Jeremiah 1 – KJV & TCB

King James Version

Jeremiah 1:1-19

1The words of Jeremiah the son of Hilkiah, of the priests that were in Anathoth in the land of Benjamin: 2To whom the word of the LORD came in the days of Josiah the son of Amon king of Judah, in the thirteenth year of his reign. 3It came also in the days of Jehoiakim the son of Josiah king of Judah, unto the end of the eleventh year of Zedekiah the son of Josiah king of Judah, unto the carrying away of Jerusalem captive in the fifth month.

4Then the word of the LORD came unto me, saying, 5Before I formed thee in the belly I knew thee; and before thou camest forth out of the womb I sanctified thee, and I ordained thee a prophet unto the nations.1.5 ordained: Heb. gave 6Then said I, Ah, Lord GOD! behold, I cannot speak: for I am a child.

7¶ But the LORD said unto me, Say not, I am a child: for thou shalt go to all that I shall send thee, and whatsoever I command thee thou shalt speak. 8Be not afraid of their faces: for I am with thee to deliver thee, saith the LORD. 9Then the LORD put forth his hand, and touched my mouth. And the LORD said unto me, Behold, I have put my words in thy mouth. 10See, I have this day set thee over the nations and over the kingdoms, to root out, and to pull down, and to destroy, and to throw down, to build, and to plant.

11¶ Moreover the word of the LORD came unto me, saying, Jeremiah, what seest thou? And I said, I see a rod of an almond tree. 12Then said the LORD unto me, Thou hast well seen: for I will hasten my word to perform it. 13And the word of the LORD came unto me the second time, saying, What seest thou? And I said, I see a seething pot; and the face thereof is toward the north.1.13 toward…: Heb. from the face of the north 14Then the LORD said unto me, Out of the north an evil shall break forth upon all the inhabitants of the land.1.14 shall…: Heb. shall be opened 15For, lo, I will call all the families of the kingdoms of the north, saith the LORD; and they shall come, and they shall set every one his throne at the entering of the gates of Jerusalem, and against all the walls thereof round about, and against all the cities of Judah. 16And I will utter my judgments against them touching all their wickedness, who have forsaken me, and have burned incense unto other gods, and worshipped the works of their own hands.

17¶ Thou therefore gird up thy loins, and arise, and speak unto them all that I command thee: be not dismayed at their faces, lest I confound thee before them.1.17 confound: or, break to pieces 18For, behold, I have made thee this day a defenced city, and an iron pillar, and brasen walls against the whole land, against the kings of Judah, against the princes thereof, against the priests thereof, and against the people of the land. 19And they shall fight against thee; but they shall not prevail against thee; for I am with thee, saith the LORD, to deliver thee.

Tagalog Contemporary Bible

Jeremias 1:1-19

1Ito ang mga mensahe ni Jeremias na anak ni Hilkia. Si Hilkia ay isa sa mga pari sa Anatot, sa lupain ng lahi ni Benjamin. 2Ibinigay ng Panginoon kay Jeremias ang kanyang mensahe noong ika-13 taon ng paghahari ni Josia sa Juda. Si Josia ay anak ni Ammon. 3Patuloy na nagbigay ng mensahe ang Panginoon kay Jeremias hanggang sa panahon ng paghahari ni Jehoyakim na anak ni Josia at hanggang sa ika-11 taon ng paghahari ni Zedekia na anak rin ni Josia. Nang ikalimang buwan ng taon na iyon, binihag ang mga taga-Jerusalem.

Ang Pagtawag kay Jeremias

4Sinabi sa akin ng Panginoon, 5Jeremias, bago kita nilalang sa tiyan ng iyong ina, pinili1:5 pinili: o, kilala. na kita. At bago ka isinilang, hinirang na kita para maging propeta sa mga bansa.”

6Sumagot ako, “Panginoong Dios, hindi po ako magaling magsalita, dahil bata pa ako.” 7Pero sinabi ng Panginoon sa akin, “Huwag mong sabihing bata ka pa. Kinakailangang pumunta ka saan man kita suguin, at sabihin ang anumang ipasasabi ko sa iyo. 8Huwag kang matakot sa mga tao sapagkat akoʼy kasama mo at tutulungan kita. Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito.”

9Pagkatapos, hinipo ng Panginoon ang mga labi ko at sinabi, “Ibinibigay ko sa iyo ngayon ang aking mga salitang sasabihin mo. 10Sa araw na ito binibigyan kita ng kapangyarihang magsalita sa mga bansa at mga kaharian. Sabihin mo na babagsak ang iba sa kanila at mawawasak, at ang iba naman ay muling babangon at magiging matatag.”

11Pagkatapos, tinanong ako ng Panginoon, “Jeremias, ano ang nakikita mo?” Sumagot ako, “Sanga po ng almendro.” 12Sinabi ng Panginoon, “Tama ka, at nangangahulugan iyan na nagbabantay1:12 nagbabantay: Ang Hebreo nito ay katunog ng salitang almendro. ako para tiyaking matutupad ang mga sinabi ko.” 13Muling nagtanong ang Panginoon sa akin, “Ano pa ang nakikita mo?” Sumagot ako, “Isang palayok po na kumukulo ang laman at nakatagilid ito sa gawing hilaga.” 14Sinabi ng Panginoon, “Tama, sapagkat may panganib mula sa hilaga na darating sa lahat ng mamamayan sa lupaing ito. 15Ipapadala ko ang mga sundalo ng mga kaharian mula sa hilaga para salakayin ang Jerusalem. Ilalagay ng kanilang mga hari ang mga trono nila sa mga pintuan ng Jerusalem.1:15 Ilalagay … ng Jerusalem: Ang ibig sabihin, ang mga hari mula sa hilaga ay may kapangyarihan na sa Jerusalem, dahil noon, sa mga pintuan ng bayan namamahala o humahatol ang mga hari. Gigibain nila ang mga pader sa palibot nito at ang iba pang mga bayan ng Juda. 16Parurusahan ko ang mga mamamayan ko dahil sa kasamaan nila. Itinakwil nila ako sa pamamagitan ng paghahandog nila ng insenso sa mga dios-diosan. At sinamba nila ang mga dios-diosan na sila lang din ang gumawa. 17Jeremias, ihanda mo ang sarili mo. Humayo ka at sabihin sa kanila ang lahat ng ipinapasabi ko sa iyo. Huwag kang matakot sa kanila. Sapagkat kung ikaw ay matatakot, lalo kitang tatakutin sa harap nila. 18Makinig ka! Patatatagin kita ngayon tulad ng napapaderang lungsod, o ng bakal na haligi o ng tansong pader. Walang makakatalo sa iyo na hari, mga pinuno, mga pari, o mga mamamayan ng Juda. 19Kakalabanin ka nila, pero hindi ka nila matatalo, dahil sasamahan at tutulungan kita. Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito.”