salmo 60 Ang unang mga salita sa Hebreo: Ang awit na isinulat ni David pagkatapos ng kanyang pakikipaglaban sa mga taga-Aram Naharaim at sa mga taga-Aram Zoba at pag-uwi ni Joab mula sa pakikipaglaban at pagpatay sa 12,000 Edomita sa lambak na tinatawag na Asin. Ituro ang awit na ito. Sa direktor ng mga mang-aawit: Awitin ito sa tono ng “Liryo para sa pagpapatibay ng Kasunduan.”

Panalangin para Tulungan ng Dios

1O Dios, itinakwil nʼyo kami at pinabayaang malupig.

Nagalit kayo sa amin ngunit ngayon, manumbalik sana ang inyong kabutihan.

2Niyanig nʼyo ang kalupaan at pinagbitak-bitak,

ngunit nakikiusap ako na ayusin nʼyo po dahil babagsak na ito.

3Kami na mga mamamayan nʼyo ay labis-labis nʼyong pinahirapan.

Para nʼyo kaming nilasing sa alak, sumusuray-suray.

4Ngunit, para sa aming mga may takot sa inyo, nagtaas kayo ng bandila bilang palatandaan

ng aming pagtitipon sa oras ng labanan.

5Iligtas nʼyo kami sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan.

Pakinggan nʼyo kami,

upang kaming mga iniibig nʼyo ay maligtas.

6O Dios, sinabi nʼyo roon sa inyong templo,

“Magtatagumpay ako! Hahatiin ko ang Shekem at ang kapatagan ng Sucot

para ipamigay sa aking mga mamamayan.

7Sa akin ang Gilead at Manase,

ang Efraim ay gagawin kong tanggulan60:7 tanggulan: sa literal, helmet.

at ang Juda ang aking tagapamahala.60:7 tagapamahala: sa literal, setro ng hari.

8Ang Moab ang aking utusan60:8 utusan: sa literal, planggana na panghugas ng mukha, kamay, at paa. at ang Edom ay sa akin din.60:8 sa akin din: o, aking alipin. Sa literal, tapunan ko ng aking sandalyas.

Sisigaw ako ng tagumpay laban sa mga Filisteo.”

9Sinong magdadala sa akin sa Edom

at sa bayan nito na napapalibutan ng pader?

10Sino na ang makakatulong, O Dios, ngayong itinakwil nʼyo na kami?

Ni hindi na nga kayo sumasama sa aming mga kawal.

11Tulungan nʼyo kami laban sa aming mga kaaway,

dahil ang tulong ng tao ay walang kabuluhan.

12Sa tulong nʼyo, O Dios,

kami ay magtatagumpay

dahil tatalunin nʼyo ang aming mga kaaway.