2 Kings 16 – NIV & TCB

New International Version

2 Kings 16:1-20

Ahaz King of Judah

1In the seventeenth year of Pekah son of Remaliah, Ahaz son of Jotham king of Judah began to reign. 2Ahaz was twenty years old when he became king, and he reigned in Jerusalem sixteen years. Unlike David his father, he did not do what was right in the eyes of the Lord his God. 3He followed the ways of the kings of Israel and even sacrificed his son in the fire, engaging in the detestable practices of the nations the Lord had driven out before the Israelites. 4He offered sacrifices and burned incense at the high places, on the hilltops and under every spreading tree.

5Then Rezin king of Aram and Pekah son of Remaliah king of Israel marched up to fight against Jerusalem and besieged Ahaz, but they could not overpower him. 6At that time, Rezin king of Aram recovered Elath for Aram by driving out the people of Judah. Edomites then moved into Elath and have lived there to this day.

7Ahaz sent messengers to say to Tiglath-Pileser king of Assyria, “I am your servant and vassal. Come up and save me out of the hand of the king of Aram and of the king of Israel, who are attacking me.” 8And Ahaz took the silver and gold found in the temple of the Lord and in the treasuries of the royal palace and sent it as a gift to the king of Assyria. 9The king of Assyria complied by attacking Damascus and capturing it. He deported its inhabitants to Kir and put Rezin to death.

10Then King Ahaz went to Damascus to meet Tiglath-Pileser king of Assyria. He saw an altar in Damascus and sent to Uriah the priest a sketch of the altar, with detailed plans for its construction. 11So Uriah the priest built an altar in accordance with all the plans that King Ahaz had sent from Damascus and finished it before King Ahaz returned. 12When the king came back from Damascus and saw the altar, he approached it and presented offerings16:12 Or and went up on it. 13He offered up his burnt offering and grain offering, poured out his drink offering, and splashed the blood of his fellowship offerings against the altar. 14As for the bronze altar that stood before the Lord, he brought it from the front of the temple—from between the new altar and the temple of the Lord—and put it on the north side of the new altar.

15King Ahaz then gave these orders to Uriah the priest: “On the large new altar, offer the morning burnt offering and the evening grain offering, the king’s burnt offering and his grain offering, and the burnt offering of all the people of the land, and their grain offering and their drink offering. Splash against this altar the blood of all the burnt offerings and sacrifices. But I will use the bronze altar for seeking guidance.” 16And Uriah the priest did just as King Ahaz had ordered.

17King Ahaz cut off the side panels and removed the basins from the movable stands. He removed the Sea from the bronze bulls that supported it and set it on a stone base. 18He took away the Sabbath canopy16:18 Or the dais of his throne (see Septuagint) that had been built at the temple and removed the royal entryway outside the temple of the Lord, in deference to the king of Assyria.

19As for the other events of the reign of Ahaz, and what he did, are they not written in the book of the annals of the kings of Judah? 20Ahaz rested with his ancestors and was buried with them in the City of David. And Hezekiah his son succeeded him as king.

Tagalog Contemporary Bible

2 Hari 16:1-20

Ang Paghahari ni Ahaz sa Juda

(2 Cro. 28:1-27)

1Naging hari ng Juda ang anak ni Jotam na si Ahaz nang ika-17 taon ng paghahari ng anak ni Remalia na si Peka sa Israel. 2Si Ahaz ay 20 taong gulang nang maging hari. Sa Jerusalem siya tumira, at naghari siya roon sa loob ng 16 na taon. Gumawa siya ng masama sa paningin ng Panginoon na kanyang Dios, hindi katulad ng ginawa ng kanyang ninuno na si David. 3Sumunod siya sa pamumuhay ng mga naging hari ng Israel, at kahit ang kanyang anak ay inihandog niya sa apoy. Ginaya niya ang mga kasuklam-suklam na ginawa ng mga bansang pinalayas ng Panginoon sa pamamagitan ng mga Israelita. 4Nag-alay siya ng mga handog at nagsunog ng mga insenso sa mga sambahan sa matataas na lugar, sa ibabaw ng bundok at sa ilalim ng bawat malalagong punongkahoy.

