Setting Up the Tabernacle
1Then the Lord said to Moses: 2“Set up the tabernacle, the tent of meeting, on the first day of the first month. 3Place the ark of the covenant law in it and shield the ark with the curtain. 4Bring in the table and set out what belongs on it. Then bring in the lampstand and set up its lamps. 5Place the gold altar of incense in front of the ark of the covenant law and put the curtain at the entrance to the tabernacle.
6“Place the altar of burnt offering in front of the entrance to the tabernacle, the tent of meeting; 7place the basin between the tent of meeting and the altar and put water in it. 8Set up the courtyard around it and put the curtain at the entrance to the courtyard.
9“Take the anointing oil and anoint the tabernacle and everything in it; consecrate it and all its furnishings, and it will be holy. 10Then anoint the altar of burnt offering and all its utensils; consecrate the altar, and it will be most holy. 11Anoint the basin and its stand and consecrate them.
12“Bring Aaron and his sons to the entrance to the tent of meeting and wash them with water. 13Then dress Aaron in the sacred garments, anoint him and consecrate him so he may serve me as priest. 14Bring his sons and dress them in tunics. 15Anoint them just as you anointed their father, so they may serve me as priests. Their anointing will be to a priesthood that will continue throughout their generations.” 16Moses did everything just as the Lord commanded him.
17So the tabernacle was set up on the first day of the first month in the second year. 18When Moses set up the tabernacle, he put the bases in place, erected the frames, inserted the crossbars and set up the posts. 19Then he spread the tent over the tabernacle and put the covering over the tent, as the Lord commanded him.
20He took the tablets of the covenant law and placed them in the ark, attached the poles to the ark and put the atonement cover over it. 21Then he brought the ark into the tabernacle and hung the shielding curtain and shielded the ark of the covenant law, as the Lord commanded him.
22Moses placed the table in the tent of meeting on the north side of the tabernacle outside the curtain 23and set out the bread on it before the Lord, as the Lord commanded him.
24He placed the lampstand in the tent of meeting opposite the table on the south side of the tabernacle 25and set up the lamps before the Lord, as the Lord commanded him.
26Moses placed the gold altar in the tent of meeting in front of the curtain 27and burned fragrant incense on it, as the Lord commanded him.
28Then he put up the curtain at the entrance to the tabernacle. 29He set the altar of burnt offering near the entrance to the tabernacle, the tent of meeting, and offered on it burnt offerings and grain offerings, as the Lord commanded him.
30He placed the basin between the tent of meeting and the altar and put water in it for washing, 31and Moses and Aaron and his sons used it to wash their hands and feet. 32They washed whenever they entered the tent of meeting or approached the altar, as the Lord commanded Moses.
33Then Moses set up the courtyard around the tabernacle and altar and put up the curtain at the entrance to the courtyard. And so Moses finished the work.
The Glory of the Lord
34Then the cloud covered the tent of meeting, and the glory of the Lord filled the tabernacle. 35Moses could not enter the tent of meeting because the cloud had settled on it, and the glory of the Lord filled the tabernacle.
36In all the travels of the Israelites, whenever the cloud lifted from above the tabernacle, they would set out; 37but if the cloud did not lift, they did not set out—until the day it lifted. 38So the cloud of the Lord was over the tabernacle by day, and fire was in the cloud by night, in the sight of all the Israelites during all their travels.
Ang Pagtatayo ng Toldang Sambahan
1Sinabi ng Panginoon kay Moises, 2“Itayo mo ang Toldang Sambahan na tinatawag ding Toldang Tipanan sa unang araw ng unang buwan. 3Ilagay mo sa loob ang Kahon ng Kasunduan, at tabingan mo ito ng kurtina. 4Ipasok mo ang mesa sa Tolda at ayusin mo ang mga kagamitan nito. Ipasok mo rin ang mga lalagyan ng ilaw at ilagay ang mga ilaw nito. 5Ilagay mo ang mga gintong altar na pagsusunugan ng insenso sa harap ng Kahon ng Kasunduan, at ikabit ang kurtina sa pintuan ng Tolda.
6“Ilagay mo ang altar na pagsusunugan ng mga handog sa harapan ng pintuan ng Toldang Sambahan na tinatawag ding Toldang Tipanan. 7Ang planggana ay ilagay sa pagitan ng Tolda at ng altar, at lagyan ito ng tubig. 8Ilagay ang mga kurtina sa bakuran ng Tolda, pati ang kurtina sa pintuan ng bakuran.
