King James Version

1 John 1:1-10

1That which was from the beginning, which we have heard, which we have seen with our eyes, which we have looked upon, and our hands have handled, of the Word of life; 2(For the life was manifested, and we have seen it, and bear witness, and shew unto you that eternal life, which was with the Father, and was manifested unto us;) 3That which we have seen and heard declare we unto you, that ye also may have fellowship with us: and truly our fellowship is with the Father, and with his Son Jesus Christ. 4And these things write we unto you, that your joy may be full.

5This then is the message which we have heard of him, and declare unto you, that God is light, and in him is no darkness at all. 6If we say that we have fellowship with him, and walk in darkness, we lie, and do not the truth: 7But if we walk in the light, as he is in the light, we have fellowship one with another, and the blood of Jesus Christ his Son cleanseth us from all sin. 8If we say that we have no sin, we deceive ourselves, and the truth is not in us. 9If we confess our sins, he is faithful and just to forgive us our sins, and to cleanse us from all unrighteousness. 10If we say that we have not sinned, we make him a liar, and his word is not in us.

Tagalog Contemporary Bible

1 Juan 1:1-10

Ang Salitang Nagbibigay ng Buhay na Walang Hanggan

1Ipinapahayag namin sa inyo ang tungkol sa kanya na mula pa sa simula ay nariyan na.1:1 nariyan na: o, nabubuhay na. Narinig namin siya, nakitaʼt napagmasdan ng sarili naming mga mata, at nahawakan pa namin siya. Siya ang Salita ng Dios na nagbibigay ng buhay na walang hanggan. 2Siya na pinagmumulan ng buhay na walang hanggan ay nahayag at aming nakita. Pinapatotohanan at ipinapahayag namin siya sa inyo, na sa simulaʼt simula pa ay kasama na ng Ama, at nagpakita sa amin. 3Ipinapahayag namin sa inyo ang nakita at narinig namin upang maging kaisa namin kayo sa Ama at sa kanyang Anak na si Jesu-Cristo. 4Isinusulat namin ito upang malubos ang aming1:4 aming: o, ating. kagalakan.

Ang Pamumuhay sa Liwanag

5Ito ang mensaheng narinig namin mula kay Jesu-Cristo at ipinapahayag naman namin sa inyo: Ang Dios ay liwanag at sa kanya ay walang anumang kadiliman. 6Kung sinasabi nating may pakikiisa tayo sa kanya ngunit namumuhay naman tayo sa kadiliman, nagsisinungaling tayo at hindi namumuhay nang ayon sa katotohanan. 7Ngunit kung namumuhay tayo sa liwanag, tulad ng Dios na nasa liwanag, may pagkakaisa tayo, at nililinis tayo ng dugo ni Jesus na kanyang Anak sa lahat ng kasalanan.

8Kung sinasabi nating wala tayong kasalanan, dinadaya natin ang ating sarili at wala sa atin ang katotohanan. 9Ngunit kung ipinagtatapat natin sa Dios ang ating mga kasalanan, maaasahan nating patatawarin niya ang ating mga kasalanan at lilinisin tayo sa lahat ng uri ng kasamaan dahil matuwid siya. 10Kung sinasabi nating wala tayong kasalanan, ginagawa nating sinungaling ang Dios, at wala sa atin ang kanyang salita.