Psalmen 44 – HTB & TCB

Het Boek

Psalmen 44:1-26

1Voor muziekbegeleiding. Van de zonen van Kore; een leerdicht. O God, wij hebben het met eigen oren gehoord, Onze vaderen hebben het ons verteld, Wat Gij gedaan hebt in hun dagen, Met eigen hand in vroeger tijd. 2Naties hebt Gij uitgeroeid om hèn te planten, Volkeren geveld, om hèn te doen groeien. 3Neen, niet met hun zwaard namen zij bezit van het Land, Niet hun arm bracht hun zege: Maar het was uw rechterhand en uw arm En het licht van uw aanschijn, omdat Gij ze lief hadt. 4Gij waart het, mijn Koning en God, Die Jakob de zege verleende; 5Met úw hulp sloegen wij onze vijanden neer, Door úw Naam trapten wij onze haters tegen de grond; 6Neen, ik heb niet vertrouwd op mijn boog, En mijn zwaard kon de zege niet schenken. 7Maar Gij hebt ons van onze verdrukkers verlost, En onze haters te schande gemaakt; 8In God mochten we steeds blijven roemen, En uw Naam in eeuwigheid prijzen! 9Maar nú hebt Gij ons verstoten, ons te schande gemaakt, En trekt niet meer met onze heirscharen op; 10Gij laat ons vluchten voor onze verdrukkers, En onze haters roven ons leeg! 11Gij levert ons als slachtvee uit, En verstrooit ons onder de naties; 12Verkoopt uw volk voor een spotprijs, En geeft het bijna voor niet! 13Gij maakt ons tot smaad onzer buren, Tot spot en hoon voor die ons omringen; 14Gij laat de heidenen over ons schimpen, De volkeren meewarig het hoofd over ons schudden. 15Mijn schande staat mij altijd voor ogen, En de schaamte bedekt mijn gelaat, 16Om de praatjes van schimper en spotter, Om de blik van vijand en hater. 17En dit alles trof ons, ofschoon wij U niet hebben vergeten, En uw Verbond niet hebben verbroken. 18Ons hart is niet afvallig geworden, Onze schreden dwaalden niet af van uw pad; 19Toch hebt Gij ons naar het oord der jakhalzen verwezen, En ons met de schaduw des doods overdekt. 20Of, hadden wij de Naam van onzen God soms vergeten, Onze handen naar vreemde goden geheven: 21Zou God het misschien niet hebben geweten, Hij, die de hartsgeheimen doorgrondt? 22Neen, om Uwentwil blijft men ons wurgen, En worden wij als slachtvee behandeld! 23Sta op dan; waarom zoudt Gij slapen, o Heer! Ontwaak; blijf ons niet altijd verstoten! 24Waarom zoudt Gij uw aanschijn verbergen, Onze nood en ellende vergeten? 25Want onze ziel ligt gebukt in het stof, En ons lichaam kleeft vast aan de grond. 26Sta op, ons te hulp! Red ons om wille van uw genade!

Tagalog Contemporary Bible

Salmo 44:1-26

Salmo 4444 Salmo 44 Ang unang mga salita sa Hebreo: Ang “maskil” na isinulat ng mga anak ni Kora para sa direktor ng mga mang-aawit.

Dalangin para Iligtas ng Dios

1O Dios, narinig namin mula sa aming mga ninuno

ang tungkol sa mga ginawa nʼyo sa kanila noong kanilang kapanahunan.

Matagal nang panahon ang lumipas.

2Ang mga bansang hindi naniniwala sa inyo

ay pinalayas nʼyo sa kanilang mga lupain at pinarusahan,

samantalang ang aming mga ninuno ay itinanim nʼyo roon at pinalago.

3Nasakop nila ang lupain,

hindi dahil sa kanilang mga armas.

Nagtagumpay sila hindi dahil sa kanilang lakas,

kundi sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan, pagpapala at kakayahan,

dahil mahal nʼyo sila.

4O Dios, kayo ang aking Hari na nagbigay ng tagumpay sa amin na lahi ni Jacob.

5Sa pamamagitan nʼyo pinatumbaʼt tinapak-tapakan namin ang aming mga kaaway.

6Hindi ako nagtitiwala sa aking espada at pana upang akoʼy magtagumpay,

7dahil kayo ang nagpapatagumpay sa amin.

Hinihiya nʼyo ang mga kumakalaban sa amin.

8O Dios, kayo ang lagi naming ipinagmamalaki,

at pupurihin namin kayo magpakailanman.

9Ngunit ngayoʼy itinakwil nʼyo na kami at inilagay sa kahihiyan.

Ang mga sundalo namin ay hindi nʼyo na sinasamahan.

10Pinaatras nʼyo kami sa aming mga kaaway,

at ang aming mga ari-arian ay kanilang sinamsam.

11Pinabayaan nʼyong kami ay lapain na parang mga tupa.

Pinangalat nʼyo kami sa mga bansa.

12Kami na inyong mga mamamayan ay ipinagbili nʼyo sa kaunting halaga.

Parang wala kaming kwenta sa inyo.

13Ginawa nʼyo kaming kahiya-hiya;

iniinsulto at pinagtatawanan kami ng aming mga kalapit na bansa.

14Ginawa nʼyo kaming katawa-tawa sa mga bansa,

at pailing-iling pa sila habang nang-iinsulto.

15Akoʼy palaging inilalagay sa kahihiyan.

Wala na akong mukhang maihaharap pa,

16dahil sa pangungutya at insulto sa akin ng aking mga kaaway na gumaganti sa akin.

17Ang lahat ng ito ay nangyari sa amin

kahit na kami ay hindi nakalimot sa inyo,

o lumabag man sa inyong kasunduan.

18Hindi kami tumalikod sa inyo,

at hindi kami lumihis sa inyong pamamaraan.

19Ngunit kami ay inilugmok nʼyo at pinabayaan sa dakong madilim na tinitirhan ng mga asong-gubat.44:19 asong-gubat: sa Ingles, “jackal.”

20O Dios, kung kayo ay nakalimutan namin,

at sa ibang dios, kami ay nanalangin,

21hindi baʼt iyon ay malalaman nʼyo rin?

Dahil alam nʼyo kahit ang mga lihim sa isip ng tao.

22Ngunit dahil sa aming pananampalataya sa inyo,

kami ay palaging nasa panganib ang aming buhay.

Para kaming mga tupang kakatayin.

23Sige na po, Panginoon! Kumilos na kayo!

Huwag nʼyo kaming itakwil magpakailanman.

24Bakit nʼyo kami binabalewala?

Bakit hindi nʼyo pinapansin ang aming pagdurusa at ang pang-aapi sa amin?

25Nagsibagsak na kami sa lupa at hindi na makabangon.

26Sige na po, tulungan nʼyo na kami.

Iligtas nʼyo na kami dahil sa inyong pagmamahal sa amin.