Hebrews 8 – NIV & TCB

New International Version

Hebrews 8:1-13

The High Priest of a New Covenant

1Now the main point of what we are saying is this: We do have such a high priest, who sat down at the right hand of the throne of the Majesty in heaven, 2and who serves in the sanctuary, the true tabernacle set up by the Lord, not by a mere human being.

3Every high priest is appointed to offer both gifts and sacrifices, and so it was necessary for this one also to have something to offer. 4If he were on earth, he would not be a priest, for there are already priests who offer the gifts prescribed by the law. 5They serve at a sanctuary that is a copy and shadow of what is in heaven. This is why Moses was warned when he was about to build the tabernacle: “See to it that you make everything according to the pattern shown you on the mountain.”8:5 Exodus 25:40 6But in fact the ministry Jesus has received is as superior to theirs as the covenant of which he is mediator is superior to the old one, since the new covenant is established on better promises.

7For if there had been nothing wrong with that first covenant, no place would have been sought for another. 8But God found fault with the people and said8:8 Some manuscripts may be translated fault and said to the people.:

“The days are coming, declares the Lord,

when I will make a new covenant

with the people of Israel

and with the people of Judah.

9It will not be like the covenant

I made with their ancestors

when I took them by the hand

to lead them out of Egypt,

because they did not remain faithful to my covenant,

and I turned away from them,

declares the Lord.

10This is the covenant I will establish with the people of Israel

after that time, declares the Lord.

I will put my laws in their minds

and write them on their hearts.

I will be their God,

and they will be my people.

11No longer will they teach their neighbor,

or say to one another, ‘Know the Lord,’

because they will all know me,

from the least of them to the greatest.

12For I will forgive their wickedness

and will remember their sins no more.”8:12 Jer. 31:31-34

13By calling this covenant “new,” he has made the first one obsolete; and what is obsolete and outdated will soon disappear.

Tagalog Contemporary Bible

Hebreo 8:1-13

Si Cristo ang Ating Punong Pari

1Ito ang ibig kong sabihin: Mayroon na tayo ngayong punong pari na nakaupo sa kanan ng trono ng Kataas-taasang Dios sa langit. 2Naglilingkod siya bilang punong pari sa Pinakabanal na Lugar na hindi tao ang gumawa kundi ang Panginoon mismo. 3Ang bawat punong pari ay itinalagang mag-alay ng mga handog at kaloob, kaya kailangan na may ihandog din ang punong pari natin. 4Kung nandito pa siya sa lupa, hindi siya maaaring maging pari dahil mayroon nang mga paring nag-aalay ng mga handog ayon sa Kautusan. 5Ang pag-aalay na ginagawa nila ay anino lang ng mga bagay na nangyayari roon sa langit. Sapagkat nang itatayo na ni Moises ang Toldang Sambahan, mahigpit siyang pinagbilinan ng Dios, “Kailangang sundin mo ang planong ipinakita ko sa iyo sa bundok.”8:5 Exo. 25:40. 6Ngunit higit na dakila ang mga gawain ni Jesus bilang punong pari kaysa sa mga gawain ng mga pari, dahil siya ang tagapamagitan ng isang kasunduang higit na mabuti kaysa sa nauna. At nakasalalay ito sa mas mabubuting pangako ng Dios.

7Kung walang kakulangan ang unang kasunduan, hindi na sana kailangan pang palitan. 8Ngunit nakita ng Dios ang pagkukulang ng mga taong sumusunod sa unang kasunduan, kaya sinabi niya,

“Darating ang panahon na gagawa ako ng bagong kasunduan sa mga taga-Israel at taga-Juda.

9Hindi ito katulad ng kasunduang ginawa ko sa mga ninuno nila noong akayin ko sila palabas sa Egipto.

Hindi nila sinunod ang unang kasunduang ibinigay ko sa kanila, kaya pinabayaan ko sila.”

10Sinabi pa ng Panginoon,

“Ito ang bagong kasunduan na gagawin ko sa mga mamamayan ng Israel pagdating ng araw na iyon:

Itatanim ko sa isipan nila ang mga utos ko, at isusulat ko ang mga ito sa mga puso nila.

Ako ang magiging Dios nila, at sila naman ang magiging bayan ko.

11Hindi na nila kailangan pang turuan ang mga kababayan o kapatid nila na kilalanin ang Panginoon.

Sapagkat kikilalanin nila akong lahat, mula sa pinakamababa hanggang sa pinakadakila.

12Sapagkat patatawarin ko ang kasamaan nila at lilimutin ko na ang mga kasalanan nila.”8:12 Jer. 31:31-34.

13Nang sabihin ng Dios na may bago nang kasunduan, malinaw na pinawalang-bisa na niya ang nauna, at ang anumang wala nang bisa at luma na ay mawawala na lamang.