箴言 知恵の泉 1 – JCB & TCB

Japanese Contemporary Bible

箴言 知恵の泉 1:1-33

1

箴言の目的と主題

1ダビデ王の子、イスラエルの王ソロモンの教え。

2-3ソロモン王がこの教訓を書いたのは、

人々がどんな時にも物事を正しく判断し、

公正であってほしいと考えたからです。

4「未熟な人たちが賢くなってほしい。」

「若い人が正しい生活を送るように注意したい。」

5-6「賢い人には、

これらの知恵のことばの深い真理をもっと探究し、

より賢くなり、

人々を指導できるようになってほしい。」

それが彼の願いでした。

序文――知恵を求め、悪者には警戒しなさい

7-9では、どうしたら賢く

なれるのでしょう。

まず主を信じ、主を大切にすることです。

愚かな人は主の教えをさげすみます。

両親の忠告に従いなさい。

そうすれば、あとになって

人々にほめられるようになります。

10もし悪い仲間が、「われわれの仲間に入れ」

と言っても、きっぱり断りなさい。

11「待ち伏せして人を襲い、

身ぐるみ巻き上げ、殺そう、

12正しい者も悪い者も見境なく。

13盗んだ物はわれわれのものだ。

あらゆる物が!

14さあ、仲間に入れ。山分けしよう」と誘われても、

15決してその誘いにのってはいけません。

そんな者たちには近寄らないようにしなさい。

16彼らは悪いことをするだけが生きがいで、

人殺しは彼らの専売特許なのです。

17鳥は罠が仕掛けられているところを見れば、

近寄りません。

18ところが、彼らは自分で自分を罠にかけているのです。

愚かなことに、罠をかけて

自分のいのちをつけねらっているのです。

19暴力をふるったり人殺しをしたりする者たちは、

みなこうなるのです。

彼らには悲惨な死が待っています。

知恵の勧め

20知恵は町の中で叫んでいます。

21大通りの群衆や法廷の裁判官、

そして国中の人に呼びかけます。

22「愚か者よ、いつまで聞き分けがないのか。

いつまで知恵をさげすみ、素直に真実を認めないのか。

23さあ、わたしの言うことを聞きなさい。

あなたに知恵の霊を注ぎ、賢くしよう。

24わたしは何度も呼んだのに、

あなたがたはそばに来ようともしなかった。

嘆願までしたのに、知らん顔をしていた。

25わたしの忠告にも叱責にも、耳を貸そうとしない。

26あなたがたには、いつか災いが起こる。

そのとき、わたしはあなたがたを笑う。

27災いが嵐のように襲いかかり、

恐れや苦しみに打ちのめされそうになるとき、

28そのときになって助けてくれと言っても、

わたしはあなたがたを助けない。

わたしを懸命に捜しても、もう遅い。

29それはあなたがたが真実から目をそむけ、

主を信頼せず、

30わたしの忠告を聞かずに、

やりたいことをやっていたからだ。

31あなたがたは、その報いを受けなければならない。

自分で選んだ道なのだから、十分苦しみ、

恐ろしい思いをするがいい。

32わたしをきらうとは、全く愚かな人たちだ。

一歩一歩死に近づいているのも知らずに、

いい気になっている。

33しかし、わたしに聞き従う人は、

何の心配もなく、毎日を平和に暮らす。」

Tagalog Contemporary Bible

Kawikaan 1:1-33

Ang Kahalagahan ng Kawikaan

1Ito ang mga kawikaan ni Solomon na anak ni David, hari ng Israel.

2Sa pamamagitan ng mga kawikaang ito, magkakaroon ka ng karunungan, maitutuwid mo ang iyong ugali at mauunawaan mo ang mga aral na magbibigay sa iyo ng karunungan. 3Sa pamamagitan din nitoʼy magiging disiplinado ka, dahil itinuturo nito ang matuwid na paraan ng pamumuhay, mabuting pag-uugali, paggawa ng tama, at pagiging makatarungan. 4Makapagbibigay ito ng karunungan sa mga walang kaalaman at sa kabataaʼy magtuturo ng tamang pagpapasya. 5Sa pakikinig nito, ang marunong ay lalong magiging marunong at ang may pinag-aralan ay magiging dalubhasa, 6upang maunawaan nila ang kahulugan ng mga kawikaan, mga talinghaga, at mga bugtong ng marurunong.