5Nakipaglaban sina Haring Rezin ng Aram at Haring Peka ng Israel kay Ahaz. Nilusob nila ang Jerusalem pero hindi nila ito nasakop. 6Nang panahong iyon, nabawi ni Haring Rezin ng Aram16:6 Haring Rezin ng Aram: sa teksto na Latin Vulgate, hari ng Edom. ang Elat sa pamamagitan ng pagpapalayas niya sa mga mamamayan ng Juda. At pumunta ang mga Arameo16:6 Arameo: Sa Septuagint at sa Latin Vulgate, Edomita. roon para manirahan at doon sila nakatira hanggang ngayon.

7Nagsugo ng mga mensahero si Ahaz para sabihin kay Haring Tiglat Pileser ng Asiria, “Lingkod mo ako at kakampi. Iligtas mo ako sa mga kamay ng hari ng Aram at ng hari ng Israel na lumulusob sa akin.” 8Kinuha ni Ahaz ang pilak at ginto sa templo ng Panginoon at mga kabang-yaman sa palasyo at ipinadala ito bilang regalo sa hari ng Asiria. 9Pumayag ang hari ng Asiria sa kahilingan ni Ahaz, kaya nilusob niya ang Damascus at sinakop ito. Dinala niya sa Kir ang mga naninirahan dito bilang mga bihag at pinatay niya si Rezin.

10Pagkatapos, pumunta si Haring Ahaz sa Damascus para makipagkita kay Haring Tiglat Pileser ng Asiria. Nang naroon na siya, may nakita siyang altar. Kaya pinadalhan niya ang paring si Uria ng plano ng altar kasama ang mga detalye sa paggawa nito. 11Gumawa si Uria ng altar ayon sa plano na ipinadala ni Ahaz at natapos niya ang altar bago makabalik si Ahaz galing Damascus. 12-13Pagdating ni Haring Ahaz mula sa Damascus, nakita niya ang altar. Lumapit siya dito at nag-alay16:12-13 nag-alay: sa literal, umakyat at nag-alay. ng handog na sinusunog at handog na pagpaparangal at ibinuhos niya sa altar ang handog na inumin at winisikan ng dugo ng hayop na handog para sa mabuting relasyon.16:12-13 handog para sa mabuting relasyon: Tingnan sa Talaan ng mga Salita sa likod. 14Pagkatapos, tinanggal niya ang lumang tansong altar na nasa presensya ng Panginoon. Ito ay nasa pagitan ng bagong altar at ng templo ng Panginoon at inilagay niya ito sa bandang hilaga ng bagong altar. 15Inutusan niya ang paring si Uria, “Gamitin mo ang bagong altar para sa pag-aalay ng mga handog na sinusunog tuwing umaga at mga handog ng pagpaparangal sa Panginoon tuwing gabi. Gamitin mo rin ito sa pag-aalay ng mga handog na sinusunog at handog ng pagpaparangal ng hari at ng mga tao, pati na rin ang kanilang mga handog na inumin. Iwisik mo sa bagong altar ang dugo ng handog na sinusunog at ng iba pang mga handog. Pero gagawin kong lugar na aking dalanginan ang tansong altar.” 16At ginawa nga ng paring si Uria ang lahat ng iniutos ni Haring Ahaz sa kanya.

17Pagkatapos, inalis ni Haring Ahaz ang mga dingding ng kariton at mga planggana na nasa ibabaw nito. Inalis rin niya ang malaking kawa ng tubig na tinatawag na Dagat sa likod ng mga tansong toro at inilagay ito sa patungang bato. 18Para masiyahan ang hari ng Asiria, inalis ni Ahaz sa palasyo ang bubong na ginagamit kung Araw ng Pamamahinga at isinara ang daanan ng mga hari ng Juda papasok sa templo.

19Ang iba pang salaysay tungkol sa paghahari ni Ahaz, at lahat ng ginawa niya ay nakasulat sa Aklat ng Kasaysayan ng mga hari ng Juda. 20Nang mamatay si Ahaz, inilibing siya sa libingan ng mga ninuno niya sa Lungsod ni David. At ang anak niyang si Hezekia ang pumalit sa kanya bilang hari.