Hosea 14 – NIV & TCB

New International Version

Hosea 14:1-9

Repentance to Bring Blessing

In Hebrew texts 14:1-9 is numbered 14:2-10. 1Return, Israel, to the Lord your God.

Your sins have been your downfall!

2Take words with you

and return to the Lord.

Say to him:

“Forgive all our sins

and receive us graciously,

that we may offer the fruit of our lips.14:2 Or offer our lips as sacrifices of bulls

3Assyria cannot save us;

we will not mount warhorses.

We will never again say ‘Our gods’

to what our own hands have made,

for in you the fatherless find compassion.”

4“I will heal their waywardness

and love them freely,

for my anger has turned away from them.

5I will be like the dew to Israel;

he will blossom like a lily.

Like a cedar of Lebanon

he will send down his roots;

6his young shoots will grow.

His splendor will be like an olive tree,

his fragrance like a cedar of Lebanon.

7People will dwell again in his shade;

they will flourish like the grain,

they will blossom like the vine—

Israel’s fame will be like the wine of Lebanon.

8Ephraim, what more have I14:8 Or Hebrew; Septuagint What more has Ephraim to do with idols?

I will answer him and care for him.

I am like a flourishing juniper;

your fruitfulness comes from me.”

9Who is wise? Let them realize these things.

Who is discerning? Let them understand.

The ways of the Lord are right;

the righteous walk in them,

but the rebellious stumble in them.

Tagalog Contemporary Bible

Hosea 14:1-9

Ang Pakiusap ni Hoseas sa mga Taga-Israel

1Sinabi ni Hoseas: Mga taga-Israel, magbalik-loob na kayo sa Panginoon na inyong Dios. Napahamak kayo dahil sa inyong kasalanan. 2Magbalik-loob na kayo sa Panginoon at sabihin ninyo sa kanya, “Patawarin nʼyo po kami sa aming mga kasalanan. Tanggapin nʼyo po kami ayon sa inyong kabutihan upang makapaghandog kami sa inyo ng pagpupuri. 3Hindi na kami hihingi ng tulong sa Asiria at hindi na rin kami aasa sa mga kabayong pandigma. Hindi na rin namin tatawagin na aming Dios ang mga dios-diosang ginawa namin. Sapagkat kinaawaan nʼyo po kami na parang mga ulila.”

4Sinabi ng Panginoon, “Pagagalingin ko ang aking mga mamamayan sa kanilang pagkamasuwayin at taos-puso ko silang mamahalin. Sapagkat nawala na ang galit ko sa kanila. 5Pagpapalain ko ang mga taga-Israel; akoʼy magiging parang hamog sa kanila na nagbibigay ng tubig sa mga halaman. Sila ay uunlad gaya ng halamang liryong namumulaklak. Sila ay magiging matatag tulad ng puno ng sedro sa Lebanon na malalim ang ugat. 6Sila ay dadami na parang mga sangang nagkakadahon nang marami. Sila ay magiging tanyag na parang puno ng olibo na maganda at ng puno ng sedro ng Lebanon na mabango. 7Muli silang maninirahan na kinakalinga ko. Sila ay uunlad na parang trigong yumayabong o ubas na namumulaklak. At magiging tanyag sila na gaya ng alak ng Lebanon.

8“Mga taga-Israel,14:8 Israel: sa Hebreo, Efraim. Tingnan ang “footnote” sa 4:17. lumayo na kayo sa mga dios-diosan. Ako ang tutugon ng inyong mga dalangin at ako ang kakalinga sa inyo. Poprotektahan ko kayo; akoʼy magiging parang puno ng sipres14:8 puno ng sipres: sa Ingles, “pine tree.” na mayabong na magbibigay ng lilim. Ako ang nagpapaunlad sa inyo.”14:8 nagpapaunlad sa inyo: o, tumutugon sa inyong mga pangangailangan.

Huling Payo

9Nawaʼy malaman at maintindihan ng may pang-unawa ang mga nakasulat dito. Tama ang mga pamamaraan ng Panginoon at sinusunod ito ng mga matuwid, pero nagiging katitisuran ito sa mga suwail.