Exodus 12 – NIV & TCB

New International Version

Exodus 12:1-51

The Passover and the Festival of Unleavened Bread

1The Lord said to Moses and Aaron in Egypt, 2“This month is to be for you the first month, the first month of your year. 3Tell the whole community of Israel that on the tenth day of this month each man is to take a lamb12:3 The Hebrew word can mean lamb or kid; also in verse 4. for his family, one for each household. 4If any household is too small for a whole lamb, they must share one with their nearest neighbor, having taken into account the number of people there are. You are to determine the amount of lamb needed in accordance with what each person will eat. 5The animals you choose must be year-old males without defect, and you may take them from the sheep or the goats. 6Take care of them until the fourteenth day of the month, when all the members of the community of Israel must slaughter them at twilight. 7Then they are to take some of the blood and put it on the sides and tops of the doorframes of the houses where they eat the lambs. 8That same night they are to eat the meat roasted over the fire, along with bitter herbs, and bread made without yeast. 9Do not eat the meat raw or boiled in water, but roast it over a fire—with the head, legs and internal organs. 10Do not leave any of it till morning; if some is left till morning, you must burn it. 11This is how you are to eat it: with your cloak tucked into your belt, your sandals on your feet and your staff in your hand. Eat it in haste; it is the Lord’s Passover.

12“On that same night I will pass through Egypt and strike down every firstborn of both people and animals, and I will bring judgment on all the gods of Egypt. I am the Lord. 13The blood will be a sign for you on the houses where you are, and when I see the blood, I will pass over you. No destructive plague will touch you when I strike Egypt.

14“This is a day you are to commemorate; for the generations to come you shall celebrate it as a festival to the Lord—a lasting ordinance. 15For seven days you are to eat bread made without yeast. On the first day remove the yeast from your houses, for whoever eats anything with yeast in it from the first day through the seventh must be cut off from Israel. 16On the first day hold a sacred assembly, and another one on the seventh day. Do no work at all on these days, except to prepare food for everyone to eat; that is all you may do.

17“Celebrate the Festival of Unleavened Bread, because it was on this very day that I brought your divisions out of Egypt. Celebrate this day as a lasting ordinance for the generations to come. 18In the first month you are to eat bread made without yeast, from the evening of the fourteenth day until the evening of the twenty-first day. 19For seven days no yeast is to be found in your houses. And anyone, whether foreigner or native-born, who eats anything with yeast in it must be cut off from the community of Israel. 20Eat nothing made with yeast. Wherever you live, you must eat unleavened bread.”

21Then Moses summoned all the elders of Israel and said to them, “Go at once and select the animals for your families and slaughter the Passover lamb. 22Take a bunch of hyssop, dip it into the blood in the basin and put some of the blood on the top and on both sides of the doorframe. None of you shall go out of the door of your house until morning. 23When the Lord goes through the land to strike down the Egyptians, he will see the blood on the top and sides of the doorframe and will pass over that doorway, and he will not permit the destroyer to enter your houses and strike you down.

24“Obey these instructions as a lasting ordinance for you and your descendants. 25When you enter the land that the Lord will give you as he promised, observe this ceremony. 26And when your children ask you, ‘What does this ceremony mean to you?’ 27then tell them, ‘It is the Passover sacrifice to the Lord, who passed over the houses of the Israelites in Egypt and spared our homes when he struck down the Egyptians.’ ” Then the people bowed down and worshiped. 28The Israelites did just what the Lord commanded Moses and Aaron.

29At midnight the Lord struck down all the firstborn in Egypt, from the firstborn of Pharaoh, who sat on the throne, to the firstborn of the prisoner, who was in the dungeon, and the firstborn of all the livestock as well. 30Pharaoh and all his officials and all the Egyptians got up during the night, and there was loud wailing in Egypt, for there was not a house without someone dead.

The Exodus

31During the night Pharaoh summoned Moses and Aaron and said, “Up! Leave my people, you and the Israelites! Go, worship the Lord as you have requested. 32Take your flocks and herds, as you have said, and go. And also bless me.”

