Hebrews 5 – NIV & TCB

New International Version

Hebrews 5:1-14

1Every high priest is selected from among the people and is appointed to represent the people in matters related to God, to offer gifts and sacrifices for sins. 2He is able to deal gently with those who are ignorant and are going astray, since he himself is subject to weakness. 3This is why he has to offer sacrifices for his own sins, as well as for the sins of the people. 4And no one takes this honor on himself, but he receives it when called by God, just as Aaron was.

5In the same way, Christ did not take on himself the glory of becoming a high priest. But God said to him,

“You are my Son;

today I have become your Father.”5:5 Psalm 2:7

6And he says in another place,

“You are a priest forever,

in the order of Melchizedek.”5:6 Psalm 110:4

7During the days of Jesus’ life on earth, he offered up prayers and petitions with fervent cries and tears to the one who could save him from death, and he was heard because of his reverent submission. 8Son though he was, he learned obedience from what he suffered 9and, once made perfect, he became the source of eternal salvation for all who obey him 10and was designated by God to be high priest in the order of Melchizedek.

Warning Against Falling Away

11We have much to say about this, but it is hard to make it clear to you because you no longer try to understand. 12In fact, though by this time you ought to be teachers, you need someone to teach you the elementary truths of God’s word all over again. You need milk, not solid food! 13Anyone who lives on milk, being still an infant, is not acquainted with the teaching about righteousness. 14But solid food is for the mature, who by constant use have trained themselves to distinguish good from evil.

Tagalog Contemporary Bible

Hebreo 5:1-14

1Ang bawat punong pari ay pinili mula sa mga tao upang maglingkod sa Dios para sa kanila. Tungkulin niyang maghandog ng mga kaloob at iba pang mga handog para sa kapatawaran ng mga kasalanan. 2At dahil tao rin siyang tulad natin na may mga kahinaan, mahinahon siyang nakikitungo sa mga taong hindi nakakaalam na naliligaw sila ng landas. 3At dahil nagkakasala rin siya, kailangan niyang maghandog, hindi lang para sa kasalanan ng mga tao, kundi para rin sa sarili niyang mga kasalanan. 4Hindi maaaring makamtan ninuman sa sarili niyang kagustuhan ang karangalan ng pagiging punong pari. Sapagkat ang Dios mismo ang humihirang sa kanya na maging punong pari, tulad ng pagkahirang kay Aaron. 5Ganoon din naman, hindi si Cristo ang nagparangal sa sarili niya na maging punong pari kundi ang Dios. Sapagkat sinabi sa kanya ng Dios,

“Ikaw ang Anak ko, at ngayon ipapahayag ko na ako ang iyong Ama.”5:5 Salmo 2:7.

6At sinabi pa ng Dios sa ibang bahagi ng Kasulatan,

“Ikaw ay pari magpakailanman, tulad ng pagkapari ni Melkizedek.”5:6 Salmo 110:4.

7Noong namumuhay pa si Jesus sa mundong ito, umiiyak siyang nananalangin at nagmamakaawa sa Dios na makapagliligtas sa kanya sa kamatayan. At dininig naman siya dahil lubos siyang naging masunurin. 8At kahit Anak siya mismo ng Dios, natutunan niya ang pagiging masunurin sa pamamagitan ng mga pagtitiis na dinanas niya. 9Naging ganap siya at pinagmulan ng walang hanggang kaligtasan5:9 walang hanggang kaligtasan: Ang ibig sabihin, pinalaya sila magpakailanman sa kaparusahan ng mga kasalanan nila. ng lahat ng sumusunod sa kanya. 10Kaya itinalaga siya ng Dios na maging punong pari tulad ng pagkapari ni Melkizedek.

Babala sa Pagtalikod sa Dios

11Marami pa sana kaming sasabihin tungkol sa mga bagay na ito, pero mahirap ipaliwanag dahil mahina ang pang-unawa ninyo. 12Dapat mga tagapagturo na sana kayo dahil matagal na kayo sa pananampalataya, ngunit hanggang ngayon ay kailangan pa kayong turuan ng mga panimulang aralin tungkol sa salita ng Dios. Katulad pa rin kayo ng mga sanggol na nangangailangan ng gatas dahil hindi nʼyo pa kaya ang matigas na pagkain. 13Ang mga nabubuhay sa gatas ay mga sanggol pa at walang muwang kung ano ang mabuti at masama. 14Ngunit ang matigas na pagkain ay para sa may mga sapat na gulang na, at alam na kung ano ang mabuti at masama.