New Amharic Standard Version

ምሳሌ 26:1-28

1በረዶ በበጋ፣ ዝናብ በመከር እንደማያስፈልግ ሁሉ፣

ክብርም ለተላላ አይገባውም።

2ክንፎቿን እንደምታርገበግብ ድንቢጥ ወይም ቱር እንደምትል ጨረባ፣

ከንቱ ርግማንም በማንም ላይ አይደርስም።

3ለፈረስ አለንጋ፣ ለአህያ መሸበቢያ፣

ለተላላ ጀርባም በትር ይገባዋል።

4ቂልን እንደ ቂልነቱ አትመልስለት፤

አለዚያ አንተም ራስህ እንደ እርሱ ትሆናለህ።

5ቂልን እንደ ቂልነቱ መልስለት፤

አለዚያ ጠቢብ የሆነ ይመስለዋል።

6በተላላ እጅ መልእክትን መላክ፣

የገዛ እግርን እንደ መቊረጥ ወይም ዐመፃን እንደ መጋት ነው።

7በቂል አንደበት የሚነገር ምሳሌ፣

ሰላላ የሽባ ሰው እግር ነው።

8ለተላላ ክብር መስጠት፣

በወንጭፍ ላይ ድንጋይ እንደ ማሰር ነው።

9በአላዋቂ አንደበት የሚነገር ምሳሌ፣

በሰካራም እጅ እንዳለ እሾኽ ነው።

10ቂልን ወይም የትኛውንም ዐላፊ አግዳሚ የሚቀጥር፣

ፍላጻውን በነሲብ እየወረወረ ወገኖቹን እንደሚያቈስል ቀስተኛ ነው።

11ውሻ ወደ ትፋቱ እንደሚመለስ ሁሉ፣

ተላላም ቂልነቱን ይደጋግማል።

12ራሱን እንደ ጠቢብ የሚቈጥረውን ሰው አይተሃልን?