33The Egyptians urged the people to hurry and leave the country. “For otherwise,” they said, “we will all die!” 34So the people took their dough before the yeast was added, and carried it on their shoulders in kneading troughs wrapped in clothing. 35The Israelites did as Moses instructed and asked the Egyptians for articles of silver and gold and for clothing. 36The Lord had made the Egyptians favorably disposed toward the people, and they gave them what they asked for; so they plundered the Egyptians.

37The Israelites journeyed from Rameses to Sukkoth. There were about six hundred thousand men on foot, besides women and children. 38Many other people went up with them, and also large droves of livestock, both flocks and herds. 39With the dough the Israelites had brought from Egypt, they baked loaves of unleavened bread. The dough was without yeast because they had been driven out of Egypt and did not have time to prepare food for themselves.

40Now the length of time the Israelite people lived in Egypt12:40 Masoretic Text; Samaritan Pentateuch and Septuagint Egypt and Canaan was 430 years. 41At the end of the 430 years, to the very day, all the Lord’s divisions left Egypt. 42Because the Lord kept vigil that night to bring them out of Egypt, on this night all the Israelites are to keep vigil to honor the Lord for the generations to come.

Passover Restrictions

43The Lord said to Moses and Aaron, “These are the regulations for the Passover meal:

“No foreigner may eat it. 44Any slave you have bought may eat it after you have circumcised him, 45but a temporary resident or a hired worker may not eat it.

46“It must be eaten inside the house; take none of the meat outside the house. Do not break any of the bones. 47The whole community of Israel must celebrate it.

48“A foreigner residing among you who wants to celebrate the Lord’s Passover must have all the males in his household circumcised; then he may take part like one born in the land. No uncircumcised male may eat it. 49The same law applies both to the native-born and to the foreigner residing among you.”

50All the Israelites did just what the Lord had commanded Moses and Aaron. 51And on that very day the Lord brought the Israelites out of Egypt by their divisions.

Tagalog Contemporary Bible

Exodus 12:1-51

Ang Paglampas ng Anghel

1Sinabi ng Panginoon kina Moises at Aaron doon sa Egipto, 2“Mula ngayon, ang buwan na ito ang magiging unang buwan ng taon para sa inyo. 3Ipaalam ninyo sa buong kapulungan ng Israel na sa ikasampung araw ng buwan na ito, maghahanda ang bawat pamilya ng isang tupa o kambing. 4Kung maliit lang ang isang pamilya at hindi makakaubos ng isang tupa, maghati sila ng kapitbahay niya. Hatiin nila ito ayon sa dami nila at ayon sa makakain ng bawat tao. 5Kailangang piliin ninyo ang lalaking kambing o tupa na isang taon pa lang at walang kapintasan. 6Alagaan ninyo ito hanggang sa dapit-hapon nang ika-14 na araw ng buwan. Ito ang panahon na kakatayin ng buong kapulungan ng Israel ang mga hayop. 7Pagkatapos, kunin ninyo ang dugo nito at ipahid sa ibabaw at sa gilid ng hamba ng mga pintuan ng mga bahay na kakainan ninyo ng mga tupa. 8Sa gabing iyon, ang kakainin ninyoʼy ang nilitsong tupa, mapapait na gulay at tinapay na walang pampaalsa. 9Huwag ninyong kakainin nang hilaw o nilaga ang karne kundi litsunin ninyo ito nang buo kasama ang ulo, paa at mga lamang-loob. 10Ubusin ninyo ito, at kung may matira kinaumagahan, sunugin ninyo. 11Habang kumakain kayo, handa na dapat kayo sa pag-alis. Isuot ninyo ang inyong mga sandalyas at hawakan ang inyong mga baston, at magmadali kayong kumain. Ito ang Pista ng Paglampas ng Anghel na ipagdiriwang ninyo bilang pagpaparangal sa akin.

12“Sa gabing iyon, dadaan ako sa Egipto at papatayin ko ang lahat ng panganay na lalaki ng mga Egipcio pati na ang panganay ng kanilang mga hayop. Parurusahan ko ang lahat ng dios ng Egipto. Ako ang Panginoon. 13Ang dugong ipinahid ninyo sa hamba ng pintuan ninyo ang magiging tanda na nakatira kayo roon. Kapag nakita ko ang dugo, lalampasan ko ang bahay ninyo, at walang salot na sasapit sa inyo kapag pinarusahan ko ang Egipto.