7Ang pagkatakot sa Panginoon na may paggalang ang simula ng karunungan. Ngunit sa hangal,1:7 hangal: Ang salitang ito ay palaging makikita sa aklat ng Kawikaan; ang ibig sabihin nito ay isang taong hindi pinapahalagahan ang Dios at ang kanyang mga utos. walang halaga ang karunungan at ayaw niyang maturuan upang maituwid ang kanyang pag-uugali.

Payo sa Pag-iwas sa Masamang Tao

8Anak, dinggin mo ang turo at pagtutuwid sa iyong pag-uugali ng iyong mga magulang, 9dahil itoʼy makapagbibigay sa iyo ng karangalan katulad ng koronang gawa sa bulaklak at makapagpapaganda katulad ng kwintas.

10Anak, huwag kang padadala sa panghihikayat ng mga taong makasalanan. 11Huwag kang sasama kapag sinabi nilang, “Halika, sumama ka sa amin! Mag-abang tayo ng sinumang papatayin kahit walang dahilan. 12Kahit nasa kasibulan pa ng kanilang buhay, patayin natin sila para matulad sila sa mga taong pumunta sa lugar ng mga patay. 13Makakakuha tayo sa kanila ng mga mamahaling ari-arian, at pupunuin natin ang ating mga bahay ng ating mga nasamsam. 14Sige na, sumama ka na sa amin, at paghahatian natin ang ating mga nasamsam.”

15Anak, huwag kang sumama sa kanila; iwasan mo sila. 16Sapagkat mabilis sila sa paggawa ng masama at sa pagpatay ng tao. 17Walang kabuluhan ang paglalagay ng bitag kung ang ibong iyong huhulihin ay nakatingin. 18Alam ng ibon na mahuhuli siya, pero ang taong masasama, hindi nila alam na sila rin ang magiging biktima ng ginagawa nila.

19Ganyan ang mangyayari sa mga taong ang ari-arian ay nakuha sa masamang paraan. Mamamatay sila sa ganoon ding paraan.

Kapag Itinakwil ang Karunungan

20-21Ang karunungan ay katulad ng isang mangangaral na nagsasalita sa mga lansangan, plasa, pamilihan, at mga pintuang bayan. Sinasabi niya,

22“Kayong mga walang alam,

hanggang kailan kayo mananatiling ganyan?

Kayong mga nanunuya, hanggang kailan kayo matutuwa sa inyong panunuya?

Kayong mga hangal, hanggang kailan ninyo tatanggihan ang karunungan?

23Pakinggan ninyo ang pagsaway ko sa inyo.

Sasabihin ko sa inyo kung ano ang iniisip ko.

Ipapaalam ko sa inyo ang aking sasabihin laban sa inyo,

24sapagkat hindi ninyo pinansin ang panawagan ko na lumapit kayo sa akin,

25at binalewala ninyo ang lahat ng payo ko at pagsaway.

26-27Pagtatawanan ko kayo kapag napahamak kayo;

kukutyain ko kayo kapag dumating sa inyo ang paghihirap at mga pangyayaring nakakatakot gaya ng ipu-ipo at bagyo.

28Tatawag kayo sa akin, ngunit hindi ko kayo sasagutin.

Hahanapin ninyo ako ngunit hindi ninyo ako makikita.

29Dahil ayaw ninyo na tinuturuan kayo at wala kayong takot sa Panginoon.

30Tinanggihan ninyo ang mga payo ko at minasama ang aking pagsaway sa inyo.

31Kaya aanihin ninyo ang bunga ng inyong mga ginagawa at pinaplanong masama.

32Sapagkat ang katigasan ng ulo ng mga taong walang karunungan ang papatay sa kanila,

at ang pagsasawalang-bahala ng mga hangal ang magpapahamak sa kanila.

33Ngunit ang taong nakikinig sa akin ay mabubuhay ng matiwasay,

ligtas siya sa panganib at walang katatakutan.”