ከእርሱ ይልቅ ለተላላ ተስፋ አለው።

13ሰነፍ፣ “በመንገድ ላይ አንበሳ አለ፤

አስፈሪ አንበሳ በአውራ ጐዳና ላይ ይጐማለላል” ይላል።

14መዝጊያ በማጠፊያው ላይ እንደሚዞር፣

ሰነፍም በዐልጋው ላይ ይገላበጣል።

15ሰነፍ እጁን ወጭት ውስጥ ያጠልቃል፤

ወደ አፉ ለመመለስ ግን እጅግ ይታክታል።

16በማስተዋል መልስ ከሚሰጡ ከሰባት ሰዎች ይልቅ፣

ሰነፍ ራሱን ጠቢብ አድርጎ ይቈጥራል።

17በሌሎች ጠብ ጥልቅ የሚል መንገደኛ፣

የውሻ ጆሮ እንደሚይዝ ሰው ነው።

18ትንታግ ወይም የሚገድል ፍላጻ እንደሚወረውር ዕብድ፣

19“ቀልዴን እኮ ነው” እያለ

ባልንጀራውን የሚያታልል ሰውም እንደዚሁ ነው።

20ዕንጨት ከሌለ እሳት ይጠፋል፤

አሾክሻኪ ከሌለም ጠብ ይበርዳል።

21ከሰል ፍምን፣ ዕንጨትም እሳትን እንደሚያቀጣጥል፣

አዋኪ ሰውም ጠብን ያባብሳል።

22የሐሜተኛ ቃል እንደ ጣፋጭ ጒርሻ ነው፤

ወደ ሰው ውስጠኛው ክፍል ዘልቆ ይገባል።

23ክፋትን በልብ ቋጥሮ ለስላሳ ቃል የሚናገር ከንፈር፣

በብር ፈሳሽ26፥23 ወይም በሚያብለጨልጭ ነገር እንደ ተለበጠ የሸክላ ዕቃ ነው።

24ተንኰለኛ በከንፈሩ ይሸነግላል፤

በልቡ ግን ክፋትን ይቋጥራል።

25ንግግሩ ማራኪ ቢሆንም አትመነው፤

ሰባት ርኵሰት ልቡን ሞልቶታልና።

26ተንኰሉ በሽንገላው ይሸፈን ይሆናል፤

ነገር ግን ክፋቱ በጉባኤ ይገለጣል።

27ጒድጓድ የሚምስ ራሱ ይገባበታል፤

ድንጋይ የሚያንከባልልም ተመልሶ በላዩ ላይ ይገለበጥበታል።

28ሐሰተኛ ምላስ የጐዳቻቸውን ትጠላለች፤

ሸንጋይ አንደበትም ጥፋትን ታመጣለች።

Tagalog Contemporary Bible

Kawikaan 26:1-28

1Kung paanong hindi bagay na mag-nyebe sa tag-araw at umulan sa panahon ng tag-ani, hindi rin bagay na papurihan ang taong hangal.

2Ang sumpa ay hindi tatalab sa walang kasalanan. Tulad ito ng ibong hindi dumadapo at lilipad-lipad lamang.

3Kailangan ang latigo para sa kabayo, bokado para sa asno, at pamalo para sa hangal na tao.

4Huwag mong sagutin ang hangal kung nakikipag-usap siya sa iyo ng kahangalan, at baka matulad ka rin sa kanya.

5Ngunit kung minsan, kailangang sagutin din siya, para malaman niya na hindi siya marunong tulad ng kanyang inaakala.

6Kapag nagpadala ka ng mensahe sa pamamagitan ng isang mangmang, para mo na ring pinutol ang iyong mga paa, at para ka na ring gumawa ng sariling kapahamakan.

7Ang pilay na paa ay walang kabuluhan, katulad ng kawikaan sa bibig ng hangal.

8Ang isang papuri na sa hangal iniuukol ay parang batong nakatali sa tirador.

9Ang kasabihang sinasabi ng hangal ay makapipinsala tulad ng matinik na kahoy na hawak ng lasing.

10Kahangalan ang pumana ng kahit sino; gayon din ang pagkuha sa hangal o sa sinumang dumadaan upang upahan.

11Inuulit ng hangal ang kanyang kahangalan, tulad ng asong binabalikan ang kanyang suka para kainin.

12Mas mabuti pa ang hinaharap ng isang taong mangmang kaysa sa taong nagmamarunong.

13Ang batugan ay hindi lumalabas ng tahanan, ang kanyang dahilan ay may leon sa lansangan.

14Gaya ng pintuang pumipihit sa bisagra ang batugan na papihit-pihit sa kanyang kama.

15May mga taong sobrang tamad na kahit ang kumain ay kinatatamaran.

16Ang akala ng batugan mas marunong pa siya kaysa sa pitong tao na tamang mangatuwiran.

17Mapanganib ang nanghihimasok sa gulo ng may gulo, ito ay tulad ng pagdakma sa tainga ng aso.

18-19Ang taong nandaraya sa kanyang kapwa, at saka sasabihing nagbibiro lang siya ay tulad ng isang baliw na pumapana sa mga tao sa pamamagitan ng nakamamatay na palaso.

20Namamatay ang apoy kung ubos na ang panggatong, natitigil ang away kung wala ng tsismisan.

21Kung uling ang nagpapabaga at kahoy ang nagpapaliyab ng apoy, ang taong palaaway naman ang nagpapasimula ng gulo.

22Ang tsismis ay parang pagkaing masarap nguyain at lunukin.

23Maaaring itago ng magandang pananalita ang masamang isipan, tulad nito ay mumurahing banga na pininturahan ng pilak.

24Maaaring ang kaaway ay magandang magsalita, ngunit ang nasa isip niya ay makapandaya.

25Kahit masarap pakinggan ang kanyang pananalita ay huwag kang maniwala, sapagkat ang iniisip niya ay napakasama.

26Maaaring ang galit ay kanyang maitago, ngunit malalantad din sa karamihan ang masama niyang gawa.

27Ang humuhukay ng patibong para mahulog ang iba ay siya rin ang mahuhulog doon. Ang nagpapagulong ng malaking bato para magulungan ang iba ay siya rin ang magugulungan nito.

28Ang sinungaling ay nagagalit sa nabiktima niya ng kasinungalingan, at ang taong nambobola ay ipapahamak ka.