14“Dapat ninyong tandaan ang araw na ito magpakailanman. Ipagdiwang ninyo ito taun-taon bilang pista ng pagpaparangal sa akin. Ang tuntuning itoʼy dapat ninyong sundin hanggang sa mga susunod pang henerasyon. 15Sa loob ng pitong araw, kakain kayo ng tinapay na walang pampaalsa. Sa unang araw, alisin ninyo ang lahat ng pampaalsa sa bahay ninyo, dahil ang sinumang kumain ng tinapay na may pampaalsa mula sa una hanggang sa ikapitong araw ay hindi ituturing na kabilang sa Israel. 16Sa una at sa ikapitong araw, magtipon kayo para sumamba sa akin. Huwag kayong magtatrabaho sa araw na iyon, maliban na lamang sa paghahanda ng pagkain na kakainin ninyo. Ito lang ang gagawin ninyo.

17“Ipagdiwang ninyo ang Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa, dahil magpapaalala ito sa inyo ng araw na inilabas ko ang bawat lahi ninyo mula sa Egipto. Ipagdiwang ninyo ito magpakailanman bilang tuntunin na dapat sundin hanggang sa mga susunod pang henerasyon. 18Simulan ninyong ipagdiwang ito sa dapit-hapon ng ika-14 na araw ng unang buwan hanggang sa dapit-hapon ng ika-21 araw. Kakain kayo ng tinapay na walang pampaalsa. 19Sa loob ng pitong araw, dapat walang makitang pampaalsa sa bahay ninyo. Ang sinumang kumain ng tinapay na may pampaalsa, katutubo na Israelita man o hindi ay ituturing na hindi na kabilang sa mamamayan ng Israel. 20Huwag na huwag kayong kakain ng tinapay na may pampaalsa sa panahon ng pista, saan man kayo nakatira.”

21Pagkatapos, ipinatawag ni Moises ang lahat ng tagapamahala ng Israel at sinabi, “Sabihin ninyo sa lahat ng pamilya ninyo na kumuha sila ng tupa o kambing at katayin nila para ipagdiwang ang Pista ng Paglampas ng Anghel. 22Patuluin ninyo ang dugo nito sa mangkok. Pagkatapos, kumuha kayo ng mga sanga ng isopo at isawsaw ito sa dugo, at ipahid sa ibabaw at gilid ng hamba ng pintuan ninyo. At walang lalabas sa mga bahay ninyo hanggang umaga. 23Dahil dadaan ang Panginoon sa Egipto para patayin ang mga panganay na lalaki ng mga Egipcio. Pero kapag nakita ng Panginoon ang dugo sa ibabaw at sa gilid ng hamba ng mga pintuan ninyo, lalampasan lang niya ang mga bahay ninyo at hindi niya papayagan ang Mamumuksa na pumasok sa mga bahay ninyo at patayin ang inyong mga panganay na lalaki.

24“Ang tuntuning itoʼy dapat ninyong sundin at ng inyong mga salinlahi magpakailanman. 25Ipagpatuloy pa rin ninyo ang seremonyang ito kapag nakapasok na kayo sa lupaing ipinangako ng Panginoon na ibibigay sa inyo. 26Kapag nagtanong ang mga anak ninyo kung ano ang ibig sabihin ng seremonyang ito, 27ito ang isasagot ninyo: Pista ito ng Paglampas ng Anghel bilang pagpaparangal sa Panginoon, dahil nilampasan lang niya ang mga bahay ng mga Israelita sa Egipto nang patayin niya ang mga Egipcio.”

Pagkatapos magsalita ni Moises, yumukod ang mga Israelita at sumamba sa Panginoon. 28At sinunod nila ang iniutos ng Panginoon kina Moises at Aaron.

29Nang hatinggabing iyon, pinatay ng Panginoon ang lahat ng panganay na lalaki sa Egipto mula sa panganay ng Faraon, na tagapagmana ng kanyang trono, hanggang sa panganay ng mga bilanggo na nasa bilangguan. Pinatay din niya ang lahat ng panganay ng hayop. 30Nang gabing iyon, nagising ang Faraon at ang kanyang mga opisyal, at ang lahat ng Egipcio. At narinig ang matinding iyakan sa Egipto, dahil walang bahay na hindi namatayan.