9“Pagkatapos, kunin mo ang langis at wisikan ang Tolda at ang lahat ng kagamitan nito bilang pagtatalaga nito sa akin, at magiging banal ito. 10Wisikan mo rin ang altar na pagsusunugan ng mga handog at ang lahat ng kagamitan nito bilang pagtatalaga nito sa akin, at magiging pinakabanal ito. 11Wisikan mo rin ang planggana at ang patungan nito bilang pagtatalaga nito sa akin.
12“Dalhin mo si Aaron at ang mga anak niyang lalaki sa pintuan ng Toldang Tipanan at paliguin mo sila roon. 13Ipasuot mo kay Aaron ang banal na mga damit at italaga siya sa akin sa pamamagitan ng pagpapahid sa kanya ng langis para makapaglingkod siya sa akin bilang pari. 14Dalhin mo rin ang mga anak niya at ipasuot ang damit-panloob nila. 15Pahiran mo rin sila ng langis gaya ng ginawa mo sa kanilang ama, para makapaglingkod din sila sa akin bilang mga pari sa lahat ng susunod pang mga henerasyon.” 16Ginawa ni Moises ang lahat ng iniutos sa kanya ng Panginoon.
17Kaya itinayo ang Toldang Sambahan noong unang araw ng unang buwan. Ikalawang taon iyon nang paglabas nila ng Egipto. 18Ganito itinayo ni Moises ang Tolda: Inilagay niya ang mga pundasyon, balangkas, biga, at haligi. 19Inilatag niya ang Tolda at pinatungan niya ng pantaklob. Ginawa niyang lahat ito ayon sa iniutos sa kanya ng Panginoon.
20Pagkatapos, ipinasok niya sa Kahon ang malalapad na batong sinulatan ng mga utos ng Dios, at isinuksok niya sa argolya40:20 argolya: korteng singsing. ng Kahon ang mga tukod na pambuhat, at tinakpan ito. 21Ipinasok niya ang Kahon sa loob ng Toldang Sambahan, at isinabit ang kurtina para matakpan ang Kahon ng Kasunduan ayon sa iniutos ng Panginoon.
22Inilagay niya ang mesa sa loob ng Tolda, sa bandang hilaga, sa labas ng kurtina. 23At inilagay niya sa mesa ang tinapay na inihahandog sa presensya ng Panginoon. Ginawa niyang lahat ito ayon sa iniutos ng Panginoon.
24Inilagay din niya ang lalagyan ng ilaw sa loob ng Tolda, sa harapan ng mesa, sa bandang timog. 25At inilagay niya ang mga ilaw nito sa presensya ng Panginoon. Ginawa niyang lahat ito ayon sa iniutos sa kanya ng Panginoon.
26Inilagay din niya ang gintong altar sa loob ng Tolda, sa harapan ng kurtina, 27at nagsunog siya ng mabangong insenso sa altar. Ginawa niyang lahat ito ayon sa iniutos ng Panginoon.
28Ikinabit din niya ang kurtina sa pintuan ng Tolda, 29at inilagay niya malapit sa pintuan ang altar na pinagsusunugan ng mga handog. Pagkatapos, nag-alay siya sa altar na ito ng mga handog na sinusunog at mga handog bilang pagpaparangal sa Panginoon. Ginawa niyang lahat ito ayon sa iniutos sa kanya ng Panginoon.
30Inilagay din niya ang planggana sa pagitan ng Tolda at ng altar. Nilagyan niya ito ng tubig para paghugasan. 31At naghugas sina Moises, Aaron at ang mga anak niyang lalaki ng mga kamay at paa nila. 32Maghuhugas sila kapag pumapasok sa Tolda o kapag lalapit sila sa altar. Ginawa nilang lahat ito ayon sa iniutos ng Panginoon kay Moises.
33Pagkatapos, inilagay ni Moises ang mga kurtina ng bakuran, na nakapaligid sa Tolda at altar, pati ang kurtina sa pintuan ng bakuran. At natapos ni Moises ang lahat ng gawain niya.
Ang Makapangyarihang Presensya ng Panginoon
(Bil. 9:15-23)
34Pagkatapos ng lahat ng ito, binalot ang Toldang Tipanan40:34 Toldang Tipanan: o tinatawag din na Toldang Sambahan. ng makapangyarihang presensya ng Panginoon na nasa anyo ng isang ulap. 35Hindi makapasok si Moises sa Tolda dahil nababalot ito ng makapangyarihang presensya ng Panginoon na nasa anyong ulap.
36Kapag pumaitaas ang ulap mula sa Tolda at umalis, umaalis din ang mga Israelita sa pinagkakampuhan nila. 37Pero kung hindi, hindi rin sila umaalis. 38Ang ulap na sumisimbolo sa presensya ng Panginoon ay nasa itaas ng Tolda kapag araw, at nag-aapoy naman ito kapag gabi para makita ng lahat ng Israelita habang naglalakbay sila.