ግፍ፣ ጥረት፣ ብቸኝነት
1እንደ ገና ከፀሓይ በታች የሚደረገውን ግፍ ሁሉ አየሁ፤ አስተዋልሁም፤
የተገፉትን ሰዎች እንባ ተመለከትሁ፤
የሚያጽናናቸውም አልነበረም፤
ኀይል በሚገፏቸው ሰዎች እጅ ነበረ፤
የሚያጽናናቸውም አልነበረም።
2እኔም የቀድሞ ሙታን፣
ዛሬ በሕይወት ካሉት ሕያዋን ይልቅ፣
ደስተኞች እንደ ሆኑ ተናገርሁ።
3ነገር ግን ከሁለቱም ይልቅ፣
ገና ያልተወለደው፣
ከፀሓይ በታች የሚደረገውንም፣
ክፋት ያላየው ይሻላል።
4እንዲሁም ጥረትና የሥራ መከናወን ሁሉ ሰው በባልንጀራው ላይ ካለው ቅናት እንደሚመነጭ ተመለከትሁ፤ ይህም ደግሞ ከንቱ፣ ነፋስንም እንደ መከተል ነው።
5ሰነፍ እጁን አጣጥፎ ይቀመጣል፤
የገዛ ራሱንም ሥጋ ይበላል።
6በድካምና ነፋስን በመከተል ከሚገኝ ሁለት ዕፍኝ ይልቅ፣
በርጋታ የሚገኝ አንድ ዕፍኝ ይሻላል።
7ደግሞም ከፀሓይ በታች ከንቱ የሆነን ነገር አየሁ፤
8ልጅም ሆነ ወንድም የሌለው፣
ብቸኛ ሰው አለ፤
ጥረቱ ማለቂያ የለውም፤ ዐይኑም ባለው ሀብት ገና አልረካም፤
እርሱም፣ “ለማን ብዬ ነው የምደክመው?
ራሴን ከማስደሰትስ የምቈጠበው
ለምንድን ነው?” ብሎ ጠየቀ፤
ይህም ደግሞ ከንቱ፣ የጭንቅ ኑሮ ነው።
9ለሥራቸው መልካም ውጤት ስለሚያገኙ፣
ከአንድ፣ ሁለት መሆን ይሻላል፤
10አንዱ ቢወድቅ፣
ባልንጀራው ደግፎ ያነሣዋል።
ቢወድቅ የሚያነሣው ረዳት የሌለው ግን፣
እንዴት አሳዛኝ ነው!
11ደግሞም ሁለቱ አብረው ቢተኙ ይሞቃቸዋል፤
ነገር ግን አንዱ ብቻውን እንዴት ሊሞቀው ይችላል?
12አንድ ሰው ብቸኛውን ቢያጠቃውም፣
ሁለት ከሆኑ ይመክቱታል፤
በሦስት የተገመደ ገመድም ቶሎ አይበጠስም።
በልጦ መገኘት ከንቱ ነው
13ምክርን መቀበል ከማያውቅ ሞኝና ሽማግሌ ንጉሥ ይልቅ ጠቢብ የሆነ ድኻ ወጣት ይሻላል። 14ወጣቱ ከእስር ቤት ወደ ንጉሥነት የመጣ ወይም በግዛቱ ውስጥ በድኽነት የተወለደ ሊሆን ይችላል። 15ከፀሓይ በታች የሚኖሩና የሚመላለሱ ሁሉ፣ ንጉሡን የሚተካውን ወጣት ተከትለውት አየሁ። 16በፊቱ የነበረው ሕዝብ ሁሉ ቍጥር ስፍር አልነበረውም፤ ከእርሱ በኋላ የመጡት ግን በተተኪው አልተደሰቱም። ይህም ደግሞ ከንቱ፣ ነፋስንም እንደ መከተል ነው።
1Nakita ko ulit ang mga pang-aapi rito sa mundo. Umiiyak ang mga inaapi, pero walang tumutulong sa kanila dahil makapangyarihan ang mga umaapi sa kanila. 2Kaya nasabi kong mas mabuti pa ang mga patay kaysa sa mga buhay. 3Pero higit na mabuti ang mga hindi pa ipinapanganak, na hindi pa nakakakita ng kasamaan dito sa mundo.
4Nakita ko rin na nagsusumikap ang mga tao at ginagawa ang lahat ng makakaya dahil naiinggit sila sa kanilang kapwa. Wala itong kabuluhan; para silang humahabol sa hangin.
5Hangal ang taong tamad, kaya halos mamatay sa gutom. 6Mas mabuti pang magkaroon ng isang dakot na pagkain pero may kapayapaan, kaysa sa maraming pagkain pero hirap na hirap naman sa pagtatrabaho at nauuwi lang sa wala ang lahat. Para ka lang humahabol sa hangin.
7May nakita pa ako sa mundong ito na walang kabuluhan. 8May isang taong nag-iisa sa buhay. Wala siyang anak at wala ring kapatid. Pero wala siyang tigil sa pagtatrabaho at hindi nakokontento sa kanyang kayamanan. Sinabi niya sa kanyang sarili, “Hindi na ako nakakapagsaya dahil sa sobrang pagtatrabaho. Pero wala naman akong mapag-iiwanan ng aking mga pinaghirapan.” Wala itong kabuluhan! At napakalungkot ng ganitong klase ng buhay.
9Mas mabuti ang may kasama kaysa mag-isa; mas marami silang magagawa. 10Kapag nadapa ang isa sa kanila maitatayo siya ng kanyang kasama. Kaya nakakaawa ang taong nag-iisa at nadapa, dahil walang tutulong sa kanya. 11Kapag malamig, pwede kayong matulog nang magkatabi at pareho kayong maiinitan. Pero kung nag-iisa ka, papaano ka maiinitan? 12Madali kang matalo kung nag-iisa ka, pero kung may kasama ka, mahirap kayong talunin. Tulad din ng lubid na may tatlong pilipit na hibla, mahirap itong malagot.
13Mas mabuti pa ang isang batang mahirap pero marunong, kaysa sa isang matandang hari pero hangal at ayaw tumanggap ng payo. 14At maaaring maging hari ang batang iyon kahit siya ay nakulong at ang matandang hari namang iyon ay maaaring maghirap kahit na ipinanganak pa siyang dugong bughaw. 15Pero naisip ko na kahit maraming tao dito sa mundo ang susunod sa batang iyon na pumalit sa hari, 16at hindi mabilang ang mga taong paghaharian niya, maaaring hindi rin masisiyahan sa kanya ang susunod na henerasyon. Ito man ay wala ring kabuluhan. Para kang humahabol sa hangin.