1The book of the generation of Jesus Christ, the son of David, the son of Abraham. 2Abraham begat Isaac; and Isaac begat Jacob; and Jacob begat Judas and his brethren; 3And Judas begat Phares and Zara of Thamar; and Phares begat Esrom; and Esrom begat Aram; 4And Aram begat Aminadab; and Aminadab begat Naasson; and Naasson begat Salmon; 5And Salmon begat Booz of Rachab; and Booz begat Obed of Ruth; and Obed begat Jesse; 6And Jesse begat David the king; and David the king begat Solomon of her that had been the wife of Urias; 7And Solomon begat Roboam; and Roboam begat Abia; and Abia begat Asa; 8And Asa begat Josaphat; and Josaphat begat Joram; and Joram begat Ozias; 9And Ozias begat Joatham; and Joatham begat Achaz; and Achaz begat Ezekias; 10And Ezekias begat Manasses; and Manasses begat Amon; and Amon begat Josias; 11And Josias begat Jechonias and his brethren, about the time they were carried away to Babylon: 12And after they were brought to Babylon, Jechonias begat Salathiel; and Salathiel begat Zorobabel; 13And Zorobabel begat Abiud; and Abiud begat Eliakim; and Eliakim begat Azor; 14And Azor begat Sadoc; and Sadoc begat Achim; and Achim begat Eliud; 15And Eliud begat Eleazar; and Eleazar begat Matthan; and Matthan begat Jacob; 16And Jacob begat Joseph the husband of Mary, of whom was born Jesus, who is called Christ. 17So all the generations from Abraham to David are fourteen generations; and from David until the carrying away into Babylon are fourteen generations; and from the carrying away into Babylon unto Christ are fourteen generations.
18¶ Now the birth of Jesus Christ was on this wise: When as his mother Mary was espoused to Joseph, before they came together, she was found with child of the Holy Ghost. 19Then Joseph her husband, being a just man, and not willing to make her a publick example, was minded to put her away privily. 20But while he thought on these things, behold, the angel of the Lord appeared unto him in a dream, saying, Joseph, thou son of David, fear not to take unto thee Mary thy wife: for that which is conceived in her is of the Holy Ghost. 21And she shall bring forth a son, and thou shalt call his name JESUS: for he shall save his people from their sins. 22Now all this was done, that it might be fulfilled which was spoken of the Lord by the prophet, saying, 23Behold, a virgin shall be with child, and shall bring forth a son, and they shall call his name Emmanuel, which being interpreted is, God with us. 24Then Joseph being raised from sleep did as the angel of the Lord had bidden him, and took unto him his wife: 25And knew her not till she had brought forth her firstborn son: and he called his name JESUS.
Ang mga Ninuno ni Jesus
(Luc. 3:23-38)
1Ito ang talaan ng mga ninuno ni Jesu-Cristo na mula sa angkan ni David. Si David ay mula sa lahi ni Abraham.
2Si Abraham ang ama ni Isaac, si Isaac ang ama ni Jacob, at si Jacob ang ama ni Juda at ng kanyang mga kapatid. 3Si Juda ang ama nina Perez at Zera, at si Tamar ang kanilang ina. Si Perez ang ama ni Hezron, at si Hezron ang ama ni Aram. 4Si Aram ang ama ni Aminadab, si Aminadab ang ama ni Nashon, at si Nashon ang ama ni Salmon. 5Si Salmon ang ama ni Boaz, at si Rahab ang kanyang ina. Si Boaz ang ama ni Obed, at si Ruth ang kanyang ina. Si Obed ang ama ni Jesse, 6at si Jesse ang ama ni Haring David.
Si Haring David ang ama ni Solomon (ang ina niya ay ang dating asawa ni Uria). 7Si Solomon ang ama ni Rehoboam, si Rehoboam ang ama ni Abijah, at si Abijah ang ama ni Asa. 8Si Asa ang ama ni Jehoshafat, si Jehoshafat ang ama ni Joram, at si Joram ang ama ni Uzia. 9Si Uzia ang ama ni Jotam, si Jotam ang ama ni Ahaz, at si Ahaz ang ama ni Hezekia. 10Si Hezekia ang ama ni Manase, si Manase ang ama ni Amos,1:10 Amos: o, Amon. si Amos ang ama ni Josia, 11at si Josia ang ama ni Jeconia at ng kanyang mga kapatid. Sa panahong ito, binihag ang mga Israelita at dinala sa Babilonia.
12Ito naman ang talaan ng mga ninuno ni Jesus matapos ang pagkabihag ng mga Israelita sa Babilonia: Si Jeconia ang ama ni Shealtiel, si Shealtiel ang ama ni Zerubabel, 13at si Zerubabel ang ama ni Abiud. Si Abiud ang ama ni Eliakim, si Eliakim ang ama ni Azor, 14at si Azor ang ama ni Zadok. Si Zadok ang ama ni Akim, si Akim ang ama ni Eliud, 15at si Eliud ang ama ni Eleazar. Si Eleazar ang ama ni Matan, si Matan ang ama ni Jacob, 16at si Jacob ang ama ni Jose na ang asawaʼy si Maria. Si Maria ang ina ni Jesus na tinatawag na Cristo. 17Kaya may 14 na henerasyon mula kay Abraham hanggang kay David, may 14 na henerasyon naman mula kay David hanggang sa pagkabihag ng mga Israelita sa Babilonia, at may 14 na henerasyon din mula sa pagkabihag hanggang kay Cristo.
Ang Pagkapanganak kay Jesu-Cristo
(Luc. 2:1-7)
18Ganito ang pangyayari sa pagkapanganak kay Jesu-Cristo: Si Maria na kanyang ina ay nakatakdang ikasal kay Jose. Pero bago pa sila ikasal, nalaman ni Maria na buntis siya sa pamamagitan ng Banal na Espiritu. 19Si Jose na magiging asawa niya ay isang matuwid na tao at ayaw nitong malagay sa kahihiyan si Maria, kaya ipinasya niyang hiwalayan na lang si Maria nang palihim. 20Habang pinag-iisipan ito ni Jose, nagpakita sa kanya sa panaginip ang isang anghel ng Panginoon at nagsabi, “Jose, na mula sa angkan ni David, huwag kang matakot na pakasalan si Maria dahil ang pagbubuntis niyaʼy sa pamamagitan ng Banal na Espiritu. 21Manganganak siya ng isang lalaki at papangalanan mo siyang Jesus,1:21 Jesus: Ang ibig sabihin ng pangalang Jesus sa wikang Hebreo ay “Nagliligtas ang Panginoon.” dahil ililigtas niya ang kanyang bayan sa kanilang mga kasalanan.” 22Nangyari ang lahat ng ito upang matupad ang sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng propeta, 23“Magbubuntis ang isang birhen1:23 birhen: o, dalaga. at manganganak ng isang lalaki. Tatawagin siyang Emmanuel”1:23 Isa. 7:14. (na ang ibig sabihin, “Kasama natin ang Dios”). 24Nang magising si Jose, sinunod niya ang sinabi ng anghel at pinakasalan niya si Maria. 25Pero hindi siya sumiping kay Maria hanggang sa maipanganak nito ang sanggol. Nang manganak na si Maria, pinangalanan ni Jose ang sanggol ng Jesus.