31Nang gabi ring iyon, ipinatawag ng Faraon sila Moises at Aaron at sinabi, “Umalis na kayo! Lisanin na ninyo ang aking bansa. Umalis na kayo at sumamba sa Panginoon, gaya ng ipinapakiusap ninyo. 32Dalhin ninyo ang mga hayop ninyo, gaya rin ng pakiusap ninyo at umalis kayo. Pero ipanalangin ninyo na kaawaan ako ng inyong Dios.”

33Pinagmadali ng mga Egipcio ang mga Israelita na umalis sa kanilang bansa, dahil sabi nila, “Kung hindi kayo aalis, mamamatay kaming lahat!” 34Kaya dinala ng mga Israelita ang mga minasa nilang harina na walang pampaalsa na nakalagay sa lalagyan. Ibinalot nila ito sa mga damit nila at pinasan. 35Sinunod ng mga Israelita ang sinabi sa kanila ni Moises na humingi sa mga Egipcio ng mga alahas na pilak at ginto, at mga damit. 36Niloob ng Panginoon na maging mabuti ang mga Egipcio sa mga Israelita, kaya ibinigay ng mga Egipcio ang mga hinihingi nila. Sa ganitong paraan, nasamsam nila ang mga ari-arian ng mga Egipcio.

37Naglakbay ang mga Israelita mula Rameses papuntang Sucot. Mga 600,000 lahat ang lalaki, hindi pa kabilang dito ang mga babae at mga bata. 38Marami ring mga dayuhan ang sumama sa kanila at marami silang dinalang hayop. 39Nang huminto sila para kumain, nagluto sila ng tinapay na walang pampaalsa mula sa minasang harina na dala nila galing sa Egipto. Hindi ito nalagyan ng pampaalsa dahil pinagmadali sila ng mga Egipcio na umalis at wala na silang panahong hintayin pa ang pag-alsa ng minasang harina.

40Nanirahan ang mga Israelita sa Egipto nang 430 taon. 41Sa huling araw ng 430 taon, umalis sa Egipto ang buong mamamayan ng Panginoon. 42Nang gabing umalis ang mga Israelita sa Egipto, binantayan sila ng Panginoon buong gabi. Kaya katulad ng gabing iyon taun-taon, magpupuyat ang lahat ng mga Israelita bilang pagpaparangal sa Panginoon at gagawin nila ito hanggang sa mga susunod pang henerasyon.

Ang mga Tuntunin tungkol sa Pista ng Paglampas ng Anghel

43Sinabi ng Panginoon kina Moises at Aaron, “Ito ang mga tuntunin tungkol sa Pista ng Paglampas ng Anghel:

“Hindi dapat kumain ang mga dayuhan ng mga pagkaing inihanda sa pistang ito. 44Makakakain ang lahat ng aliping binili kung natuli sila, 45pero hindi maaaring kumain ang mga upahang trabahador at ang mga dayuhan.

46“Dapat itong kainin sa loob ng bahay kung saan ito inihanda; hindi dapat ilabas ang karne sa bahay, at huwag babaliin ang buto nito. 47Dapat itong ipagdiwang ng buong mamamayan ng Israel.

48“Kung may dayuhan na naninirahang kasama ninyo na gustong makipagdiwang ng Pista ng Paglampas ng Anghel sa pagpaparangal sa Panginoon, kailangang tuliin ang lahat ng lalaki sa sambahayan niya. At maaari na siyang makasama sa pagdiriwang bilang isang katutubong Israelita. Pero hindi maaaring makipagdiwang ang taong hindi natuli. 49Ang tuntuning itoʼy para sa lahat – sa mga katutubong Israelita at sa mga dayuhang naninirahang kasama ninyo.”

50Sinunod ng lahat ng mga Israelita ang iniutos ng Panginoon kina Moises at Aaron. 51At nang araw na iyon, inilabas ng Panginoon ang bawat lahi ng Israel mula sa Egipto.